Payo…

Di ko na nagawang magkumento sa mga kumento nyo sa naunang post ko na puro kumento sa mga pahina nyo…kasi ba naman, ung post ko eh mga comment ko un sa ibang blogero, tapos ung post ko na puro comment ay nag-comment din kayo…ano na lang sasabihin ng ibang tao kung magkukumento pa ako sa mga comment nyo sa post kong puro comment? Ikaw ba naman makabasa ng comment ko sa mga comment nyo sa post kong puro comment…Diba? Paulit ulit na lang, eh paano pa gaganahan ung mga readers mo nyan kung puro comment ang nakikita nila sa blog mo?

Whew!!!Binasa ko uli, parang nawindang ako sa nauna kong sinabi…pero di naman un ang gusto kong i-point out sa post kong ito…

Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?

Sabi ng ibang nakabasa sa naunang entry ko…madaling sabihin pero mahirap gawin, pero magagawa naman eh, kung gugustuhin…Tutuo!!!, napakadaling sabihin,actually mahirap pa nga sabihin eh, mas madaling isulat o i-type ung mga payong malalim ang pinaghugutan…maski ako di ko alam kung kaya kong gawin ung mga sinabi ko sa inyo…pero ano’t ano pa man at least may idea kayo kung ano dapat gawin o sabihin na natin may natutunan tayong lahat sa bawat payo ng kaibigan…

Simpleng simple lang naman diba? tanggapin kung ano mga nakaraan at gawin aral,subukan mo kung ikakasiya mo kahit sandali lang,asahan mo na ang mga ganung pangyayari para sa bandang huli hindi masyado masakit…Anong mahirap jan?

Ang mahirap jan?, kung paano mo gagawin ang mga yan ng walang taong maapektuhan o mapeperwisyo…Madali lang sumunod sa mga payo ng iba kung tutuusin, ang nagpapahirap dito ay yung isip natin na baka kapag ginawa mo to eh magalit si ganito, o maging masaya ka pero malungkot naman si ganito, sinubukan mo nga pero ang dami namang naperwisyo…

Ayun!!!Hindi sa lahat ng oras madaling sundin ang payo ng isang kaibigan lalo’t hindi sya ang nasa kalagayan mo…Ang tutuo, ikaw lang ang makakapagbigay payo sa iyong sarili…ayaw mo lang gawin dahil mas gusto mong kaawaan ka ng iba, mas gusto mong alagaan ka ng iba dahil may problema ka, mas gusto mong may mga taong dumaramay sayo…Pero kung mawawala lahat ng ito sa isip mo, malamang di mo na kelangan ng payo ng iba…

Tiwala lang sa Kanya parekoy, ibibigay nya nman kung para sayo talaga…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    Lahat ng sinasabi ng iba maganda man o mabuti sa bandang huli tayo pa rin ang magdidisyon…magustuhan man nila o hndi KARAPATAN pa rin ntin mgpasya ng naayon sa sarili nting convictions.

    tama, madaling mgbgay ng advices pero hndi ntin malalman ang totoong pakiramdam hanggat wla tau dun sa mismong sitwasyon. Ang importnte ngbigay tau ng kuro-kuro na naayon dn sa ating pananaw…

    umepal lng po!

    have a nice day!

  2. MarcoPaolo says

    pahabol:

    may nagsabi nga sa kin, ang galing galing daw natin magpayo pero ang hirap iapply sa sarili natin kung tayo ay nasa ganong sitwasyon… may point di ba? 🙂

  3. Lord CM says

    @Bhing…
    Tama!!!Sarili lang natin ang makakapagpasya kung ano ba ang dapat gawin…ang mahalaga, may handang dumamay sayo at magbigay payo…

    @Marco…
    Hehehe 😀 Una unahan lang yan parekoy…kapag nga binabasa ko ung mga post ko naiisip ko kung magagawa ko nga ba ung mga sinabi ko pag ako na ung nasa sitwasyon? … di ko alam,siguro pag anjan na saka ko lang masasabi…

  4. poging (ilo)CANO says

    tama si arco. magaling tayong magpayo pero mismong sarili natin minsan hindi natin kayang payohan…

    tam si arco! alang duda…adik nga siya…hahaha

  5. MarcoPaolo says

    @ CM… bakit nga ba ganon? nagtanong enoh… hehehe… siguro nasa sa ating sarili na yan kung paano natin ihandle ang iba’t ibang sitwasyon na maaaring maranasan natin…! burppp… oppsss excuse me… busog e… lolz!

    @ OGI:
    Adik nga e… nasobrahan kasi… sa tubig! lolz

  6. yAnaH says

    WE ALL HAVE PROBLEMS.. ITS A GIVEN.. WE JUST HAVE TO KNOW/FIND WAYS ON HOW TO HANDLE IT WELL…

  7. tonio says

    pero tanggapin natin ang katotohanan, kelangn nating makarinig ng payo galing sa iba, duon kasi tayo makakakuha ng ideya kung ano ba ang dapat at hindi dapat gawin, pero nananatili ikaw mismo ang masusunod sa sarili mo… whew! haba ng sinabi…lolz

  8. Lord CM says

    @OGI…
    Hindi naman sa hindi natin kayang payuhan, pero ayaw lang natin gawin kung ano ung nararapat…

    @Marco…
    Minsan ginagawa natin ung payo ng iba, pero kalimitan hindi…siguro dahil magulo pa utak natin sa panahon na yon o kaya naman ayaw lang natin talagang gawin ung nararapat…inulit ko lang reply ko kay pogi lolzz

    @yanah…
    tama ka dun mare, pero kelangan pa rin natin ng payo ng iba…

    @Mel…
    napansin mo? lolzz, kasi ung iba copy paste ung post ko at ginawa nilang comment nila lolzz

    @Tonio…
    Yup!!kelangan pa rin tlaga natin ng payo ng iba, minsan nakakagaan ng dinaramdam ang may nagpapayo sayo…pero un na nga, ikaw pa rin ang masusunod kung anong dapat…

  9. Lord CM says

    @RJ…
    tagal mo rin kasing di nakadalaw dito brod eh no 🙂 … try mo preng basahin ung prev entries…

  10. isladenebz says

    Agree ako sa sinabi mo. May mga tao na alam na rin naman nila ang tama at mali, alam na rin naman nila ang gagawing desisyon, pero they seek pa rin other people’s opinyon (at awa). Bakit? KSP. (Joke).

    Dahil sa pangangailangan nila ng validation. Lahat naman tayo nangangailangan ng validation.

    Un ung pagpapatunay na tama nga tayo, na may suporta tayo sa desisyon natin, etc.

    Sa totoong buhay kasi, may mga bagay na hindi talaga natin kayang desisyunan mag-isa.

    (Magulo yata ako…ano sa palagay mo?)

  11. Lord CM says

    @Nebz…
    Un na nga siguro ang dahilan, kelangan lang natin ng hingin ang sinasabi ng iba para malaman natin kung tama nga ba ang gagawin natin..lalo sa panahong namomroblema ka na, sobrang gulo ng utak mo eh kelangan mo talaga ng aalalay sayo…

  12. Dhianz says

    hahaha.. naaliw naman akoh sa intro moh… oo nga naman… may point… puro komento na lang nga naman…

    medyo naguluhan akoh sa binasa koh… pagod lang siguro at medyo may headhache… hmmm… pero true mas madaling magbigay nang advice… pero kapag kaw na minsan ang nasa posisyon.. eh ‘la na… wala kang mai-apply sa isang inadvice moh… kaya naman kelangan tlgah naten nang ibah tao… like they said… “no man is an island”…

    and syempre prayerz and trust and faith lang tlgah sa Kanyah…

    binasa koh uletz… hmm… true… kahit pah isang libong payo pa ang ibigay saten kung ayaw naten gawin eh balewala pa ren ‘un… itz still up to us to make d’ move…

    sana nagmamake sense akoh… kung nde kaw na bahala umintindi… lolz.. sige… laterz kuya CM…
    Godbless! -di

  13. Lord CM says

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 Sinabi mo pa..kaya minsan inuulit ulit kong basahin ung mga comment ko sa iba eh…sabay tanong “Ako ba nagcomment nun?”, lolzz parang di ko magagawa ung sinabi ko ah…

  14. Mayyang says

    naku! puro komento namin… komento mo…. ahhhhhhh! puro komento!ahehehe

    yah! nasa atin na yun kung paano natin ihandle ang mga problema natin. Yung walang nasasagasaang ibang tao.

    Have Faith lang kay GOd… 🙂

  15. E??su?J says

    sabi nga nila no man is an island..

    kahit sinong doktor, di kayang gamutin yung sarili niya…

    ironic pero totoo…

    pero pare…
    nalito ko sa unang paragraph..hehehe…

  16. The Pope says

    May mga pagkakataon na ang isang suliranin ay kaya nating bigyan ng sariling desisyon, subalit may mga suliranin na kailangang hingin natin ang opinyon subalit tayo pa rin sa huli ang magde-decide dito, it just a matter of second opinion. Pero sa lahat ng suliranin, wag nating kalilimutan si Bro, idalangin natin na nawa’y gabayan tayo na bigyan tayo ng sapat na lakas ng loob at kaliwanagan ng pag-iisip sa pagharap sa bawa’t suliranin ng buhay.

  17. soberfruitcake says

    sa totoo lang.npakahirap para sakin ang magdecide on my own.
    feeling ko kasi mas malawak ang nalalaman ng iba kya ung chance na magkamali kung d ako hihingi ng payo eh mas malaki. samantalang kung magtatanong ako sa mga mas nkakaalam, mas kampante akong gumwa ng desisyon kc nlilinawagan ung isip ko.

  18. abe mulong caracas says

    bulbol ito!

    una, mabuti na yung may nagpapayo kaysa wala di ba?

    teka mas gusto ko dun sa komento na magkokomento pa ulit…

    para yang ano ang iinuming mong maintenance (gamot) kung may alergy ka sa iniinom mong maintenance (vitamins)

    lintek sa analogy pamatay!

  19. zeb says

    Sometimes we just have to accept the fact that some mean people come into our lives. Why? Well, we do learn things from them. Some really hard lessons but they are there. Once some years have passed, you will be able to see those lessons more clearly. Right now the pain is too great.

  20. HARI NG SABLAY says

    ang daling magpayo sa iba, pero ikaw mismo nahihirapan kang gwin ito…hay…life nga nman…basta si bro na bhala sa lahat…

  21. A-Z-E-L says

    huli man daw at magaling… huli pa din! (nakaleave ako kaya nahuli sa comment)

    tama, lagi tayong pumupunta sa malalapit na kaibigan for consultation na libre! magtatanong ng anong pwedeng gawin kapag may problemang ganito at ganun! pero paguwi ng bahay, hindi naman tayo naguluhan, ni hindi nagdalawang isip dahil kung ano ung gusto nating gawin, un pa rin ang masusunod. humanap lng tayo ng taong manggugulo sa utak natin…

    lahat ng desisiyon natin sa buhay tayo ang gumagawa. hindi ang iba!

    WE ARE THE MASTER OF OURSELVES!

  22. Ang buhay ay parang sine says

    Sa totoo lang, minsan ang tao kaya lang naman humihingi ng mga payo sa kanilang mga kaibigan ay dahil sa kadahilanan na para maramdaman nila na sa kahit anung pagsubok sa ating buhay, hindi sila nag-iisa.

    Tama ang sinabi mo and you’ve got a point.

    Pero walang ibang makakatulong talaga sa ating sarili kundi tayo. Pinanganak tayo ng mag-isa, dapat din natin kayanin ito ng mag-isa dahil hindi habambuhay, may titingin sa’yo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *