Hiram…

Alam mo lahat naman ng tao ganyan ang isip pag nagmahal, na kesyo “Sya” na panghabambuhay, na wala nang makakapaghiwalay sa kanila, pero sana naisip din natin na lahat ng bagay nagbabago kahit pagmamahal pa yan…lahat ng bagay hindi permanente…ang tutuo nga maski buhay natin hiram lang eh…kaya kahit masakit dapat sa una pa lang asahan na natin ang ganung pangyayari..

Kaya tama ka, in-enjoy mo ung mga araw na kasama mo sya at least may kabuluhuhan ung namagitan sa inyo 🙂

Wala na yata talaga akong maisip na i-post…Isa na naman itong kumento sa isang blogero, pagpasensyahan nyo na at maghalungkat sa comment box ang trip ko ngayon…gusto ko lang share sa inyo…

Wag kayong mag alala, sabi nga ni Hari ng Sablay sa kanyang entry, Gwapo’t maganda raw ang nagtetext, nagba-blog o nagko-comment ng bitin…Kaya etong darating na lunes may surpresa kami sa inyo, sa lahat ng sumusuporta sa ano, at patuloy na inaaangat ang ano, may kaunting pasasalamat kaming iaaalay sa inyo, upang kayo’y maging ano…dahil

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. =supergulaman= says

    ayun sakto ang pagbalik ko…una ako ngayon…wooot…. 🙂

    …walang permante sa mundo lahat nagbabago…i-enjoy ang moment ika nga… pero walang enerhiya sa mundo o sa buong kalawakan ang nasasayang…hindi tayo mawawala, hanggang nandun ang pagmamahal sa puso ng bawat isa….

  2. ?superjaid? says

    tama..there is really nothing permanent in this world except change..pero bakit ganun lagi na lang bitin ang mga post nyo dahil ba

  3. The Pope says

    Na-excite ako sa ihahandog mong "ano", para sa mga tao ba yan na "ano"?

    Nakakatuwa "ano", hahahaha.

    Sa kabila ng aking pagod ay pinasasaya mo pa rin ako, "ano"?

  4. manik_reigun says

    korek. sabi nga ng bilyon bilyong tao, ang tanging permanente lang sa universe ay change.

    kaya tungkol sa ano mo, nakakaano naman yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *