Kahapon lang…

Kahapon lang, gaya ng nakagawian hintay ng tawag mula kay manong lito na nagbebenta ng bento, order ng isang kanin at chicken bbq…Sarap no? pananghalian ko na yan, minsan pag sobrang dami inaabot pa ng hapunan ang ulam ko…eh ngayon ang lake ng manok kaya may natira pa, pwede pa pang hapunan, kaya tinabi ko para sa gabi…
Lumipas ang maghapon pagtatrabaho, eto na at uwian na…wag nyo na alamin ung detalye ng trinabaho ko at di naman yun ang dapat kong ikwento..Okies?!!!…

Pagkauwi sa barracks, palit ng pambahay, tambay sa labas habang nagyoyosi…maya maya lang pasok sa kwarto at nuod ng teleserye…may replay kasi pag 5pm ng mga teleserye, kapag di ko napanood ng gabi pinapanood ko sa hapon…Saing na rin ako ng kanin para sa hapunan at syempre habang nanunuod at naghihintay maluto ang kanin, blog muna ako…

Maya maya lang, luto na yung kanin at ini-in-in na lang…Nasan na ung Chicken BBQ ko?!!!Hehehe nasa ref tinago ko muna…para naman mainit din yung chicken ko eh ilagay ko sa ibabaw ng sinaing kasabay ng paghihintay ng ilang minuto tuloy ang panunuod ng teleserye…

Ang inaabangang “Only you” Si Angel Locsin at si Sam Milby…Hehehe panuorin nyo na lang, after nyan nawili sa kanunuod pati “Tayong Dalawa” ni Kim Chu ba yun? basta yun…tinapos ko na rin, ayun!!Gutom ang LordCM!!! Alas otso na kaya di pa ako naghahapunan lolzz…


Sarap na naman ng kain ko nito malamang, Chicken BBQ ba naman eh!!!, PUTEK!!!Bukas ang rice cooker ko, NASAN ANG CHICKEN BBQ KO?!!! waaaahhhh!!! Naunahan ako ng walanghiyang pusa, nakapasok sa kusina namin…BWISIT!!!Ano uulamin ko?…Buti na lang may TUNA ako, sarap din ng TUNA paminsan minsan dba? Wag nyo isipin ipiprito ko pa kasi ung TUNA ko ung nasa LATA, Hehehe lolzz, reserba de lata pag walang makain…

Kanina, habang kumakain ng tanghalian…Ulam ko pritong isda, at yung suki kong pusa na lage nakabantay habang ako’y kumakain ayun at nakasilip na naman…kasi madalas ko bigyan ng tirang ulam yun eh…Kuha ng tsinelas sabay bato!!!SAPUL!!!Hehehe takbo sya ng pagewang gewang, kala mo ah!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    abah.. ahehe… *churi* sugapa sa award.. lolz.. sensya nah…peace.. ahehe.. teka… makibasa po =)

  2. Dhianz says

    ahehhe.. naaliw naman akoh sa story moh… teka… be nice to animal… may mga animal rights den yan… lolz… aww…asar 'ung minsan actually 'ung 'ur lookin' forward of eating it tapos mawawala… kc last time… alam koh may pancit pah.. takte… lalaway akoh… pagpunta koh sa kusina… 'la nah…syempre… akoh eh isang tampururot… kumuha nang bread walang palaman… pumunta sa room… kumain at nag-emote.. sama sama nang loob… ahehe… kuletz eh noh… at least u made d' cat's day!… hmmm only you.. napanood koh nung 'ung umpisa… tapos.. 'la na.. tinamad na akoh.. so walah nah… pero once na ma-adik akoh eh for sure tuloy tuloy koh panonoorin… actually lately wala kmeng cable.. so kaya nde akoh adik… tinatamad akoh manood sa computer.. 'la lang.. nakipagkuwentuhan lang.. lolz.. laterz! Godbless! -di

  3. Lord CM says

    @Dhianz…
    Based ka naman Dhi!!! 🙂

    Be kind to animals? Eh hayup na yun kinain ulam ko, tuloy imbes na masarap ang kain ko nawalan na ako ng gana…

    Nasubaybayan ko na kasi ung mga teleserye kaya dire diretso na, lalo pa at walang magawa kundi manuod at mag blog…

  4. Bhing says

    grbe nmn nauna n ung pusa…tlgng sign n ng global crisis pati pusa nakakipagkompetensya na…

    naaliw aq sa post!

  5. RJ says

    Kung sa isang blog ay aso ang nabasa ko, dito tungkol naman sa pusa… Sikat ang mga pets ngayon.

    Huh! Malakas ang pusa kasi kayang buksan ang rice cooker mo. Kaya siya lumakas dahil sa pagkaing binibigay mo araw-araw.


    Si Santino hindi mo pinapanood?

  6. Lord CM says

    @Bhing…
    Actually Bhing madalas kong bantayan ung pusa na yun, tapos sarado ko kusina namin pag pasok ko ng room, siguro may nagbukas na iba kaya nakapasok ang hayup!!!ayun!!wala na ang chicken bbq ko 🙁

  7. Lord CM says

    @RJ…
    Un na nga siguro pre, naging mabait naman ako sa kanya kaso inabuso ako, inunahan pa ako sa pagkain ko lolzz

    Nanunuod din ako pre ng Santino pero madalang…

    Parang nanunuod ka rin ah 😀

  8. Manang Dyi says

    hang sarap nung chicken bbq! kaya lang ndi na ako kumakain ng chicken e. 🙁 hehehehe…

    aba! kumain din kami kahapon nina jen ng pansit at pork bbq. pero tinurbo sya! toinkz!!

    kawawa naman ung pusa. binato mo ng tsinelas. dapat binigyan mo nalang siya ng tinik! maawa ka sa pusa! maawa ka! lolzzz!!

    at sa telesryeng yan…ganda ng only you at tayong dalawa! promise! kaya dapat manood ka mamaya. hehehe…

  9. Lord CM says

    @lenz…
    araw araw ko nga pinapakain ung pusang yun…simula ngayon wala na syang tirang pagkain lolzz

    @Jee…
    Ganun? masarap kaya ang chicken…try mo minsan..saka ayun!!!pork bbq 😀

    Ako kaya ang kawawa, nawalan ako ng ulam…kanya pa naman sana ung matitira kong buto buto 😀

    Napanuod ko kagabi ung irereplay ngayon kaya babantayan ko na ulam ko lolzz

  10. Dhianz says

    hayop nga.. kc pusa syah… what is a cat? an animal… ahehe… ang kyuletz…. ayos lang yon…at least napasaya moh ang araw nyah… ahehe… akoh ren noon addicted sa teleserye… puyatan ang drama koh noon… ngaun 'la eh… 'lang cable.. kabitan moh nga kme nang cable kuyah.. lolz… =)

  11. JETTRO says

    mahirap din minsan yung may pusa
    kaya nga yung mga pusa ko nilagay ko sa sako tapos dinala ko sa mlayong mlayo ililigaw ko para hindi na bumalik.

    hayyyy sa layo ng pinagdalhan ko ako ang nligaw kundi ko pa sinundan yung pusa hindi pa ako makaka uwi.

  12. The Pope says

    Bro, puede kong ipahiram sa iyo ang alaga kong aso na si Piolo para may taga taboy ka ng pusa hahahaha.

    A blessed weekend.

  13. E??su?J says

    awww…
    nakakagutom ang chicken bbq…
    ehehhe…
    hmmm….

    pare be kind to animals, because they have feelings too…nyahahaha….

    adik lang pre..:)

  14. saul krisna says

    wahahahaha natawa ako dun ah… wag kang mag alala kasi lagi akong naiisahan ng pusa ng kapit bahay ko…pesteng pusa makabili nga ng airgun…. ako na ngayon ang mang huhunting… gagawin ko na siyang siopao…. natawa talaga ako LORD

  15. SEAQUEST says

    Nuod ko Santino maganda saka yung silang dalwa kasi di tayo kasali, kaya sila yun, kuya, wag mo naman po batuhin ng tsinelas kawawa naman, pagtaguan mo na lng pagkain para matuto cia, pero in fairness natuwa ako kasi ako naguulam ng tuna pag walang wala na masarap pa nian lagyan ng dinurog na skyflakes. Godbless

  16. poging (ilo)CANO says

    nagsawa na ako sa chicken…pakpak na lang kulang ko, chicken na ako..lolz..

    dapat hinuli mo yung pusa, luto natin para pulutan. malamang ubos ang isang case ng redhorse niyan..hahahah

  17. chikletz says

    panu binuksan ng pusa ung rice cooker ng hindi sya napapaso at hindi mo narinig bumagsak ung cover? haha!

    idol ko ung pusa mo..

    at di ko ma-imaging nanonood ka ng teleseryes. haha! kulet… ayos..

    nagutom tuloy ako sa post mo..

  18. JasOnizeRs says

    Hi..heloO pOh, pwe bumati???

    "Hi sa nanay at tatay ko diyan sa amin
    at sa mga kapitbahay ko, kumusta na kayo!?
    Mabuhay tayong lahat!! : )

    Yun lng..Salamat ng marami.."NAPADAAN"

  19. Amorgatory says

    buhahahha!!!idol ka nang pusa pre, feeling kow may pagnanasa sayow lols..natawa akow sa manok, sarap pa sana no?naunahan ka hahahah!

  20. Lord CM says

    @Dhianz…
    Sige punta ako jan, kabit ko cable nyo pero sagot mo pamasahe ko lolzz

    @Jettro…
    Hehehe 😀 Buti na lang pala alam ng pusa ung bahay nyo…

    @The Pope…
    Sige nga pre, pahiram muna si Piolo 😀

    @Jen…
    Ako rin naman may feelings ah…nawalan nga lang ako ng ulam lolzz

    @Saul…
    Di pala ako nag iisa lolzz, pahiram air gun mo ah..

    @Skyflakes…
    Oo nga pre, kala nila porket tinitirhan ko sila ng pagkain eh pwede na silang mauna, mga hayup!!! lolzz

    @Seaquest…
    Eh paano kung malaman nila kung saan ko tinatago ung ulam ko edi uunahan na naman nila ako 😀

    @Batang nars…
    Buti na nga lang, kundi ung pusa ang ulam ko lolzz

    @Chikletz…
    Asus, ang gagaling ng pusa dito no, baka nga mas magaling pa magsaing sa akin yun mga yun lolzz

    Wala na kasi mapanood dito kaya teleserye na lang, maganda naman ah? hehehe

    @Jason…
    Sige bati ka lang…

    @Peachkins…
    Aba!!!ngayon ka lang po napadaan dito no? 🙂

    @Amor…
    Anong idol parekoy? di naman ako nagnanakaw ng ulam ah, hehehe

  21. Bomzz says

    kawawa naman ang pusa….

    kong ako yun lagot kang pusa ka! di lang tsinelass aabutin… hehehe..

    maging alerto pre… may bantay salakay na pusa lolz…

  22. Dhianz says

    natawa nemen akoh sa hiritz moh kuyah… as in hehehe.. loz… sige kuyah.. don't wori.. akoh na lang sa cable.. thanks na lang sa offer.. wehe… ingatz! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *