WELCOME TO DUNGEON…

Mundo kung saan si LordCM lang ang maaaring maghari, yan ang Blog description ko nuong pinasok ko ang blogosperyo…Pahina ko ito at ako ang masusunod, kung ano man ang opinyon ko, isusulat ko…kung ano man nasa isip ko, ibabahagi ko sa mambabasa…kung ano man ang gusto ko sabihin, kahit ayaw mo mapipilitan kang pakinggan…Andito ka sa pahina ko, akin to!, sumang ayon ka, kumontra ka, anjan lang ang comment box nakabukas para sa lahat…pero di mo na mababago kung ano ang gusto kong iparating…Dahil akin to!!! Opinyon ko to!!! Sasabihin ko kung ano gusto ko!!!

Dahil sa pakikipagtalo sa emosyon, may mga poste ako na sa sarili ko ay alam kong tama, kasi nga pahina ko to…may mga poste akong mali sa iba, pero dahil pahina ko to pakealam ko sa inyo…may mga poste akong nakakasakit ng damdamin ng iba, pero pahina ko to, at yan ang gusto kong iparating sa inyo…

Sabi ko nga Mundo ko to, at ako lang ang maaaring maghari…Yun nga lang, KAILANGAN ko palang pumasok sa mundo ng iba, makipagkilala, makipag kaibigan, makipagpalitan ng kuro kuro, sumang ayon at kumontra sa gustong iparating ng Hari ng mundong pinasok ko…KAILANGAN, kasi hinayaan mong mabasa ng karamihan ang opinyon mo…KAILANGAN , para may matutunan ka dahil hindi lahat alam mo…KAILANGAN, para malaman mong minsan nagkakamali ka rin…Hanggang sa ako mismo ang tinamaan ng opinyon ng iba, ako mismo ang binato, at ako mismo ang nasaktan, ano magagawa ko mundo nya yun?!!, opinyon nya yun!!, sya ang hari ng sarili nyang mundo!!…

Masakit din pala, para kang sinampal, binatukan, o dinuro duro na parang daga…Daga na napakaliit sa paningin ng iba, Dagang wala naman ginawa kundi magtrabaho para sa pamilya pero ang tingin ng iba nagtaksil sa sariling bansa dahil sa mas malakeng keso na inalok ng iba…Isang daga na kung tutuusin pinangarap din ng karamihan para sa kinabukasan ng kanilang pamilya…

Ngayon di ko alam kung dapat ko bang pag-harian ang pahinang ito…Dapat ko bang isulat basta basta ang opinyon ko, ibahagi ang nasa isip at sabihin ang gusto kong sabihin…Dapat nga ba akong maghari sa sarili kong pahina?

Minsan na akong nasaktan dahil sa opinyon ng ilan…Di ko na siguro kelangan iparamdam ito sa iba, sa mga mambabasa…Ibabahagi ko ang opinyon ko hindi dahil alam ko iyon ang tama, kundi dahil alam ko na ito ang gusto ng mambabasa, dahil alam ko wala akong masasaktang damdamin ng mambabasa…

Hindi ko pala dapat pag harian ang pahina ko, pinili kong isapubliko ang pahina ko, pinili kong mabasa ng karamihan at mabisita ang pahina ko…dapat ko palang isa alang alang ang mararamdaman ng makakabasa sa mga sinusulat ko…dapat ko palang ituring na isang mabuting kaibigan ang bumibisita sa aking mundo, pagsilbihan at alukin ng kung anong meron ako para maging komportable sya sa bawat paghakbang nya sa mundo ko…yun nga lang wag lang nyang lalaitin ang aking mundo, dahil ibang usapan na yun…

Ngayon naisip ko…Alipin lang pala ako ng aking pahina, mambabasa ko ang Hari nito…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    hmmm… minsan nga gusto kong magpost ng mga saloobin o magdakdak pero pinili ko na lang manahimik para wala ng gulo… yon!

  2. DETH says

    minsan na rin akong nakasakit sa blog…at natuto na ko (sa tingin ko lang ah…hehehe)

    dahil sa iyong mabuting payo na isaalang-alang ko ang mga damdamin ng makakabasa ng bawat poste ko…

    yun ang unang aral na ibinahagi mo saken Kuya CM, at mula noon parati kong iniisip sa bawat posteng sinusulat ko ang responsibilidad na nakaatang saken bilang isang responsableng blogero…

  3. A-Z-E-L says

    pahina mo, responsibilidad mo.

    maging handa tayo sa kung anong reaksyon ng iba, dahil kung hindi natin matatanggap ang batikos ng iba, sanay hindi na natin isinapubliko ang ating pahina. sarili na lang sana ang nagbasa.

    kung may nasagasaan sa bawat poste, hindi masamang magpakumbaba, hindi ba?

    sana lahat ng blogero ay may natutunan sa mga pangyayari… hindi ito scratch paper.. na pwedeng sulatan ng sulatan.. dahil kapag naisa-publiko na, mahirap ng itapon sa basurahan!!!

  4. Bhing says

    lahat tayo may karapatan na magpost ng gsto ntin, kc atin ito, pahina natin pero sa bawat post n nililikha dpat may kaakibat ng responsibilidad…

    RESPETO
    RESPETO
    RESPETO

    mabuhay k lord cm!

  5. JEE says

    galing mo pare! 🙂

    be responsible sa bawat entry na ipopost naten. tama ang lahat ng sinabi mo.

    ako nga minsan iniisip ko na baka may nasasaktan sa mga entry na nipopost ko. sana wala… hehehe…

    ang isang post na nakasakit sa mga mambabasa, wag na sanag dagdagan pa ng isang post na lalong nakainsulto at nakasakit sa mga mambabasa.

    nilagyan ng gas, umapoy. humina yung apoy, ayun at nilagyan na naman ng gas para lalong magliyab! nasisiyahan siya sa bawat gas na nilalagay niya sa apoy dahil akala niya superstar siya!

    ano daw?? hehehe…

  6. Lord CM says

    @Marco…
    Tama ka pre, ngayon mas pipiliin kong manahimik kung alam kong may tatamaan sa post ko, o kaya'y mag post ako ng iba…

    @Deth…
    Hehehe 😀 May naipayo pala ako sayo? balikan ko nga sa pahina mo 🙂

    @AZEL…
    Responsibilidad mo talaga, kung nagkamali ka man sana tanggapin mo rin…wala namang taong perpekto…

    Minsan kasi di natin alam na nakakasakit pala tayo, malalaman lang natin kapag sinabi na ng mambabasa…kaya sa pagsusulat dapat marunong kang tumanggap ng kumento…

    @Bhing…
    Respeto nga sana sa mambabasa at sa taong gusto mong tukuyin sa post mo…

  7. MarcoPaolo says

    @ LORD CM: oo nga e… manahimik na lang siguro para wala tayong matatanggap na mga komento na minsan nagpapasakit sa ating damdamin… may ganon? hehehe!

    hindi rin kasi natin sila mapipigilan kung mag komento dahil opinyon nila yon…

  8. Lord CM says

    @Marco…
    Kung alam mong mali wag mo na ipost…kung alam mong tama i-post mo pero sana handa ka sa mga kumento, at alam mong tumanggap ng kamalian mo…

    Obvious na ang kasinungalingan sa naisulat ayaw pang tanggapin..

  9. YanaH says

    tulad ng lagi kong sinasabi….
    may karapatan kang magsulat ng kahit anong gusto mo. may karapatan kang ihayag kung ano man ang saloobin mo..PERO..nararapat na isipin mo kung may masasagasaan kang tao o wala. sa bawat aksyon na ginagawa or iisipin nating gawin, may kasama na kaunting pag-iingat.. dahil bilang tao… may kaakibat na responsiblidad tayo sa kapwa tao natin..

  10. Lord CM says

    @yanah…
    ang problema iniisip nila na wala silang nasasagasaan, at kapag nakitaan ng mali sasabihing may ibang kahulugan ang kanyang pinagsasabi…na kung babasahaing maige eh malinaw pa sa sikat ng araw ang kamalian at kasinungalingan

  11. Rhodey says

    ikaw, ako, tayong lahat may mga karapatang ipahayag ang ating nasa isipan at isulat, subalit sa bawat pagtipa mo nang letra dapat mo ring isipin na maraming makakabasa nang mga ito, merong aayon pero siguradong meron ding kokontra sa mga pananaw mo.

    magpasalamat ka kung may nakakaintindi at nauunawaan ang iyong mga pananaw at igalang naman ang pananaw nang iba na hindi sumasangayon sa iyo.

    ganon din kapag ikaw ay isang mambabasa…

    at isa lang talaga ang masasabi ko…. aheheheheks…

    yun lang .. hehehe

  12. Lord CM says

    @Rhodey…
    respetuhan lang sa bawat opinyon ng isa…opinyon nya yun eh…pero kung sa opinyon nya eh may puntong walang basehan at katotohanan, hindi naman ata matatawag na opinyon yun…

    Eh kung sabihin kong pogi ako at kamukha ko si Sam Milby, opinyon ko yun eh…kokontra kayo? lolzzz

  13. Mr. Thoughtskoto says

    yan ang nakakaadmire kay CM, kaya niyang magpost ng maayos na parang di naghahamon ng suntukan, ang galing kaya nga hanga ako sau.

    But i am profoundly grateful, hayun ka o, nakikipagpalitan ng komento, nakikipaglaban sa kapakanan ng mga OFW hindi dahil gusto mong sumikat o magpasikat kundi para ituwid ang isang pananaw na walang pakundangang isinaere na maaaring ginawa dahil sa galit, inggit, poot or kabiguan sa buhay.

    Isa sa mga ehemplong dapat kang pamarisan. You have your identity. You stand when called and even uncalled. You have the principle and the courage. And that's what makes you the best among the rest, and that's what makes you inspiring to lead.

    Salamat Sam Milby, este, CM. paburger!

  14. Bomzz says

    Sa susunod mag iingat na rin ako hehehe tama ka Pre..

    isipin din natin ang kapakanan ng iba sa bawat artikol nating ginawa..

    di pede sabihing walang paki alamanan…

    im Guilty

    Nice nice nice…..

  15. Jez says

    matagal akong nawala sa sirkulasyon,,hindi ko alam kung sino sino, anu ano, at pano pano…

    basta

    may kanya kanya tayong isip at damdamin
    kanyan kanyang ugali, pag-iintidi
    basta may kanya kanya tayo..
    pero in the end,,,maging responsable sa bawat kilos, salita at gawa. hindi lang tayo ang nabubuhay sa mundo, nobody is an island. we need each other, one way or another

    tama. respeto.

    mabuhay tayong lahat! ehehhehe
    and lets all be happy…
    aba, ang wrinkles ang wrinkles

  16. BlogusVox says

    "As far as possible, without surrender,
    be on good terms with all persons.
    Speak your truth quietly and clearly;
    and listen to others,
    even to the dull and the ignorant;
    they too have their story.
    Avoid loud and aggressive persons;
    they are vexatious to the spirit."

    Ito lang ang gabay ko sa pagba-blog lalo na yung huling salita. Makikilala mo sya sa tema ng kanyang pagsusulat. Sa likod ng bawat katagang kanyang sinusulat, sa bawat opinyon na gusto nyang ipahiwatig at ipaglabang katotohanan ay may nakatagong kalungkutan at pagkamuhi sa sarili o sa lipunan. Nakakahawang ugali at dapat iwasan. Isang talunan o "loser" sa wikang english.

  17. Kosa says

    isa sa pinakakatakutan ko sa aking buhay eh ang pagkakamali at sitahin ng iba. mahalaga para sa akin ang opinyon ng isang tao kung saan, nakikita nya ang aking kabuoan..

    kapag hindi tayu nakaharap sa salamin, hindi natin makikita ang dumi sa ating mukha.

    may karapatang manahimik ang mga nakakakita pero mas-maappreciate ko kapag yun eh sinabi sa akin ng harapan kesa naman sa pagtawanan ako sa aking likuran.

    taena.. drama ko na naman.. wala pa akong post natatakot kase akong masita at mapuna tungkol sa aking mga sariling kuro-kuro…

  18. Lord CM says

    @Kenji…
    wala ako maisagot baka may kumontra eh lolzz

    Nirerespeto ko opinyon mo tungkol dun sa Sam Milby lolzz

    @Bomzz…
    Walang problema kung may pagkakamali ka, basta matuto kang tumanggap…

    @Jez…
    Kasi naman, san ba kasi nagpupunta? 😀

    paulit ulit na lang eh no, be responsible at respeto sa iba 🙂

    @BlogusVox…
    Tama ka dun pre, ang pagsusulat nasa puso yan…jan mo sya makikilala…lalo't kalungkutan ang tumutulak sayo para magsulat, kitang kita ka sa iyong naisulat…

    @Kosa…
    Kahit naman humarap tayo sa salamin kung di rin naman natin tanggap ang makikita natin parang balewala rin eh…minsan mas okey na manggaling sa iba ang pagpuna sa kamalian mo para mas madali mo itong matanggap at mabago…

  19. Dylan Dimaubusan says

    WHat I hate the most, was those people who commented profane words to other people's blogs.

    Alam naman natin na sa bawat salitang bibitawan natin ay babalik at babalik din sa atin, walang exemptions. Ang salita kasi parang boomerang, babalik at babalik yun by all means.

    But truly, your words are right, wag mo naman sanang akalaing balimbing ako. May mga punto kasi kayong nakikita ko sa sarili kong mga mata.

    In my humble opinion okay lang na masaktan mo ako o pangalan ko, kahit banggain mo ang paniniwala at opinyon ko wag lang ang mga taong "precious" sa buhay ko.

    At sana hindi magtapos sa iisang insidente ang pagkakaibgan natin sa mundong ito. ^____^

  20. Lord CM says

    @Dylan…
    Ha?!!!May nasabi ba akong hindi maganda?

    May isasagot ako sa comment mo kung itoy para sa akin, pero di ko sigurado baka kasi para sa ibang blogero ang comment mo…itago ko na lang muna ang reply ko 🙂

    Hindi dito matatapos ang pagkakaibigan natin, hayaan mo..kahit isa o dalawang aksidente pa yan…tulad ng ginawa ko dati, mananahimik ako…

    Enjoy lang sa pagba-blog…at yun coffee, wag mo kalimutan pag balik mo 🙂 meron pa akong tinapay na imbes na ibato eh pwedeng isawsaw sa kape…

    Gandang hapon 🙂

  21. Mr. Thoughtskoto says

    May tatlong klaseng Blogero, yung iba yung binablog, iba ang komento, at iba rin ang tunay na pagkatao. Anong tawag mo dun? BLAGABAG!

    hahaha, bakit ba dito ako nagtanong. Pero I like yung sinabi quote ni Blogusvox galing Desiderata.

  22. Lord CM says

    @kenji…
    Hehehe 😀 may iba iba rin palang klase ng blogero…

    Ang tutuo maganda nga eh, pero unang basa ko di ko naintindihan lolzzz kaya binasa ko uli…

  23. SEAQUEST says

    Isa lang akong baguhan sa larangang ito, pero masasabi kong sa bawat binabasa ko di ang paraan o kung pano ginawa ang akda kaya ako humahanga, kundi kung pano ko makakakuha ng aral para sa sarili ko at para maibahagi ko, sa totoo isa ka sa mga tumawag ng pansin ko, sa bawat opinyon mo, sa bwat sulat mo masasabi kong marami ka ring punto..,hindi man ako nappansin wal yun sa kin gusto kong magbasa eh at magbahagi ng opinyon sa bawat binabsa ko..wala naman po sigurong masama di ba??? just keep it up, Godbless..

  24. SEAQUEST says

    Isa sa mga natutunan ko katulad ng pang araw-araw na buhay, tulad ng comment box, kaya tayo gumagawa ng blog dahil nais natin magbahagi ng anuman nasa puso natin, responsable,respeto,pag-ibig,,@anupa man dahilan, di natin maiiwasan ang kapwa natin ay ang ating salamin….

  25. RJ says

    Ang husay ng pagkasulat. Lahat tayo nito ay natututo- mambabasa man o ang nagsulat nito.

    Naunahan pala ako ni Kuya Blogosvox magsulat nitong mga sinasabi ng Desiderata. Whew!

  26. Ang buhay ay parang sine says

    lord cm, parang galit na galit ka sa unang paragraph. hahaha. lols.

    pero oo nga tama ka, dahil mundo mo yan, mundo mo yan at wala silang pakielam dahil yan ang gusto mong isulat. 😀

  27. E??su?J says

    ang paggawa ng entry sa blog….

    -hindi kumpetisyon
    -hindi kagaya sa isang circus na pinupuntahan para magpasikat
    -hindi lugar para magpapansin at makipaggitgitan ng opinyon sa ibang tao…

    lahat tayo may karapatan sa RESPETO at PAGGALANG ng bawat isa. Hindi dahil makata o matalino ka, IKAW ANG BIDA.

    sabi nga ni Yanah: "We write to express not to impress". Lahat tayo dito ay pantay-pantay…

    Walang OFW, walang TAMBAY. Lahat tayo dito dapat magbigay ng respeto sa isa't isa, bilang TAO.

  28. Mr. Thoughtskoto says

    *** Jen

    Walang OFW, walang TAMBAY. Lahat tayo dito dapat magbigay ng respeto sa isa't isa, bilang TAO.

    I nominate this Blog Comment to KABLOGS BEST COMMENTER. Hahaha, ang labo ko, pero malinaw Jen. Malinaw na nagtitimpi ka nga lang.

    Seriously, totoo yung sinabi mo.

    ***CM
    Tumambay sa page ko kahapon, patambay naman dito. 8hours.

  29. Lord CM says

    @Seaquest…
    Walang masama sa pagbabasa at pagbahagi ng opinyon, basta ung kaakibat na responsibilidad nito ay hindi nakakalimutan..

    Minsan, makakadalaw rin ako sa iyong pahina 🙂

    @RJ…
    Salamat RJ, una unahan lang yan eh 😀

    @Chase…
    Hehehe 😀 first paragraph lang binasa mo eh…

    @Jen…
    Kasama ba tong comment mo sa PEBA Entry? lolzzz

    Sabi nga ni kenji, dapat ikaw ang makakuha ng award na KABLOGS BEST COMMENTER 🙂

    @Kenji…
    Ganun? ganti ganti ba? lolzz, tambay ka na rin ah…kala ko ba OFW ka? lolzz

  30. Dylan Dimaubusan says

    Hangga't may kape welcome ka, basta may tinapay ka..^_^

    Ang pinipili ko lang naman ay yung mga taong hindi alam ilugar ang sarili nila, lalo n sa pahina ng iba.

    Wala naman akong sinabing may nasabi kang hindi maganda. Ang tinutukoy ko ay yung mga taong nagtatago sa likod ni anonymous na mas nagyayabang pa at nagmumura sa pahina ng tinutukoy nyo, o natin.., na hanggang sa pahina ko nakkarating na. Hindi malabong hindi mo sila kilala o malamang nsa blogroll ko rin, nakakadismaya. Binura ko na, baka kasi ako naman ang pagpiyestahan. At may makabasa pang minors. Kawawa naman sila.

    Kaya ngayon, nag iba na ang impression ko sa blogging. Napatunayan kong h indi nga pala lahat ng bagay ay masaya, mabango o matamis…

    At nakilala ko ang totoong taong hindi nagtatago kung saan sang pangalan lang. MAy napatunayan din ako sa sarili ko, at leastmay natutunan ako.

    God bless you CM!

    🙂

  31. Lord CM says

    @Dylan…
    Hehehe 😀 Ginamit mo pa talaga ang pahina ko para lang masabi ung gusto mong sabihin sa iba…Welcome lang dito yan basta may kape 😀

    Next time pangalanan mo kahit anonymous pa sya para di ko akalain ako ang sinasabihan mo…buti na lang at di ako nagkape, nerbyosin pa naman ako lolzz

    Kilala ko sila, mga OFW silang normal lang na magreact o magalit sa mga taong nagsusulat ng walang basehan at walang katotohanan, pagtatalunan natin to sigurado pag kinontra mo pa kasi may sarili kang opinyon, yun nga lang di ako papatalo dahil alam ko ang sinasabi ko… at kaya kong patunayan na may kasinungalingan sa mga nabasa ko…

    Kung pipiliin mong manahimik at wag kontrahin ang sinabi ko, ganun din ako…actually mula kanina un na ang ginagawa ko, ang manahimik…

    Xensya na, OFW din ako tulad nila…at alam ko ang sinasabi ko…

    Marami rin ako natutunan pero hindi dun sa artikulo tungkol sa OFW, kundi duon sa lahat ng mga taong nag react, sumigaw, bumulong, Sumingit…alam ko na ngayon kung sino ang tutuo…

    Ung tinapay, pilit kong ibinibigay ng personal, pangit kasing ibato ko pa…pero may kapalit!!!Bottomless Coffee lolzzz

    Sabi ko naman sayo, magdala ka sa sunod mong punta dito eh 🙂

  32. Dylan Dimaubusan says

    Humahaba ang diskusyon..^___^

    Wala kasi tayong pagkakiba sa isang tao kung ganun din ang gagamitin nating pananalita o mas malala pa sa ginamit nya. Karamihan ksi ay hinigitan pa.

    Sensya na, nakalimutan ko knina. heto na!

    Cheeeers!

  33. Lord CM says

    @Dylan…
    Ahek!!at bumalik ka nga!!may kape pa 🙂 … Ung tinapay sawsaw ko sa kape, para sayo…

    Tapos na to, para sa atin,Pra kay LordCM at Dylan…Pero sana wag kalimutan ng iba, OFW din sa LordCM, may pakiramdam at handang lumaban kung kelangan…

    Tulog na ako, kakaantok kape mo…saka lalo ako ninerbyos lolzz

    Nyt2x na ha 🙂

  34. Lord CM says

    PAALALA : MAG INGAT SA ASO!!!NANGANGAGAT!!!

    Hehehe 😀 tulog na nga, Dogie!!!Bantayan mo pahina ko ah?!!!

  35. PaJAY says

    Dylan at Lord Gusto nyo ng messenger?…hahahaha…

    teka teka…tumbok mo na nman dre…sana lahat ng blogista ganito mag isip…yung tipong maging "END-reader" muna ng sinulat bago ilahad sa publiko at ganun na rin sa mga nag kukumento…di natin masisi ang ibang nagkukomento na galit tulad ni Anonymous na halatang umuusok sa galit..pero sana lagyan ng "FINESSE" ang paglalahad ng emosyon para di magmukhang sabungan ang blogosperyo….hahaha..pero tulad ng sabi ko..di ko rin masisi ,sdyang kanya-kanyang trip lang talaga dito sa blogosperyo…..

    ganunpaman,ang mahalaga lahat tayo may natutunan sa pangyayari…ganun din ang panawagan ko kay pareng mike…sana nga mapadpad dito yun at magkumento na rin…hehehe..

    PAIRALIN NATIN ANG DIPLOMASYA SA BLOGOSPERYO…:)

    mabuhay ka lord!..

  36. Desert Aquaforce says

    Kung sana nga lang lahat ng bloggero'y may ethics, sana'y ang bloggywood ay mapayapa.

    There are only 3 simple points that I've read on the Blogger's Code of Ethics:

    (1) Be Honest and Fair – honest and fair in gathering, reporting and interpreting information.
    (2) Minimize Harm – Ethical bloggers treat sources and subjects as human beings deserving of respect.
    (3) Be Accountable – Admit mistakes and correct them promptly; Abide by the same high standards to which they hold others.

    Integrity is the cornerstone of credibility. Bloggers who adopt this code of principles and this standards of practice not only practice ethical publishing, but convey to their readers that they can be trusted.

    Source: http://www.cyberjournalist.net/news/000215.php

  37. Mac Callister says

    hmm,tama lang din naman na magpost ka ng sarili mong opinyon besides its your blog nga lang,just check it out first before posting if masyado offending sa iba,just a little moderation and consideration lang yan,pangit din kasi naman un magpapadikta sa readers ng gusto nila isulat mo,its still your blog in the first place.

  38. Ruphael says

    We are the master of our own deeds. Kaya lang kailangan din nating isaalang alang ang damdamin ng iba – ang damdamin ng ating mambabasa. As much as possible, dapat mag-enjoy sila sa mga binabasa nila..

  39. abe mulong caracas says

    medyo nalilito pa ko sa ikokomento ko

    nung nasa creative writing class ako, ang sinabi sa amin, ang mga sinusulat ninyo ay para ninyong mga anak. masakit kapag inaapi o pinipintasan.

    natural lang na magalit ka at ipagtanggol mo!

    pero isipin mo ding baka may anak din sila kaya ka nila napipintasan.

    edi pintasan mo din ang anak nila!

  40. Kosa says

    natawa ako sa komento ni mulong…
    taena.. parang "sige, inapi mo ang anak ko, aapihin ko rin ang anak mo" tipong ganun na tema.. pang telenobela..lols

  41. Lord CM says

    @Pajay…
    Di talaga natin masisi ung mga OFW na galit na galit dahil sa artikulong yun…at dapat wag sisihin dahil hindi ang OFW o kami ang nagsimula nito…

    Buhay pa ako parekoy 😀

    @NJ…
    Copy-Paste ko pre ung code of ethics ah 🙂

    Eto lang maganda kaya may comment box eh, meron kang matutunan sa bawat kumento ng blogero 🙂

    @Mac Callister…
    Pangit nga tingnan kung magpapadikta ka sa gusto ng readers mo, pero ang isipin kung ano ba gusto ng readers mo mas okey dba? 🙂

    @Ruphael…
    Tama ka run pre…Pasayahin natin ang ating mambabasa 🙂

    @Mulong…
    Hehehe 😀 Pintasan na lang eh!!!

    @Kosa…
    Hehehe 😀 Asa ka pang seryoso si Mulong nyahaha, peace Mulong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *