Yan ang Anak ko!!!

Nitong nakaraan Byernes at Sabado, nagkaroon ng isang kumpetisyon tungkol sa Journalism na sinalihan ng 600+ na Elementary Students ng buong Olongapo City…Syempre di mawawala dito ang panganay kong anak…Si Charrie Joan(Tsari Jown)…
Mula Grade 1 hanggang ngayong Grade 6 na sya ay kasali na ang anak ko sa mga ganitong kumpetisyon, Journalism, Math, CheerLeading Competition, Computer Quiz Bee, Beauty Contest at kung ano ano pang kumpetisyon sa buong Olongapo…

At ngayon nga, isang kumpetisyon na naman sa Journalism ang nagparamdam sa akin na talagang dapat kong ipagmalake ang kakayahan ng panganay kong anak…

Sa mahigit 600 na Elementary Students ng buong Olongapo, 1st Place ang aking panganay na anak sa Sports Writing Contest..at ito ang kanyang ipananalo…

Blazers ginulantang ang Sixers, 3-2
ni Charrie Joan

Pinatunayan ng tropa ng Blazers na sila ang hari sa volleyball matapos pataubin ang koponan ng Sixers,3-2 para makopo ang kampeonato sa Men’s Volleyball championship(CLRRA Meet) kahapon sa Bren Guiao Convention center, City of San Fernando, Pampanga.

Pumabor sa mga Sixers ang una at ikalawang set, 25-27,27-29 sa pangunguna ni Mike Manuel at Jefferson Bermejo.Subalit tila nagising sa pagkakatulog ang Blazers noong kanilang dominahin ang ikatlo at ikaapat na set,27-25,29-27 sa pamamagitan ng blocks at spikes nina Charlie Montemayor at Ryan Caimito.

Sumuot muna sa butas ng karayom ang mga Blazers upang tuluyang gapiin ang Sixers sa ikalimang set,15-7 na humantong sa palitan ng spikes.

“Okey lang kahit kami ay natalo babawi na lang kami sa susunod,pahayag ni Mike Manuel ng Sixers.”

“Magagaling talaga ang kalaban pero determinado kaming manalo,wika ni Charlie Montemayor ng Blazers.”

ANAK KO YAN!!!



TUNAY NA MAIPAGMAMALAKE!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. I am Xprosaic says

    Wow! galing naman! You have all the reason to be proud of her! Job well done LordCM pati na rin sa anak mong si "Tsari Jown"! Magaling! Magaling! Magaling! jijijijijiji

  2. Lord CM says

    @Homer…
    Bona Kid? di ko yata alam yun 😀

    @superjaid…
    Syempre naman!!!Gwapo ang ama eh lolzz

    @Xprosaic…
    Kaya gusto ko na umuwi eh, para andun ako lage kapag nananalo sya 🙂

  3. Niqabi says

    wowwww….ang galing naman!…yeah..you have all the reasons to be proud of her..and she deserves some treat hehehe..

  4. Everlito (ever) Villacruz says

    hataw! all around sa talento..
    manang mana sa…….mommy!..he he he.:) ay1 sa daddy rin syempre!

    ganito ang sarap ng buhay!maipagmamalaki!

  5. The Pope says

    BURGER!!! BURGER!!! BURGER!!!

    Kahit malayo tayo sa ating pamilya at sa kabila ng kalungkutan na dinaranas bilang OFW, kapag ganito naman ang karangalan natatanggap ng ating mga anak, di matatawaran ang kasiyahang dulot nito sa ating mga puso, sabi nga nila nakakaalis ng pagod at hirap,

    Purihin ka kaibigan bilang proud Dad, at kapuripuri din ang iyong anak.

    Happy Burger Sunday.

  6. kheed says

    huwaw! congrats. mana nga sa ama..

    mukhang magiging magaling din na blogger yan uh.. may potential syang maging writer, pag butihin pa nya..

  7. kosa says

    congrats sa pagiging mabuting ama parekoy!

    kahit papaano eh sulit na sulit naman ang lahat ng hirap di ba?

    astig!

  8. Lord CM says

    @niqabi…
    Treat? nauna na, may new CP sya 😀

    @Jettro…
    Kaya nga pinamalita ko sa blogsphere eh 🙂

    @Ever…
    Tama ka pre, sa mama nya karamihan nakuha ang talento nya, stage mother wife ko eh 😀

    @BlogusVox…
    Proud na proud 🙂

    @The Pope…
    Yun na nga pre, sulit ang pagpapagod at paghihirap…nakakagaan ng nararamdaman…

    @Kheed…
    Naiisip ko na magiging work nya eh, Kapalit ni Korina Sanchez 😀

    @Kosa…
    Tama ka dun parekoy, sulit na sulit 🙂

    @SeaQuest…
    Galing noh…

    @Marco…
    Salamat pre 🙂

  9. DETH says

    dapat may premyo galing kay papa…hehehe

    nyahahaha…at ang word verification ko: plibri

    parang may gustong sabihin…ahahaha

  10. E??su?J says

    nakakatuwa tlga pag nakakatanggap ng ganitong balita…

    promil kid ang anak mo pare

    may potensyal…

    🙂

    congrats!

  11. chikletz says

    talaga naman palang nasa dugo ang mga skills at talent!! parang tatay lang eh. hehe.. manang mana.

  12. A-Z-E-L says

    congrats!

    naks at starring ka pala sa sinulat ng chikiting mo… proud baby.. proud daddy! hehehehe!

    malapit na ang graduation… siguradong uuwi ka… teka saan ka ba sa Olongapo? Magpapapunta ako ng kinatawan ko sakaling may party senyo!

  13. Lord CM says

    @Deth…
    Meron na…nauna na nga ung premyo nya 😀

    @Jen…
    Di ko na matandaan kung ano gatas nya dati Mare 😀

    May potensyal? maging blogger 😀 … kapalit ni Korina Sanchez yan 🙂

    @Chikletz…
    Hehehe 😀 Mana mana lang ba?

    @AZEL…
    Gulat nga ako at nakalagay name ko, ayos!!!

    Uuwi talaga ako!!!Dun lang kami sa tabi tabi, madali lang puntahan kung taga Olongapo talaga ung pupunta 😀

  14. Meryl (proud pinay) says

    wow ang galing nya! beuty en brain! naks meron k ng pambato sa binibining pilipinas lord!
    anyway, congrats! alam kong isa kang proud daddy! ^_^

  15. Sweetham says

    pakisabi sa anak mo, congrats!!

    Proud na proud naman si papa, hehehe 🙂
    I wonder kung ganyan din ang reaction ng mga parents ko sa akin noon… Well noon siguro, di na ngayon. hehehe 😛

    Congrats po ulit..

    *clap*clap

  16. poging (ilo)CANO says

    uhaw! hang galing naman ng anak mo parekoy! astig n astig ang talent.

    bona kid nga! batang may laban…hehe

    condrats!

    sana ganyang din katalino ang magiging anak ko kaht am lang ang magiging gatas…lolz..

  17. saul krisna says

    manang mana sa tatay ah….. kitang kita na sa iyo nag mana si anak mo…. ako kaya may manahin si magiging baby ko? hahahahah

  18. A-Z-E-L says

    sige na nga… ayaw mo sabihin kung saan ka dun..

    just in case magkabunga ulit ang paguwi mo ng isa pang anghel, baka matulungan kita. irerefer ko si misis sa isang OB. bigyan kita ng discount, hehehehehe! anjan kase si Ate ko senyo…

  19. Mr. Thoughtskoto says

    alam ko kung saan galing ang name na yan. Hulaan ko? seguro ang name mo, Charlie noh? at ang misis mo, Joan? hahaha

    Ang galing naman ng anak mo, nainspired tuloy ako kasi panganay ko girlalu din.

    Actually ang galing ng pag-alaga ng wifey mo. Congrats CM, Sila, ang mga yan ang tunay na yaman!

  20. Arvin U. de la Pe?a says

    nakakamangha ang talento ng anak mo..ang sinulat niya ay parang isa ng ganap talaga na journalist at nagbabalita tungkol sa sports..binasa ko ang napanalunan niya at parang isa na talaga siyang writer sa diaryo about sa sports..magaling ang anak mo..sana matupad ang pangarap niya sa paglaki niya..halos araw-araw ay nagbabasa ako ng diaryo at sa sports column na pagbabasa ko ay ang sinulat ng anak mo ay para na talaga siyang nagbabalita ng may kaugnayan sa sports..puwede na siyang ikumpara kay dyan castillejo..hehe..o di kaya kay chiqui roa na reporter din about sa sports.. abangan mo ang next kong post pamagat ay Love Card..

  21. isladenebz says

    A female Recah Trinidad in the making! You're beaming with pride and you should be. May matalino kang anak at tunay na maipagmamalaki.

    Nagmana kay misis. Joke! Siempre kay Dad. Magaling sa pagsusulat. Puno ng ideas.

    Congratulations kay Charrie at siempre sa inyong mag-anak!

  22. Sardonyx says

    Ang galing naman ng anak mo, sa unang linya palang ng kanyang balita, lakas kagad ng dating hehehe (tama ba yun term na unang linya??? nalimutan ko na tawag sa journalism nun eh hehehe), mukhang patataubin ka ng anak mo sa mga natanggap niyang karangalan hehehe…."hula ko" mana sa'yo pero mas magaling pa yata sa'yo hahahaha….congrats!!

  23. nortehanon says

    Magandang araw po. I am dropping in to thank you for the kind comment you have left at Deth's blog on her post about the Pens of Hope project. Salamat po.

    Naks, ang galing naman ng daughter mo. Saludo ako sa kanya dahil nung nag-aaral ako sports writing was my waterloo. Pagsulatin mo na ako ng kahit anong article except a sports story or a sports column. I hope she makes it to the National Secondary Schools Press Conference someday.

    Congratulations for having a very talented daughter.

    Miss N
    http://nortehanon.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *