Halungkat Series No. 001

Xensya na ah?…Gusto ko lang balikan ung mga kumento ko sa ibat ibang blogger, wala pa akong maisip na bagong entry eh…pero sinisigurado ko sa inyo meron kayo makukuha dito kahit konti…

Di ko na ilalagay kung kaninong blog ko ito nai-comment, kung alam nyong sa inyong pahina galing ang mga sumusunod then “paalam ah, kunin ko un comment ko sa blog mo” hehehe …at least di ba nagpaalam ako?…Pinili ko lang ung mga bagong comment ko sa inyo, ang hirap kalikutin ang mga baul nyo eh, maalikabok na lolzz…Sige na, eto na nga…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Minsan kelangan mo tanggapin ung mga napagdadaanan mo dahil itong minsan na to ang magtuturo sayo para magawa mo ng maayos ang mga susunod mong pagdaraanan…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nangyayari talaga yan, pero alam naman natin lahat na lalagpas din yan..matuto lang tayong tanggapin sa sarili natin na tapos na un, nakaraan na un at may hinaharap pa tayong bukas…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Alam mo lahat naman ng tao ganyan ang isip pag nagmahal, na kesyo “Sya” na panghabambuhay, na wala nang makakapaghiwalay sa kanila, pero sana naisip din natin na lahat ng bagay nagbabago kahit pagmamahal pa yan…lahat ng bagay hindi permanente…ang tutuo nga maski buhay natin hiram lang eh…kaya kahit masakit dapat sa una pa lang asahan na natin ang ganung pangyayari..

Kaya tama ka, in-enjoy mo ung mga araw na kasama mo sya at least may kabuluhuhan ung namagitan sa inyo 🙂

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

At kung sakaling pilitin ako, ang pipiliin ko ung taong mahal ako, kung yun ngang taong nakilala mo lang bilang kaibigan ay minahal mo pagdating ng panahon eh un pa kayang taong minahal ka at ibinigay lahat ng best nya to prove na mahal ka nga nyang talaga…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Bakit hindi mo subukan kung ito nman ang ikakasiya mo? mas mahalagang maging masaya ka kahit sa konting panahon, kaysa habambuhay na pagsisihan dahil hindi mo sinubukan…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ganun naman talaga.. wlang permanente sa mundo o sa sarili mong buhay…

Ang tutuo, bakit natin sinanay ang sarili natin na mabuhay, gayung alam natin na lahat tayo mamatay? kumplikado mabuhay pero andito pa rin tayo gumagawa ng paraan para mabuhay…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya…kahit isang segundo lang okey na un…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yan muna…kapag sinipag uli ako, post ko pa uli ung iba para naman nababasa nyo rin…baka lang kasi makatulong kahit konti…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. A-Z-E-L says

    “Bakit hindi mo subukan kung ito nman ang ikakasiya mo? mas mahalagang maging masaya ka kahit sa konting panahon, kaysa habambuhay na pagsisihan dahil hindi mo sinubukan…”

    Gusto ko yan… tama.. subukan kung masaya naman db? kesa naman pagsisihan habambuhay!

    madami ka ng magagandang aral na ibinigay sa bloggers LordCM, i’m sure umikit lahat yan sa mga puso nila at nagiwan ng marka.

  2. Rhodey says

    “Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya…kahit isang segundo lang okey na un…”

    gustong gusto ko to, kaya lang….. parang ang hirap pa rin…

  3. E??su?J says

    tissue nga jan pre…

    naluha ako ng wanport ehh
    di lang sa mga kumento mo…

    kungdi sa kadahilanang..
    majority ehh…comment mo sken…
    aym so tatsd…wuhuhuh..

    ang dami mo kasing aral na nabahagi saken parekoy..tenks ng mdami…

  4. zeb says

    ang permanente dito sa mundo “change” “death” and “God”.

    nice yung kahit ilang segundo lang maging masaya ka, pag pinagsama sama mo yung ,gha segundo nayun mahaba na ang magiging kasiyanhan mo. nice nice.

  5. poging (ilo)CANO says

    “Bakit hindi mo subukan kung ito nman ang ikakasiya mo? mas mahalagang maging masaya ka kahit sa konting panahon, kaysa habambuhay na pagsisihan dahil hindi mo sinubukan…” – medyo naka ehmmmm ako jan eh…pero hindi ka kaya mas lalong magsisi kung pumalpak ang iyong hakbang..

    copy paste din ako…lolz..

  6. Jez says

    Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya…kahit isang segundo lang okey na un…

    >huhuhuhu…gusto kong maging masaya, gusto kong maging maligaya,,,huhuuhuh…pero, pero, pero….maraming bagay ang dapat isaalang alang,,at dapat ready ako sa kung anuman ang consequence nun,,huhuuhuhu

  7. Jez says

    ahh,,pwede ko ba hiramin comment mo na yun..gusto ko un eh..gamitin ko sa post ko ahh..link ko naman sa iyo weh,.,.tenks..nalagay kona kaya wala ng bawian;…hhehehe

  8. MarcoPaolo says

    akalain mong iharaman ng comments ang drama niyo ni Jez… hehehe!

    balik tanaw sa nakaraan ba ito? hehehe… 🙂

  9. PUSANG-gala says

    I think you really love going around and commenting on peoples posts— blogging is indeed about growing with the views of other bloggers……

  10. Dhianz says

    abah special akoh ah. dalawa dyan eh koment moh sa dalawang post koh. sige sige hiramin moh lang 'ung koment moh. lolz. =)

    "Ang tutuo, bakit natin sinanay ang sarili natin na mabuhay, gayung alam natin na lahat tayo mamatay? kumplikado mabuhay pero andito pa rin tayo gumagawa ng paraan para mabuhay…" —> luv diz one. galing sa pag-quote ah.

    yeah komplikado mang mabuhay pero masarap mabuhay sa mundong itoh. we are so blessed cuz God has given us d' opportunity to live and experience life here on earth. pero actually simple lang naman ang mabuhay tayo lang tlgah ang nagpapakumplikado nitoh. we are never contented. we always aim for things. lahat gusto naten makuha. sa sobrang dme nateng gustong gawin sa future eh nde na naten nagagawang ienjoy and present. by the time naman na ma-reach moh lahat nang goals moh eh parang may kulang pa ren and by the time itz too late na gawin ang mga things na sana nagawa moh. and dme mong magandang moments na nalagpasan at di na-enjoy. nagmake sense pa bah? so yeah. ingatz lagi kuya CM. Godbless! -di

  11. saul krisna says

    “Ganun naman talaga.. wlang permanente sa mundo o sa sarili mong buhay………”

    tama lahat ng bagay nagbabago…. its either mapabuti ka or mapasama… nasa atin ang pag papasya…

    lord thank you nga pala sa lahat ng mga naitulong mo sa akin…. sa lahat ng mga payo…. nakalimutan ko na yata mag pasalamat sa iyo…. thankful ako for having you as my friend…. HOY!!!! walang iyakan huh….. (sniff sniff) hahahaha

    basta thank you… buhay pa ako dahil sa mga dagok mo sa akin… well pati si

    GOD
    gf ko
    dee
    kosa at
    ikaw….

    salamat ng madami….

  12. Dylan Dimaubusan says

    Oh well.. agree ako sa comment ni Pusang Gala.. “blogging is indeed about growing with the views of other bloggers”

    Totoo. Kahit dito lang dapat may matutunan ka rin.. Kung minsan pa, yung mga nsasabi natin sa iba ang nagbbigay aral sa’tin..

    And siguro ippaste ko din mga comments sa post ko.. PERO, comments ng ibang blogger..;) Not mine. Marami rin kasi na gusto ko ring mabasa ng iba..hehe

    Cheers CM

  13. The Pope says

    Tama ka Lord, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds – sana’y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day.

    A blessed evening Lord.

  14. Meryl (proud pinay) says

    “Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya…kahit isang segundo lang okey na un…”

    honga…pagbigyan natin ang sarili natin maging masaya kahit isang minuto lang…tumawa ng todo kahit 1 min lang…yung tawa na parang ito na ang huling tawa natin hehhee..yay! scary ^_^ just kidding.

    ang masasabi ko lang eh laughter is the best medicine..nakakabata yan ^_^kaya lord… say cheeeeeze ^_^

  15. Mr. Thoughtskoto says

    bakit wala ang comment mo saken, wahhhhhhhhhhhhh!!! hehehe. pero touching CM, galing mo, Thanks a lot for accepting the call to serve in the KABLOGS.

    Kitakits!

  16. choknat says

    “Bakit hindi mo subukan kung ito nman ang ikakasiya mo? mas mahalagang maging masaya ka kahit sa konting panahon, kaysa habambuhay na pagsisihan dahil hindi mo sinubukan…”

    eto gusto ko dito..

    totoo, kahit na masakit na ngayon.. hindi naman maipagpapalit yung ligaya na naranasan nung sinubukan. may babalikan pa rin na magandang alaala. 🙂

  17. Marlon says

    Wow naman. kowts…kowts…kowts… nasabi na ata mga gusto kong sabihin ng mga nagdaang nagcomment.

  18. Mayyang says

    ayos to ah!

    pinapakita lang nito na mahusay kang magkomento bro! idol…ahehehe

    “Walang masama kung susubukan mo, kahit isang minuto pagbigyan mo ang sarili mong maging masaya…kahit isang segundo lang okey na un…”

    — maganda! tama ito… at sa ilang segundo na yan.. dapat iuna mong magpasalamat kay God. ok ba yun?aheheh…

Trackbacks

  1. […] Isang quote na tumatak sa isipan ng ilang mambabasa ng pahinang ito, umukit na sa aking puso mula ng naikumento ko kay Mareng Jen..At ngayon muling susubukang ibahagi sa mas nakakarami…makapagpangiti kahit sa simpleng paraan… From The Pope Tama ka Lord, kung lahat ng tao sa buong mundo ay magkakaisa at sabay-sabay na mag-aalay ng isang minuto para sa kanyang pansariling kasiyahan, magkakaruon ng tunay at ganap na kasiyahan sa buong mundo for 60 seconds – sana’y magkaruon nga ng advocacy na 60 Seconds World Happy Day…Source […]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *