BLOG-WAR : Sana’y kaya pang pigilan…

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang issue tungkol sa OFW na gawa ng isang blogero, imahinasyon man ng nagsulat o may katotohanan alam natin nakakasakit ng kalooban ng karamihan…

Ang malayang pagsusulat ay karapatan ng karamihan, blogero man o simpleng manunulat pero sana hindi ito natatapos sa kung ano lamang ang naisin mong isulat…Isinapubliko mo na minsan ang kung ano man ang iyong nasa isip, sana’y isaalang alang mo rin ang mararamdaman ng makakabasa nito, kung hindi man mas mabuti pang sarilinin na lang ang mga naisusulat…

Bilang isang OFW at isa sa mga nakabasa sa artikulong gawa o imahinasyon ng isang blogero, isa ako sa karamihang nasaktan hindi lamang sa kinutya nya ang OFW pero dahil na rin sa ang nasusulat tungkol sa OFW ay walang katotohanan,may katotohanan man pero sigurado akong hindi sa karamihan…

Bilang isa sa mga OFW, at dahil sa nararamdaman ng nakakarami ukol sa issue…Patuloy akong hihingi ng katahimikan para sa ikabubuti ng karamihan, at ang katahimikang ito ay makakamtam lamang kung ang isa sa atin ay magpapakumbaba…

Sa lahat, humihingi ako ng SORRY kung mayroon man akong nagawang di kanais nais…asahan nyong ang lahat ay pag iingatan upang wala ni isang masasaktan…

Sa iyo, sana’y matuto kang magpakumbaba upang di na magtuloy tuloy ang kung ano mang BLOG-WAR na kumakalat sa mundo ng blogsphere…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    lahat ng gulo kyang pigilan, kung ito'y hndi sasalungat sa prinsipyong ipinaglalababan…

    katahimikan ang hangad ng bawat isa, ngunit my mga pagkakataon kailangan manindigan…

    na repost ko n ung article ni desert aquaforce… i'll stand in my action.

    tnx a lot!

  2. poging (ilo)CANO says

    sana nga kayang pang pigilan……

    sang-ayun ako sa suggestion ni kuya nj na "we will not ask Arvin to delete his post but to make a post of apology and retraction"

  3. bizjoker-of-the-philippines says

    My LordCM,
    Handa na po ang mga pulu-pulutong kong kawal!
    Lahat sila bagong gupit at bagong paligo…naghihintay na lang ng tamang hudyat!
    hehehehehe!

    Napakadali naman ng gagawin e…
    Humarap sya sa kamera..papungayin nya mata at Hwag syang kukurap..then sabihin nyang..

    "I'M SORRY"….ooohhaah!
    sabay sila Ate Glo kung gusto nya.

    Para sa akin,
    Unconditional Apology…sa blog ginawa, sa blog din sya magpakumbaba para mabasa rin ng lahat na OFWs na sumusubaybay na ngayun sa isyung ito…

  4. Mr. Thoughtskoto says

    I am giving him until tomorrow morning to make that apology post.

    If not, I will repost in PEBA, and Thoughtskoto the Declaration of Blog War that originate from the Desert Aquaforce, and will send to my networks of link, as well as US-Filipina Caregiver's Association, Philippine National Caregiver Association and PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION INC.

    I was the one who posted this excerpt of Declaration of Blog War against Arvin De la Pena in the KABLOGS site, and though some KABLOGS members choose to be silent about it, majority of the members, in emails and in close-doors conversations and chat, we agreed to pursue this.

    I thank you LordCM. For standing helping help this become so peaceful as possible, and becoming the mediator between OFW's and De La Pena.

    But we have given him time, ample time to retract, nothing happened. Its time to move on in unity. Feelings had been hurt. Time to make a stand.

  5. Mr. Thoughtskoto says

    denelete na daw ang post na Mukhang Pera. So what now?

    You think I am happy? No. I am not happy. Honestly, I feel sad.

    I am not saying OFW's are perfect-fit-for-pedestals-heroes-who -must-be-praised.

    I admit and I know many who failed, that there are immoralities and infidelities, and many others…but not all. Please, not all.

    I am not happy CM. I feel sad with what happened. OFW's are not the dinidikitan ng mga pulitiko, ginagamit ng media, at higit sa lahat ginagawang "ticket to stardom" sabi ni Rio. To me that is alarming. To me that is a sad truth.

    Post ko toh sa Dungeon Blog ha. hehehe

  6. I am Xprosaic says

    I feel for OFWs… it's a great lesson that all of us should be very responsible with our actions especially in blog entries… simply because we are also accountable with whatever effect it could cause…

    Para sa akin ok lang ang kaadikan basta wag lang lalampas sa… alam mo na… para alang gulo… jijijiji

  7. Lord CM says

    @Bhing…
    Asahan mong makikisuporta ako sa lahat, pero hanggat maaari at madadaan sa magandang usapan, dun muna ako 🙂

    @Pogi…
    Kung hihingi tayo ng apology sa mga nagkakamali, para na rin tayong Gobyerno ng Pinas na sa bawat pagkakamali ng ibang lahe sa pangungutya sa mga Pinoy ay manghihingi lang ng apology ngunit paulit ulit rin lang itong gagawin sa atin…

    @Rio…
    Hehehe 😀 Steady Pulso lang muna, ilalabas natin ang lahat ng weapon kapag kinakailangan…

    @Kenji…
    Andun na tayo pre, nagkamali ang isang blogero, at natural lang ang reaction nyo, natin…magalit, maasar, mainis, pero alam ko namang may pinag aralan tayo db? Hindi masosolve ng "SORRY" ang kaguluhang to hanggat walang nagbabago…

    @Kenji uli…
    post ko ba as my new entry tong comment mo? lolzz

    @Xprosaic…
    Tama ka pre, at sa lahat ng suporta at pag iintindi sa amin, salamat ng marami

  8. A-Z-E-L says

    hirap pala pag ramadan.. hindi ako updated sa mga posts… lolz!

    sana nga ay tumahimik na…
    sana nga magkaron na ng kapayapaan… dahil….

    -BER month na!!!

    maagang merry christmas sa Dungeon! 😀

  9. batang'henyo says

    diyan naman ako bilib kay Pangulo, PEACEMAKER talaga..

    puwede ka ba maimbitahan sa Sulu at Basilan?? heheh!

  10. ?superjaid? says

    Lahat ng ating ginagawa may kalakip na responsibilidad..kaya dapat tayong maging maingat sa lahat ng ating gagawin para wala tayong masasagasaan.

    bait mo naman kuya cm..karapat dapat talaga ka talagang maging pangulo ng kablogs, idoL!

  11. Lord CM says

    @AZEl…
    Oo nga ano, BER Months na bukas, dapat pala pa BERger ka na!!! hehehe

    @BatangHenyo…
    Hehehe 😀 may pinoprotektahan lang, at para na rin siguro sa atin lahat db? kaysa makigulo tayo, magtulong tulong na lang sa KaBlogs 🙂

    Dito na lang ako pre sa Palau 😀

    @SuperJaid…
    Minsan kasi jaid, di natin alam na may nasasagasaan na pala tayo…ang maganda lang eh matuto tayong tumanggap ng mga sinasabi ng iba…

    Idol ka jan, Wag!!!Mabait lang ako pag tulog lolzz

  12. BlogusVox says

    Although I'm one of those who choose to ignore him, I'm siding with NJ's and bizjoker's demand that he should apoligize in his blog.

    Doon nya sinimulan, doon nya tapusin.

  13. Kablogie says

    Ah-ah! Jihad na baga sa blog!

    Sige ihahanda ko na ang bagong linis kong Tora-tora..

    Humanda ka! hahaaha..

    Pero mas maganda eh maayos yan sa lalong madaling panahon o sa simpleng tagayan na lang ba!

  14. siyetehan says

    e-z, e-z, kapatid.

    marami talagang makitid ang isip. pero kaisa mo ako sa mga naniniwala na hindi naman kasamaan ang dahilang sa pagpunta ng karamihan sa ibang bansa.

    makakaasa kang marami pang pinoy na naniniwala na kaunlaran at pag asa ang dahilan kaya maraming lumilipad palabas ng pinas.

    mabuhay kayo!

  15. Life Moto says

    I HOpe that he learn to apologize and humble himself. tutal tumaas na rating nya. Negative impact nga lang.

    Kung ano man ang outcome i'll behind KABLOGS & PEBA.

  16. The Pope says

    I hope this is the last.

    Thank you for taking extra ordinary efforts in resolving this issue.

    Happy Heroes Day…

    God bless you.

  17. dylan dimaubusan says

    Uhm, anung meron? lolz

    Nurse ako, pero kung marereact ako sa pst ng kung sinu man, hindi ako magpapaapekto hangga't wala namang nasasaktang pamilya o kaibigan ko. Isa pa, yoko magkawrinkles..

    Seriously, depende sa tao talaga yan, how they will react or respond. Peacemaker ka na ha, I'm amazed.. 😉

    Yoko na masyado mkisawsaw jan, natuto na ko. Kahit nurse ako at nabasa ko ang ilan sa post nya. here must be something going crazy in him or having difficult time… Sabi mo nga, tayo na lang umintindi, tayong may mas malawak na pag-unawa.

    Cheers CM!

    Kumusta ka na? Nubalita jan sa kabilang ibayo?

  18. Lord CM says

    Sa lahat, may iba't iba mang paraan sa pag resolba ng ganitong sitwasyon, ang mahalaga alam natin na handa tayo sa kung ano man ang kahihinatnan nito…

    Sana'y may natutunan tayong lahat..

  19. Mike Avenue says

    Mapigilan sana upang hindi na lumala ang mga sitwasyon. MAgkaroon nawa ng kapayapaan sa dibdib ng bawat isa!

    Salamat LordCM!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *