Iisang mukha…

Ano nga ba ang tutuong istorya?
May katotohanan nga ba ang mga nababasa ko?
Dapat ba akong maging masaya para sa kanya?
o dapat ko syang kaawaan?
Kelangan ko ba syang damayan?
o pabayaan na lang dahil wala akong alam?

Siguro naman kahit minsan naitanong mo na sa sarili mo ang mga nasa taas, kung hindi man malamang nagkukumento ka lang sa isang entry ng blogero para masabing binisita mo sya…Tama dba?

Hindi man natin aminin, pero sa mga nababasa natin madalas ang laging tama ay ung nagsulat ng artikulo…Nakiki iyak tayo sa kanya dahil malungkot sya…nagpapayo tayo ng kung ano anong makakagaan ng kanyang kalooban dahil kailangan nya yun lalo’t may malaking problema sya…Dinaramayan natin sya dahil hiniwalayan sya ng pinakamamahal nya, dahil sinaktan sya ng mahal nya, dahil nag iisa na sya ngayon, dahil kelangan nya ng masasandalan, dahil kelangan nya ng makikinig…pero naisip mo ba kung ano ang tutuong istorya? ang tutuong nangyari? bakit nangyari ang di dapat?

Minsan sa pag iikot sa mundo ng blogosperyo, may mga blogero na ang laging tema ng artikulo ay emo o masyado nakakalungkot…minsan nagiging masaya sya, pero madalas nakakalungkot ang mga istorya nya…minsan tuloy naisip ko, bakit mas madalas mangyari sa kanya ang ganun? posible kayang nasa kanya ang mali? o sadyang malas lang sya at pinuputakte sya ng kamalasan…

Ano man ang dahilan, ano man ang tunay na nangyari, hindi man natin marinig ang sinasabi ng taong naging dahilan ng kalungkutan nya, andito pa rin tayo at nakikiramay, nakikiiyak, nagpapayo at higit sa lahat kinakampihan ang nagsulat ng artikulo at bahala na kahit hindi natin marinig ang hinanakit ng taong tinutukoy nya…

La lang, naisip ko lang kung ano nga ba ang nasa likod ng mga istoryang nababasa natin…Ako mismo, naisip nyo ba ang nadarama ng taong tinutukoy ko sa aking istorya gayung ang nababasa nyo lang eh yung side ko?

Pahabol;
Sa lahat ng nagtatanong, wala po akong taong gustong tukuyin sa post ko, ito ay patungkol sa ating lahat na manunulat…Gusto ko lang malaman kung ano nasa isip nyo sa pagbabasa ng mga artikulo ng iba o nung mismong nasusulat ko…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. JEE says

    naitanong ko na din yan sa sarili ko. lolz

    seryusli, ndi tlga naten alam kung ano ang nasa likod ng bawat entry nila. kahit ako! hindi ko alam ang nasa likod mo. malamang ka-opisina mo o yung boss mo ang nasa likod mo! joke.

    basta ako…sa bawat entry na nababasa ko, nararamdaman kong totoo sila…na galing sa puso ang lahat ng nisususlat nila. na totoong nangyayari…pero minsan ang ibang entry nila ay kathang isip lamang…

    bow! naki epal lang ako pare!

    gandang umaga dito! at gandang hapon jan! 🙂

  2. E??su?J says

    ako hindi ko alam pre…

    pero parang alam ko kung sino ang iniisip mong blogger habang sinusulat mo toh..hehe…

    ako hindi ko alam
    lalu pa’t naiinis ako dahil palagi na lng emo…
    kase parang imposible naman na lagi na lng problemado…
    or baka nga nmn mali sya ng approach sa buhay kaya ganun…

    ewan ko..
    basta ako, pag di ako makarelate..
    or hindi ko maramdaman yung tama ng emosyon habang binabasa ko yung post, di ako nagcocomment…

    ganun lang..
    (nagmamaldita..nyahaha)…

    basta ako pag di totoo yung ginagawa kong post sinasabi ko..hehe..(defensive)

  3. tonio says

    sa aken lang ha… hindi man natin makilala ng lubusan yung blogero/blogera pero sa mga isinusulat nya medyo nagkakaroon ka ng idea kung anung tao ba talaga sya… kung malulungkutin ba sya, dumadaan sa kalungkutan o masayahin…

    tama ba pinagsasabi ko? basta yun na yun…

  4. Lord CM says

    @Jee…
    Kanya kanya nman tayo eh, ako rin nman naniniwala sa mga bawat istorya nila, pero lagi na lang bang ganun?laging kawawa ung author? di kaya nasa kanya ung mali?

    @Jentot…
    Hehehe 😀 Matagal ko na gusto gawan ng entry to ngayon lang ako nakapag isip mula nung nadaan ako sa isang blog, pero sigurado ako mare hindi ikaw un lolzz

    @Tonio…
    Andun na tayo pre, nakikilala natin sila sa pagsusulat pa lang pero ung nasa likod nung pagsusulat nila? alam kaya natin?

  5. DETH says

    korek ka sa naiisip mong yan CM, mahirap namang parati ka na lang emo…pero siguro dahil mas naisusulat niya yung nararamdaman niya kapag malungkot siya kaya ganun ang tema ng blog niya (hindi ko kilala kung sino ito…hehe) ang alam ko kase abnuy ang karamihan dito (kasama na akong abnormal din…hehe)

  6. Lord CM says

    @Deth…
    Hehehe 😀 wala akong pinatatamaan, para sa lahat ng blogger ang post ko, kaya nga sinama ko sarili ko dahil di nyo rin alam ang buong istorya sa likod ng mga artikulo ko…

    Basta tuloy ang abnuy!!!lolzz

  7. A-Z-E-L says

    basta ako.. pinipili ko ang paniniwalaan ko sa bawat sinusulat ng mga blogero. oo natutuwa ako sa mga jokes… nalulungkot pag nasasaktan. pero it doesn’t mean naniniwala akong totoo ang lahat.

    ang isang writer, naglalakbay ang utak. kahit masaya sya kaya nyang sumulat ng malungkot na tema. kahit malungkot sya kaya nyang maging masaya.

    wag na lang tayong magpaapekto sa kung anong problema meron ang isang tao dahil tayo mismo may sarili tayong mga problemang dapat harapin.

    ayoko ng emo… para kaseng namumudmod tayo ng kalungkutan sa blogosperyo pag ganun. dapat laging happy… o kaya inspiring. o educational.. para may sense naman ang sinusulat.

    teka sino ba to? true to life???

  8. Lord CM says

    @AZEL…
    Isa pa to!!!lolzz, wala nga akong tinutukoy dito, naisip ko lang kung alam nyo ba ang tunay na nangyayari sa mga sinusulat nila, sinusulat ko at nagkukumento kayo lolzz

  9. Francesca says

    totoo yang feelings mo.
    Ako me nabibisita na blog natatawa ako sa mga styles, iba iba
    Meron ngang “pity me”
    Merong pa cutie cutie, walang K haha
    Merong all out to give advices
    Merong hindi totoo.
    Merong siya lagi bida with all her good Achievments.
    Normal blog nya yung eh.

    yung iba mga pics nila kala mo sila si Osang kung makaporma haha! cleavage and all, sus!

    kaya naiiling n lang ako, kasi anga ganun nasa styles nila eh, hahaha

  10. Ang buhay ay parang sine says

    Lord CM, nadale mo yung post mo. Siyempre, sa isang manunulat sa masyadong egocentric, mas kinakampihan niya yung sarili niya kahit may mali siya, di’ba? Haha. Madami na ‘din akong nabasang ganyan… na napakaemo ng mga kuwento. Hehehe. Pero at least, isa ka talang tunay na manunulat dahil hindi ka lang talaga nagsusulat, kung hindi ikaw yung keen observer at analyst sa mga bawat artikulong nababasa mo. Yan ang isang tunay na manunulat. 😀

  11. HARI NG SABLAY says

    ang mgndang gawin pg nagsasawa na sa mga emo-emo wag nalang basahin,hahaha biro lang po yun baka may magalit sakin.

    ok lang nman maging ganun wag lang masyadong OA… 🙂

    enjoy life!

  12. Marlon says

    Aba lord, controversial ito ah.. heheh pero gets ko naman iyong gusto mo iparating eh. tama, bilang blogista eh siguro nasa kultura na natin kampihan ang kwento ng isang blogger kahit na alam natin na one sided iyon kasi nga naman ang kwento lang niya napakinggan natin. May ilang beses na rin ako nagsulat ng malungkot pero hindi tulad ng iba kong nabasang blog…hindi ko alam pero siguro may ilang tao talaga na gusto problemahin ang problema, minsan ganito ako eh..

  13. Rhodey says

    bilang manunulat na pagala gala sa mundo nang blogosperyo, iba iba tayo nang istilo,tema at paraan, pero iisa ang nais nating lahat ang kumunek sa babasa sa ating blog, ang maramdaman niya ang mga nais mong iparating habang binabasa niya ito.

    na maranasan niyang magalit, matawa, malungkot at kung ano ano pang emosyon na gusto mong maramdaman niya habang siya ay nasa mundo mo, habang binubuklat niya ang mga pahinang ginawa mo.

    at ang may mabola ka sa iyong pagdradrama, at maakit na sumama sa iyo para magrally kayong dalawa sa edsa ay di bat patunay lamang na nakamit mo ang iyong goal? (ano ba tagalog nang goal? aheheheks..)

    kaya sige lang… sulat lang.. konek tayo… aheheks…

  14. RJ says

    Minsan nagdududa akong ang mga nakasulat sa ibang blogs ay hindi naman totoo, o di kaya’y ang blogger ay hindi tapat sa kanyang mga salitang naisulat.

    Pero ayos lang, kahit na ano pa yan, basta hindi naman nang-aaway at mapupulutan naman ng aral, o di kaya’y naaaliw naman tayong mga mambabasa sa kanyang mga sinulat, may halaga pa rin ang blog niya.

  15. tomato cafe says

    on the subject of being emo:
    pain is inevitable, misery is a choice

    according to a good friend, familiar kasi ang loneliness, it makes you feel human kaya may mga taong nagsesettle sa pagiging emo instead of trying to grow happiness from where they are.

    pero merong iba, siguro malas lang talaga. haha

  16. saul krisna says

    hmmmm musta na bro…. dalawlang poh… medyo okay naman ako ah(affected?) hehehehe… di muna akomakakapag sulat kasi medyomay inaayos lang akong problema dito sa bahay…positive kasi…gets mo?hahahaha ninong ka huh…. papadalan kita ng invitation… bout sa post mo…may mga bloggero na kadalasan puro sad at malulungkot(teka parehas lang yun ah) ang mga sinusulat kasi kadalasan yun yung mga taong walang makasama or walang gusto makinig sa kanya(including me)

    madalas ang pag susulat ang:

    *nagiging panandaliang pag takas sa realida
    *isang paraan para ilabas yung sama ng loob
    *or sinusulat nila yung sad moments ng buhay nilapara kung sakaling may makakabasa ng post nila iisipin nung reader na ” aba mas grabe pala ang problema ng taong ito kaysa saakin… dapat pala mag thank you pa ako kay LORD kasi ito lang ang problema ko
    or minsan sinusulat lang nila yung mga faults na nagawa nila para wag silang pamarisan ng mga nakakabasa…para bang isang malaking “warning sign”

    iba iba man ang dahilan ng mga EMOng manunulat or mga negative thinker na bloggero(including me) masasabi kong ang pag ba-blog ay isang magandang pamamaraan para ilabas yung mga saloobin nila…

    wala lang…hahahahaha… ui bro reliable ba ang PT?hahahhah joke… siguro may idea ka na sa problemko now?

    ihngat at pag pasensyahan mo na yung mga post ko

  17. ^_edSie_^ says

    uhmmm.. ang totoo nyan, wala ako maisip na ikomento tungkol dito sa post mo.. pero napaisip ako dun sa parteng sinabi mo na kadalasan ang tema ng blog eh emo o kaya naman nakakalungkot. siguro, ung nagsusulat, masyadong emosyonal kaya kailangan ng outlet.. ganun din naman pag masaya sya. saka.. un nga, kumukuha sya ng opinyon sa mga nagbabasa ng blog nya.
    nasabi ko un kasi ganun ako.. ahehehe

    salamat nga pala sa dalaw mo sakin ha. 🙂

  18. isladenebz says

    Natawa ako sa post mo? At naniniwala ako sa lahat ng mga tinuran mo.

    Ang aking palagay: tayo ang blog natin. Kung ano ang nakasulat, kung ano ang nakalarawan, kung ano ang itsura nya, tayo un. Kung ano ang kwento, kwento natin un.

    Sinabi ko na minsan na ako ang blog ko: pa-intelektuwal pero mababaw naman. Sari-sari ang kwento dahil ganun din kasi ang buhay ko: sari-sari ang laman!

    Napansin ko lang ha: pag puro emo ang laman ng blog, ung parang hindi na matapos-tapos na salaysay ng kalbaryo at paghihirap, nakaka-drain din na basahin…

    Parang tv ba. Nakakasawa pag puro drama ang pinapanood mo. Mas madalas gusto natin ung comedy o action. O minsan naman ung kapupulutan ng kaalaman. Ganun ba.

  19. The Pope says

    This is what I love about you Lord, lagi kang tutuo at patuloy na nagpapakatutuo, you are the best critic I found in the level of blogging, honest and outspoken.

    Purihin ka CM.

    A blessed day.

  20. Lord CM says

    Salamat sa lahat ng kumento 🙂 …

    Wala naman problema sa pagsusulat eh, emosyon mo yan…kaligayahan mo yan…utak mo yan eh…madalas din akong maniwala o makiramay sa nararamadaman ng sumulat, naisip ko lang para yatang nagiging one sided lang ako…di ko man lang pakinggan kung ano masasabi ng taong tinutukoy nya sa post nya…

    Dba? Buti nga ikaw nakapagpaliwanag ka…buti ikaw nasabi mo sa iba…sya kaya? may nakinig kaya sa paliwanag nya?

  21. MarcoPaolo says

    hmmm… sa pagsusulat nga raw kasi nailabasan ang nararamdaman mo… sa akin naman, wala akong paki kung may nagbabasa ng mga isinusulat ko ang mahalaga ay nailabas ko ang nararamdaman ko…

  22. Yza says

    Hirap ako uminitindi ng tagalog lalo na pagdire diretso tulad sayo. nosebleed ako pero sana naintindihan ko ng tama.

    eto ang sabi mo:

    “Gusto ko lang malaman kung ano nasa isip nyo sa pagbabasa ng mga artikulo ng iba o nung mismong nasusulat ko…”

    ang nasa isip ko pag nagbabasa ako ng blog ng iba?

    PERSPECTIVE.
    (hindi un blog ni Marlon ha.)

    Bakit ganun ang perspective nila?
    Bakit ganun cla magisip at bakit ganun ang sinasabi nila?

    from there drives a conclusion,
    anung klaseng tao cla?

    “for u to solve the problem, u have to think outside the box.”

    ewan ko narinig ko yan sa philo class namen pero anyway,

    the point is, its better na malaman mo how other people think about things and realize what they see that you can’t. kumbaga para makita mo un buong litrato.

    it makes u smarter that way and a better person.:)

    hehe anu ba yan nobela na toh. I dont even know kung may sense ako… toinks.:P sensya na, puyat lang hehe.. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *