Bagong Bayaning Hi-Tech…

Buhay ng OFW kala ko madali lang, masarap dahil mas malake ang kinikita kaysa magtrabaho sa Pinas.Yun nga lang pagdating ko dito sa Palau, unang mga araw at linggo pa lang akong nalalayo sa pamilya ko homesick agad nadarama ko…Un bang namimiss mo lahat ng kulitan, harutan, biruan ng mga kapamilya mo..
Kapag inabot ka na ng homesick, Andun ung lumuluha ka sa kwarto mo habang nanunuod ng Wowowee,Oo!!!Wowowee..pag homesick ka kase wala ka nang maintindihan sa pinapanuod mo kaya kahit nakakatawa eh sige pa rin ang patak ng luha mo…andun din ung yakapin ang unan kahit ito’y durog durog na, humithit ng yosi sa gitna ng gabi, mag isip ng kung ano ano habang nakatingin sa buwan at mga bituin…Kulang na nga lang tumayo ka at gumawa ng resignation letter at umuwi ng Pinas kinabukasan para magkasama sama muli kami.

Pero di pwede, andito na ako…Lumalake ang mga bata, lumalake ang gastusin at nadadagdagan ang pangangailangan…Kelangan magtrabaho para kumita at mapadala sa pamilya, kelangan magsakripisyo dahil kung hindi baka magutom ang pamilya mo sa Pinas…

Sabi ng iba maghanap lang daw ng mapaglilibangan, gaya ng Sports…Sports?!!!Patay tayo jan, next!!! Sama raw ako sa mga grupo o samahan gaya ng TFCP o samahan ng mga Pinoy dito sa Palau, ano naman gagawin ko dun? eh sila nga walang magawa at wala ni isang aktibidad tapos sasali pa ako?!!!, Dun na lang ako sa hilig ko, alak, barkada, yosi at kung minsan eh maligo sa dagat kasama ang tropa…Kaso minsan pag nasa kanya kanya na silang kwarto at tulog na, eto na naman at mag isa ka na naman…Balik homesick uli…Sila tulog na at ikaw nagmumuni muni pa…

Lumipas ang ilang taong pamamalage dito sa Palau, pagtratrabaho at pagsakripisyo para sa pamilya, at paghahanap ng mapaglilibangan…eto ako ngayon, Andito pa rin!!! Syempre di na gaya ng dati, ngayon kasi pag wala na akong makausap na barkada stay na lang ako sa room ko at nililibang ang sarili ko, hehehe wag mag isip at magpapaliwanag ako…

Kelan lang, etong nakaraang taon…Sinubukan kong gumawa ng blog sa kadahilanang hindi lahat ng emosyong gusto kong ilabas ay nailalabas ko sa barkada ko o sa pamilya ko…Sinubukan kong magsulat para mailabas ang gusto kong sabihin ng sa gayon mapawi ang kalungkutan na malayo sa pamilya…hindi man diretsahan na nasusulat kung ano nararamdaman ko pero tiyak dadampi sa iyong puso kung ano ang ibig kong iparating…Sinubukan kong magsulat para may pagkaabalahan ako sa panahong namimiss ko ang mga mahal ko..

Nung una, Oo…Inaamin ko para sa akin lang to kaya ako sumusulat…Pero dumating ung panahong makakabasa ka ng kumento na galing sa isang blogero na natutulungan mo na pala sya dahil lang sa pagbabasa ng mga artikulong gawa ko, natutulungan ko na sya dahil sa mga kumento at payo sa kanyang gawang artikulo…Hindi ko inisip na makatulong ng dahil sa pagsusulat, pero eto ngayon at mayroong mga taong sumusubaybay at naghihintay ng isusunod kong isusulat.

Simulan nun, nagpursige akong magsulat…di lang para sa akin, hindi lang para mawala ang homesick, at hindi lang para may mapaglibangan…nagsusulat ako ngayon dahil may mga taong naghihintay ng isusulat ko, na sa kahit kaunting paraan matulungan sila sa bigat na nadarama nila. Na sa kahit kaunting payo na dumarampi sa kanilang puso ay nakakaginhawa sa kung ano mang problemang dinaramdam nila…

Nagsimula ang lahat dahil napalayo ako sa pamilya ko, dahil na-homesick ako, dahil kelangan kong gawin to para di ako panghinaan ng loob at ituloy ang takbo ng buhay na malayo sa pamilya…Para sa akin to, pero ang pinakamahalaga para sa pamilya ko…Yun ang buong akala ko, hindi ko akalaing may ibang tao pa pala akong matutulungan dahil sa pagsusulat, meron palang mga taong nagbabago ang pananaw sa buhay ng dahil lang sa mga nababasa nilang artikulo, may mga tao pala akong napapasaya sa bawat kwento ng buhay ko dito sa Palau…at higit sa lahat ay yung natutulungan mo silang makalimutan kahit saglit ang kanilang dinaramdam ng sa gayon ma-realize nilang kelangan palang ituloy ang buhay dahil hindi lang iisa ang emosyon na ating nararamdaman…at hindi iikot ang buhay ng isang tao sa kalungkutan lamang…

Alam ko hindi lang ako ang ganito ang pananaw, marami sa ating malayo sa pamilya na nagiging libangan ang pagsusulat para lang malagpasan nila ang hirap ng malayo sa pamilya, at gaya ko, hindi lang sarili natin ang natutulungan natin sa pagsusulat, marami pa tayong natutulungan kahit sa kaunting paraan.

Kaya sa lahat ng naho-homesick at kelangan nyo ng libangan…eto na siguro ang mabisang paraan…natulungan mo na sarili mo, nakatulong ka pa sa iba…at ang pinakamahalaga sa lahat, nagawa mong ituloy ang buhay sa kabila ng hirap ng malayo sa pamilya, nagawa mong magsakripisyo para sa iyong mga mahal…

Kaya sa lahat…TULOY TULOY LANG ANG PAGSUSULAT…I-angat ang BAGONG BAYANING HI-TECH!!!….dahil ang pagiging bayani ay hindi lang sa pagbibigay ng materyal na bagay, hindi lang dahil marami kang nagawa para sa iyong bansa, siguro ang pagiging bayani nasusukat din sa dami ng iyong natulungan na walang hinihinging kapalit na kahit hindi mo kilala o hindi mo nakakasama ay naipapaabot mo ang iyong tulong…

Kalahok po ang entry na to sa PEBA 2009, Click lang po ang link para mag vote….

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. E??su?J says

    Pare, pwedeng pwede..

    sampol pa lang mahahalina na si Kuya Kenji dito…hehehe

    oo nga
    magandang outlet ng pagka homesick ang blogging..kaya tuluy tuloy lang ang pagsulat :D..(haha..parang inulit ko lang yung nasa entry mo..tsktsk)

  2. The Pope says

    Start posting this one Lord, it got the necessary elements for the event, it inspires and give hope to our OFW readers… submit this entry, umpishan mo na… NOW NA!

  3. poging (ilo)CANO says

    waaaa…bahala n daw ko sabi ni Xprosiac….

    hirap mapag-isa dito sa ibang bansa..nakaka homesick talaga lalo kung walang kasama kagaya ko…

    hndi ko mahilig magsulat pero ngayon natututo na ako…homesick ko nbawasan ng one eyt….lolz…

  4. Ang buhay ay parang sine says

    Naaalala ko tuloy ang erpats ko na nasa Saudi naman.

    Napakahirap talaga malayo sa pamilya pero walang magagawa, kailangan talagang magbanat ng buto eh.

    Buti na lang at naisip mo mag-blog para pantanggal ng homesick. Talaga naman nakakade-stress ang writing.

    Saludo talaga sa’yo LORD CM sa mga taong natulungan mo! Asahan mo, isa ako sa mga sumusubaybay ng mga susunod na isusulat mo.

  5. Lionheart : Richard the Adventurer says

    Ang hirap talaga sa abroad…

    Malayo sa mga nakasanayan… Hehe 🙂

    Survival talaga….

  6. Francesca says

    pwede n sy? pero i know, m?r?mi k? p?ng ide?s n? m?s tutugm? ng bulls eye s? tem? ng peb? ?t p?nl?s? ni kenji ?nd the judges….

    Meron n? rin ?kong entry, re?dy to post n? rin but Hint?y p ?ko ng id?gd?g, ksi ?n import?nt event will h?ppen ky? yun ?ng id?gd?g ko.
    Suspense hehe.
    ?nd excited ?koooohh.
    Uy congr?ts. I voted s? b?nner mo but Lolo MIchel voted for ?xel. Si Lolo ?ng m?y k?s?l?n?n…

  7. Lord CM says

    @Jentot…
    Pwede?sinabi mo yan ah..isa ka sa boboto sa akin pag sumali ako dun lolzz

    @The Pope…
    Pag isipan ko pa parekoy, alangan din kasi ako dahil parang malayo sa tema ng PEBA, pero umangat Noo ko sa comment mo ah, thanks parekoy 🙂

    @xprosiac…
    malapit na ang alin? pag abroad mo? hehehe 😀 maghanda ka na

    @POGI…
    Ako rin naman pre, walang hilig sa pagsusulat pero eto ako ngayon hehehe , inaabot ng madaling araw sa blogsphere lolzz

    @Chazzel…
    Hanggang ngayon ba nasa saudi pa rin erpats mo? siguro bata pa lang kayo andun na sya…

    Salamat sa pagsubaybay 🙂

    @LionHeart…
    Yup!!pero kung para naman sa mga mahal, walang kwenta ang hirap

    @Francesca…
    Yun na nga nasa isip ko eh, parang mejo malayo sa tema ng PEBA kaya hindi ko pa maiprisinta kay Kenji..

    Hintayin ko entry mo, kalabitin mo ako pag napost mo na 😀

    At salamat sa vote, 2nd ako 🙂 at okey na un kaysa wala…

  8. Anonymous says

    isang malakign sakripisyo para sa inyo ang umalis ng bansa at magtrabaho malayo sa pamilya… pero ganun talaga eh.. kailangan magtiis para sa magandang kinabukasan ng iyong pamilya.
    hindi rin birop ung nadarama nyong lungkot dahil malayo kayo sa minamahal nyo sa buhay..
    pero mas nakakabilib na kahit sa ganitong paraan eh marami kang natutulungan… im a living proof… 😀
    tama, ituloy lang ang pagsulat… mas maraming sulat.. mas maraming taong matutulungan..pati sarili mo matutulungan mong maibsan ang lungkot na iyong nadarama…
    and like what everyone else is saying..
    WE WRITE TO EXPRESS NOT TO IMPRESS…keep those stories comin CM…

    ingats!

    -Yanah-

  9. DETH says

    kuya medyo mas concentrated siya sa blogging…rather than dun sa tema ng PEBA…

    continue writing, masasapul mo rin yan…

    pero nakarelate ako dito sa post na’to…dumating din ako sa point na, naiiyak ka na kase namimiss mo na yakap nila…tapos wala ka namang mapagsabihan.

  10. A-Z-E-L says

    Masarap isiping nagiging productive tayo kahit malayo tayo sa Pinas. Masarap na may naii-share tayo sa iba. Masarap ang feeling pag may natututo at nainspired sa mga sinulat natin…

    Patuloy kang magsulat… madaming rason para magsulat. madaming topic na pwedeng isulat. madaming naghihintay sa mga isusulat mo pa dahil padami ng padami ang mambabasa ng blog mo LordCM.

    wag magmadaling magpasa ng entry… siguradong may mas magandang idea ka pang maiidagdag dito… konting repaso pa. 10% lang ang popularity. 30% ang content… mas dapat dun ka magfocus… sa laman… na aantig (lalim!)sa lahat ng mambabasa.

    Mabuhay ka!

  11. Lord CM says

    @Yanah…
    Ayun oh!!Living proof 😀 Salamat mare…

    @Deth…
    Pansin ko nga eh, kaya nag alangan akong iprisinta sa PEBA…

    Lahat naman siguro tayo dumaan sa ganyan, homesick…di na maiwasan un hanap na lang ng libangan para tumagal pa para sa pamilya…

    @AZEL…
    Serious? lolzz, di bagay AZEL 😀 ..Salamat sa kumento, mag iisip pa ako ng istoryang kakalabit sa inyong puso lolzz

  12. Dhianz says

    while i was readin’ ur post.. one time i was so emo… i was watchin’ diz comedy movie… pero umiiyak akoh…graveh… pero nde naman sa pagiging homesick.. naalala koh lang….

    oo nga ganda sa mundong blogging… u get to express ‘ur emotion… nde man tlgah in full details… syempre minsan limited ang puwedeng sabihin… pero ‘ung mga kuwento nang buhay moh eh dmeng nakakarelate… at naiibsan ang kalungkutan nilah dahil d2… parang ang kata noh? lolz..

    pero hanga akoh sa inyong mga OFW… nde easy ang situation moh pero dahil sa pagmamahal nyo sa family nyo eh nagagawa nyoh…

    keep inspirin’ us lang… and keep inspring the other bloggers w/ ‘ur story…

    GODBLESS! -di

  13. HARI NG SABLAY says

    galing naman nito,kung ako hurado panalo na to,hehe ako po magiisip muna ng entry,ggwa din ng ganito…

  14. Rhodey says

    hindi ako OFW, hindi ko rin alam paanong mahomesick nang super, pero dahil sa post na ito parang kailangan ko nang isang trak na tissue….

    isang kudos para kay lord…

    panalo ito….

  15. isladenebz says

    Oo ang sagot ko sa tanong mo kung may relasyon ba ang entry mo sa PEBA. Dahil pag-asa ang dala ng post mo, ng pagsasalaysay ng buhay mo.

    Oo din ang tugon ko sa mga isinalaysay mo. Lubhang napakahirap ang mahomesick. (Dati pag nahohomesick ako, naglilipat ako ng gamit sa kwarto para mabago ang tingin ko sa paligid ko. Ngayon, pag nahohomesick ako, nagba-blog ako gaya mo).

    Impressed ako dun sa Bagong Bayaning Hi-tech. BBH.

  16. Lord CM says

    @Dhianz…
    Ganun na ata ako ngayon pag nagsusulat eh, gusto ko may maka relate sa bawat artikulong ginagawa ko, yun bang kumukurot(kurot talaga eh no) sa knilang puso..

    Sa ngayon eto na ang libangan ko makatagal lang na malayo sa pamilya dahil para naman sa amin to…Salamat dhi…

    @HNS…
    Hehehe 😀 Sige brod hintay ko ung entry mo…

    @Rhodey..
    Wala ka bang balak mag abroad parekoy? para masubukan mo rin 😀

    @Isladenebz…
    Sige pre, konting buyo pa at ipiprisinta ko na to kay kenji lolzz

    Pero ok un ah..baguhin ang ayos ng room para di ma homesick, subok nga minsan 🙂

  17. tonio says

    lord ako di ko pa nararanasan malayo sa pamilya ko ng talagang malayo pero isipin ko pa lang nalulunbgkot na ko… mahirap yata talaga ng malayo sa mga mahal mo sa buhay…

  18. RJ says

    Ibang anggulo ito. Hindi ito ‘financially’ na pag-asa ng bayan, emotionally at psychologically pala. Ayos din, pre. o”,)

    Dagdagan mo pa ang bigat ng bahaging nagsasabi tungkol sa Bayaning Hi-Tech bilang ‘handog sa mundo’.

  19. Lifemoto says

    I agree with you, at first ito ay libangan at tulong na rin sa sarili para makatanggal homesick(pasusulat). In the long run ay marami na palang natulungan indirectly but effectively. Through encouragement,jokes inspirational etc write up.

  20. Lord CM says

    @tonio…
    mahirap parekoy, pero basta para sa mahal mo, sigurado malalagpasan mo…

    @RJ…
    Nakuha mo pre ung gusto ko iparating…hindi lang materyal na bagay ang pwede natin ihandog sa mundo, marami pang bagay na mas mahalaga kaysa pera o kung anong materyal na bagay…

    @Lifemoto…
    totoo ka jan pre, di natin akalain na ito pala ang paraan natin na makatulong sa iba…

    Salamat sa pagbisita…

  21. vanvan says

    wow..gandang entry nito ha..

    ayan, mgblogging nalang..wag na yung sports..wala din ako alam dun..baka kapag nahumaling ka sa sports eh magdakdak ka na dito tungkol dun..magnosebleed na ako..hayz!

    congratz nga pala sa PEBA badge..panalo naman lahat dun eh!

  22. A-Z-E-L says

    Goodluck LordCM…

    And thanks for joining…

    >>> di na ata ako pwedeng bumoto 🙁
    aalamin ko pa kung di talaga pwede ha?

  23. Sardonyx says

    Nakakarelate ako sa’yo, nakaka home sick talaga ang malayo sa pamilya at sa bansa natin. Malaki ang tulong ng pagba blog lalo na ng magkaro’n ng PEBA may inspirasyon na tayo na lalo pang magblog, sana manalo tayong lahat hahaha.

  24. topexpress says

    Nice post! ang makabagong bayani at makabagong pamamaraan ng pagiging bayani.

    Ganyan din ang pinagdadaanan ko nung naging ofw ako. mula nang mag canada na ako, at natuto na magblog isa na din sa tanong ko, bakit ba may nagbloblog? isa lang nasagot ko… para mailabas ang nararamdaman, kill boredom, at sharing thoughts na hindi mo alam na may impact sa iba at somehow makakatulong sa simpleng nagbabasa.

    😀 gudlack po sa peba 2009!

  25. Josephil Cerbito Saraspe says

    not new for OFWs… lahat tau cguro nakakaramdam ng matinding homesick. buti na lang may mga bagay na pwedeng mapaglibangan. actually, nagsimula akong mag blog through friendster blog noong nagsimula akong mag work dito sa ibang bansa at the age of 20. Technology ang naging libangan ko especially that finding good English books was so difficult noong bago pa ako dito sa Thailand.

    Good luck sa PEBA!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *