KABLOGS Jobs…

Sa patuloy na pagkakaisa ng KaBlogs Members at KaBlogs Supporters, minabuti po naming gumawa ng isang pahina para sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho sa ibang bansa…Isang pahinang magbibigay inpormasyon tungkol sa mga bakanteng trabaho sa ibang bansa…

Makikita rito ang iba’t ibang hiring sa iba’t ibang sulok ng mundo…manggagaling ang inpormasyon sa kapwa nating blogero na may alam na nangangailangan sila ng trabahador sa pinapasukan nilang kumpanya…

Sa ngayon, wala pa po tayong makikitang inpormasyon sa pahina dahil kakaumpisa pa lang…kaya inaanyayahan po namin lahat ng OFW Bloggers kung may alam kayong hiring sa inyong kumpanya ay mag email lang sa thoughtsmoto@gmail.com … Mas magandang isama sa email ang buong detalye ng job hiring, Bansa kung saan ito kelangan, pangalan ng kumpanya, numero ng telepono o kung sino pwedeng kontakin, etc…

Kaya kung kayo’y naghahanap ng trabaho sa ibang bansa, idagdag nyo na sa blog roll nyo ang KaBlog Site o ang mismong KaBlogs Jobs Site para kayo ang maunang makaalam kung sakaling magkaruon ng hiring sa isang kumpanya…

Paalala lang po, di po kami nagha-hire ng applicants kung sakali…Pinapaalam lang namin sa inyo na meron hiring sa ganitong bansa, pwede kayong dumiretso sa kumpanyang naghahanap ng empleyado at mag inquire tungkol dito…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Bhing says

    wow, nice idea. malaking tulong po ang gnito sa mga interesado mghanap ng wrk sa abroad kht po nasa abroad n rn malaking bagay p rn kc pwd nilang makita ang mgndng options…

    tinig ng pakikiisa sa PEBA…

  2. Lord CM says

    @Bhing…
    Mas malakeng tulong kung ikaw ang unang mag eemail ng hiring sa kumpanya nyo 🙂 … Kelangan ko tulong mo na maipakalat ang tungkol sa KaBlogs Jobs…

  3. Lord CM says

    Salamat sa mga nagdaan, at maraming salamat kung isa kayo sa mga unang magko-contribute sa Kablogs Jobs 🙂 …

    Idea ng KaBlogs Team yan, isip isip lang kung ano ang makakatulong sa ating mga kababayan…

    Kaya sa lahat ng gusto mag volunteer na sumama sa grupo ng KaBlogs, welcome po kayo…nangangailangan pa ang Kablogs ng mga taong magserserbisyo sa kababayan natin na walang hinihinging kapalit 🙂

  4. Desert Aquaforce says

    Not just a nice idea but a noble one!

    Galing galing talaga Lord CM! Nabuksan ko na po Mr. KaBlogs Prexy!

  5. The Pope says

    Astig!!!

    Now we have everything under one roof, a blog directory for our Pinoy bloggers, a 24/7 Help Desk, Phil. Embassies contact numbers, now we have an international job postings…

    Kudos to you my Lord ^_^

  6. abe mulong caracas says

    sayang!!!!!!!!!!!

    akala ko ba naman may job opening nang naka post, kung nagkataon nauna ako sa pila hehehe

  7. JoShMaRie says

    WOW! ASTEG YAN. MERONG BANG NAGMOMODERATE NG BLOG NA YAN DITO SA PINAS? LET ME KNOW PLEASE. THANKS.

  8. Niqabi says

    this is nice…

    mamaya pag uwi ko ng house i will email you regarding a job opening for nurses here in riyadh,..

    hehehe dito pa kasi ako duty 😀

  9. Niqabi says

    Message sent 😀
    naemail ko na po yung job hiring dito sa riyadh. I hope it will somehow help my fellow nurses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *