Bibisitahin ko Blog mo dahil….

Base sa mga kumento ng naunang artikulo ( artikulo ba un? eh puro tanong lang naman ginawa ko dun) bawat isang blogero may dahilan kaya gusto nilang bisitahin ang inyong pahina…kaya kung ako sa inyo, puntahan nyo ung naunang entry ko para alam nyo na gagawin nyo sa susunod na gagawa kayo ng artikulo ng sa gayon eh taytol pa lang naiintriga na ang mambabasa…

O kung tinatamad kayo, sige isa isahin na lang natin dito pero baka di ko maisulat lahat…kaya….kaya punta na lang kayo sa prev entry ko hehehe… pero sige subok lang wala namang mawawala eh…Umpisahan na natin!!!

Sabi ni

Jee – Binisita kita kaya bisitahin mo rin peyds ko – Toink!!!parang malabo ata ah, binisita mo lang ako eh bibisitahin na rin kita? pero sige na nga, dahil parang chat room ang peydz mo sige puntahan kita hehehe

Dhianz – Dahil daw luvz nya ako, ha?!!!Tutuo b ung Dhianz?!!!lolzz Kuya CM nga dba?Kuya CM!!!tandaan mo yan!!!Well, lam nyo nman pag si Dhi ang bumisita sa inyo, ramdam ng blogero talaga na naapreciate ni Dhi ang bawat salita nang artikulo nyo, hindi siguro dahil sa maganda ang sinulat mo pero dahil luvz nya kyo bilang blogmates…

Choknat – Gusto raw makipagkaibigan…? tutuo ba yan?!!!! lolzzz lahat naman tayo nagsusulat dahil gusto natin maraming makilala sa mundo ng blogsphere diba, ang tutuo nga nyan mas marami yata akong friends dito sa blogsphere kaysa dito sa Palau…

Jentot – Eto dinaig pa ung post ko, at sinabi na ata lahat…Gusto raw nyang makipag FC, nyahahaha, putek ka mare hanggang Blog ba naman? Ano ba ibig sabihin ng FC? lolzz, Feeling Close daw…ganun din un diba? friends pa din…

O yun!!!Ang taytol daw ng artikulo ng isang blogero, sabagay diba kung taytol pa lang maganda na edi mas maganda pa siguro ang nilalaman…

Eto ang malufet, dahil daw malapit na sa puso nya ang may ari ng blog na un, hehehe okey ka talaga mare, di na kelangan i-explain yan…

Tonio – Sorry brod, natamaan ka ata lolzz, pero okey lang, may reply ako sa comment mo…Sabi nya bisita raw kayo sa peydz nya kasi may foodz saka kandidato sya sa pagkapangulo lolzz tama ba?

Saul – Emo Boy hehehe , sabi nya baka daw kasi may matutunan na naman sya sa artikulo ko kaya nya binibisita peydz ko…Un naman talaga ang isa sa purpose natin kaya tayo nagsusulat diba? ang makatulong kahit kaunti sa mga mambabasa natin…

Supergulaman – Takte!!!Pinaligaya ko raw sya kaya pinapaligaya nya rin ako nyahaha, pass ako jan pre!!! lozz

AZEL – tama ba naman un? NAAKIT daw sya sa taytol, hehehe kaakit akit ba? mukhang nag init ka ah!!! lolzz

Bhing – Curious daw sya title, sabi sa inyo eh!!!dapat taytol pa lang ng artikulo mo MAAAKIT mo na ang mambabasa ng artikulo mo, isa to sa panghatak natin sa mga readers para magbasa at magkumento sa ating pahina…

Eto pa, lumake ulo ko bigla dito nung nabasa ko eh, SIKAT daw ako sa Bloggywood…?!!! Hehehe marami lang akong Friends, saka madalas lang kasi ako maggala sa bloggywood kaya ganun…

Amor – Abnuy talaga to eh, sabi ba naman “Eh gusto ko eh, ma at pa” , sabagay kung ayaw mo eh bakit ka pa bibisita sa isang pahina? dba? minsan pala di ka rin abnuy no? lolzz

Rhodey – Curiosity daw? pangalawang beses ko na nabasa yan ah, ano ba tagalog nyan? ahhh….kuryus daw!!!Boplaks!!! , oo nga naman diba? bakit ka pa magbabasa ng isang artikulo kung alam mo naman na ang laman nito? bumisita ka dun sa peydz na un kasi naintriga ka sa kung anong meroon duon…

Mel – Hehehe eto rin, gusto nya lang daw…lolzz

Xprosiac – Bumibisita raw sya sa isang pahina kung ang artikulo nyo ay makukulit lolzz, maraming ganitong blog dito sa mundo natin eh, nagsusulat lang para makapag bigay saya sa bawat mambabasa, at least man lang mawala ang stress o problema mo kahit sandali sa pakikipagkulitan sa may ari ng blog dba…

POGI – Langya!!!Gusto nya lang daw tumambling at mag split kaya naggagala sya sa mundo ng blogsphere

Kosa – Pogi daw kasi sya!!!Sige na nga pre, di ako kokontra…sabi rin nya the more dalaw dalaw sa pahina ng iba eh the more din ang bibisita sa blog…sabagay, sa tingin mo ba may bibisita sa pahina mo kung nagmumukmok ka sa sarili mong blog? di siguro!!!

Ruphael – Di nya raw kasi ako kilala, di nya pa raw alam kung sino ako kaya binibisita nya pahina ko…brod, may mga artikulo ako na pinapakilala ko ang sarili ko at may pix pa..saka na ung bibliography lolzz

Crisiboy – Adik ka raw!!! di na kelangan i-explain to, basta adik ka eh adik ka na!!

Pajay – nyahaha, type nya raw ako..BUSET!!!

Dylan – Sabi nya gusto nya lang daw, wala syang pakealam kung bisitahin mo rin sya…ang kanya lang eh gusto nya basahin ang blog mo…taray!!! lolzzz

The Pope – Eto pa isa, TYPE NYA RAW AKO!!! lolzz, type nya pala akong tambayan…

Ako?….Sinabi na nila lahat eh!!!,Alam naman natin sa sarili natin kung bakit bumibisita tayo sa ibang pahina diba? di na siguro kelangan ng opinyon ko hehehe, tamad na ako eh…antok pa…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. SuperGulaman says

    so ayun nga…nagpapaligayahan tayo!…. ahahaha!

    cge parekoy..matulog na din ako…masyado akong natuwa kay manny p. aheheheeh ^_^

  2. tonio says

    pre muntik nga akong magtampo sayo e…tinamaan kasi ako sa ulo… ahahaha.. pero blog mo yan karapatan mong magsalita kung anu laman ng isip mo… kung merong kokontra gumawa din sila ng sarili nilang poste para ipagtanggol naman nila ang panini.. (hingal!)…wala nila… un lang lolz

  3. poging (ilo)CANO says

    takte! may ma i-post lang, ginawan ng entry yung mga comments…ADIK ka nga tlga Bloggybold Star…hahaha.

  4. DETH says

    habol ako…
    dahil mainit dito sa blog mo, andameng nagbabagang apoy eh…hehe,lolz…

    pero ang totoo niyan dahil mainit ang pagtanggap mo sa mga hamak at baguhan na blogista tulad ko! nakanaman…

  5. Dhianz says

    naglibot saglit sa mundong itoh… haha.. kayo ha… pinag-uusapan nyo akoh sa cbox ha… hehe… nde nabasa koh lang mga hiritz nyoh… akoh madaldal?… nde kayah… haha.. lolz.. ‘ung daliri koh madaldal nde akoh… lolz =)

    teka nakausap koh si kuya EJ (Pajay) last time… sabi koh kc sa kanyah si sis Azel eh girl version nyah kc funny at galing humiritz… sabi nyah naman akoh daw girl version moh… hmmm… daldal kah ren bah?… or sadyang makuletz ren lang minsan… hehe.. ‘la lang… nde akoh nagsabi non… lolz… teka si Batman…. sino ang girl version?

    oo nga palah tuwang tuwa si kuya EJ sya si Angel sa Only you… na-excite syah… haha… kc in the end kayoh… hihhheee… kc he’s madly inlove w/ u… hahaha… tawa akoh don ahh… lolz =)

    yeah luvz koh kayong lahat… don’t wori kuyah CM.. alam koh ang limitation koh… kuya ka lang… kuyah.. haha… teka… kung may papatulan man akoh sa mga kuya koh at mga bro sa mundong blogsperyo mejo malayo ka sa list kaya naman do not worry… haha… ang ngetpah atah pakinggan nung sinabi koh… lolz…

    yeah binibisita koh ang blog moh ren kc cool ka lang makipagkulitanz…. yeah ur such a cool person kuya CM… naks… pero teka parang nde nag-match sa nagbabagang page moh… lolz… yeah i do appreciate ang post na binabasa koh at sometimes kina-career koh tlgah ang pagkoment… lolz

    kaso minsan nahihiya na akoh… kc masyado akong maepal sa pagsagot… abah… nahiya akoh.. lolz… kaya naman… hanggang ditoh na lang…

    lubos na gumagalang,
    -di

    GODBLESS!

  6. I am Xprosaic says

    napatambling ako dun ah! ejejejjeje… Dito lang din ako sa blogsphere nagiging normal! hahahahahhahaha…

  7. E??su?J says

    pare nagkaturuan pala dito ng mga binanggit sa kumento di ko man lang namalayan…

    wahahah…

    sabi nang disregard yung 6 ehh..tsktsk…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *