Bakit nga ba?

Bakit nga ba Dungeon Lord?…Isa ako sa daang daang myembro ng isang forum ng mga taga Baguio, ito ang Baguio City Online o BCO kung tawagin…Dito mo makikita ang iba’t ibang klase ng mga forumer, iba’t ibang pag uugali at iba’t ibang pananaw sa buhay…

Sa isang Online Community di na mawawala ang mga pasaway o yung tinatawag nilang Flamers, ito ang mga forumers na walang ginawa kundi manggulo o mang asar ng kapwa forumers…Sila madalas ang naba-banned sa isang forum.

Minsang nagkaruon ng general cleaning ang moderator at administrator ng BCO, napansin nilang napakaraming topic o thread na kung saan puro away, gulo, asaran lamang ang pinaguusapan…naisipan ng mga namumuno ng BCO na maglagay ng isang magmimistulang basement ng BCO at ito’y tinawag na DUNGEON…

November, 2007 nuong nabuo ang Dungeon ng BCO. Members lang ang pwedeng makapasok at walang regulasyon na kelangan sundin…Lahat ng gulo, asaran, awayan na nangyayari sa bandang taas ng BCO ay ibinababa sa Dungeon para hindi makita ng ilang forumer na ang hangad lang ay mabisita ang site, makipag kwentuhan, maghanap ng bagong kakilala at makipagkumustahan..

Eto ang panahong nagkaruon ng pangalan ang tinatawag nilang CM, at ito nga ang Dungeon Lord, Lord CM o Lordzz…Ang di nila alam, isang napakabait na forumer si LordCM, hehehe lolzz…

Dito rin nabuo ang BCON, o BCO Nonsense…Grupo ng mga forumer na nonsense pero may kwenta..Sila ang mga forumer na walang ginawa kundi magkwentuhan, mag asaran at kung ano ano pang walang kwentang gawain na ang sabi ng iba’y may kwenta naman. Dito rin tinawag na El Presidente si LordCM, bilang Presidente ng mga walang kwenta o ng BCON Club, lolzz

Naisip ko lang, Presidente ako ng BCO Nonsense ngayon at ng KaBlogs…Parang ang layo ng pagkakaiba? Tingin nyo? Okey na sana sa LordCM eh…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. I am Xprosaic says

    Naks! sa susunod baka sasabak ka na sa pulitika at tatakbong presidente ng pilipinas! jejejejjejeje… pero may nakikita talagang leadership quality sa iyo kaya ka laging nagiging presidente… Naks ulit!

  2. saul krisna says

    siguro pag ikaw ang kumandidato tiyak mananalo ka….

    teka maiba ako… may email ka ba? hmmm hihingi kasi ako ng opinion mo bout sa gagawin kong bagay…. ikaw ang kuya kuyahan ko ito eh…. hmmmm

  3. Joco says

    aaaahhhh. ayun pala ang history ng dungeon lord cm..

    kakandidato ka nga ba? sige, nasa iyo na ang isa kong boto hehe

  4. Meryl (proud pinay) says

    ah…dun pala yun nakuha…galing naman..i'm sure isang kang mabuting tao…sa pagbabasa ko ng mga post mo.

  5. E??su?J says

    weee…

    born leader si pare…=))

    pagpatuloy mo lang yan pre…
    malayo ang mararating mo bilang isang lider…
    KABLOGS team is beri beri proud of yah…^^,

  6. patola says

    yipeeee…

    yun pala yung history ng dungeon lord..hehehe.. ok lang yan kuya kahit dalawa… hehehe.. nagpapatunay lang yan na may tiwala sila sayo… 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *