Traffic…

Sabi nga ni SterndalIn real life, traffic is definitely annoying. But in the world of blogging, everybody wants to have tremendous traffic … Sino ba naman gustong *langawin ang ating pahina? Well, kung trip mo lang talagang magsulat at sarilinin ang lahat ng lumalabas sa utak mo, okey lang na walang bumisita sa pahina mo at walang magbasa sa mga article na ginagawa mo..

Ang tutuo, nung una kaya ako nag blog para lang may mapaglagyan ako ng lahat ng gusto kong isulat pero habang tumatagal, ang sarap pala ng pakiramdam na alam mong maraming nagbabasa sa article na gawa mo tapos makikita mo pang pinuputakte ka ng kumento sa kadahilanang marami ang nakakarelate sa bawat gawa mo…

At ngayon nga…lagi na lang akong naghihintay ng mga kumento na darating sa bawat artikulong ginagawa ko, ang saya kasing magbasa ng mga kumento ng iba…dito mo nalalaman kung maganda o pangit ung ginawa mo…minsan pa nga ng dahil sa palitan ng kumento nagiging parang chat room na ang comment box mo eh…pero diba masaya?, ni hindi mo pa nakita ng personal ung mga blogero na bumibisita sa pahina mo pero parang ang haba na ng pinagsamahan nyo at kung magpalitan kayo ng kuro kuro eh parang magkakilala talaga kayo…

Yun ang pinakamahalaga dun eh, ung magkaruon ka ng maraming kakilala, kaibigan o minsan best friends pa ng dahil lang sa pagsusulat…

So…sa mahigit apat na buwan kong andito sa mundo ng blogosperyo ay marami na rin akong napansin sa bawat pahinang nabibisita ko…siguro eto rin ung kelangan natin pag ukulan ng pansin para kahit papaano ay magkaruon ng halaga sa iba ung pinaggagawa natin…opinyon ko lang to, maaari nyong dagdagan o gawan ng reklamo para tanggalin ko…

Ilan sa mga dahilan para madagdagan ang mga kakilala nyo sa mundo ng blogosphere at magkaruon ng comment box na kagaya ng kay Pajayxensya na pre, sa pahina mo lang ako nakakita ng mahigit isang daan kumento sa isang artikulo…

Comment approval – halos karamihan sa atin hindi na in-enable ung feature na to…na sa bawat comment ng bumisita sa pahina mo eh kelangan pang aprobahan ng author ang comment bago ma-ipost…Okey lang naman eh, para makontrol natin ung mga kumentong papasok sa ating comment box…pero alam nyo ba na minsan ang ibang blogero binabase ung gagawin nyang kumento sa mga kumento ng naunang blogero? Hehehe , minsan gawain ko yan pag masyadong mahaba ang article na binabasa ko…basahin ko lang ung comment ng iba then may idea na ako kung ano pinag uusapan nila…

Kung walang mababasang comment ung mga mambabasa ng article mo, minsan tatamarin na rin mag comment yan, o kaya pag alam nyang sya ang unang makakapag comment, magbe-based pa yan…at least kahit wala ka at hindi mo maaprobahan ung mga kumento eh anjan ung mga bisita mo para magpalitan ng kuro kuro base sa kumento ng bawat isa…

Do unto others as you would have them do unto you – Siguro naman alam ng karamihan to, syempre kelangan mong bumisita sa pahina ng ibang blogero at makisali sa usapan nila kahit di mo sila kakilala, darating ang araw magiging kaibigan mo pa yang mga yan…at nang sa gayon, lahat ng blogerong binisita mo sigurado bibisitahin ka rin kahit walang kwenta ang artikulo mo, parang ung sa akin, nyahahaha lolzzz

NoseBleed – Alam nyo to? Hehehe, si Inday yan!!!Sobrang lalim ng english eh wala nang gusto makinig sa pinagsasabi nya…hindi lahat ng blogero marunong mag decipher (Scoon!!hanggang dito sikat ka!!!) …Okey lang nman puro english ang laman ng blog mo eh, pero sana nman ung madaling maintindihan, nagbabasa kami ng artilkulo ng mga blogero para makakuha ng inpormasyon o makapaglibang sa bawat mababasa namin, at hindi ung duguan…

CBox/ShoutBox – Kung inaakala nyong darami ang bisita nyo sa pahina nyo dahil nag iiwan kayo ng mensahe sa cbox/shoutbox ng iba…hindi po mangyayari un, kelangan nyo pa rin makisalamuha sa ibang blogero at makipagkulitan sa comment box ng isang blogero…

Ano pa ba? Yan na lang muna, kung may idadagdag kayo…dagdag nyo na lang…violent reactions? sa Police Station meron comment box, hulog nyo lang dun…Okies…

*Langawin – Galing ito sa pahina ni Josha, salamat po

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    minsan pa nga ng dahil sa palitan ng kumento nagiging parang chat room na ang comment box mo eh***Natawa ako sa linyang yan… oo nga minsan talaga pag napang-abot kayo ng mga ka-blog mo… ayon palitan na ng comments at doon na mag-uusap at magkulitan.

    Isa ako sa mga sinasabi mong nagbased lang sa comments ng iba para makacomment. hehehe! guilty! minsan kasi parang di ako makarelate sa sinasabi lalo na pag-ingles na masyado malalim… na sisirin mo pa para maintindihan mo… hehehe!

    totoo lahat ng sinabi mo dito parekoy ah.. kaya hanggang dito na lang din ang comment ko. hehehe! baka mala-dhi ang magiging comment ko… at madaig pa ang post mo. hehehe!

  2. Lord CM says

    @Marco…
    Hehehe 😀 Ok lang nman mauna eh, BASED!!! lolzz, pero syempre kelangan mo pa rin basahin ung article…un nga lang kung di ka talaga maka relate…at least pre napakita mong dumalaw ka sa pahina nila kahit saglit 🙂

  3. JEE says

    waaa!! ala ko pa naman kung anong trapik na e! totoo yung nisabi mo na minsan nagiging chatroom na ang cbox at gawain mo po yun! lolz! minsan kase nakakatuwa tlga. pde ba kaseng ibigay nyo na lang ang ym id para naman ndi maging chatrum ang cbox? lolz!

    ako minsan nitatamad magbasa lalo na pag sobrang haba tlga ng entry. at guilty din ako sa nisabi mo. sa comment minsan ako nagbabasa! minsan naman inuumpisahan ko lang yung entry tas comment na ako diretso! jejejeje.

  4. Lord CM says

    @JEE…
    Sorry, pager lang meron ako ngayon eh…Ano ba ung YM? lolzzz

    Huli ka!!!Umpisa lang binasa mo no?!!! Hehehe

  5. jhosel says

    waha! akoy nagbabalik para makisali sa traffic. tama lahat ng sinabi mo. nung una kasi, di ako nakikimingle sa ibang blogero, post lang ng post. pero ang boring kea finally ako’y nagliwaliw at nakipagkulitan na din sa ibang blogero..

    haha.. ako din, ginagawa ko din yung nagbabase ng comment sa comments ng iba lalo na sa mga nosebleed na post.. pero mahilig ako magbasa kaya kahit mahaba pinapatulan ko at tinatapos ko..:)

  6. DETH says

    toinkz! aray! tinamaan ako dun sa kelangan pa iapprove comment ah…nyahahaha
    sige na nga tanggalin ko na, pano ba alisin yun? hehehe:D

  7. Lord CM says

    @jhosel…
    Hahaha, okey naman makipagkulitan eh..kahit nga gawing chat room ang comment box, mas maganda kasi ang tutuo nakakawala ng stress sa work lalo may kakulitan ka…

    @Deth…
    ay…sorry 😀 , pero wag mo asahang pag tinanggal mo ung moderation ng comment eh dadami na bisita mo ah..syempre depende pa rin sa article mo un…isa lang yan sa mga pwede mong gawin para dumami blogmates mo…

    Para disable ung comment moderation, punta ka settings->comments-> then sa baba may comment moderation gawin mong NEVER…

  8. MarcoPaolo says

    @ LORD:

    sabagay para malaman din nila na kahit papaano ay binisita mo sila… 🙂

    oh salamat sa pagbisita… hehehe!

  9. Lord CM says

    @deth…
    Nga pala, pwede mo naman idelete ung comment ng iba pag di mo nagustuhan comment nila kahit nakapublish na eh…may delete icon sa bawat comment ng bloggers, click mo lang un to delete…

    @Marco…
    yan ang sagot sayo ng binisita mo pre…”Salamat sa pagbisita” lolzz Nag based ka lang kase eh 😀

  10. a i s a :) says

    tama tama..

    “Yun ang pinakamahalaga dun eh, ung magkaruon ka ng maraming kakilala, kaibigan o minsan best friends pa ng dahil lang sa pagsusulat…”

    natawa naman ako sa line na to, pero lam mu, totoo to.. minsan, sa d inaasahang pagkakataon, nakakakilala tayo ng taong krapat dapat pagkatiwalaan at maging isang tunay na kaibigan..

    at masarap naman tlga sa pakiramdam kapag naaappreciate ng ibang tao ung mga ginagawa mu.. mas nagkakaroon ka ng ganang ipagpatuloy ang mga nasimulan mu.. hehehe..

    kaya LordCM, sulat lang ng sulat.. hehehe

  11. E??su?J says

    im back…

    pero hindi ko pa din nabibili yung gad damn speys na yan..
    pero ok lang..naliwanagan na ko ng wanport…:)

    sabi nga nila,
    ang sikat ngayon eh yung mga artikulong mukang nonsense. pero once na binasa mo, may sense naman pla…
    (parang ang gulo nung statement??!!??)..haha

  12. Lord CM says

    @Aisa…
    Tama ka run Aisa, mas gaganahan kang magsulat kapag marami nakaka appreciate ng ginagawa mo…kaya tuloy tuloy hanggat hindi nilalangaw ang artikulo 😀

    @Jen…
    nagpadala ako ng peace of mind, nakuha mo na ba? lolzzz

    nonsense na may sense? YANAH!!!Tawag ka ni Jentot!!!Sama mo buong BCON Hehehe lolzzz

    BCO Nonsense – grupo ng forumer sa isang sikat ng Baguio Forum…

  13. Kosa says

    isa lang ang masasabi ko parekoy,
    THE MORE PASYAL PASYAL NA GAGAWIN MO, THE ORE DALAW-DALAW DIN NA GAGAWIN SAYU..lols

    pero tama ka… sobrang saya ng blogging.. 4months ka lang pala?
    naks naman.. akalain mo yun, parang angtanda mo na dito sa bloggywood..lols

    opinyon lang din..pwde kang magreklamo kung gusto mo..hhehehe

    kitakits parekoy..

    PS.
    pero alam nyo ba na minsan ang ibang blogero binabase ung gagawin nyang kumento sa mga kumento ng naunang blogero? Hehehe , minsan gawain ko yan pag masyadong mahaba ang article na binabasa ko…basahin ko lang ung comment ng iba then may idea na ako kung ano pinag uusapan nila…THAT’S NO GOOD parekoy!

  14. PaJAY says

    Hahahaha…may violent reaction si kosa o….lolz…

    laglagan ng sarili ba’to pareng Lord?…lolz…

    teka,nakita ko na naman ang pangalan ng Tarantadong PAJAY na yan sa pahina mo a…lolz….batukan ko nga yan…hehehehehe…

  15. PaJAY says

    pareng lord pwede bang manawagan dito sa comment sec. mo?…lolz..wag ka ng umangal.kahit ayaw mo gagawin ko…hehe

    NANAWAGAN ako kay AISA..yung nasa taas ng comment ni kosa….tagal ko ng gustong dumalaw sa bahay mo pero di ko mapasok…pahingi naman ng susi (url)..hehehehehe…

    salamat pareng lord….lolz…

    binatukan ko na si pajay….lolz….abnuy!…

  16. PaJAY says

    hahaha…di ko nabasa ng maayos kanina yung pinagsasabi mo…hahahaha…higit sangdaang comment?….sa drowing lang kaya yun…….at nag iisa lang yun na umabot ng ganun…hahahahaha…ganunpaman..salamat parekoy *blush* LOLZ….

  17. Lord CM says

    @Aisa…
    At ngayon nagbalik ka na…kelangan mong bumawi, limang entry kaagad lolzz

    @Kosa…
    Tama ka dun parekoy, pasyal pasyal para pasyalan ka rin…

    Di ako magrereklamo pre, kasi sa bloggywood lang naman ako mukhang matanda lolzzz

    PS din 😀
    Alam ko mali pre, kaso sobrang haba kasi ng article eh, minsan syempre nakakatamad din pero at least diba di ko nalimutang dumalaw at magparamdam 🙂

    @Pajay…
    Sige parekoy batukan mo na!!!

    @Pajay uli…
    Langya naman oh…pahina ko to, dito pa nanawagan hehehe sige lang kahit gawa ka pa ng bagong entry sa pahina ko ok lang lolzz

    @Pajay uli uli…
    Walang anuman parekoy, kelangan ko lang $1000 hehehe…

  18. Amorgatory says

    shut up!friends no comment lol..aw ang haba! hahahaha..salamat at nakilala kow kayong mga abnuy!noo!!ang saya kahit di kow kayow kakilala, pero ang pagkakaibigan natin ditow sa blogness lahat ay mahalaga sakin at kkeep kow to for everness 20ft below sea lebel o di va!babushness!

  19. Melissa Is LOVE says

    Haha! Ou wala yan sa lalim ng english, nasa sense yan ng post. 🙂

    Hope na maging friends ko din ung ibang bloggers. 🙂

  20. Jez says

    shhooottt..dito sa pinas, isang himala kapag walang traffic sa kalsada! dito sa blog, walang himala kapag walang traffic..hayyyzzzz

  21. Bomzz says

    Pag na blanko na ang utak kong na walang laman heheheh di na ako mag cocoment…. pero binabasa ko pa rin…pero pag english na kasing lalim ng pasipiko… out na ako hehehe… ayokong pahirapan utak ko…may tagalog naman… lol’s

    Totoo yan pre masarap din ang pakiramdam yun may natuwa,nakiliti,o naka relate sa bawat article mo …..

    mag karoon ka ng kaibigan at ka kilala….yun siguro ang punto ng blogging…….. opinyun lang…

  22. Desert Aquaforce says

    Oi…grabe ng traffic dito… kelangan na ng traffic police…hahahaha!

    Tama lahat ang ipinagdakdak mo parekoy… medyo natamaan ako sa isa. sinabi ko na sa mga previous comments ko na talagang hirap na hirap ako sa pagta-Tagalog eh. Ingles ang gamit ko pero di naman siguro nakaka nose bleed…simple lang naman ingles ko eh… Yan din kung minsan ang rason na di ako makapag comment sa mga malalalim na Tagalog na post… mababa ang grado ko sa Pilipino eh. ahahahaha!

  23. Lord CM says

    @Amor…
    Parekoy, kung 20ft ikaw na lang, di na ako sasama…di ako marunong lumangoy…2ft ok lang lolzz

    @Melissa…
    Mababait yang mga blogmates ko, mga mukhang abnuy lang pero abnuy talaga sila…kaya di ka mahihirapan makipagkaibigan jan…

  24. I am Xprosaic says

    Hahahahhaha uu nga nagsisimula nang magkumpulan dito…Traffic na nga! Pero totoo lahat ng sinabi mo may mga iba’t ibang dahilan tayo bakit tayo nagboblog nagkataon lang ang pagkakaroon natin ng mga bagong kakilala’t kaibigan dito e isa nang maitutuing na bonus… jijijijijiji

  25. Lord CM says

    @jez…
    Hehehe 😀 ayos ah…WALANG HIMALA!!! lolzz

    @Bomzz…
    Hehehe 😀 may kiliti pa talaga ah…ngayon pre un na talaga ang dahilan ko kung bakit andito ako sa blogsphere, para dumami pa ang kakilala 🙂

    @Desert Aquaforce…
    Hayaan mo pre, minsan english entry ko, pero copy paste lang lolzzz

    Okey lang yan pre, basta wag lang kelangan ng dictionary para maintindihan ung article mo 🙂

  26. Lord CM says

    @Xprosiac…
    Siguro nga brod, bonus na ung marami kang makilala…pero ang gandang bonus nito…biro mo di mo kakilala pero kung magtulungan at magkulitan eh parang personal na magkakakilala 🙂

  27. poging (ilo)CANO says

    kahit traffic, gusto kong tumambling dito sa comment box mo..pagod na kasi ako katatambling s cbox mo eh!..lolz..

    buti nalang tagalog entry mo, kaya medyo naintindihan ko…

    pangmahirap ba…hehehe…lolz..

  28. saul krisna says

    parang drugs ang blogspere sa akin…. kaya nga bumalik ako kasi na mimiss ko na ang pag susulat…. lord salamat dahil nakilala kita dito sa magulong mundo ng pag susulat… hahahaha walang iyakan huh….

    salamat nga pala sa ilang daaang beses mo na akong binatukan para lang matauhan ako sa kamalian ko…. naks ang drama ko na naman ahhhh…. sa uulitin

  29. HARI NG SABLAY says

    makikisingit lang poh. ako po’y bago sa mundong ito.nkikisiksik lng.masaya. minsan mlungkot din dhil wlng bumubsita.minsan nakakainggit.hehe pro ok lng.mdami namn ngiging kaibigan kabalitaan at kakampi.sounds fmily?corny!

    tama paps ung sbi mo, nkakatamad minsan magbasa ng mga mahahabang entry.ang filing kc prang mauubusan ka ng oras dun.pero wala tayong mgagawa.makukulit kasi mga isipan ntin.

  30. Ruphael says

    Gusto n’yo ng traffic?Punta kayo dito sa Dubai..hehe Totoo ang mga sinasabi mo bro. Teka lang at idi-delete ko muna ang message box ko..hehe Sa blogging kailangan lang talaga elementary English lang ang gagamitin parang sa akin (nahihirapan kasi ako sa College English..hehe)..

    Have a nice Thursday!

  31. netaholic21 says

    ay kuya, tama ka diyan, si INday dun sa nosebleed subject, haha, nakakasawa, ~Lol

    and about sa napakhabang blog, goshhh, yung akalain mo nobela na, ayos lang sana eh, kaso mahaba na nga, boring pa, awww, nakakatamad basahin, padaan po ;]

  32. Meryl (proud pinay) says

    hi lord, i agree with you! ^_^

    tama kailangan makisalamuha…makipagakibigan…masarap kapag maraming kaibigan..^_^

    the more the merrier! weeeeh! ^_^

  33. Enjoy says

    napadaan po ulit dito at nagbabakasakaling makakuha ng boto, este dalaw, este komento galing sa iyo. pero may sense naman itong entry mo, in fernes 😀

  34. isladenebz says

    Matagal din akong hindi nakadalaw. Agree ako sa lahat ng sinabi mo.
    Kahit pa ung nosebleed section.

    And I second the motion ung comment ni Melissa: dapat din sensible ang post.

    Dagdag: ang pagtaas ng traffic ng isang blog ay depende sa networking capability ng blogger.

  35. soberfruitcake says

    magandang basahin ang mga sensible na blogs kaso wala tayong mgagawa kung ang trip isulat ng blogger eh ung wlang sense. page nya un, isusulat nya kung ano ung gusto nyang isulat. nasa reader na ang desisiyon kung gsto nyang tapusin or hndi. kc hndi nman lhat ng tao gifted sa pagsusulat pero tayong lahat ay gifted sa pag iisip.. mayroong mga may mgagandang ideas pero mejo nhihirapan sila kung pano isulat ung mga ideas na un in a “sensible” manner.
    msaya rin magkaroon ng maraming kaibigan pero hndi rin natin maipagkakaila na mayroon tlgang ibang tao na nagbblog lang pra may outlet sila ng knilang mga feelings and thoughts. wala sa knila kung may babasa or bibista sa page nila.
    hndi ko alam kung ano ung main point ng comment na to.hehe. bstah un lng.hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *