Buhay Abroad…(Re-Post)

Buhay Abroad?…Gaya ng karamihang nangarap ng magandang buhay, Gaya ng iba na magtitiis para lang sa kanilang pinakamamahal, Gaya ng iba na handang isakripisyo ang pamilya para lang magkaruon ng maayos na buhay ang lahat ng minamahal…Andito ako ngayon sa ibang bansa…
Kahit sa panaginip hindi ko inisip na mapunta sa kung saang bansa bukod sa Pinas, dahil alam ko kuntento na ako na kasama ang pamilya kahit maliit ang sweldo…Alam ko makakaraos kami sa konting kinikita ko, lalo’t magtutulungan kami…Alam nyo ba, sarap ng pakiramdam na uuwi ka galing sa isang araw na trabaho tapos sasalubong sayo mga anak mong makukulit, kahit na anong pagod nawawala basta’t nakita mo na sila…Tapos kakain ka pa ng luto ni kumander, kahit mukhang laging galit ( ganun talaga sya…Hyper 😀 , pero mahal ko un, mahal na mahal ) …Sarap ng pakiramdam na kasama sila, kahit anong problema mawawala ng kahit ilang minuto basta nakikita sila..

Ewan!!! Hindi ko yata naisip un mga yun nung mag email sa akin barkada ko na nakikisuyong kontakin ko ang isang barkada para mag email sa kanya…Langya!!!Nagtanong pa ako kung may bakante dito!!!…Sa tutuo lang ang iniisip ko nun pamilya pa rin eh, kung makapagtrabaho ako sa ibang bansa maihahanda ko at masusunod ko lahat ng gugustuhin ng pamilya ko.Mas lalake ang sweldo ko at maibibigay ko lahat para sa kanila…

Hehehe 😀 Ganito pala pag nagsusulat ka, hindi mo mailalabas lahat sa isang minuto, o isang oras, o isang araw…pangalawang gabi na to at yan pa lang ang naisusulat ko, kundi ko pa napanuod ang MAALAALA MO KAYA na tungkol sa OFW eh di ko pa maitutuloy tong kwento ko…

Tuloy natin…Last week pa ung episode ng maalaala mo kaya tungkol sa OFW, ngayon ko lang uli maitutuloy to, paano habang nag iisip ng kung anong pwedeng ilagay eh bigla ka na lang matitigilan, tapos ayan na…tumutulo na, hindi uhog ha, Luha…kapag nagsimula na yan wala ka na maiisip na maisulat…Homesick na naman 🙁

Sa loob ng limang taon na pagpapaalila sa mga dayuhang wala naman alam, Oo, meron man silang alam pero ikaw pa rin ang aasahan…Marami na rin ang lumipas na pangyayari, meron masaya meron malungkot…pero syempre ung mga masasaya o magandang nangyari lang ang dapat alalahanin..Nagpapasalamat pa rin ako at napunta ako dito dahil sa ngayon maayos ang pamilya ko sa pinas…sana nga magtuloy tuloy pa…
Kaso, ganun yata talaga, hindi mo maaalis na hindi isipin ung mga nakakalungkot na nararanasan mo.Isa sa pinakamalaking kalaban ng mga tulad ko eh syempre HOMESICK…marami sanang paraan para di ka ma homesick pero di talaga maiiwasan mag isip lalo pag ganitong gabi na yakap mo ang unan mo tapos nanunuod ng tv at kahit gusto matulog di ka makatulog kakaisip kahit wala nang isip…Ang hirap naman kasi talaga, kala ko dati makakaya ko hanap ka lang ng mapaglilibangan ok na…pero wala pa rin. Buti na nga lang at may mga paraan para makausap ng pamilya sa pinas dahil sa tutuo lang sila na lang ang dahilan kung bakit tumatagal ako dito…dahil lahat ng ito para sa kanila…

Di naman sa pinagsisihan ko na andito ako, dahil marami talagang magandang nangyari sa akin at sa pamilya ko simula nung pumunta ako dito…Pero kung may pagkakataon, o pagkakakitaan sa Pinas na mag aangat sa akin at sa pamilya ko financially, uuwi ako…di na ako lalabas ng Pinas kung di ko rin lang makakasama ang pamilya ko..Gusto ko pa rin makitang lumalaki mga anak ko.

Tama na nga…basang basa na laptop ko 😀 …

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

DHIANZ

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Dhianz says

    yahoo!…hehe.. walang bang prize? lolz.. teka nga makibasa… nawala kc walang humiritz agad… tapos nabasa koh then nakornihan akoh kaya ang delete d' post ang drama koh.. lolz… babasa nga… =)

  2. Dhianz says

    awww… emo si kuya CM… *abot basahan* ahehe.. lolz… *panyo palah*… juz keep it… hwag moh na ibalik.. lolz..

    hayz ayos lagn yan kuyah… lahat nagn sakripisyo moh.. hirap moh… lungkot moh.. luha moh… eh worth it den lahat yan laterz… at for sure awa ni God eh magkakasama sama ren kayo muli sa Pinas at nde moh na siguro kakailanganin lumabas nang bansa later… at don masusubaybayan moh ang paglaki nagn mga anak moh… and for sure dehinz na unan ang kayakap moh laterz…

    and kung aalis ka man uletz nang bansa or pupunta kah somewhere else in d' future.. for sure kasama moh na ang family moh…

    konting tiis lang… =)

    and syempre trust and prayers den lang kay Bro sa taas at all times… kc sya ang laging gagabay sa family moh at magbibigay nagn desires nang puso moh…

    parang kata koh lagn noh? parang lagi atah ganito ang linya koh noh..tsk!.. ingatz lagi kuya CM! Godbless! -di

  3. MarcoPaolo says

    Repost?

    … pero ngayon ko lang to nabasa…. hehehehe… makapiling mo rin sila… promise! 🙂

  4. chikletz says

    ganun talaga pag malayo sa mga mahal mo sa buhay. walang magawa. walang mayakap.. makasama palagi..

    tama na nga baka umiyak ka ulit. hehe..

  5. Bomzz says

    Ganun ang nangyari sa akin pre' kaya ISIP-ISIP ang entry ko.. di ko malaman kong ano ba ang iniisip.??. HOMESICK na naman na halos araw2x tayong tinamaan..

    buhay O-ip-Dobolyo nga naman….

    Relate na relate ako sa wento mo pre… 🙂

  6. Dhianz says

    meganon? pinost pa yang avatar koh daw.. tsk!… humiritz pa kc akoh noh… naks… galing ahh… meron nang special award ditoh sa mga first commenter… sayah… ayan! first commenter.. or u can say first commentator.. or dahil akoh lang naman 'un eh first commentor na lang.. lolz….punong puno na akoh nang award.. next time na akoh magpipik up… wamatz po… nemen… ba't pinost pa yan nakatagong face koh..tsk!… ingat… Godbless! -di

  7. Dhianz says

    re-post na palah yan… eh ba't parang ngaun koh lang nabasa… kaya palah familiar 'ung airplane na picture.. lolz… and parang pareho den atah 'ung sinabi koh noon sau nung pinost moh yan… eniweiz.. i'm outie… =)

  8. Lord CM says

    @Dhianz…
    Ginawan ko na ng prize ang lahat ng magiging first commenter ng entry ko para di na humingi ng berger 😀

    Sana nga Dhi mag dilang anghel ka 🙂

    @Marco…
    Yan pre ung mga una kong entry nung nag uumpisa pa lang ako…

    @madjik…
    sinabi mo pa pre, halos lahat nga ng OFW…

    @Chikletz…
    Hehehe 😀 hindi na at nasa opis ako baka isipin baliw ako lollzz

    @bomzz…
    Di na mawawala talaga ang homesick sa atin pre…

    @Dhianz…
    Sabi nga ni Dylan, kung ano man yan, kung commentor, commenter o commentator basta nabigyan ko sila ng award…its the thoughts that counts 😀

    Ikaw pala yan nasa avatar mo?

    Wala kang comment sa post ko na to dati Dhi, 7 lang ata ang comments ko dun kaya naisipan kong ire-post 😀

  9. Rej says

    naalala ko tuloy yung tatay ko. pag umuuwi sya dito sa bayan ni Juan alam lahat ang showbiz tsismis kc daw kahit ayaw nya magbasa sa sobrang inip hindi nya namamalayan na nagbabasa na sya ng tsismis. mas updated pa nga sya sa min eh. :p

  10. Dhianz says

    ahhh… dehinz bah… kala koh naka-koment na akoh… kc 'ung post kinda similar i think sa isang post moh noon… eniweiz… pero familiar 'ung plane.. 'un na lang.. lolz.. teka… avatar koh? syempre nemen… sino naman kaya ilalagay koh dyan?…lolz.. ganda nang idea… may award sa lahat nang first commenter… ayos!… ingatz… Godbless! -di

  11. Lord CM says

    @rej…
    Hi po, first time ko ata nakita name mo d2 🙂 …salamat sa pagbisita

    Hehehe 😀 Lahat ng di mo nagagawa dati,gagawin mo na pag tinamaan ka talaga ng inip o homesick

    @Dhianz…
    Siguro nadaanan mo ung post ko dati pero di ka naka comment 😀 ..

    Naalala ko lang nung tinanong kita kung ikaw ang nasa avatar mo sabi mo hindi 😀 …kya nitanong uli kita hehe

  12. Dhianz says

    ahehe… ganonz bah… actually 'ung nde koh na sagot… means yes…. ang labo noh?… remember kapag sinabi nang babae na no… sometimes means yes… ganonz lang 'un… wehe…. again…hiritz koh… syempre nemen… sino nemen ilalagay koh sa avatar koh?… lolz.. ingatz! =)

  13. Lord CM says

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 kaya minsan ang hirap intindihin ng girls, nag yes na tapos No pala lolz

    Oo nga, sino nga ba ilalagay mo jan? 😀

  14. I am Xprosaic says

    UU nga naman! Kung maganda lang ba ang takbo ng ekonomiya ng Pinas at enough ang magiging sahod para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya then we have all the reason to stay… in time LordCM… in time…

  15. Dhianz says

    teka… yeah… malabo tlgah ang mga girls… actually most of d' time ang case… when they say yes.. it means no… wala lang… humiritz lang uletz… wehe… sino nga bah??? hmmm… nexttime picture na lang nagn boylet koh ilalagay koh dyan… nakanang… saulkrisna style…. pero teka nag-reveal na ata syah… so yeah… laterz =)

  16. Lord CM says

    @RJ…
    Gusto ko nga sama sama na lang kami dito, pero ang panget ng edukasyon dito..ang mga gumagradweyt na local dito eh kahera o bagero lang ang work…mapasok man sila ng opisina eh nakapag aral sila sa US o sa ibang bansa bukod sa Palau..

    Sayang ang utak ng mga anak ko kung dito lang sila mag aaral…

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 sige nga boylet mo naman lagay mo sa avatar mo…

  17. Lord CM says

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 kelan next time? pag napagkamalan ka nang boy? nyahaha saul na saul ang dating lolzz

  18. E??su?J says

    kaya ayoko ng walang pasok ehh
    nahuhuli ako sa chatrum..
    haha
    bumalik na pla yung reyna ng comment box..
    (peace mare!) 😀

    homesick???
    nababaliw ako pag homesick ang usapan ehh…
    tamang tawag ako dun kahit na alanganing oras na..

  19. Dhianz says

    to kuya CM: ahehhe.. sana dehinz naman akoh mapagkamalan na boy… papahaba na nga akoh nang hair tapos w/ matching pink highlight… ahehe… astig! lolz…

    to sis Jenskee: sis jenskee!!!!! haller!… yoko nga nang friday sa mundo nyo kc lagi kayong walah.. buti na lang andyan si kuya CM oh… reyna koment back… pagandahin moh naman title koh… make it princess… lolz… homesick kah?… buti na lang adyan si batman nakakatulogn sa pagbawas nang homesick moh… hihheee… ingatz =)

  20. Lord CM says

    @Jen…
    Edi sana mare ikaw ang may award na First Commenter, next time pasok ka kahit walang pasok lolzz

    @Dhianz…
    Malamang Dhi hindi ka pagkamalan, penk na penk pahina mo eh 😀

    @Marco…
    Ayan, basahin mo na, hehehe

  21. Dhianz says

    puwede ren naman ang guyz mahilig sa pink nde bah??? =)

    sensya na masyado na bang maepal ditoh… sige laterz…

  22. The Pope says

    Senyales ng kalungkutan at pananabik sa pamilya… hmmmm, homesick ka kaibigan.

    Sabi nga sa PLDT, bring them home, in a telephone, tawagan mo sila para maibsan ang pananabik.

    Kaya mo yan, may voice at video chat, at nandito kami para damayan ka.

    A blessed weekend.

  23. Lord CM says

    @Dhianz…
    Oo nga ano? bading lolzz

    @The Pope…
    Normal sa atin to pre, homesick 😀 ang iniisip ko na lang anjan kayo homesick din lolzz

  24. apieceofkeyk says

    sa repost na 'to, naalala ko ulit yung entry ko sa PEBA. yung homesick na pinagdaan ng tatay ko na ngayon ay pinagdadaanan ko na. buti na nga lang at makakasama ko na kids ko dito. sana ikaw din ay magkaroon ng ganoong opportunity.

    belated happy father's day CM. God bless and be safe!

  25. Reolcyl says

    follow my blog naman po..please..thru dashboard nlang? kasi, dko ma show sa sidebar ko ung followers eh, auq nah kasi i change theme ko 🙂 thanks po ahead! pls lang talga..:d

  26. Lord CM says

    @Enjoy…
    Sana nga makasama ko na sila, at sana di na maranasan ng mga anak ko to…

    @Chikletz…
    Malapit na 😀

    @Reolcyl…
    na palo na po kita, follow pala 😀

  27. SEAQUEST says

    Mahirap talaga kapag malayo sa mga mahal sa buhay, subali't pasasaan ba at magkakasama-sama din kayo…tiyaga,pagsisiskap, abilidad, sakripisyo lahat yan kaakibat mo na, at alam kong di mo yan magagawa kung di dahil sa iyong mga mahal sa buhay at inspirasyon sila at higit sa lahat ciempre pananampalataya…More perseverance to you, just kip on believing, Godbless.

  28. Mr. Thoughtskoto says

    umiyak ka na naman?! Inventory na ba? hehehe, anyways, nabasa ko na ito dati nung binalikan ko ang blog mo at faithfully binasa ko, may dinagdag ka lang konti. Happy blogging pa rin!

  29. Lord CM says

    @Seaquest…
    Salamat, kaya pa naman basta anjan pa sila 🙂

    @Kenji…
    Pasingit singit lang kasi inventory pa rin hanggang next week..

    Repost talaga yan pre, walang nadagdag 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *