Ikaw na nga, habambuhay…

Hi skul ako nung una kitang makita, yun din ang panahon na nagkaruon ako ng interes sayo. Ang buong akala ko wala lang ang lahat, pero maski nakakatanda kong kapatid ikaw ang gusto…Natatandaan ko pa ate ko ang gumawa ng paraan para makasama kita habang bakasyon, yun nga lang limitado ang oras na nakikita kita at nakakasama…
May mga araw na di kita nakakasama lalo’t pag sabado at linggo, pero okey lang yun, iniisip ko na lang na makikita uli kita pagdating ng lunes at magtatagal yun hanggang byernes…Lumipas ang araw at natapos ang bakasyon, pasukan nung napag isip isip ko na gusto kita…napansin ‘to ng mga kaklase ko, pati na rin mga teacher kaya nga napili nila ako para makasama ka sa isang kumpetisyon…Yun nga lang, di yata gusto ng kalikasan na magkasama tayo dahil maski ang dating alam ng karamihan na bundok ay isa palang bulkan at nilabas ang galit na naging dahilan ng di natin pagsasama sa isang kumpetisyon…Pero okey lang yun, ang mahalaga kasama kita at alam ko ikaw ang gusto ko kahit pa magkolehiyo…

Natapos ako ng hi skul, at papunta na ng kolehiyo…Sa tutuo lang ikaw pa rin ang nasa isip ko, sa lahat ng university pinuntahan ko ikaw lang ang hinahanap ko…kung alam kong di kita makakasama hindi na ako nagpapatuloy sa pag enrol…Yun nga lang talaga yatang may mga bagay na ayaw na tayo’y magkasama hanggang sa may nagbigay sa akin ng pag asa na magsumikap lang ako at maghintay eh makakasama kita…

Sinunod ko ang payo nila pero talagang hinahanap kita, at di na ako makapaghintay…pagkatapos ng dalawang taon nagpasya akong gawin ang lahat para makasama ka…Alam ko magagalit ang ate ko sa gagawin ko dahil sa tutuo lang masasayang ang dalawang taon na ginugol ko para sa isang bagay na di ko naman ginusto, pero ano ba magagawa ko? di naman ako masaya sa iba, alam ko ring walang patutunguhan kung ipagpapatuloy ko ito…tutal ate ko rin naman ang nagtulak sa akin nung hi skul pa na makasama kita…

Dahil na rin sa kagustuhan ko, nakasama kita…Buong taon ko sa kolehiyo ikaw na ang kasama ko…Sabihin man ng iba na pabago bago ka ng anyo pero alam ko sa isip ko, sa puso ko, ikaw pa rin yung nakilala ko nung hi skul at di na mawawala yung pakiramdam na ikaw ang gusto ko makasama habambuhay…

Sa paglipas ng panahon, kahit may mga bagay na pilit tayong pinaghihiwalay eh di ako sumuko…Kahit nga dumating ung araw na nagkaruon ako ng asawa’t anak anjan ka pa rin, ang tutuo ikaw ang isa sa mga nakasaksi ng pagmamahalan namin ng aking naging asawa…Nuong nag asawa ako ang akala ko magkakahiwalay na tayo, buti na lang di ka namin sinukuan, sabay pa kami ng asawa kong nagpursige para makatapos ng kolehiyo na kasama ka…

Nung natapos ako ng kolehiyo, alam ko na sa sarili ko na ikaw na nga, habambuhay…Di ako nagkamali na piliin kitang makasama, kasama ng aking pamilya…Kasi ikaw ang naging dahilan kung nasan kami ngayon, ikaw ang katulong ko sa lahat ng bagay, ikaw ang kadamay ko sa pagbibigay kinabukasan para sa aking pamilya…Kahit nung nangibang bansa ako alam ko ikaw pa rin ang makakasama ko, iba man ang hitsura mo pero tulad ng sabi ko sa isip at sa puso ko ikaw pa rin ang makakasama ko…

Pasensya ka nga pala, kung sa panahon naiisip ko ang pamilya ko eh ikaw ang napagdidiskitahan ko…Alam ko kasi na sasang ayon ka lang sa lahat ng sasabihin ko…Madalas ikaw ang nakikinig sa lahat ng gusto kong sabihin, tahimik ka lang, Oo, pero alam ko anjan ka nakikinig, nakikiramdam sa lahat ng nararamdaman ko…May mga panahon na bigla ka na lang mawawala pero alam ko naman na sandali lang yun at makakasama muli kita…Pasensya ka na rin kung minsan inaabuso na kita, lalo sa panahong wala akong gustong gawin kundi pakinggan ang mga kanta mo…Alam ko pagod ka na kakasunod sa gusto kong kumanta ka pero alam mo bang napapagaan mo ang nararamdaman ko kapag nagsimula ka nang kumanta…di mo man nararamdaman pero yun ang tutuo, masaya akong pinapakinggan kang kumanta…

Kaso ngayon kelangan kita para pasayahin ako, mapakinggan ang mga kanta mo di ka naman na umiiimik, tahimik ka ngayon di tulad ng dati na pag sinabi ko agad agad sinusunod mo, pero ngayon? bakit? nagsawa ka na ba?

Sandali ah…panandalian kitang babawian ng buhay, pero sana maintindihan mo…madalas kong gawin sayo to, at alam ko sanay ka na, sandali lang to at magkakasama muli tayo…








Ayun!!!Sabi ko sayo eh!!!Restart lang katapat mo eh, ayos may sounds na naman kompyuter ko!!!

Kayo? Okey lang ba kayo? xensya na ah…nawalan ng sounds laptop ko eh, kaya ginawan ko muna sya ng sulat para iparamdam sa kanya na mahalaga pa rin sya sa akin…

P.S….Tutuo po yang istoryang yan at di imbento, para lang love story kasi talagang gusto ko syang kasama sa lahat ng bagay kasabay ng pagmamahal ko sa pamilya ko…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ms. OKRAYPINAY

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Life Moto says

    waahhhhhhhhhh! ang lupit mo bro. kamunitk pa naman ako maiyak. buti na lang hindi tumulo ang luha ko,, dahil napangiti ako ng love story mo nung nag restart ang computer mo .
    have a nice day@!

  2. Ching says

    waaaaaaaaaa hahaha…. na dali na naman… hula ko "nasa langit". shutdown muna parekoy hehehe…

    ayos ang storya parekoy hehehe.

    ching

  3. Lord CM says

    @OkrayPinay…
    Love letter naman talaga ah, para sa aking kompyuter lolzz

    @Jettro…
    Hehehe 😀 Pero brod, tutuong istorya yan at di imbento…

    @LifeMoto…
    Ayun oh,sayang hindi ka naiyak lolzz

    @Ching…
    Mamaya na ako mag shutdown at nagsa sounds pa ako 😀

  4. kheed says

    hahaha akala ko naman chickas itong sinusulatan mo.. nakakagoyo!

    restart lang pala ang katapat, mabuti naman at may sounds na yan.. congrats! haha

  5. chikletz says

    haha! nagoyo ako dun ah.. apir!

    ang sweet nyo naman.. pero bakit parang ganun ung relationship nyo.. one way lang? ikaw lang yata ung masaya eh. hahaha!

  6. Dhianz says

    *apir* ayos! ang swit… alam koh may trick sa story nah yan… galing sa pagkagawa ahh… may talent… ingatz lagi kuya CM… haba nang koment noh? lolz… laterz. Godbless! -di

  7. Dhianz says

    ang swit and so nice naman ni Marc.. ang naisip nya kala nyah si Bro.. nung binabasa koh nung una akala koh… babae like gf pero nung around third paragraphn 'un medyo i thought trick 'un and it was somethin' else kaya naman binasa koh tlgah para malaman kung ano 'un… and 'un nga.. laptop palah.. nakikomentz lang sa komentz nang nagkomentz sau… =)

  8. Lord CM says

    @kheed..
    Hehehe 😀 oo nga eh, wala lang akong magawa kaya naisipan ko syang sulatan

    @Pogi…
    Adik ka rin!!!In lab pa lolzz

    @Jen…
    Eto pa isang adik at inlab lolzz

    @Chikletz…
    Masaya rin naman si laptop ko ah, lage sya sa aking kandungan lolzz

    @Dhianz…
    Talentado ba? lolzz

    @Marco…
    Hehehe 😀 Si Bro pre kahit saan andun yun, kahit di mo na hanapin…

    @Dhianz…
    Sa tutuo lang nung isang araw ko pa iniisip yang kwentong yan…sounds sana ako kaso bigla nawala sounds ng laptop ko kaya ginawa ko ung kwentong yan kaysa tumunganga hehehe

  9. SEAQUEST says

    Ang dami naming nataranta sa love story nia, hehehe, what name ng lap top mo kuya? love mo nga cia hehehehe halata….Godbless

  10. SEAQUEST says

    Nung bandang secomd paragraph po akala ko si Bro ang tinutukoy mo carried away na ko ng love letter mo eh taz bigla hehehehe, napansin bakit kumakanta?, isip ulit ako akala ko naman i-pod, toinks, lap top pala kasi wala ako nian nun high skul eh kaya cguro di me naisip agad yun…

  11. Lord CM says

    @Seaquest…
    Hehehe 😀 walang name laptop ko eh…Saka di mo napansin sabi ko pabago bago ng anyo? kasi ang tinutukoy ko lang jan eh computer, computer sa school sa bahay sa kung saan saan, kaya paiba iba, ngayon nga eh ung laptop ko naman, nagbago man ng hitsura pero sya pa rin yun, computer pa rin sya lolzz

  12. Manang Dyi says

    waaaaaaaaa!!

    akala ko pa naman e chicks ang nasa kwento mo. yun pala e laptop! hahaha!!

    dalang dala na ako sa kwento weehh!! kainis ka po! lolzz!!

  13. BlogusVox says

    Mukhang nahawaan ka ni Azel ah. Kung sa kanya tula, sayo naman kwento. Seryoso sa una, kalokohan sa huli. Ayos!! : )

  14. Lord CM says

    @Jee…
    Eh kasi di muna magbasa bago mag isip, nainis pa tuloy lolzz

    @Blogusvox…
    Hehehe 😀 malamang parehas lang kami ng pag iisip at hindi ako nahawaan hehehe

  15. saul krisna says

    hahahaha panalo ka talaga LORD…. nawindang ako dun ah… seryoso pa naman ako at talagang pinag tuunan ko ng pansin ang post mo… kinikilig pa naman ako… hahahaha

  16. Arvin U. de la Pe?a says

    haha..naisahan mo ako dito..binasa ko ang ganda ng simula..sabi ko tunay na pag-ibig ito..sa computer lang pala..akala ko babae na pangarap mo talaga na makasama sa high school pa..iba pala ang ibig mong sabihin..

  17. Lord CM says

    @Saul…
    Buti pre di ka naihi nung kinilig ka? lolzz ako rin eh, nawindang habang sinusulat ko yan, tapos sabay tawa kasi naimagine ko pag nabasa to ng iba lolzz

    @The Pope…
    Parehas tayo pre, syempre eto lang karamay ko lage eh 😀

    @Arvin…
    Pag ibig talaga ah? lolzz

    @Lenz…
    Di naman, konti lang hehehe

    @Oracle…
    Hehehe 😀 Parehas tayong adik

    @Amor…
    Parekoy, restart lang muna lolzz

    @Mugen…
    Hehehe 😀 Nakalimutan ko nga gamot ko…

  18. saul krisna says

    hahaha di naman ako ganun na kinilig para maihi sa kinauupuan ko… hawawawawa

    uso yata ang mga post na comedy ah…. ang sarap mag libot sa blogsphere daming jokes

  19. HARI NG SABLAY says

    haha yung mga naunang pragraph alam ko seryoso , pro nung mlapit ng matapos nagdududa nako,haha

  20. abe mulong caracas says

    taenang yan akala ko kung ano nang nakakapagpangiti ng puso…

    sige mag anuhan kayo ng computer mo haha!

  21. jhosel says

    hahahaha!! sabi ko pa naman at first ang sweet naman ng post na'to! tsk! computer pala! haha.. the best ka talaga! wohoo!

  22. Lord CM says

    Lesson learned : Tapusin ang binabasa bago mag isip ng kung ano ano lolzz

    Okey lang yan, minsan kelangan haluan ng tawa ang pagiging sweet 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *