KaBlogs – Ang Pagpapakilala

Sa lahat ng nag iisip, nagulat, nagtataka at nagtatanong kung bakit nagkaruon ng awarding ang KaBlogs…Xensya na, di ko rin alam eh…maski ako nagulat at may post akong tungkol sa awarding, hehehe jowk lang syempre…

Ang KaBlogs ay isang Blog Aggregator o nagsisilbing directory ng mga OFW Bloggers saan mang sulok ng mundo…Patuloy na namamayagpag(ano raw?!!!) ang KaBlogs dahil na rin sa Elite Team at Volunteers na walang sawang tumutulong at gumagawa sa abot ng kanilang makakaya na walang hinihintay na kapalit..

Layunin ng KaBlogs na mapagkaisa ang lahat ng OFW Bloggers ng sa gayun maging daan ito upang makatulong ang KaBlogs sa iba pang nangangailangan kahit sa napakasimpleng paraan. Ng dahil sa mga OFW Bloggers naihahatid namin sa iba ang mga bakanteng trabaho sa iba’t ibang bansa…Ng dahil din sa OFW Bloggers, mas madali para sa bumubuo ng KaBlogs Team na magbigay tulong sa lahat ng OFW nangangailangan ng tulong at ito ay sa pamamagitan ng Help Center . Sa mga susunod na proyekto ng Help Center, asahan nyong para ito sa mga mas nangangailangan sa Pinas.

Upang magpatuloy ang nasimulang layunin ng KaBlogs, kailangan ng grupo ng suporta na manggagaling sa lahat ng blogero OFW man o Hindi, hindi naman nabigo ang KaBlogs dito, OFW man o hindi masaya silang patuloy na sumsuporta sa KaBlogs

At upang mapasalamatan ang ipinakitang pagsuporta ng mga OFW/NON-OFW Bloggers sa KaBlogs, Nagkaruon ng surpresa ang grupo na pinaghandaan ng ilang buwan, at ito’y naging matagumpay dahil na rin sa tulong ng mga volunteers, at ito nga ang naganap na awarding na ikinagulat ng karamihan…

Ang awarding na naganap ay pinagplanuhang maige upang ang mga blogerong patuloy na sumusuporta sa KaBlogs ay maparangalan sa kakaibang husay sa iba’t ibang kategorya…Ilang buwan ang ginugol ng Elite Team at Volunteers upang mapaghandaan ang lahat, isang buwan mahigit para sa nominasyon at isang araw para sa awarding…

Sa mga nagtataka kung paano nagkaruon ang isang blogero na award, simple lang po…Isa sila sa walang sawa at patuloy na sumusuporta sa layunin ng KaBlogs, Paano? napakasimple rin po, kailangan nyo lang i-display ang logo ng KaBlogs sa inyong pahina, at i-inform ang KaBlogs na isa kayo sa sumusuporta dito…

At kung gusto nyong makasama sa iba pang proyekto ng KaBlogs gaya ng Awarding, Suportahan na po natin ang KaBlogs! Kunin at idisplay ang logo ng KaBlogs sa inyong pahina…

OFW/EXPAT BLOGGERS?

NON-OFW BLOGGERS?



ADVERTISEMENTS

Comments

  1. melai says

    done… matagal na panahon na ang nakakaraan :)… maraming salamat ulit sa kablogs, kahit na hiatus may award pa rin ako 🙂

  2. Kosa says

    Pareng CM, asan na ang badge ko? lols
    pwede bang pakisend sa akin?
    hahaha.. di ko alam ang email add mo.. taena.. di ko alam kung kanino sa kanino ko kukunin..

    ako? forever KABLOGS..pramis!

    **************

    Arvin Dela Pen..(watever)**

    parekoy, bakit naman dito ka nagpapaputok ng kung anu ano?
    my blog ka di ba?
    dun ka magwala…lols

    taena pasensya na sa pangingialam.. parang hindi ko lang alam kung anu ang problema mo at dito ka nagrereklamo..lols

    Para sa karamihan, personal ang gamit ng blog para sa kanila.. depende sa mood at depende sa intensyon.

    ikaw kung tula at kwento lang ang isusulat mo, ayus lang yan! kung may nangungutya man sa ginagawa mo, ayus lang yan… hindi paligsahan ang pagbablog. tulad ko at ng karamihan, bisyo o di kaya palipasan lang ang blog. pwede ring sumbungan o talaarawan lang..

    taena.. pasensya na sa pangingialam.. pakramdam ko kase inaaway mo si Pareng CM .lols

  3. patola says

    kuya cm.. naadd ko na po yung logo ng kablogs.. ahmmm.. hehehe.. sana may maitulong ako.. ano nga pala maitutulong ko? hehehehe

    hala.. si arvin…. haizzz.. wui arvin… ok lang yan… we cannot please everyone O_o

  4. E??su?J says

    uhmmm…

    hangagaling pare….
    ayun pala yung KABLOGS…
    yun ba yung KABLOGS?
    more projects to come
    (wag lang magki-xmas light ang connection ng net ko habang may confe.) ^^,
    salamat sa suporta ng bawat isang volunteer at syempre pa sa bumubo ng Elite Group *group hug*

    ———>
    takte…
    ayukong makipagpataasan ng ihi sa ibang blogero…

    ang sa akin lang (hihiramin ko ang paboritong linya ni biiba)

    "I write to express not to impress"

    Kaya hindi ako aangal ng bonggang bongga..
    Titignan ko na lang ang listahan ng posts ko.
    At baka mas may SENSE pa nga ang kwento ng iba tungkol sa pagkain at mga kung anu-anong eklavu nila sa buhay kesa sa maalamat na mga tula ko tungkol sa iba't ibang babae.

    (ayan, nakalimutan ko tuloy na babae ako..hahaha)

  5. HARI NG SABLAY says

    kablogs salamat ulit, mabuhay kayo! mabuhay tayo!

    teka si pareng arvin ano nananaman ang problema?haha

  6. A-Z-E-L says

    congrats sa successful event LordCM. ngayon, alam ko patuloy tyaong dadami na parang gremlins… kaya sana ay makayanan ng KABLOGS site administrator ang pag-aadd ng mga bagong blogsites.. hehehehe…

    sa pagdami natin, sana ay patuloy nating abutin ang mga magagandang hangarin ng grupo. sama-sama tayo. pagtulung-tulungan natin.

    _______________________________

    iritable ako pero… wapakels!!! sayang ang moment of success na ito kung hindi natin isa-savor…

    congrats sa ating lahattttt!!!

  7. BlogusVox says

    Bakit kaya merong bloggers na sa blog ng iba inilaladlad ang mga personal na suliranin at hindi sa sariling blog?

    Maihahalintulad ito sa isang taong hindi mo kaano-ano at bigla ka na lang kwentohan ng kanyang mga problema sa buhay. Nakaka-asiwa, hindi ba?

  8. Lord CM says

    @Melai..
    Walang anuman po Melai, at salamat din sa pagsuporta 🙂

    @Superjaid…
    Salamat sayo, kayo ni Jepoy ang una kong naisip na sabihan nito eh, kasi masyado kayong active sa blogsphere 🙂

    @Kosa…
    Napadala na parekoy!!! 😀

    Puso mo pre, okey lang yan..wala namang kwenta eh lolzz

    @Marco…
    May bayad yun parekoy hehehe

    @Patola…
    marami ka maitutulong, hintay ka lang 😀

    @Life Moto…
    Darami na nasa blogroll mo nyan pre pag inikutan mo ang buong kablogs 😀

    @jen…
    Hehehe 😀 KaBlog-gin kita eh!!! lolzz sige na group hug na…

    Nga pala, sino nagtataas ng ihi? lolzz

    @HNS…
    Mabuhay tayong lahat parekoy 😀

    Bka nabasted lang yan at kelangan ng kausap, kausapin mo nga pre 😀

    @AZEL…
    Kaya yan AZEL…masisipag ang Elite Team, at gaya ng sabi mo halos di nagkakaiba ang edad ng mga myembro kaya KAYA pa nila yan 😀

    @Blogusvox…
    Yun na nga pre, at blog ko pa ang napili para ankinin nyang parang kanya ang pahina ko lolzz may sarili naman syang blog hindi duon magwala

  9. ?superjaid? says

    Ganun ba kuya?tats naman ako,^__^ nailagay ko na pala ung badge sa sidebar ko,ahihi ? ang cute nung badge, parang flag ng pinas, love it!

  10. DETH says

    ahahaha…anong kaguluhan ito, hehehe (syempre nahuli ako di ko na nabasa…)

    nweiz…Mabuhay ang KaBlogs:D
    Salamat sa napakasipag na prexy at KaBlogs elite group at sa lahat ng supporters!

  11. violetauthoress says

    kamusta na LordCM ^_^

    matagal akong nawala… pagbalik ko parang medyo magulo ata… hindi ko alam yung issues ni arvin kasi deleted na yung comments n'ya ata pero mukhang marami ang hindi sumasang-ayon sa punto n'ya.

    maiba ako… more power sa ka-blogs ^_^
    patuloy na sumusuporta ang "Silip…" dito ^_^

    ayun muna… ingat-ingat!

  12. chikletz says

    anu ba yan.. kakauwi ko lang. walang wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. haha! anung gulo ang ginawa ni arvin?? tsk tsk..

    anyway.. i proudly support KaBlogs!!

  13. ? Gello - kun` says

    syempre, gusto ko rin magpasalamat sa bumubuo ng KaBlogs dahil sa natanggap kong award.

    patuloy na sinusuportahan at susuportahan ang KaBlogs 🙂

  14. Lord CM says

    Salamat sa lahat ng dumaan at sa patuloy na pagsuporta sa layunin ng KaBlogs…

    Dahil sa suporta nyo patuloy rin kaming gagawa ng mga proyekto para sa lahat at sa mas nangangailangan…

  15. Dyi says

    huli man daw ay huli pa rin! lolz! nakatulog kase ako sa pansitan! nyahahaha!

    nag isip pa kase ako ng sasabihin ko e! may nabasa kase akong nakakainis tlga pero tulad ng sinabi ni azel e wapakels! sayang ang moment of success!

    natatawa ako sayo CM! lolz! (ssshhhh…alam mo na kung ano ung nakakatawa! lolz!)

    _______________

    ayan ang Kablogs!
    ang daming napasaya dito sa blogsphere dahil nagtagumpay ang Kablogs Team.
    more power at success at sympre more projects pa 🙂
    mabuhay ang Kablogs! 🙂

  16. The Pope says

    Kumakatok sa iyong pintuan hatid ay kapayapaan. Nawa'y pagkakaunawaan ang mamayani sa bawa't kapwa blogger sa malawak na daigidg ng sapot.

    Pag-ibig, kapayaan at pagkakaunawaan ang ating laging isaalang alang sa bawa't isa.

    Mabuhay ang KABLOGS.
    Mabuhay ang mga Pilipinong Blogista.

  17. poging (ilo)CANO says

    may giyera sa taas ah!.ano yan buhay pa siya?haha..sayang hindi ko naabutan..tsk..tsk..

    ah! basta! kasapi ako sa kablogs..lolz

    huli man ay pogi parin…toinkz..

  18. Chyng says

    ikaw ba ang founder nyan? ang layo na ng narating ng blog mo sa pag-unite ng mga bloggers. pwede ka ng National Artist. chos!

    salamat sa sinabe mo sa latest entry ko. it was heartfelt. ;D

  19. PinkNote says

    Ang Kablog ay di na magigiba…

    kahit sino pa ang manira..hihi

    Mabuhay ka LordCM, mabuhay ang bumubuo ng Kablogs! Teehee!!

  20. Jepoy says

    Andito na si Jepoy. Pwede ba kong sumali dito kahit hindi ako OW-EP-DABALYU?! Oo nabasa ko ang entry mo gusto ko lang tanungin ulet 😀 Baka kasi hindi ako welcome e (GUmaganown pa!)

  21. Arvin U. de la Pe?a says

    Lordcm ginagalang po kita. Ang sa akin lang ay bakit di mo itrace si bazooka, si anonymous, at anonymous 2 na nag memessage sa blog ko ng di maganda. Hahanga ako sa kagalingan mo kung magagawa mo iyan..marami pong salamat sa iyo..ikagagalak ko po kung magawa niyo iyan..kung hindi man ay okey lang..at ako lang ba ang taga tacloban na blogger. ang dami kayang komokunek sa bayan tel ng tacloban na mula sa ibang lugar. di po ako nakikipag-away..gusto ko lang ma clear ang lahat sino ang ang mga iyon na nagmemessage..

  22. Arvin U. de la Pe?a says

    lubos akong magagalak sa iyo lordcm kung masasabi mo sa akin kung sino ang bazooka na iyon, si anonymous, at anonymous 2..salamat..

  23. PinkNote says

    Alam mo Arvin, gusto kong maawa sayo kaya lang dahil sa ginawa mo ngayon diko mapigilang magalit. wag mo kaming gawing tanga please lang.. wag mo ipasa ang kalokohan mo sa iba.ang ip address ay orihinal, para yang fingerprints para sa iyong kaalaman.unless you know how to use proxy…but i guess you do not dahil nga nakakapagrason ka ng ganyan at ni hindi mo matrace mga critics mo. and after what you've done, you still have the guts to ask LordCM a favor?para kang nang-uuto.

    i followed you since pumunta ka rin sa blog ko at nagcomment. you jumped from diff blogs..nagulat ako sa comment mo kay LordCm,pagbalik ko sa blog ko after ko magcomment dito may iniwan kana ring comment sa blog ko.

    Arvin, nagkakamali ka ng binabangga. kung alam mo lang kung panu ka natrace, mahihiya ka sa mga nirarason mo na maraming bloggers na taga tacloban at maraming gumagamit ng bayantel.

  24. Jepoy says

    OMG! Anung kaguluhan to? Mag mahalan tayong lahat sapagkat mahal tayo Ni Papa Jesus… Wag na tayong mag Anonymous Message shoutbox at mandamay ng ibang link. YUn lang po.

    Excess: LordCM nakiextra lang si Jepoy dito 😀

  25. Mr. Thoughtskoto says

    Sa gitna ng putukan, ako nagpapasalamat sa lahat ng mga supporters ng KABLOGS.

    Putukan ba ito ng celebration sa PEBA or sa KABLOGS awarding or sa Bocaue? haha

    Anyways, ito recommend ko para sa lahat lalo na kay Arvin.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Blogger's_Code_of_Conduct

    Ang KABLOGS ay grupo ng mga bloggers sa abroad and mga supporter ng OFW sa Pinas. Please don't drag the group to some pity acts and comments. We have nothing to do with your personal quarrels and stalking of the pretty ladies in the blogosphere who happen to be members of KABLOGS.

    I will truly appreciate it. Thanks.

  26. Dhianz says

    bagong post moh toh kuyah? ba't nde koh napansin…. pano bah mag-join… naks jo-join daw.. parang ang saya lang kc… eniweiz yeah… nakikomentz… =)

    Godbless! -di

  27. SEAQUEST says

    Ang masasabi ko lang eh masaya sa pagiging kablogs at okey naman na suportahan dahil mabuti ang layunin, on the second hand, yung isang nageepal eh wala akong ma "say" kung dedmahin nio na lang yan….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *