TUESDAY…

When you cried
I’d wipe away all of your tears
When you’d scream
I’d fight away all of your fears
And I held your hand through
all of these years
But you still haveAll of me
Alarm signal ng CP ko, remember?!!! Hehehe 6:30am, nakikiramdam…parang malamig at nangangatog ako?…dampi ng kamay sa noo, sa leeg, PUTEK!!!Pwede na magprito ng sunny side up sa sobrang init!!! lolzz …nga pala paglilinaw lang ah, di swine flu ito at wala pang kaso ng swine flu dito sa Palau…
Bangon muna, patay ng aircon…balik sa higaan at muni muni ng ilang minuto, baka kasi sakaling mawala bigla at makapag ayos na ako para pumasok sa opisina…Sinuwerte!!!Di pa rin nawala ang init, weird pa kasi nilalamig ako lolzz..Text ko na lang boss ko na di muna ako papasok…7am? masyado pala maaga baka nag aayos pa yun…muni muni uli, hanggang sa….
The best thing about tonight’s that we’re not fighting
Could it be that we have been this way before
I know you don’t think that I am trying
I know you’re wearing thin down to the core
Hehehe 😀 yan naman ang ring tone ko….”Hello pre, sasabay ka ba?” , officemate ko hinihintay n pala ako at paalis na sila, langya nakatulog na pala uli ako kasi 7:40am na at 8am ang pasok namin 😀 …“Sige pre, una na kayo”…text ko na boss ko na di muna ako papasok, buti na lang pumayag…
Balik uli sa pagtulog, ngayon nakabalot ng kumot kahit walang aircon, yakap ang unan at meron pang nakaipit na unan sa pagitan ng dalawang hita…xensya na wala akong matandaan na napanaginipan ko…
11:30am…Bangon para magsaing, palambot ng karne ng baboy sabay upo…nung malambot na ung karne lagyan lang ng breading prito na!!! lolzz wag makealam at yan pa lang nadagdag sa mga nalalaman kong lutuin..Pagkatapos magluto, kain at hanap ng gamot na pwede sa trangkaso, nakanang!!!wala kahit isa!!!Isip…Isip…di ako pwede lumabas at malayo ang store, lahat sila may pasok at ako lang natira sa barracks walang pwedeng utusan…Putek!!!Balik kama na lang, nuod ng Fast and Furious part 4 kahit napanuod ko na…natapos na’t lahat lahat mainit pa rin ako 🙁 … tulog na nga lang muna….
6:30PM…Paggising ko, hehehe himala!!!Di na ako mainit, pero tulo pa rin sipon ko, sabay ubo..okey na to at least makakagalaw na kahit papaano…
Punta na lang ako store, bili ng soy sauce na sawsawan ng pork chop na prinito ko kanina at tubig para inumin ko na rin…may lumapit ba naman na taga dito at nagtatanong kung ano raw ung Fish Sauce at kung maaari ko daw syang tulungan hanapin kung saan nakadisplay ung Fish Sauce(english syempre)…Isip…Buti na lang alam ko!!!Patis yun no!!! nahanap ko naman at saka ko tinuro sa kanya, sabay kuha naman sya…pagtingin ko uli nung Patis, nakalagay “Chilli Patis” Patay!!! di bale wala na sya lolzz
Ayan!!!Kaya kung gusto nyo mangibang bansa, may idea na kayo kung paano magkasakit ang isang OFW…sabi nga nila “Bawal magkasakit…babaho!!!” Kasi naman napansin nyo di ako nakaligo?!!!
Salamat nga pala sa mga comment, kahit may sakit ako nagbabasa pa rin ako ng comment…inom ako ng maraming tubig, inom sana ako gamot kaso wala eh…sinubukan ko ring kaskas likod ko sa pader kaso di pa rin nawala yung init ng pakiramdam ko, niloko lang ata ako ni mulong…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ORACLE says

    Hmmmm….

    Share mo naman panaginip mo nung natulog ka ulit nung 1130. Baka yun ang himala at nawala ang "init" mo parekoy…

    Nyayahahhaa…
    Mabuhay ang mga nag iinit na OFW! lolz… 🙂

  2. A-Z-E-L says

    hahahahaha.. inisip ko rin ug sinabi ni kuya mulong pag ikiniskis ba ang likod sa pader mawawala ang init ng pakiramdam? lolz!

    si bingkay naman hindi nya maisip ang english sa Patis! hahahahaha!

    tubig lang katapat nyan.. tsaka tissue (better kung towel na lang) para sa sipon! lolz!

  3. Lord CM says

    @Oracle…
    Di ko talaga matandaan panaginip ko pre eh, gusto ko nga rewind kaso di na pwede 😀

    @AZEL…
    Luko luko ata yun eh, sinubukan ko nga…di naman nawala init ko lolzzz

    @an_indecent_mind…
    Hehehe 😀 sana nga ganun lang…kaso hindi eh

  4. DETH says

    at talaga nga naman…walang patawad..ahahaha

    oist kuya yung keyboard mo, punasan mo may sipon..hehe,joke!

    pano nga kaya mawawala yung init pag kiniskis yung likod? si bingkay naghahanap din ng patis…in demand, hehehe

  5. SEAQUEST says

    Maybe ur just lack of Yakapsul and a Kisspirin..hehehehe…ganun talga pag malayo sa minamahal…Anyway, GEt well soon..Godbless…

  6. E??su?J says

    haha
    (opening my bluetooth)
    pare pasend ng fall for you!
    nyaahaha…
    okie lang ba kase 5110 lang cp ko hahah…

    nakakainis talaga magkasakit sa ibang bansa…
    tsktsk…
    mabuti na lang may mag-aalaga na sken kung sakali..aww! heheh

  7. abe mulong caracas says

    teka yung nagtanong kung anu yung fish scauce baka si bing yan!?

    si bing kasi pinay pero di alam ang patis pero alam ang fish sauce!

    dahil sipon at at ubo na lang, maghanap ka na lang ng dahon dahon jan dre!

    pag ubot sipon wag ikiskis sa pader! walang epekto!

  8. Lord CM says

    @Deth…
    Nakalayo ako sa keyboard para di matuluan lolzz

    @SeaQuest…
    Siguro nga kulang lang ako nun, sana meron pang mabilhan nun 😀

    @Jen…
    Hehehe 😀 may bluetooth talaga ang 5110 ah…papuntahin mo nga dito yung taga alaga mo at alagaan din ako lollz

    @Amor…
    Parekoy, nakaligo na ako kinabukasan no..mabango na uli 😀

    @Mulong…
    Lalake ba si Bing? lolzz. teka ano na nman kinalaman ng dahon sa sipon at ubo?

    @Francesca…
    Alam ko rin Vodka ang gamot dito eh lolzz, pero bawas ako sa inom ngayon…

    @Marco…
    Hehehe 😀 ang hirap nga ilabas eh

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *