Na naman?!!!

  1. DESPERATE HOUSEWIVES (Season 4) kung saan ginawang katawa tawa ang ilang medical school ng Pinas.
  2. Opensibong pagsasalarawan ng Pinay Maid sa isang Comedy Series. Sa isyung ito ipinakita ang isang Pinay Maid na inuutusan ng kanyang amo na makipagtalik sa isang kaibigan…
  3. Si Chip Tsao na sumulat nang isang nakakainsultong artikulo tungkol sa Pilipinas at ginamit ang Pinay DH para lang may maisulat…
  4. Candy Pangilinan, “Tao po ako, Hindi po ako Igorot”
  5. Alec Baldwin, ginawang biro ang pagkuha ng Mail-Order Bride galing Pinas
Ilan lang po yan sa mga pang iinsultong natanggap ng Pinas sa ibang lahi, di lang pala ibang lahi dahil mismong Pinay ang aksidenteng nakapagbitaw ng nakakainsultong salita patungkol sa mga Igorot…

Lahat ng yan hiniling ng Gobyerno ng Pinas na mag sorry sa atin, at hindi naman napahiya ang Pinas dahil nag sorry naman sila…at kung may susunod pa, sorry lang ang katapat nyan okey na naman…pagtapos may mang iinsulto na naman sa mga Pinay/Pinoy, sorry ulit…paglipas ng ilang araw, o linggo meron na naman…sorry ule….marunong naman tayo tumanggap ng sorry eh…

HINDI KAYA NASA ATIN TALAGA ANG MALI? Sorry nga ba ang kelangan natin o pagbabago sa ating sarili o sabihin na nating PAGBABAGO SA SISTEMA NG PILIPINAS?

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bingkay says

    Kailangan nating mas ayusin ang ating mga sarili at ang systema ng ating batas at pamahalaan para imbes na tayoy gawing kenkoy ng mga nonsense at hindi katawa tawang komedyante, igalang tayo at respetohin.

    Patunayan nating mali ang mga taong tumawa at nanlalait sa atin.

  2. Mike Avenue says

    Ang hirap sa atin, mas gusto nating pinauuulanan tayo ng mga papuri at pambobola kahit hindi naman totoo. Mas gusto nating sinasabihan tayo ng magagandang salita kaysa ipamukha sa atin ang tunay na sitwasyon. Mas okey sa atin ang mga nakangiting pagbati at malulumanay na salita kaysa sa matatalim na wikang nakapagpapagising ng mga kamalayan. Nakapagtataka, mas masarap bang mabuhay sa araw-araw na puno ng mga papuri at paghanga kasabay ng kumakalam na sikmura ng milyon-milyong Pilipino?

    Kung magpapakatotoo lang tayo, hindi tayo maiinsulto. Dahil kung magiging totoo lamang ang ating mga pagtanggap, malalaman nating hindi insulto ang mga sinasabi nila kundi katotohanan lamang. Na mas mabigat pa ang mga nakatagong katotohanan sa mga “insultong” iyon kaysa sa tunay na ibig tukuyin. (although hindi insulto ang tawag ko dito). At ang pagsasabi ng mga ganitong “insulto” ay nakapagpapausbong ng mga mekanismo upang kumilos at makaahon.

    Wala sa mga pagpuri at pagsamba ng ibang bansa o ng ibang tao o ng sariling mamamayan ang tagumpay na kailangan ng bansang Pilipinas. Ito?y nakasalalay sa mataas na edukasyon, pananaw at disiplina sa pamumuhay ng mga mamamayan nakatira dito. Hindi isyu dito kung ang bansa mo man ay pinamamahayan ng mga taong mukhang Igorot. O ng mga taong alila sa ibang nasyon? O alipin ng ibang lahi. Ang tunay na isyu marahil ay kung paano namumuhay sa kanyang sariling bansa ang mga taong ?Igorot? na ito na may malaya at mahusay na prinsipyo.

    Paano natin makukuha ang mga bagay na ito? Tagumpay, edukasyon, prinsipyo ?. Wala PANG pag-asa. Sa ngayon. (oo napakasarap sabihin ng ?sa ngayon?) Sapagkat pinagkaitan tayong mabuhay sa kalayaan. Nakatali tayo sa sintas ng kasamaan ng iilang mga taong nagpapaikot sa ating bayan. Mga taong tinatawag pa nating Sir at Ma?am. Mga taong pinapanginoon natin. Mga taong iboboto natin ?dahil alam nating hindi tayo mga tanga at nagpapabola.?

    Marahil, makukuha natin ang tagumpay na ito kapag wala nang mga ?tanga at nagpapabola?.

    Ang sistema?y naimbento na. Gumugulong at paikot-ikot pa. Iba-iba lang ng porma at design pero kapag tinanggalan ng balat at kulay, pare-parehas lamang ang anyo at hugis. Hindi ka pwedeng umalis sa sistema dahil kasama kang umiikot niyan. At hindi mo rin pwedeng baguhin ang sistema dahil kumapit na ang kulay ng libag niyan sa karamihan ng mga tao. At ang pagbabagong gagawin mo ay parang pagbabago ng isang bakla papunta sa pagiging GANAP na babae. Hindi imposible? Siguro nga, kung ikaw ang Diyos.

    Maaari mong mabago ang iyong sarili PAPUNTA SA KAGUSTUHANG MABAGO ANG SISTEMA ngunit asahang ang pagbabagong iyon ay may napakaliit na probability upang mabago pa ang iba. Lalo na ang sistema.

    Ang tanging magagawa lamang, mabuhay sa katotohanang ang bansang Pilipinas ay isang bansang walang buto at laman. Na umaasa lamang sa basurang itinatapon ng ibang bansa. At tagasimot ng latak ng mayayamang bansa. Mabuhay sa KATOTOHANAN.

    Magsumikap na gumawa na lamang ng mga bagay para sa pamilya at sarili. Sa ganitong paraan, Sarili at pamilya ang higit na makikinabang. Mabuhay sa KATOTOHANAN.

    After all, ginagawa ba ng mga OFW ang pagtitiis na pagtatrabaho sa ibang bansa para sa Pilipinas? O para matawag na bagong bayani ng bansa? I doubt it. Hindi ba ginagawa iyan para sa pamilya at sa sarili hindi para sa kung sino pa mang nilalang? Mabuhay sa KATOTOHANAN.

    Pero, sinasabi ko ba ito para mang-insulto? Sinasabi ko ba ito dahil hindi ko mahal ang Pilipinas? O ang pagiging Pilipino? O dahil gusto ko lang gumawa ng pagtatalunan? Isang malaking HINDI. At lalong hindi ko gustong baguhin ang sistema. Hindi ko kayang baguhin ang sistema. Sinasabi ko ito dahil KATOTOHANAN lamang ang gusto kong maghari dito sa mundo ng ?hindi masyadong realidad? na blogosphere na batbat din ng pagkukunwari at sariling motibo.

  3. Marlon says

    Sorry naman,hahahaha natatawa na lang ako sa ganito parekoy, pero interesado ako sa kwento ng kay candy, baka gawan ko yan ng post. andami kong nabasang nakakai-init ng ulo sa pag-hop ko eh..lols!

  4. Kosa says

    Mas naging focus ang attention kosacomment ni parengMike Ave! siguro may kanikanya tayong pannaw with regards to that issue… May punto tayung lahat ang we have our own spot of limelight to say what we want!!! Apiiiir parek0y!

  5. Lord CM says

    @Bingkay…
    Yun lang naman eh, di natin kelangan maghanap ng sorry…patunayan lang natin na mali sila…

    Salamat sa pagdaan

    @Mike…
    May punto ka pre, pero aminin natin mas gusto natin na purihin tayo kaysa lait laitin…

    Walang permanente sa buhay parekoy, kahit sistema pa yan…pwede mo yang baguhin, pwede mong simulan sa sarili mo…kalokohan kung di natin kayang baguhin ang sistema na Pinas…

    Wala kang dapat pagdudahan sa OFW pre, nagtrabaho yan sa ibang bansa dahil sa sarili nya at sa pamilya…hindi para sa kung sino man, pero sino nakikinabang ngayon? ang gobyerno ng Pinas…

    Tama ka dun, na katotohanan ang dapat maghari…kaya nga dapat baguhin natin yung katotohanan, dahi yun mismo ang sumisira sa atin..Tutuo namang nagpapaalipin tayo sa ibang bansa eh, pero baguhin natin ang sistema, bigyan nila ng trabaho ang mga OFW sa Pinas at kumita ng tulad sa kinikita nila sa pagsisilbi sa ibang bansa…sa tingin mo ba may magpapaalipin pa sa ibang bansa? wala na pre, kasi maaabot na nila ung pangarap nila kahit sa pinas lang sila magtrabaho…

    Kung pagkukunwari at sariling motibo lang ang pagbabablog, jan ka nagkakamali, tutuo siguro sa iba pero meron pa ring mga blogero tutuo sa sarili at hindi pansariling kapakanan ang iniisip…

    Bisitahin nyo ang KaBlogs at PEBA, at tingnan kung anong nagagawa nila…

    @marlon…
    late na parekoy ang paggawa ng post para kay CP, patapos na ata eh lolzz

    @Kosa…
    Tutuo yun pre, kanya kanyang pananaw lang tayo…at ito ang paraan para ipaalam sa iba ang ating pananaw…

  6. tonio says

    tayo gumagawa ng kabulukan natin… kapag naaamoy ng iba at isinisigaw nila ang mabahong naaamoy nila galing sa atin… sisigaw din tayo sa galit, baket daw iniinsulto nila tayo… nakakainsulto ba ang totoo?

  7. poging (ilo)CANO says

    hindi natin masisisi ang mga ibang tao/lahi kung iinsultuhin nila tayong mga pinoy…minsan kasi pwede rin madalas, tayo rin kasi ang gumagawa ng mga kabulastugan na nakikita nila at pinagyayabang pa natin sa kanila…

    wat u see wat here, wen u see me insult me..lolz..

  8. HARI NG SABLAY says

    teka naguguluhan ako kanino na nga ba ako magkokomento kay lord o mike?

    ganito nalang sariling opinyon nalang.umpisahan nalang natin sa ating mga sarili kung gusto man natin ng pagbabago.paano?maging responsableng at disiplinadong mamamayan.paano?sumunod sa mga batas.

    teka naligaw ata ako,san napunta itong pinagsasabi ko.

  9. Francesca says

    eto take ko dyan.
    Ke candy, nag sorry na siya, still hindi pa natuwa ang mga umatake sa kanya.On top ininsulto pa RIN siya.
    IF siya kaya ngayun mag demand ng sorry after nainsultuhin pa rin siya despite nag sorry na siya?

    No one would SAY SORRY.

    That is not a spirit of unity among the filipinos.
    Wag na sana dukdukin pa ang isang tao kung eto ay nag papakakumbaba na.

    Sorry na lang ke candy.
    She is a very nice comedian;

    Those attacking her PROVED how they are…

  10. Dhianz says

    i dunno… walah namang katapusan minsan yang mga issue na yan… kahit anong pigil moh… kahit ilang beses slah humingi nagn patawad at kahit ilang beses naten tanggapin ang apology nilah eh magkakaroon at magkakaroon nang issue sa aten… gaya nga nagn sabi moh sa blog ni marco paolo eh kung tutuusin eh may mixed truth don sa joke ni… sino bah ‘un? ni nde koh nga kilala ‘un eh… i guess nagagawa nga nang maraming pinay ‘un eh dahil sa hirap nagn buhay at para na ren sa mga mahal nilah sa buhay… they don’t understand ang reason behind it kaya nagagawa nilang i-judge agad tayoh… letz put them in our situation… they’ll probably do the same thing or worse.. i’m juz sayin’ we can’t put all our energy on every negative things na sinasabi nilah about us… itz their opinion bahala silah sa buhay nilah… ba’t naten papatulan… pinapatulan naten ibig sabihin affected tayo masyado… juz ignore it… letz do somethin’ for d’ country… somethin’ positive… somethin’ na makakapagpabago nang bansa para umunlad itoh… or spend the time na lang tryin’ to find a solution para sa mga problema sa bansa… para reng mga tao yan sa paligid naten… kahit ganong karaming positive things ang ginagawa naten eh may mga negative things pa ren na masasabi ang mga tao … nde naten mapipigilan ‘un… human nature… ganon tlgah… tao lang… hayz… eniweiz… yeah…. seryoso daw akoh oh…lolz… Godbless! -di

  11. Yza says

    I read the Chip tsao article, ang masasabi ko lang, though he is in fact saying the TRUTH and it may sting like a bitch to us pero have u heard of what hes done to his poor Filipina helper, Louisa?

    KAHIT NA NAGSASABI PA SIYA O SILA NG TOTOO KUNG GANU TAYO KABABA SA PANINGIN NILA, THAT DOESNT MEAN THAT THEY ARE ANY BETTER PARA ITAAS NILA SARILI NILA.THEY ARE NO DIFFERENT.

    Bakit ilang defective items na ba pinadala ng China dito sa Pilipinas ang naging hazard sa health ng maraming Filipino? Thats just one of their issues.

    as for us changing the system,

    “Regardless of how much change is done in the system, if the core remains problematic, then change is just superficial.”

    There’s only so much we could do, magsimula lang po tayo sa sarili natin. dba? 😀

  12. Lord CM says

    @tonio…
    mahirap lang tanggapin ang katotohanan parekoy,mahirap din magbago kung ayaw…

    @Kosa…
    taka nga ako sayo kahapon eh,hindi ka maka comment eh nagcomment ka na lolzz

    @Pogi…
    bwahahaha, langya ka, ke aga aga napatawa mo ako lolzz

    @HNS…
    Yun lang yun parekoy, umpisahan sa sarili ang pagbabago…

    @Francesca…
    Nung una, oo may mali si CP, pero inamin nya naman eh at nag sorry pa…ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon eh issue pa rin sa knila yun…

    at maalala ko, di pa ako blogger nung minsan mapadaan ako sa site mo, at nabasa ang tungkol sa igorot, sinubaybayan ko ung mga comment dun ah…ang dameeeee lolzz

    @Dhianz…
    Dhi, puso mo lolzz, ewan ko dhi pero siguro mahirap para sa iba ang tanggapin ang katotohanan at baguhin ito kung itoy mali man…at yung iba naman eh ginagamit lang to para sumikat na kunwari concern sa bayan…at iboto sya sa election…

    @Yza…
    Walang balita kay Louisa, pero alam ko hindi kay Chip Tsao nagwowork yung Pinay, employer nya ung brother ni Chip…

    Agree ako jan, simulan natin ang pagbabago sa ating sarili…

    @Marco…
    May mga kasunod pa yan parekoy…

  13. Ruphael says

    Hayaan na lang natin kung ano ang sasabihin ng ibang lahi. Ipagpaubaya na lang natin sa Dios ang lahat..

    @Mike
    Agree ako sa mga sinasabi mo. YOu have bright ideas..

  14. RJ says

    Naalala ko may pangulo na nag-‘sorry’ rin noon dahil nakagawa siya ng kasalanan sa masa noong panahon ng eleksiyon. Huh! Kaya siguro tanggap agad ang apology ng mga tinutukoy ng post mong ito, Lord CM. May nanguna.

  15. Mr. Thoughtskoto says

    I like what you posted. And I like what you wrote sa last part, at agree ako na nasa atin ang mali.

    Next post, anong gagawin natin para mabago ang sistema?

  16. Bingkay says

    Iyong kay Alec Baldwin umabot sa Fox News, sa Hannity’s America, napanood ko noong nakaraang gabi at na mention pa ang pangalan ni Sen. Bong Revilla na galit na galit nga raw.

    Di yata nila alam malapit na kasi eleksyon sa atin. In fairness naman kay Sen. Bong Revilla, baka sincere yong galit niya, kahit na OA-han ako sa reaction niya. Alam niyo na politics daming nakiki ride on sa issue para magkatunog ang pangalan.

  17. Desert Aquaforce says

    Pagbabago sa sistema ng ating mahal na Inang Bayan ang kailangan!

    At ang pagbabagong ito’y dapat magsimula sa bawat isa sa atin!

    Great post Lord CM… Agree ako sa mga punto mo!

  18. Yza says

    @Lord- yeah and dont ya think that makes things worse? mas lalo xang walang karapatan mgsalita ng gnun. well anyway, nice post, u got people thinking. how dya come up with such random ideas anyways. 😀

Leave a Reply to Mike Avenue Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *