Sa likod ng iisang mukha…

Pagpatuloy ko lang ang nakaraang entry dahil sa napakahahabang kumento ng iba..

May katotohanan man o wala ang iyong sinusulat, karamihang makakabasa ng artikulo mo ay naniniwala sa isinulat mo…bilang patunay, magkukumento sya para makagaan sa bigat na iyong nararamdaman, minsan makikiiyak pa sya sayo, at kung minsan pa ay hihingin ang YM o number mo para makausap ka ng masinsinan at mapayuhan kung ano nga ba ang dapat gawin…

Likas na sa Pinoy ang ganitong pag uugali, walang problema dun. Naging maalalahanin lang tayo…Pero di nyo ba napapansin? Ang pinapakinggan lang natin ay yong sinasabi ni ganito, ni hindi man lang natin alam kung ano talaga ang tunay na nangyari, ni hindi man natin alam kung bakit naging ganun ang sitwasyon, ni hindi man natin alam kung sino ang may kasalanan…

“Sinigaw sigawan ako ng mahal ko sa harap ng maraming tao” , Bakit nga ba ako sinigawan? mababasa mo ba yun sa artikulong ginawa ko?…“Hiniwalayan ako ng GF/BF ko ng wala man lang dahilan”, Wala nga kayang dahilan? pero nabanggit ko ba sa artikulo ko?…Minsan, Oo!!!Pero kalimitan gumagawa tayo ng isang artikulo para iangat ang sarili natin, kaawaan tayo, at sa atin kumampi ang mas nakakarami…di bale nang hindi nila malaman ang tutuong nangyare…

Dahil ang tutuo, kung minsan tayo ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga di natin inaasahan…di lang natin matanggap…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Lord CM says

    Hehehe 😀 Kung gaano kahaba ang mga comment sa naunang entry ay ganun naman kaikli ung mga comment ngayon lolzz

  2. Dhianz says

    nde koh mabasa nang ayos…takas lang kc akoh lagi sa computer…. ahhh sige na nga… i agree na lang… lolz… teka minsan… hmmm… oo nga… ahh… may sasabihin sana akoh… hwag na lang… wehe… laterz kuyah.. Godbless! -di

  3. Rhodey says

    ayun, kasi sa blog palaging isang side lang ang naririnig natin, yung side lang nang taong sumulat, kung may ibibigay man siyang details about sa kabila ay siyempre yung inapi siya, at kadalasan dahil hindi natin alam ang tunay na kwento at ang basehan lang natin ay ang sinulat nang bloger ay nagiging bias tayo lalo na kapag nadadala tayo sa madramang paglalahad nang author.

    di ko rin alam kung dapat kang maniwala agad, subalit kung ang gusto niya ay magkaroon nang kakampi upang maka move on siya mula sa kanyang mapait na karanasan ay ipagkakait ba natin?

    hmmmm…. ay ewan… bahala kayo eheheheheks….

  4. A-Z-E-L says

    may katuloy pa pala ung IISANG MUKHA…

    kaya nga ayoko ng ganyang personal na posts… ayoko ng awa. ayoko ng sympathy. ayokong pagusapan. ayokong pagdudahan. ayoko.. ayoko.. ayoko…

    lolz!

    basta ako…

    I SUPPORT KABLOGS!

    bow!

  5. SuperGulaman says

    me ganun?… aheks…seryoso ito…pero tama ito!

    …sabi nga nila…minsan kailangan din ang konting kasinungalingan upang maibsan ang sakit na nararamdaman…

  6. abe mulong caracas says

    90 percent daw of what is happening to us is something natural or mangyayari talaga

    the other 10 percent is our reaction. and that 10% will determine kung ano pang susunod na mangyayari…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *