Pasukan na naman…

Pasukan na naman, may mga magulang na naman na imbes na inaasikaso ang mga anak ay eto at naghahanap ng mapapasukan…Naghahanap ng pagkakakitaan para pang enrol sana ng kanyang anak…Kaso problema walang mapasukan…CRISIS NGA EH!!!

Pasukan na naman, May mga kabataan na naman na imbes na mag aral ay nakikipag inuman sa tropa at kung minsan pa napapasabak sa gulo at droga…Masisisi mo ba sila?, bunga lang sila ng magulong mundong ginagalawan nila…

Pasukan na naman, may mga bata ka na namang makikita sa lansangan na imbes na nag aaral sa eskwelahan ay nagtitinda ng sampagita, ng yosi at kung ano pang pwedeng pagkakitaan makakain lang..Kasi naman, pangkain na nga lang wala na sila, pang enrol pa kaya…

Pasukan na naman, TAKTE!!!Si Katrina Halili at Hayden Kho pa rin nasa isip nila!!!Sampung taon na ang nakalipas, kolehiyo pa lang ako nuon nung nauso ang video scandal…Bakit ngayon lang sila nagrereact?!!!Porke’t ba artista?, o doktor?, o marameng pera?, o kaya naman sisikat sila kung makikisawsaw sila dito?

Pasukan na naman, PUTEK!!!Wala pa ring solusyon sa mga mga kababayan nating un-employed…Nasan na ung mga kinita ng Gobyerno sa pagpapadala ng dolyar ng mga OFW? Ung mga tax na kinukuha nila sa bawat remittance ng OFW?, Nuong kumikita ang OFW nakikinabang sila, ngayon naghahanap ng pagkakakitaan ang OFW dahil sa CRISIS na yan hindi naman sila mapakinabangan…

Pasukan na naman, LANGYA!!!Nakakasawa!!!Hindi ba pwedeng pag usapan sa Senado kung paano masosolusyunan ang problema ng karamihan imbes na si Katrina Halili at Hayden Kho ang pinagtatalunan?

Ay!!!Sorry,oo nga…
ELECTION NA NAMAN PALA!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. tonio says

    sana mabasa nila tong entry mo parekoy…

    sabagay matitigas yata talaga mukha nila, alam naman na nila yan pero wala pa rin silang kongkretong aksyon…

  2. A-Z-E-L says

    pasukan na naman…
    de lata na naman ang uulamin ng mga OFW dahil kailangang magpadala ng malaki sa Pinas… tuition, boarding haus fee, books, gamit sa skul, service fee.. etc… etc…

  3. E??su?J says

    hehehe…
    isang malaking TAMA ito pare..

    pasukan na naman..
    lalu akong seseksi neto..
    tipid tipid na naman ng bongga..heheh..
    pero ok lang..

    “all our sacrifices will be worth it”…

  4. Yza says

    pasukan nanaman. patay nanaman ako sa takong ng sapatos ko haha… pasukan nanaman wala parin akong notebook at ball pen! hahah…

    p.s. next week pa psukan kei lang maginom…:D

    pasensya na parekoi apathetic and political view ko. hihi… 😛

  5. Dhianz says

    oh yeah election na naman palah noh? well juz hopin’ na ayos ang magiging next president nang pinas… hayz… awa ni God… so yeah… ingatz lagi kuyah… Godbless! -di

  6. Lord CM says

    @Zeb…
    Nice point para sa atin, mapansin kaya nila tayo? 😀

    @Tonio…
    Hindi kasi sila sisikat pag ung talagang problema ng pinas ang inasikaso nila…

    @AZEL…
    Buti na lang, elementary pa lang mga anak ko…wala pang masyadong gastusin 🙂

    @Jen…
    TAMA saan? Buti nga sana kung tamaan eh, galing umilag ng mga hinayupak!!! lolzz

    @Yza…
    Hehehe 😀 Bumili ka na ng Nokbuk…mauubusan ka na lolzz

    Ay ung pambili ng nokbuk, pang inom na lang pala 😀

  7. Lord CM says

    @Dhianz…
    Ngek!!!Ikaw lang nakapansin nung huling linya ah…Sana si PACMAN maging president lolzz

  8. Yza says

    grabe ka naman magkano lang redhorse hahahaha 🙂 pagtagpiin ko nalang un mga dati ko ntbk recycle! hahahaha

  9. Lord CM says

    @Yza…
    Yun naman pala eh!!!Sige bili na red horse, pag lasing na magtagpi na ng ntbuk lolzz

    Wag lang ma-late sa lunes at first day 😀

  10. Lord CM says

    @Yza…
    Ayos!!!Mahaba habang inuman yan…2 weeks pa, sama ako jan!!! Hehehe

    Nakakamiss mag aral, lalo mga kalokohan 😀

  11. Francesca says

    eh k?si n?m?n kung ss?n ?ng sens?tion?l n? isyu dun sil? kukuyog n? p?r?ng bees, ksi ?ndon ?ng ?ksyun, riding on the limelight ng? n?m?n;
    dito s? eu if g?ny?n ?ng ug?ling politici?n, he will not win the election, ksi its ? lot of hypocrisy.

    P?suk?n n? n?m?n uso n? n?m?n bilih?n ng pyong ny?n, t?g ul?n here we comes,,,

    hello from b?v?ri? germ?ny p?l

  12. Lord CM says

    @Francesca…
    Yun na nga mahirap sa atin, kung saan sila sisikat dun sila…ang iba naman, porke’t sikat eh iboboto na…kelangan na atang masanay

  13. Dhianz says

    wala kcng pumansin sa last line… eh di akoh na lang… lolz… pacman? nyaikz.. si Kuya CM! na lang… lolz… ingatz kuyah… Godbless! -di

  14. BlogusVox says

    Pasukan na naman! Gigising nanaman ng maaga para ihatid ang anak sa school bago pumasok sa opisina.

    Pasukan na naman! Budgeted na naman ang sweldo para sa gahiganting tuition fee at baon ng mga bata.

  15. YanaH says

    para sa akin… hindi pasukan NA NAMAN… kundi PASUKAN NA!!!!!! waaaaaaa ngaun may opisyal na akogn estudyante.. 🙁
    yun lang masasabi ko 🙁
    ingat pareng CM baka mabasa ng DOJ tong entry mo hahahaha
    kanino kaya un?! ahihihihi

  16. Lord CM says

    @Robnuguid14…
    Ngayon lang ka lang napadaan dito no? 🙂 … ganun naman ang pulitika, kung saan sila maeexpose dun sila sasawsaw…

    @Dhianz…
    Hehehe 😀 Magaling naman si Pacman ah, sa boksing lolzzz

    @Blogusvox…
    pasalamat na lang tayo pre at nagigising tayo at may naibibigay tayong baon sa mga anak natin 🙂

    @Yanah…
    Ayun!!!balik ka ngayon buhay estudyante…Kelangan mo balikan lahat ng pinag aralan mo at ituro sa iyong junakis 😀

    Di mapapadpad si DoJ dito, sabunutan ko sya lolzz

  17. soberfruitcake says

    wah..pasukan na nman, mhirap na nman sumakay ng bus dhil puno!hehe..

    wahhh..paepal na nman sila pra sbhing my gngwa sila sa sahod na bnbgay sa knla ng taumbayan..nkakatwa sila, andming problemsa sa bayan, un pa inuuna. shyet..

  18. SEAQUEST says

    Napadaan po nakibasa,nakisali,nakibaka… Pasukan na nga ilan kayang may kakayahang magpaaral.,,,minsan kasi wala na rin sa gobyerno ang problema eh nasa bawat indibidwal…pero natural di ako kampi sa gingawa ng gobyerno..kumbaga patas lang…

  19. poging (ilo)CANO says

    pasukan na naman…

    bilihan na naman ng mga notebook..notebook na ang coverpage ay mga artista. kasama dun sina katrina at heyden.

    pasukan na naman.

    panahon na naman ng kupitan..lolz.

  20. Kosa says

    anu to?

    hehehe..

    oo nga anoh?
    akalain ong tapus na ang bakasyon..
    pero paanu naman yung mga hindi pumapasok at tambay lang? lols

    sige na nga, eleksyon na naman! para maka-relate ang lahat..lols

  21. Jessie says

    Nagpapasalamat pa rin ako kay Lord at di nakasama sa global crisis. I hope maipasa ng government ang mga bills pang bansa rather than mag papogi sa katrilili na yan. I hope they provide more laws sa education rather than sex scandal. i hope they condemn corruptions rather than katrililli issue.
    I hope and pray na maging exaple ang bawat isa sa mga bata sa kabutihan.
    Nice one Bro!

  22. The Pope says

    PASUKAN NA NAMAN – buhay na naman ang negosyante sa pagbubukas klase, ang mga school transport service (bus/jeep/fx/tri-sikel/tri-sikad), ang mga public skul titser na nagtitinda ng kung anu-ano sa loob ng klasrum sa halip na pagtuturo ang inaasikaso, at ang mga drug pushers na pinasok na ang eskwela sa pangangalakal nila ng illegal drugs.

  23. MarcoPaolo says

    TRAFFIC na naman… dahil pasukan na naman!

    pero totoo ang mga nilalathala mo rito… ayos ka parekoy!!!

  24. Lord CM says

    @Sober…
    tama ka, shyet talaga sila!!!daming pwede pag usapan sa senado, yung scandal pa ang napili…mga buset!!!

    @SeaQuest…
    isa pa yun…minsan nga nasa indibidwal talaga ang problema, pero sana naman pangunahan na ng gobyerno ang pagiging matino para wag silang pamarisan…

    @Pogi…
    May naalala ka na nman pogi ah lolzz

    @Kosa…
    Hehehe 😀 parang may pasok ka pa pre ah?

    @jessie…
    Un na nga sana, pangunahan nila ang pagiging matino kaysa sa knila pa nakikita ng mga bata ang mga kalokohan nila…

    @NJ…
    Ayun lang…gastos na naman 😀

    @marco…
    lakad ka na lang parekoy para walang traffic hehehe

    @RJ…
    Di po, nagsasabi lang ng tutuo…

    @HNS…
    Tama nga lang pre, wag mo na sabihin nasa isip mo lolzz

  25. DETH says

    haaaay…buti na lang tapos na lahat ng mga kapatid ko.mga pamangkin naman ang humihirit…

    pasukan na…buhay na naman ang mga bilyaran, computer shop, videokarera at mga arcade sa mall…tsk tsk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *