Bakit di mo subukan…

Bakit hindi mo subukan
kung ito nman ang ikakasiya mo?
mas mahalagang maging masaya ka
kahit sa konting panahon,
kaysa habambuhay na pagsisihan
dahil hindi mo sinubukan…

Isa na namang kumento na hinalungkat ko sa comment box ng isang blogero…Hanggang ngayon di ko lubos maisip kung bakit ko nai-comment yan…napakadaling sabihin pero maski sarili ko di ko alam kung kaya ko bang gawin o subukan man lang…

May mga bagay na nag aalangan tayong gawin dahil sa mga maaaring negatibong resulta nito, kahit pa alam natin na may posibilidad na maging kaaya aya ang kalalabasan nito…Takot nga ba tayong sumugal o sadyang ayaw lang nating madapa at di na makabangon pang muli?

Minsan nga kahit alam na nating kapag ginawa natin ang isang bagay at tiyak na magiging masaya tayo ay di pa rin natin to ginagawa, sa kadahilanang di natin sigurado ang kahihinatnan nito sa bandang huli…Oo, masaya ka sa umpisa pero hanggang kailan?…Hanggang saan?

Tanong ng isip ko, Tama nga bang subukan mo ang isang bagay na ikakasiya mo sa konting panahon kahit pa di natin tiyak ang magiging resulta nito?

Yun nga lang, madalas mangibabaw ang puso at sinasabing…Subukan ko na lang kaysa habambuhay kong pagsisihan dahil di ko sinubukan.

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Arvin U. de la Pe?a says

    think positive lang siguro ang mabuti..pero may mga tao talaga na takot pumasok sa isang sitwasyon lalo kung alam niyang mahihirapan siya na mapagtagumpayan iyon..may mga tao kasi na mahina ang loob..mas inuuna na isipin ang negative na kalalabasan kaysa positive..talagang sa bawat hakbangin ay kasama na ang pag-aalinlangan..

  2. SEAQUEST says

    Depende kasi sanais mong subukan pero kung alam naman mali at nais mo lang subukan para malaman ang pakiramdam o kung anong dulot na kaligyaahan para sa akin hindi dapat pa, kasi minsan ang kuryosidad ang nagigigng daan sa kapahamakan….walang masama kung ang nais subukan eh para sa ikakainlad ng pagkatao, subali't dun lang sa siguradong di ka mkakapanakit ng damdamin ng kapwa….Godbless

  3. E??su?J says

    binggo na naman!

    hahahah,…

    pare bakit mo hinahalungkat ang mga post ko?

    nyahahaha….

    ewan ko pare…
    nung mga panahon na yun kase, nalilito talaga ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang pipiliin ko. Hindi ko na ieelaborate. I-wa-YM ko na lang sayo kung gusto mo ng eksplaneyshen.

    =))

    salamat sa comment mong yan pare…
    tumimo ng bongga saken ehh

  4. Lord CM says

    @Arvin…
    Di naman kasi minsan maiwasan na hindi isipin ang negatibong resulta kung ano man ang gagawin mo…kelangan din natin balansehin ang lahat bago sumugod sa kung saan…

    @Seaquest…
    Eh paano kung ang bagay na gusto mong gawin ay mailabas ang nararamdaman mo para sa isang tao? Susubukan mo pa rin kaya kung di ka sigurado sa kalalabasan pero ikasisiya mo naman kapag naging maayos ang lahat..Ako, ewan ko pa rin lolzz, cguro kapag andun na ako sa sitwasyon dun ko lang malalaman lahat ng gagawin…

    @Jen…
    Nasa pahina mo yata lahat ng magaganda kong comment eh(maganda para sa akin lolzz)

    Di na siguro kelangan ng eksplaneyshen basta mahalaga maligaya ka kay BEBE POGI lolzz

  5. A-Z-E-L says

    been there. done that. and actually enjoying it! kahit hindi ko alam kung hanggang kelan… kahit alam kong it will end one time. kahit alam kong lahat ng ito'y magiging masayang nakaraan ko na lang din…

    but i don't regret doing things. lalo pa when it comes to decision making.

    hindi na mahalaga kung matatapos man ang kaligayahan ko balang-araw, mas mahalaga pa rin saken na naging masaya ako in my lifetime.

    seryoso? 😀

  6. Mr. Thoughtskoto says

    ano na naman ang nasa isip mo? Oo nga pla, may meeting ang mga CEO mamaya ha, hehehe.

    Hmmn, ano kayang pwede sabihin?

    Ito na lang basehan ko sa buhay:

    Hindi ako gumagawa ng final na decision kapag ako ay sobrang saya, sobrang lungkot, or sobrang stress.

    Gumagawa ako ng decision at kasali lagi Siya dun.

    Kapag nagawa ko na and its past, I learn from them and remember them.

    And so everyday we make small and simple decisions, but always bear in mind, to think not just if its for your good, but for the good of your family, or others. Kasi if you live your life for them, our families, our friends, even our country, then that is not just selflessness, not just heroism too… it joy.

    When we serve others, we are happy. hehehe, Blogpost ko to sa Dungeon Page!

  7. chikletz says

    gawin na habang may pagkakataon pa kasi baka bukas kunin na tayo ni Lord.

    pero tulad ng sabi mo madaling sabihin pero mahirap gawin.

  8. Everlito (ever) Villacruz says

    mahirap pasukin toh,he he he.pag-aaralan ko muna ang sitwasyon pagkatapos go go go…di naman tayo takot sa kabiguan..mabigo pero mapag-aaralan sa susunod magiging lakas at tibay ang kabiguan..(teka parang madrama ata ako ngayon)

  9. Lord CM says

    @Kenji…
    Hindi Sya dapat mawala sa lahat ng desisyon na gagawin natin, simple man o sobrang hirap…mas madali nating malalagpasan ang bawat pagsubok kung lage Syang kasama…

    At syempre tama ka dun, di lang para sa sarili mo ang iniisip mo dapat, kasama lahat ng mahal mo sa buhay..

    @HNS…
    Yun lang, hehehe, bahala na!!!

    @Marco…
    hehe sorry parekoy kung tinamaan ka

    @Chikletz…
    wag naman sana muna tayong kunin ni Lord 😀

    Si Arvin? ikaw kayang magmahal lolzz

    @Ever…
    Ayos pre!!!ganun sana, mabigo ka man, gamitin mo itong aral para sa susunod na araw…

  10. ?superjaid? says

    honestly, yan ang motto ko sa buhay, lalo na sa larangan ng pagibig..kasi para sa akin kahit masaktan at mabigo ka kung nagawa mo naman lahat at wala kang mga what ifs, eh mas madali kang makakamoveon..?

    kaya tulad ni kuya sablay, sugod lang ng sugod,hahaha pero syempre alam mo dapat ang limitasyon mo, baka kasi maging manhid ka na sa sobrang sakit kapag lagi ka namang nadadapa, pangit naman un..? hehehe

  11. Jepoy says

    @LordCM nandito na si Jepoy sa comment box mo, para naman hindi na sya mag tampururut

    Well isa ako sa mga taong laging may hesitation kung gagawin ba ang decision, medyo pessimistic kung baga which is I'm trying to overcome naman. Pero sa tingin ko dapat talaga na wag matakot na mag take ng risk kasi you will never gonna find out your true happiness pag walang risk. At isa pa mas masarap i enjoy ang bagay na gusto mong gawin if you take a risk in finding that happiness…

  12. Mr. Thoughtskoto says

    Happy anniversary! marami ng naipon, marami ng natutunan, pati mga crocodile englishing haha.

    We are counting the days, and we are also counting the blessings. Right? Isa sa mga blessing na yan ay ay magkaroon ng poging minamahal

    (Ito ang comment ko kay Jen na post, at dahil nakaopen ang Comment window parehas at type lang ako ng type, ayan, nagkamali at napapagod na akong burahin, hahaha.

    Ang comment ko sau, nasa kanyang page.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *