Masarap maging bata muli…

Masarap nga kayang maging bata muli?

Nung una ang nasa isip ko, ayaw ko na balikan kung ano man ung nangyari sa akin nuong bata pa ako o bumalik sa pagiging musmos na walang alam kung hindi ang pagiging bata…Dahil tulad ng sabi ni Jen, sapat na ang minsan naging bata ako, dahil ayaw ko na rin maranasan ang mga hirap na naranasan ko dati, dahil ayaw ko nang balikan ung mga bagay na pinagsisihan kong gawin nung musmos pa lamang ako…

Pero ngayon…Ibalik man ako sa pagiging bata,mayaman man o naghihikahos, may magulang man o wala, busog man o walang laman ang tyan sa araw araw, o kahit ano pang ibigay sa akin bilang isang bata,…tatanggapin ko nang buong buo, hindi ko man maipaliwanag kung paano ko lalagpasan lahat ng pagsubok na darating sa akin pero mas gugustuhin ko pang maging bata muli…

Kung bakit?…Sa pagiging musmos ko lang kasi mag uumpisa ang lahat…Duon lang ako muling makakabuo ng mga pangarap, duon ko lang matutunan lahat ng mga bagay na kelangan kong matutunan para humarap sa panibagong araw, duon ko lang mahuhubog kung ano man ang gustuhin ko sa hinaharap…

Oo, di natin alam kung ano bang daratnan natin kung sakaling ibalik tayo sa pagiging bata…Pwedeng isa kang anak mayaman, maaaring lahat ng gustuhin mo ay nakukuha mo, pero pwede rin ang datnan mo ay ang paghihirap na nararanasan ng karamihang kabataan sa ngayon gaya ng imahe sa taas…Pero naisip mo ba yung mga bagay na pagdaraanan mo?, ito ang mga bagay na nagpapatatag sayo bilang tao, ito ang mga sitwasyon kung saan matutunan mo kung ano ang mali at kung ano ang tama, ito ang magtuturo sayo kung paano mo haharapin ang lahat ng pagsubok na darating sayo…

Mas mahirap ang pagdaraanan mo mas magiging matatag ka sa mga susunod na araw…

Okey na ako sa ngayon, may konting problema pero alam ko malalagpasan ko…lahat naman tayo may problema, at dumaraan sa ganito…Pero kung sakaling ibalik ako sa pagiging musmos dahil kinakailangan o kagustuhan ng maykapal, tatanggapin ko at gagamiting aral para sa mas magandang hinaharap…

Sabi nga ni The Pope, Kung eto ba ang kapalaran natin eh bakit hindi?!! Hindi naman kasiguruhan ang pagiging mayaman para maging masaya ka..(xensya na pre at tinagalog ko comment mo)…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. poging (ilo)CANO says

    masarap sanang maging bata muli pero kung gya ng nasa larawan lang naman ang pupuntahan ko, wag na lng….sapat na ang naging karanasan ko noon…

  2. poging (ilo)CANO says

    una pala ako…

    dahil una ako, gusto ko nang maging bata muli basta may bahay bahayan, ako ang tatay tatayan wag lang nanay nanayan…lolz..

  3. RJ says

    Uhmn… Ako parang ayaw ko nang maging bata uli. (Whew hindi na kasi ako makakapanood mag-isa ng mga videoNG may classificationG PG, R18 at ….)

    Parang ang hirap magsimula ulit, siguro kung nasaan ako ngayon, doon nalang din ako magsisimulang ayusin ang hinaharap. Ang isang iniisip ko kasi noong bata ako, wala akong kalayaang mamasyal kahit saan ko gusto, at kung makaalis man palaging kasama ang mga magulang o tiyahin. Wala rin akong sariling pondo…

    Pero ayos ang mga reflections mo rito ha, kung ‘yan ang analysis mo sa pagiging buhay-bata, wala namang problema… Magkakaiba lang tayo ng opinyon.

  4. Anonymous says

    kung bibigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa pagiging bata… gusto kong balikan yong mga panahon ang paglalaro dahil noong bata pa ako madalang lang ako makapaglaro sa mga kalaro ko sapagkat bata pa lang ako, ay naiwan na ako sa lola ko’t nag-iisa walang kasamang kapatid at mga magulang tanging lola ko lamang. Hindi ko magawang makipaglaro na siyang hilig ng mga kabataan dahil may mga responsibilidad na ako noon, kailangan kong magsaing, magpakain ng mga alagaang manok at baboy…. at maglinis ng bahay at sumama sa bundok…

    at kung bibigyan ako ng pagkakataon na bumalik sa pagiging bata… gusto kong balikan yong mga school days ko at maging topnotcher sa klase… lagi lang kasi akong nasa top 4 – 7… gusto ko namang maging top 1 sa elementarya. hehehehe!

  5. stupidient says

    kung ilang punto lang ng pagkabata ang pwede kong balikan bakit hindi,, kung pwede lang sana mamili..

    ayaw ko na balikan ung iba

  6. E??su?J says

    naging maganda namana ng aking karanasan bilang isang bata.

    -maluho
    -masaya
    -makulay

    pinatatag ako ng nag-uumapaw na suporta ng aking mga magulang at mga kaibigan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan–ayoko na talagang bumalik sa nakaraan (o sa pagiging bata man)..

    ang dahilan?

    simple lang…

    dahil muka pa din naman akong bata hanggang ngayon…wahahaha….

    nice one pare…:D

  7. Meryl (proud pinay) says

    ako kontento na ako ngayon..sawa na akong maging bata…hhehe..nagenjoy na ako sa aking kabataan…serious na ako sa pagiging wifey…atsaka ang panget ko kaya nung bata akoh eh…(feeling ko naman gumanda na ko noh) haha.

  8. ORACLE says

    Masaya maging bata. Simple ang buhay. Simpleng mga pananaw sa samu’t saring nangyayari sa paligid…

    Totoo. Innocence or ignorance is bliss. Maraming katangian ang isang bata na nais kong ibalik sa aking sarili. Haaaay! 🙂

  9. DETH says

    gusto kong bumalik sa pagkabata, gusto kong maglaro ng patintero…gusto kong magtaguan…gusto kong magbahay-bahayan at magluto-lutuan

    dahil ngayong malaki na, ang pakikipagpatintero ay hindi na basta isang laro… ang taguan ay may mas malalim na kahulugan… at ang bahay-bahayan at luto-lutuan ay isa nang reyalidad, mahirap ng magkamali…

  10. The Pope says

    Thank you for quoting me friend, alam mo ba na si Bro mismo ay mahilig sa mga bata kaya’t it’s really worth na bumalik tayo sa pagkabata, kasi nasusulat ito:

    “People were bringing little children to Jesus to have him touch them, but the disciples rebuked them.

    When Jesus saw this, he was indignant. He said to them, “Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of God belongs to such as these.” (Mark 10:13-14)

  11. abe mulong caracas says

    buntong hininga…haaaay

    kung ako ang tatanungin, gusto kong bumalik sa pagiging bata pero di naman yung musmo, teenager lang ba!

    alam mo kung bakit? nararamdaman ko kasing tumatanda na ako eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *