Halungkat Series No. 002

Wala akong maisip na post sa ngayon…kaya nag ikot muna ako at sinubukang kunin muli ang mga comment ko sa iba’t ibang blogero. Paalam sa mga nakunan ko nang comment, baka kasi magalit eh, hehehe…Share lang natin sa iba baka sakaling makatulong…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Masarap ang pakiramdam
kung mapatawad mo ang isang tao
ng dahil sa pagmamahal,
di ko lang alam kung anong pakiramdam
kung sa susunod na pagpapatawad ay
ang nakaraang pagkakamali NA NAMAN ang dahilan…
masarap pa rin kaya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Eto na lang pre,
kung talagang mahal mo ipaglaban mo,
wag kang susuko at walang goodbye,
pero tandaan mo rin na
ang lahat ng bagay may limitasyon,
kung kinakailangang tumigil,
tumigil ka, magpahinga
at ipagpatuloy muli ang buhay,
o kung maaari pa eh bagong buhay,
bagong simula…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

May mga bagay na kelangan
mong umpisahan sa napakasimpleng paraan
para maabot mo ito ng walang kahirap hirap

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

bro… panu ba kasi ang magmahal
sa puso lang at sa utak?

Simple lang naman diba?,
pag naramdaman mong mahal mo isang tao,
mag isip ka kung anong kakahinatnan
kung kayo’y magkatuluyan…
Pag naramdaman mong mahal mo sya,
wag ka agad susugod,
mag isip ka ng paraan
para makilala mo sya ng lubusan,
para ung sinasabi mong pagmamahal
eh mapatunayan mo sa iyong sarili,
kasi minsan ung pagmamahal natin
nababago dahil sa mga nalalaman
natin sa ating minamahal..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kung titingnan mo,
pagmamahal lang sana ok na eh,
kahit sabihin mong hindi mo ginamitan ng utak…
Kc cgurado pag nagmahal ka,
ung tunay na pagmamahal ha…
malamang gawin mo lahat
para sa ikakaganda ng relasyon nyo…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pahinga muna pre,
may tamang oras para sa bawat bagay…
di pa siguro ngayon,
malay mo bukas okey na lahat..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan muna pansamantala…pag sinipag uli akong maghalungkat sa comment box nyo gagawin ko, para mai-share sa iba…at sana may nakuha kayo kahit konti 🙂
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Kosa says

    hahaha.
    kakaiba ahhhh.
    inspiring!

    magaya nga rin ito mamaya kapag wala akong napiga sa utak ko.

    kitakits parekoy

  2. Lord CM says

    @Kosa…
    At dahil nauna ka parekoy, una rin kitang rereplayan 😀 …

    Try mo pre, kaso ang hirap maghalungkat sa comment box ng iba…

    @Marco…
    Hehehe 😀 Tamang reminisce ba? anong reminisce? lolzz

    Sarap lang kasing balikan ung mga nasabi ko sa kanila, saka may natututunan din ako eh kapag binabalikan ko 🙂

  3. E??su?J says

    hehehe,,,

    mata…matalinghaga ka pare…

    para kang ilog sa gabing madilim..
    di mo malaman kung malalim o mababaw…
    pero dahil ilog lang…

    ibig sabihin

    mababaw pa din…^^,

    joke….

    astig ka pre =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *