Brod, Anong oras na?

Simpleng tanong, pero hindi ko masagot…

Simpleng tanong, na kung malalaman mo ang sagot
saka mo lang maiisip na huli ka na pala,
o di kaya’y masyado kang maaga…

Simpleng tanong, ngunit sa bawat tibok ng iyong puso’y
nagbabago ang kasagutan…

Simpleng tanong, na sa bawat pag dilat ng iyong mata’y
iba na ang kahihinatnan…

Simpleng tanong, na sa bawat buka ng iyong bibig
ay nagiging mali ang yong kasagutan…

Simleng tanong lang yan…
pero kelan natin ito masasagot ng tama?
Kapag huli na ang lahat,
at ang kamalia’y kelangan nang itama…

Simpleng tanong lang yan…
pero sa ngayon di ko nanaisin na sagutin…
dahil alam kong darating ang tamang oras,
upang ito’y sagutin ng walang pag aalinlangan…

Galing sa tinatamad kong jutaks, lolzz, inulit ulit kong basahin pero parang magulo talaga eh…ang hirap naman ng baguhin, kayo na bahalang umintindi..
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Lord CM says

    @Pogi…
    Hehehe 😀 Wag ka makealam lolzz

    @RJ…
    Anong tanong pre? ung title? o ung tanong? 😀

  2. The Pope says

    Isa lang ang tiyak kong kasagutan dito at walang pwedeng kumontra sa katanungang “Brod, Anong oras na”?

    Oras na para magkomento sa iyong panulat.

    Hindi puwedeng maghintay ng isa pang oras, dahil kung ipagpapabukas pa ang oras, bago na naman ang iyong post.

    Kaya pagkatapos magbasa ng post, magkomento agad, iyon ang tamang oras.

    Tama ba Lord?

  3. Lord CM says

    @The Pope…
    Hehehe 😀 Ang bawat bagay kapag anjan na di na kelangan ipagpabukas baka kasi paggising mo bukas wala na un bagay na yun at di mo na magawa ung dapat na ginawa mo nung nakikita mo pa ung bagay na yun…

    Lalo atang gumulo? lolzz

  4. Lord CM says

    @Chikletz…
    Di ko pa alam kung eto na nga ang tamang oras…pansamantala gawin ko muna ang bagay na dapat ginagawa ko ngayon baka pagdating ng tamang oras huli na ang lahat para gawin pa ang nararapat…

  5. saul krisna says

    anung oras na lord? hahaha oras na para pumasok kasi LATE ULIT AKO SA PANG GABING WORK KO!!!!! waaaaah!!!!!

  6. Ang buhay ay parang sine says

    9:55 pm na po dito, Lord cm. Hehe. Lols. Pero galing mo po talaga. Biruin mo, naisipan mo gumawa ng isang tula sa isang simpleng tanong na anong oras na? Galing. Isa kang henyo! At hindi ako nambobola. 🙂

  7. Lord CM says

    @Saul…
    LATE ka na!!!Tapos andito ka pa lolzzz pasok ka na!!! 😀

    @Chazzel…
    Hehehe 😀 may gusto akong iparating sa tanong na yan eh, kaso natapos na ung entry ko na hindi ko pa rin napalabas kung ano talaga gusto kong iparating lolzzz

  8. HOMER says

    2200hours hehe!! minsan yung mga simpleng tanong ang mahirap sagutin kasi tulad ng buhay yung mga simpleng bagay ginagawa nating komplikado.

    Parang life lang yan, di naman complicated ang life eh, tayu lang nagpapakomplikado!

    Ayus!! :)n

  9. Lord CM says

    @Homer…
    Hehehe 😀 Simpleng tanong pero kung isasapuso mo ung tanong malalaman mong napakahirap pala talagang sagutin…

  10. Rhodey says

    para di ka tanong nang tanong nang oras, bumili kang relo, aheheheks…

    o kaya magdala nang radyo.. hahaha..

    joke lang po…

  11. Francesca says

    lgi y?n t?nong s? ?kingng mg? french dito, hehe, p? ek ek n? they w?nt the time, pero ?no k?, just to ch?t me up.

    Lgi ko s?got, or?s?
    Or?s n? to buy your own w?tch, lokong to!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *