Bilangan…

Naalala ko lang ang pelikulang You changed my life, wag kang tumawa dahil pag nasa abroad ka lahat kaya mong panuorin kahit kakornikan pa yan!!!, Sabi ni John Loyd “Mahal kita” sagot naman si Sarah “Mas mahal kita“…Astig!!!Ang sweat…sweet pala…Pero may part ung pelikula kung saan pinayuhan ata si Sarah ng isang kaibigan na huwag magbilangan pagdating sa pagmamahal, di ko na matandaan yung mismong sinabi pero parang ganyan…

Oo nga ano?, Kelangan nga bang magpataasan, o magbilangan pagdating sa pagmamahalan? Ako, aaminin ko minsan naghahanap talaga ako ng kapalit sa naibibigay ko, normal naman siguro yun enoh? ang mahalaga naipaparamdam mong mahal mo sya.

Naisip nyo ba? parang tama db? pag nagmahal ka, ung tunay, di mo na kelangan asahang may babalik sayo…tama na yung nagmahal ka, gawin mo kung ano ung kaya mong gawin, gawin mo kung ano ung kusang lalabas sayo dahil nagmamahal ka..Wag ka nang maghangad o mangarap na sana kung ano yung pinapakita mong pagmamahal sa mahal mo eh ibalik nya sayo o kaya nama’y mas higit pa…

Sabi nila martyr o tanga daw ang tawag sa ganun, magmahal ka na walang pakealam kung mahal ka nga ba nya o hindi, si Bro kaya tanga rin? minahal Nya tayo ng walang hinihinging kapalit, di siguro!!! Tunay lang ang pagmamahal Nya…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. The Pope says

    Nakaka-inspire, ang tawag dito ay unconditional love, tama ka bro, ganun ang pagmamahal na ipinagkaloob ni Kristo sa bawa't isa sa atin. Unconditional love din ang iginagawad na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak, mula pa lamang sa sinapupunan ay iningatan na tayo.

    Salamat sa pagpapa-alala sa amin upang maibahagi sa lahat ang unconditional love sa ating asawa, anak, kaibigan at kababayan.

  2. A-Z-E-L says

    TAMA.. TAMA… AT TAMA!!!

    Kung ano ang ipinapakita mo sa taong mahal mo, un ay dahil ganon kang magexpress ng LOVE… kung ano ang ipinapakita nya sayo… un ay dail ganon syang magexpress ng LOVE!

    hindi palaging patas ang laban! minsan mas madami kang naibibigay at mas madami kang naiinvest na feelings! minsan naghahanap tayo ng kapalit…. pero MALI!

    Hindi natin kailangan pang maghanap ng kapalit.. hindi na kelangan pang magbilang! tama na ung nagmamahal tayo sa parang alam natin!!!

    UNCONDITIONAL LOVE sabi nga ni Kuya George… walang kapalit!

  3. Manang Dyi says

    ang galing naman ng comment ni kuya george at azel 🙂

    tama sila pareho…

    kapag nagmahal hindi kelangang may kapalit. hindi kelangang nagtatanong lage. dahil ang pagmamahal ay pagmamahal.

    hindi pagiging tanga ang magmahal ng isang tao na hindi ka naman mahal. unconditional nga sabi mo at sabi nila. siguro tanga lang kapag nagmamahal ka ng may kapalit. at siguro hindi ito isang tunay na pagmamahal.

    o ha? o ha? lols!

  4. Lord CM says

    @The Pope…
    Unconditional love nga un pre…yun nga lang madaling sabihin pero bihira na sa atin ang nakakagawa nito, hahanap at hahanap ka ng kapalit, kahit NGITI lang 🙂

    @AZEL…
    Hehehe 😀 Pinagdiinan pa na TAMA, pero tutuo nga, yun ang TAMA…kaya nga minsan nagi guilty rin ako, pero hanggat maaari susubukan ko ring magmamahal lang at wala nang hinihintay na kapalit…

  5. Lord CM says

    @Jee…
    Hindi rin siguro pagiging tanga ang magmahal na naghahanap ng kapalit, normal na sa atin yun…sabi nga ang mahalaga naipapakita mo pa rin ang pagmamahal mo sa paraang alam mo

    Di naman masama ang umasang ngitian ka o yakapin ng mahal mo dahil sa pinapakita mong pagmamahal sa kanya db? 🙂

  6. Manang Dyi says

    ang hirap naman pag usapang puso na ang topic. hehehehe…

    basta, kung paano tayo magmahal ng isang tao yun na yun. ang importante mahal natin siya, sila.

    kanya kanya ng paraan yan. basta ba pagdating e may pasalubong! joke! lols!

  7. DETH says

    si bestfriend ni laida ang nagsabi na:

    pag nagmamahal ka walang "mas" dahil kung magsusukatan kayo ng pagmamahal laging may maglalabis, laging may magkukulang…kung magmamahal ka, magmahal ka lang…

    di rin yan yung exact words pero alam ko ganyan yun…mamaya review ako sa bahay may dvd ako nito eh…nyahahaha

  8. Lord CM says

    @Deth…
    Oo nga, yun nga…bestfriend ni Laida na may pagtingin din sa kanya lolzz

    Balik ka at i-comment ang saktong sinabi ah? 😀

  9. E??su?J says

    naks..
    "bebeko"
    nyahahaha…

    may tama ka pare…
    hindi mo dapat isipin kung sino sa inyong dalawa yung MAS mahal ang isa, kase iba't iba tayo ng pamamaraan at interpretasyon sa pagmamahal..

    (abangan ko comment ni b1)
    hahahaha…
    galing ng post pare.
    pang balentayms..
    hahahahah

  10. I am Xprosaic says

    Wow! ang importante ay yung mahalaga… jijijijijiji… tao lang tayo kaya minsan nagiging ganun… jijijijijiji

  11. kheed says

    tama ka talaga.. pero minsan talagang mahirap ang hindi maghangad sa kapalit na ibinibigay mo, nakakapagod yun.. pero kung talagang mahal mo nga sya, eh mahalin mo sya ng hindi ka aasa..

  12. SEAQUEST says

    hindi ko napanuod ang pelikula "BUT" if ever man may bilangan nga sa pagmamahal mali naman unconditional love is just one of categories of Love tulad ng konsencia may iba-ia din silang katergorya…but what important is, we did good things to be in God good grace…anything…para sa akin basta ginagawa o ng bukal sa puso at gingawa mo ciang sentro ng buhay mo i think there is no need para humingi ng kapalit…

  13. poging (ilo)CANO says

    uhaw! napanood ko din yung movie na yun..hehe

    ah! basta ang masasabi ko lang eh, pag ako ang nagmahal..mamahalin yung mahal ko to the highest level gamit ang aking puso..lolz.

  14. isladenebz says

    Amen! Wala nang higit pang pag-ibig kundi ang ialay ang sarili — at buhay — sa iba. (Usaping OFW ba ito?)

    Kaya ako, lagi kong pinagsisilbihan ang mahal ko. Me fud na, me allowance pa. Hahaha!

  15. Arvin U. de la Pe?a says

    idol mo rin pala ang dalawang iyon..mahilig ka rin pala manood ng mga pelikula na love story..

    Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope you read it..

  16. chikletz says

    tapos diba may mga taong nagtatanong… sinong mas pipiliin mo? ung taong mahal mo o ung taong mahal ka?

    sagot ko lagi ay ung taong mahal ko. kasi bakit ko pipilitin sarili ko sa hindi ko mahal tas tanggap lang ako ng tanggap ng pagmamahal nya. napaka unfair para sa kanya. mas ok na ung ako ung magmahal at walang matanggap. at least nabibigay ko ung kaya ko.. yan nagpaka martir na naman. hahaha!

  17. Lord CM says

    @Jen…
    "Bebeko"? yun nga yun mare!!!lolzz Happy balentayms 😀

    @Xprosaic…
    Yun eh!!Tao lang lolzz

    @Kheed…
    Kusa mong nagagawa yun pre, yung hindi ka na aasa na may kapalit lage kung tunay na pagmamahal talaga..

    @Seaquest…
    Dapat panuorin mo na yun, sigurado kikiligin ka lolzz…

    @Pogi…
    Ganun? Tanungin ko nga si Mare 😀

    @Nebz…
    Bakit pang PEBA ba to pre? lolzz

    @Arvin…
    Di ko naman sila idol pre, nagkataong napanood ko lang 🙂

    @Chikletz…
    Parang may pinaghugutan ang comment mo ah, "na naman" 😀

  18. SEAQUEST says

    kuya CM ayan pinanuod ko na inarkila ko video city hehehehe, okey lang pang teen ager pala…di kc akokiligin pag mga patweetams eh hehehe, pero cute naman….mas type ko yung tayong dalawa ng channel 2..thanks…

  19. Kosa says

    bahagi lahat yan ng pagamahal.
    may mga nagbibilang ng natatanggap at may mga nagbibilang ng naipapamigay.

    wala yun.. parang accessories lang ng pagmamahalan.

    ang mahalaga, mahal nyo ang isat isa, TAPOS..lols

  20. saul krisna says

    hmmm tama ka dun lord, ewan ko lang pero para sa akin di dapat mag abang ng kapalit pag nag bigay ka ng pag mamahal

    dapat nga unconditional love ang ipinakikita natin sa mahal natin…

    mahal natin sila di dahil may kapalit….

    ganda ng post mo lord… TABA TALAGA NG UTAK MO!!!!

  21. Jepoy says

    Napanood ko ung mubi na yan at yan ang all time filipino mubi ko…

    Eto naman ang masasabi ko. Sometimes kelangan din mag expect ng kahit konti inreturn pero dapat handa ka sa disappointment pag mag eexpect ka. Kasi minsan pag todotodo ang bigay ng walang expectations tipong head over heels ka mas prone kang maging Martir 😀

    Have a nice day!!!

  22. Francesca says

    basta the geatest love is yung ibibigay mo ang buhay mo for the sake of many.
    Ibibigay mo ang anak mo as sacrifice for the sake of many.
    Who can beat that?

    If only all could love without malice, without asking for return, without a price, this world would be REALLY a better place to be.

  23. RJ says

    Ibang kaso ang pagmamahal ni Bro, at ang pagmamahal natin sa Kanya.

    Sa kaso ng pagmamahal tulad ng nasa You Changed My Life, dapat mutual talaga 'yan.

    Huhmn… Ang 'A very Special Love' ba ay napanood mo rin, Pre?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *