OFW sa Jordan, Nagkakaruon ng linaw…

Kenji, post ko na dito baka may maitulong ung iba…o may contact silang pwede lapitan para matulungan ung ofw sa jordan…

Eto istorya ni Mari** sa Jordan base sa Pinsan nyang nasa England na si Eme***, at kung ano na ung mga nagawa ng KaBlogs Team para sa kaso…Namamasukan si Mari** sa Jordan at ngayon humihingi ng tulong dahil sa madalas na pambubugbog ng kanyang amo sa kanya..ang mahirap hindi lang ung amo nya ang gumagawa sa kanya nito kundi pati na rin ang buong pamilya ng employer nya…

Ipinaalam na nila ang sitwasyon ni Mari** sa agency kung saan nanggaling si Mari**, at sinubukan na ring tawagan ng agency na to ung employer…pero nagalit pa lalo ung employer at mas binugbog pa si Mar*** dahil na rin siguro sa pagsusumbong nito…Nailapit na rin nila sa Phil Embassy sa Jordan ang kaso pero hinihintay pa ng Phil Embassy ang tawag mula sa Pinas ( di ko sure kung sa DFA ba o kung kaninong tawag) para makagalaw sila ng legal at mailigtas si Mari** sa amo nito…

May email ad kami ni Eme*** na nasa England, pinsan to ni Mari**…at sya lang ngayon ang nakakausap ng KaBlogs tungkol sa sitwasyon ni Mari**…Sinubukan ko na rin mag email at ipaalam sa DFA ang pangyayari ilang oras pa lang ang nakalipas pero hanggang ngayon wala pa rin reply galing sa kanila…Sinubukan ko na rin email ung isang blogger na nagtatrabaho sa isang TV Station sa Pinas kung may alam syang malalapitan natin para mapabilis ang kaso pero wala pa rin reply…

Ngayon umaasa si Eme***, at mari** na matutulungan natin sila kahit sa kauting paraan man lang…sa ngayon ang ilapit sa mas may kapangyarihan lang ang magagawa natin…pero kung sakali malakeng bagay to para mapabilis ang pagkakaligtas ni Mari** sa kanyang amo…

May number na rin ako ni Mari** kung gusto nating tawagan pero nag aalangan akong tumawag para alamin kung okey sya kasi baka mas lalong lumala ung sitwasyon pag nalaman ng amo nya…

Hanggang ngayon naghihintay pa rin kami ng reply galing sa DFA, pero sana kung may mas maganda tayong magagawa bukod sa paghihintay eh mas okey para naman makaalis na si Mari** sa malupit nyang amo…

Kung may naisip kayong paraan o konting tulong, please….kelangan namin ngayon, kelangan ni Mari** at ng mga mahal nya sa buhay…oo nga pala, nagbitiw ng salita si Mari** sa pinsan nya na baka bangkay na syang maiuwi sa Pinas kung di sya agad makakaalis dun sa amo nya…nakausap nya nung isang araw at buhol buhol na raw ang salita na halos di maintindihan sa sobrang pag iyak at sa sakit na nararamdaman…

Ngayon lang ako napasabak sa ganitong klase ng pagtulong, pero hanggat kaya ko, ibibigay ko kung ano ang maibibigay ko…di ko alam kung bakit pero ilang oras lang tulog ko dahil sa pag iisip ng paraan para lang matulungan si Mari**, kaso ano ba naman ako? isama na si Kenji, si The Pope…kulang pa rin kung sakali, kaya kelangan namin tulong nyo para mapabilis ang kaso…

Pansamantala, kasama sya sa lahat ng dasal namin, ganun din sana sa inyo…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Updates :

May 29, 2009 – Update lang, nakausap nang grupo si Eme*** yesterday at napagkasunduan na tawagan ngayon si Mari** para malaman ang kanyang sitwasyon…para na rin malaman ng grupo kung ano pa ang pwedeng gawin…

Di ko alam kung good news, pero nai-fax na raw ng asawa ni Mari** ung kelangan ng Phil Embassy sa Jordan para makagawa sila ang aksyon…hintay lang namin na mag PM uli si Eme*** tungkol sa kung ano na ang ginawa ng Phil Embassy sa Jordan…di ko alam kung good news yan kasi hanggang ngayon wala pa ring updates eh kahapon pa na-i-fax ung kelangang ng embassy…

Sana maging maayos na ang lahat

May 30, 2009 – Update lang uli, nakausap na ni Kenji ang isa sa tao ng Phil Embassy sa Jordan…kasama lahat ng details ng kaso pati contact number ni Mari**…aasikasuhin na raw ni Violet (Pink,Purple) ng Phil Embassy 😀 , sana magkaruon ng magandang balita pagtapos makontak ni violet si Mari**…

Salamat sa pagtawag ni Kenji, kahit paubos na load nya 😀

June 1, 2009 – Habang kausap ko si Kenji, nabanggit nyang may tumawag sa kanya, at sinabing pupuntahan na raw ng Police ang nasabing Cafe ng amo ni Mari** at iimbestigahan na nila ang kaso…

Unti- unting nagkakaruon ng linaw ang kasong naidulog sa Kablogs dahil na rin sa patuloy at walang sawang pagtulong ni Kenji at The Pope para mapabilis ang pagkakaligtas ng OFW sa Jordan…

Isa lang po ito sa mga kasong naidulog sa KaBlogs , at umaasa pa kaming madaragdagan pa ang mga kasong ganito…Ang KaBlogs ay patuloy na tutulong sa abot ng aming makakaya, pero kelangan namin ng suporta na manggagaling sa inyo at syempre volunteers na handang tumulong ng walang hinihintay na kapalit..

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. YanaH says

    rest assured ill include her in my prayers hanggang sa maging maayos ang lahat sa kanya..
    Godbless her as well as those people na tumutulong sa kanya..

  2. Mr. Thoughtskoto says

    ako po ay inutusan lang ng Presidente ng KABLOGS na si CM para tumawag at tawagan ang mga ito. hehehe,

    Ako po ay inutusan lang din ni CM na tawagan ang Embassy ng Jordan.

    Ako po ay inutusan lang din ng Presidente ng KABLOGS at dahil akoy likas na mabait, nyehahaha, at masunurin, sinunod ko po ang mga utos sa akin ng mga nakakataas.

    Its great to work with you and george as well as the men and women of KABLOGS, si jen, si Jee, at marlon. ang dami nila para imention!!!!

    Salamat!Tumawag ulit saken yung isang kaibigan ni marife humingi ng number ng taga Embassy sa Jordan para maibigay ang passport number.

  3. Lord CM says

    @Yanah…
    Asahan namin yan mare, at sana sa dasal ng karamihan, maging maayos ang lahat

    @Kenji…
    Hehehe 😀 Nakakataas? Ikaw ang pinakamataas lolzz

    Salamat sa lahat ng bumubuo ng KaBlogs, at sana magtuloy tuloy na ang pagdating ng magandang balita…

  4. DETH says

    sana po ay maging maayos na ang kalagayan niya at maligtas siya sa malupit niyang amo, nakikiisa kame sa pagdarasal para sa mabilis na pagsagip kay Mari…

  5. Amorgatory says

    parekoy grabe na tlaga yan, nu bang mga klaseng lahi yan nkow pow, anyways ill include her in my prayers, at sa iba pang mga kbbyan natin na mayroon same case, lam kow ksi madami eh. I’m proud of you pare3koyskiness..snya now lng me nkdalawness to the max ksi na im sick hahaha

  6. A-Z-E-L says

    mula sa dubai, patuloy ang aming pagdadasal na sanay maging maayos na ang lahat para kay Mari** (na pagkatapos itago ni CM ang buong pangalan sa papamagitan ng ** ay ibinulgar naman ni kuya kenji sa comment nya!) hehehehe…

    pero seryoso, patuloy tayong tutulong sa kapwa OFW… at patuloy nating tutulungan ang mga lumalapit…

    ______________________

    ayoko ng mangarap na mas madami pang matulungan dahil ibig sabihin noon ay madami pang Pinoy ang maaapi…Dalangin ko na lamang ay kumonti na ang ganitong sitwasyong at humupa na ang problemang pagmamaltrato sa mga kapwa ko OFW.

  7. tonio says

    saludo po ako sa kaBlogs! sana makatulong din ako sa magandang layunin ng kaBlogs!

    mabuhay po ang mga pinoy at ang kaBlogs!

  8. Eme says

    SALAMAT PO SA LAHAT NG INYONG TULONG AT SA DASAL PARA SA AKING MAHAL NA PINSAN…
    MORE POWER AND GODbless sa mga KABLOGS..!

  9. Lord CM says

    Salamat sa lahat ng nagdaan at magdaraan pa, sanay wag natin kalimutan isingit si Mari** sa ating mga dasal…

  10. Jez says

    wowwww!cmmmmm bilib naman ako sa inyo….and tignan nyo oh, nakangiti si Jesus sa inyo…

    may the Lord continue to bless you and the whole kablogs para mas marami pa kayong maibabahaging blessing din sa ating mga kababayan

  11. enjoy says

    Sa totoo lang CM, sumasakit dibdib ko sa mga naririnig kong ganitong mga kaso. Kung may sapat lang kasing trabaho sa ating bansa, marahil ay wala ng magri-risk ng buhay sa ibang bayan mabigyan lang ng magandang buhay ay mga mahal na naiwan sa Pinas.

    Wala akong ibang maio-offer na tulong pero ang isama na rin siguro si Mari** sa aking mga dasal. Naniniwala ako that prayer can move mountains and can make impossible things happen. Buti na lang at may Kablogs na patuloy na sumusuporta and I’m happy to have found this org.

  12. bomzz says

    sa tuwing makakabasa talaga ako ng ganitong pangyayari nakakapanlumo nasasaktan din…. kasi DH din ang sis ko at may 2 cousins…
    kong saan pa yung nga HOly na Lugar don pa yun maraming masamang tao… dapat sana di inalis ang Ban sa JOrdan….

    dito sa Iraq.. walang marining na mga ilapustang OFW…..kaya maswerte pa rin kahit papano..

    Sana maging maayos ang lahat para sa ating kababayan…

    Pre….bait mo talaga….god bless you..

  13. The Pope says

    Maraming salamat for posting this one, this is informative, sana maraming mag volunteer din para sa ating Help Team. Purihin ka CM sa iyong dedication sa KABLOGS, God Bless You.

  14. Curbside Puppet says

    salamat po sa post niyo. ako po ang nagsabi kay kuya kenjie and nilagay ko po yan sa blog ko. i just gave him danny buenafe’s email ad. siya ang abs-cbn middle east news bureau chief.

    salamat po talaga.

  15. Meryl (proud pinay) says

    sana ay ok na ngayon si marie, asahan nyo po ang aking mataimtim na panalangin sa kanya na sana ay ligtas sya. Patnubayan nawa sya ng Poong Maykapal.

  16. Jesus says

    Nice post CM i hope na maipagpatuloy ang magandang adhikain ng mga kablogs. More power and may the Force be with us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *