Ingat….

“Ingat ka ha?”

Dahil ba hindi mo sya kayang ingatan?

La lang, nabasa ko lang minsan yan…Di ko na matandaan kung saan, di ko na matandaan ung eksaktong linya na nabasa ko…pero kung iisipin mo, di ba parang may katotohanan?, Pinag iingat mo ang isang kaibigan, isang importanteng tao, o ang mismong pinakamamahal mo dahil di mo sya kayang ingatan…

May katotohan man o wala, ang mahalaga sinabi mo ito dahil mahal mo sya, at ayaw mong may masamang mangyari sa mahal mo. May katotohanan man o wala, gusto mo lang ipakitang mahalaga sya para sayo…

*ang imahe ay galing sa http://image18.webshots.com/

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Rhodey says

    hindi ako madalas magsabi nang ganyan, pero minsan nadadala lang ako pag sinasabihan ako nang ingat, sumasagot na rin ako nang ikaw din ingat…

    pero ewan ko, lalo na kapag kaaway ko na yung paalis, mejo may pahabol pa ngang madapa ka sana… aheheheks…

    parang biogesic lang to ah?…

  2. Rhodey says

    anak nang tipaklong nakauna rin hahaha…

    mabuti nalang at nakabiogesic ako kanina, hindi ako tinablan sa magulong sina juan plus juan, at ni debit credit…

    ingats… aheheheks…

  3. lenz says

    madalas din akong mag sabi na mag ingatlalo na sa mahal ko at sa mga kaibigan..naka ugalian ko na kasi ang mag sabi!..sir cm ingat…hahaha

  4. Ryan "JUMONG" Ocampo says

    mas mahirap na sabihan na mag ingat kapag ito ang nasabi ng taong malapit ng mawala sayo.

    Hay ang sakit ma Heartbroken leche

    kuya dalaw ka sa site ko hehe

  5. Ruphael says

    Oo nga noh?Di ko talaga naisip yan..iniingatan ko ang mga mahal ko kaya mula ngayon di ko na sabihin sa kanila na ingat sila..Ang dapat, "iingatan ko kayo"..hehe

  6. Niqabi says

    oo nga?..
    pero bakit nga ba natin nasasabing ingat ka?.. well in fact alam naman natin na kahit pa super mag-ingat ang isang tao, kung destined na mangyari ang accident or sort of like it, e mangyayari pa rin. Hmm maybe its one thing of showing them that we care..

    o kaya.. ingat ka kuya lordCM 😛

  7. =supergulaman= says

    "ingat! kahit walang laman ang tyan, pwede…. ingat" — John Lloyd

    aheks…minsan kailangan natin talagang sabihin ito, …dahil minsan tanga-tanga ang pinagsasabihan natin nito…. ahahaha…biro lang… pero syempre isa itong paraan ng pagsasabi na mahalaga sila sa atin…ayt! ^_^

  8. SEAQUEST says

    INGAT…ingat sila sau!!! hehehe…madalas pambiro ko yan sa mga tropa ko lalo na pag guy hehehe…kaya kuya ingat na lang sila sau…TC..ngatz-i na lang poh…

  9. chikletz says

    may nagsabi sakin ng pahayag na yan.. wag ko daw syang sabihan ng ingat kasi ibig sabihin nun ay hindi ko sya kayang ingatan..

    wala nainis lang ako.

    namannn..

    eh di wag sabihan na mag-ingat kung ayaw nya..

  10. tonio says

    di ko alam ano ikukumento ko…lolz

    ingat na lang tayo sa H1N1, medyo marami na nyan dito sa Pinas…

  11. Lord CM says

    @Rhodey…
    Hehehe 😀 Malay mo bigla nga madapa lolzz

    Wag mo pala sobrahan ng biogesic at baka ikaw ang madapa, ingat 😀

    @lenz…
    Maski naman ako, basta mahalaga sa akin ung tao…minsan nga kahit kakilala lang eh…ganda rin kasing pakinngan

    @Oracle…
    Ingat ka rin lolzz

    @Ryan…
    Whew!!!lalo't alam mong mawawala na sya sayo…kaya mo yan pre 🙂

    @Ruphael…
    Hehehe 😀 pwede rin pre…Iingatan ko kayo lolzzz

    @Niqabi…
    Nasasabi natin yun kasi yun yung panahong mawawala sya sa tabi mo at di mo na maiingatan, mahalaga sya sayo kaya pinag iingat mo sya dahil wala ka sa tabi nya para ingatan mo…

    @SuperG…
    Di ko yata napanuod yan pre, mahilig ka talaga sa drama ah hehehe

    May tama ka parekoy 😀 … mahal lang natin ung pinagsasabihan natin…

    @Marco…
    Hehehe 😀 Ingat, miss u, mwah mwah tsup tsup lolzz

    @Seaquest…
    Wala silang dapat ikatakot sa akin, harmless ako 😀 Ako ingat sa kanila hehe

    @Chikletz…
    Kaw naman, naglambing lang ung tao eh 🙂 …gusto nya lang wag ka umalis at ingatan mo sya 😀

    @Tonio…
    Hahaha, tama pre, ingat jan sa Pinas at kalat na ang H1N1

  12. A-Z-E-L says

    sa gitnang silangan… uso ang linyang…

    "Ingat, baka ma-backside" lolz!!!

    di ko alam iinterpret un.. pero naririnig ko un dito!

    pero masarap ang feeling na sabihan ng "ingat".. ibig sabihin may concern sayo ang nagsabi nun… pag mahal mo pa ang nagsabi, may kasama pang kilig!!! awwwtsss!!!

  13. tagalogblogger says

    "hindi kita kayang ikulong sa mga bisig ko para ingatan habang-panahon kaya ang tangi ko lang magagawa ay paalalahanan ka na mag-ingat dahil pag nasaktan ka ay masasaktan din ako."

    Parang ganito ata ung ibig sabihin nun eh.. ewan ko lang din..

    Mingkoy.

  14. Ching says

    cm,

    iniingat ko ang sarili mas higit kong iniingatan ang mahal ko… ganun siguro yon… ingat sila hehehe

    ching

  15. Dhianz says

    hayz… yeah kc 'u care… gusto moh 'ung taong 'un na laging mag-ingat… "ingat sya" nde nde sa nde koh sya kayang ingatan… dahil wala naman akong karapatan na ingatan sya… pero kung hahayaan nya akoh… habang buhay koh syang iingatan…. naks naman… i was gonna say saya ingatz kah kuya CM… pero baka akalain nilah para sau ang mensaheng hiniritz koh… para yan sa taong gusto koh nang i-let go pero patuloy pa ren na bumabagabag sa damdamin koh… takte! ang drama… aheheh… laterz kuya… Godbless! -di

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *