Ang gwapo naman ng anak ko…

“Gwapo nman ng anak ko”

O kaya’y “Ang ganda naman ng anak ko”, narinig mo na yan? Malamang Oo, nung mga bata pa tayo (naki-tayo eh no?)…Si Inay o kaya naman si Itay kala mo lageng nambobola, pero wag ka tuwang tuwa tayong naririnig ang mga papuri nila lalo pa’t ibinibida ito sa kanyang mga kaibigan, kumare o kumpare…

May mga bagay na maganda sa paningin ng lahat, meron din naman na ang mga magulang mo lang ang sadyang pumapansin sa mga bagay na maganda tungkol sayo…Ang iba’y pilit kang kinakantyawan dahil sa kapintasan mo pero si Inay, tuloy ang pagtatanggol sayo…Minsan pa nga susugurin pa ni Itay ung nagsabing pangit ka para lang mapatunayan na maganda ka nga o gwapo…

Pero naisip mo ba kung bakit sila ganun sa atin? kahit ano pa man ang kapintasan natin balewala ito sa kanila bagkus ang nakikita ng kanilang mga mata ay yung magagandang bagay tungkol sa atin…Nuon di ko alam kung bakit, basta ang alam ko kaya raw ako gwapo eh kamukha ko sila (Ok na sana eh, balik pala sa kanila)…

Pagmamahal…Oo, isa raw to sa dahilan kung bakit kadalasan ang magandang bagay tungkol sa yo ay syang nangingibabaw sa mata ng iyong mga magulang…Ang nakikita ng isang tao kung minsan nakokontrol ng puso nito, kung ano man ang nararamdaman mo para sa isang tao ay yun ang makikita mo sa kanya…

Kalimitan utak natin ang nagsasabi kung ano nga ba ang nakikita natin, pero dahil sa nararamdaman nating galit, tuwa, lungkot, o pagmamahal tuluyan nang nangingibabaw ang ating emosyon kaysa sa ating utak kaya kadalasan ang panget nagiging maganda sa mata ng nagmamahal, ang maganda ay nagtatago upang di makita ng matang puno ng galit at ang kapintasan ang madalas makita nito.

Hindi naman sa lahat ng oras o sa kung sinong tao nangyayari ang ganito, pero subukan mo at isipin o kaya nama’y balikan ang nakaraan…

Minsan ka na ring naging maganda/gwapo sa paningin ng iba diba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. SEAQUEST says

    Corrected by, sinabi mo pa kuya, basta ako maganda ko sa paningin ng nanay ko at ng dumating ang kapatid kong bunso dahil 2 lang naman kaming babae cia ang talagang kamukha ng nanay ko kaya para sa akin cia pinakamaganda sa aming tatlo kaso pag silang lahat tinanong hehehe, bet nila ko pati 2 utol ko lalaki, NAMAN! palakpak ang tenga ko hehehe…Godbless. Haba ng hair ko..weeeeh.

  2. Lord CM says

    @marco…
    Sino may sabi pre? lolzz

    @Xprosaic…
    Hehehe 😀 naka drugs ka ehno?

    @SeaQuest…
    Syempre sino pa ba ang pupuri sa atin? ung mga malalapit sa atin at nagmamahal 🙂

  3. Francesca says

    natatawa ako sa mga comment dito: guapo ako, haba ng hair ko, meaning, bah sino ba naman tatanggap na panget ang sarili, haha.

    For me, all of us are created beautifully.
    By God.
    So we cannot really complain.
    If sabihin ng iba na panget si ganun or ganito, that one is the one panget, ang ugali.

    And who cares, basta puso natin maganda, thats all that counts, in the eyes of God who sees eveything.

    Yan, haba na.
    Ako din long hair, meaning, ganda babae, long hair eh, lol

  4. E??su?J says

    haha..
    tama..
    kadalasan biased ang mga magulang sa pagbibigay ng papuri sa mga anak nila..
    di naman sa negative yun, nakakatulong kse un para magkaron ng self-confidence yung anak nila…
    problema nga lang,
    pag sumobra yung self confidence ng anak nila..tpos di nmn pala talaga maganda o gwapo yung anak nila..

    hahahaha….

  5. J.D. Lim says

    Maraming beses na. 😛 Kahit na tingin ko eh panget ako, may mga ilang tao na bigla na lang babanat na:

    'Uy dennio, ang cute mo.'

    Ayun, natuwa naman agad ako, haha.. 😀

    Pero tama ka nga, parang si Hesus, minahal niya tayong lahat na mga makasalanan.

  6. Lord CM says

    @Francesca…
    Hehehe 😀 Sinusulat ko pa lang ung entry ko iniisip ko na yung mga comment ng mga adiktos at abnuy eh, tama nga!!!

    @Jen…
    Yun lang!!!pag nasobrahan sa papuri eh talagang makikipagpatayan masabi lang na maganda o gwapo sya lolzz

    @Dennio…
    Hehehe 😀 natuwa siguro sila sayo at nasabihan kang cute, pero sarap din ng pakiramdan talaga no?

  7. Rafark says

    ganon talaga ang mga magulang! ini-spoil ang mga anak sa paniniwalang maganda o gwapo pero syempre sa paningin ng ating mga magulang tayo ay Maganda at Gwapo.

  8. an_indecent_mind says

    gwapo daw talaga ako sabi ng nanay ko! kaya pinaninidigan ko na talaga! wehehe!!

    sabi nga, "you become what you think"… ibig bang sabihin nun, magiging totoong gwapo ako pag paulit ulit kong iisipin yun?? wehehee!!

  9. Lord CM says

    @MOTS…
    nawala ka ata ng ilang araw?…

    So edi lahat tayo gwapo at maganda? 😀

    @An_Indecent_Mind…
    Hehehe 😀 Yan ang hinihintay kong comment lolzz

  10. Ching says

    tama nga magulang ang unang nagpuri sa ka gwapuhan at kagandahan para itoy balik sa kanila…hehehe.

    kaya sabi ko sa anak ko ang gwapo mo talaga kagaya ka ni papa… hahaha

    ching

  11. ORACLE says

    "Minsan ka na ring naging maganda/gwapo sa paningin ng iba diba?"

    May problema pala ako parekoy. Hanggang ngayon gwapo parin tingin ng lahat sa akin. Tsk. Haaay buhay! lolzz

  12. RJ says

    Dapat lang na maayos ang pagkasulat mo nito… Kabisado mo na talaga ang both sides, ang mga emosyon, etc kasi naging anak, at ama ka na rin. U

    Madalas mo rin ba itong sinasabi sa iyong anak, Lord CM?

  13. Mr. Thoughtskoto says

    mas nakakatulong din ito na magbuild ng self-esteem ng mga anak natin, at feel good sa sarili nila.

    Masarap pakinggan ang mga papuri ng magulang na nagsisilbing shield to combat yung mga paninira ng ibang bata o tao.

    Wala kang nanay na naririnig or tatay na nagsasabing

    "Ang panget panget ng anak ko."
    At dapat hindi rin sasabihin nag magulang na

    "Bobo ng anak ko!" hehehe

  14. kheed says

    mabuti na lang at nandyan sila inay at itay para kahit paano ay naririnig ko yung mga papuring gwapo nga ako.. hehe

  15. BlogusVox says

    Sino namang nanay ang aaming pangit ang kanyang anak. Para na ring sinampal nya ang sarili nun. Kaya nga may kasabihang "a face only a mother could love"! >: D

  16. The Pope says

    This is all about maternal love, I guess iyon ang pinaka-mataas na antas ng pagmamahal between two human beings, ang pagmamahal ng ina sa anak.

    Ibibigay ang lahat ng papuri, pagmamahal at sakripisyo alang-alang sa anak.

  17. DETH says

    my mom is not a very affectionate… tatay ko naman puro kalokohan ang alam sa buhay, hehehe

    pareho sila, never akong sinabihan na maganda ako, (more on pagpaparamdam na tiwala sila sa kakayahan ko instead of d'physical)buti na lang natural akong cute..ahahaha,maraming nagsasabi…ahahahaha:D ndi na kelangan ng reassurance ng magulang, nyahahaha

  18. manik_reigun says

    walang panget na anak sa mata ng magulang. kaya, mabuhay sila!
    dahil sa kanila, gwaping at majonda ang kanilang mga inakay!

    ++pure unconditional love++

  19. Kosa says

    sige na nga!
    pogi tayung lahat…
    hindi lang sa mata nila nanay at Tatay kundi LALO na sa paningin NATIN! lols

  20. Lord CM says

    @RJ…
    Hehehe 😀 Di pa naman kabisado, marami pa rin akong dapat malaman..

    Maganda't gwapo ang mga anak ko, matatalino pa, alam nila yun di na nga kelangan sabihin eh 😀

    @Marco…
    Ako rin pre, sabi ko gwapo ako lolzzz

    @Kenji…
    Tama ka pre, at syempre marami pang nagagawa to na nakakatulong sa paglake natin..

    @Kheed…
    Buti na lang mahal ka nila 😀

    @Pogi…
    wala!!!walang umaangal 😀

    @Blogusvox…
    Meron siguro pre, pero madalang…ung mga magulang talagang walang pakealam sa anak hehehe

    @The Pope…
    Hanggang kamatayan malamang anak pa rin ang nasa isip nila…

    @Deth…
    Ayun oh!!!sabi ko gwapo't maganda at hindi cute lolzz

    @Manik_reigun…
    Unconditional love nga pre 🙂

    @Kosa…
    Hehehe 😀 Tingin ka lang sa salamin okey na…

    @Crisiboy…
    Malamang si Pogi umangal lolzz

  21. chikletz says

    kaya hindi ako umaapila pag sinasabi ng nanay ko na maganda ako eh. kasi alam ko sa kanya din ang bagsak eh. haha!

  22. Reolcyl says

    d ako makarelate sa word nah ka guapohan..ba2e kasi me kea dapat kagandahan naman..haha..joke! tama naman mga sinabi mo 🙂 either bola or truth..ang snasabi ng tao…hahah

  23. HARI NG SABLAY says

    una sa lahat belated hapi mothers day at fathers day,lols

    naalala ko yung lolo ko,kaming mga aop lgi kaming sinasabihan ng gwapo dahil daw sa pilido namin,yung tipong ganito…

    …eh gwapo tlga yang si juan eh DELACRUZ yan eh…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *