SUPPORT d 2009 PINOY OFW/EXPATS BLOG AWARD

Bihira sa mga blogero ang mangyari ang ganitong event kung saan papangaralan ang mga blogerong nagsusulat hindi lang para sa kanilang sarili kundi pati na rin sa mga mambabasa ng kanilang artikulo…

Nung una nagsusulat ako para sa aking sarili, para gumaan kung ano man ung mga nararamdaman ko bilang isang OFW, pero simula nuong may mga taong nagpapasalamat sa mga artikulong ginawa ko at nalaman kong hindi lang pala ako ang nakikinabang sa bawat artikulong nagagawa ko…naisip kong ipagpatuloy ang pagsusulat hindi lang para sa akin kundi para makatulong sa ibang taong mas higit pa ang bigat na nararanasan kaysa sa akin…

At ngayon nga…sa pangalawang pagkakataon, inilulunsad ang isang event kung saan hinihikayat ang buong blogosperyo para suportahan ang nalalapit na kaganapan, at upang bigyang parangal ang natatanging OFW/EXPATS, na makakapagsulat ng isang artikulo base sa kanilang tema na

Para sa mga interesado, maaari kayong bumisita dito para sa karagdagang kaalaman tungkol sa mangyayaring event…

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

At ngayon, hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng blogero saan man dako kayo ng mundo, hinihiling kong suportahan natin ang kaganapang ito…at bilang pagsuporta ito ay gagawing TAG para sa lahat ng blogero, hehehe, wag ka na magreklamo, binasa mo na eh!!!mapa abroad man o nasa Pilipinas para lang mapaunlad natin ang ating lahe hindi man pang ekonomiya pero ONLAYN!!! nyahahaha ANGAT TAYO SA IBA!!!

Syempre, ipapasa ko ito sa mga tropang Abnuy At Tropang Adik at sa iba pang tropang alam kong hindi ako tatablahin pagdating sa ganitong mga bagay…UMPISAHAN NA NATIN!!!

Amor – Parekoy, alam ko di ka naman OFW o EXPAT pero isa ka sa inaasahan kong susuporta sa magaganap na pagpaparangal sa natatanging kaganapan na mangyayari sa mundo ng blogosperyo…para lang sa tropang abnuy!!!

Kosa – Kosa!!!Pwede ka sumali dito, at nang may mapuntahan naman ung pagsusulat natin…Sa dinami dami ng nakukuha mong award, ngayon lang ako makikisuyo sa iyo at sana mapagbigyan kahit kaunti…

Pajay – Prof, Musta ka na? sana ok ka pag nabasa mo to…eto na brod ung pagkakataon nating ilabas kung ano ung narararamdaman natin at mapakinggan ng buong mundo…hindi ako tatanggap ng HINDI pagdating sayo, aasahan kita kahit suporta lang hehehe

Marco – Parekoy Abnuy!!!, xensya na ah, sinama kita…pero ikaw ang isa sa mga kaibigan kong alam kong hindi ako tatalikuran pagdating sa ganitong bagay…suporta lang brod, para sa atin at s iba pang blogero…

At sa mga sumusunod, Rhodey, Dylan, Mellisa, Jez, Mulong, Hari ng Sablay kelangan natin gumawa ng isang artikulo para pagsuporta sa magaganap na event patungkol sa mga blogerong nakipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay, isang artikulong may kaugnayan sa temang Filipinos Abroad ? Hope of the Nation, Gift to the World..at ito’y kelangang ipasa sa ibang blogeron nais nyong i-TAG ng sa gayun maipakalat ang nalalapit na event hindi lang sa mga OFW ganun din sa lahat ng blogero na gustong makiisa sa pag unlad ng Bayang Sinilangan..

Bilang isa sa tinuring nyong kaibigan dito sa mundong Blogosperyo, inaasahan ko ang inyong suporta, maipakalat man lang natin ang mangyayaring kaganapan sa lahat ay isang malaking bagay para sa nag umpisa ng event na to at sa lahat ng makikilahok…

ISANG ARTIKULO LANG para sa event na to!!!!… tuloy tuloy ang suporta namin sa inyong pahina…AASAHAN KO sa mga susunod na araw ang inyong SUPORTA!!!Salamat ng marami…in advance, hehehe 😀

Kung maaari, sa artikulong iyong gagawin Kunin lang ang logo at i-link sa mismong nag umpisa ng kaganapang ito…

At sa lahat ng gagawa ng tag na to, maaari pong tapikin nyo si Pareng Kenji upang maisalpak ang inyong blogsite sa kanyang pahina…libreng advertisement yan, kaya SALI NA!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mr. Thoughtskoto says

    standing ovation CM! Pwede ba itong entry sa nomination? In behalf of the thoughtskoto family and the PEBA team, salamat sa mataginting na plug-in!!!

    Overwhelming parekoy! And with the powerful blogger people na nakatag, salamat sa inyo. speechless po…

    naunahan mo pa ako sa post ko ah! hehehe

  2. DETH says

    sige LordCM, malakas ka saken eh…kakapain ko muna yung mga pinanalo ko sa essay contest ah,nyehehehe!
    may deadline ba to?

  3. Chyng says

    Madame talagang OFW blog sites, which I think is good, sabe nga ni EVER, pamatay homesick!
    I have met a blooger from Japan nun magbakasyon siya dito nung Pasko. Wee!

    suportahan ko kayo jan!

  4. Desert Aquaforce says

    Lord CM, salamat ng marami sa iyong suporta.

    We may all be geographically separated from each other pero ang blogosperyo ay isang borderless na mundo upang lahat tayo’y magsamasama at magtulungan para suportahan ang 2009 PEBA.

    Mabuhay ang mga Pinoy OFWs at mga Pinoy bloggers.

  5. Kosa says

    naks…
    napaka-indemand talaga ni Kosa..lols
    joke..
    oo nga parekoy…. may nagsabi na rin sa akin nito. pero sa sobrang tuliro at pagkapagod ng utak ko eh indi ko pa nagagawa…

    talaga? ito ba ang magbabangon sa atin sa pagsusulat ng walang kwenta? lol
    sige sige papasadahan ko to… i-aabot ko sa deadline..hehe
    kelan ba?

  6. RhonB (aka Pinkoy) says

    Ey lord! Oo naman support ako dito. Timbrehan ko rin yung mga OFW blogger friends ko. I’ll post the link of the awards in pinkoy.

  7. Mr. Thoughtskoto says

    CM, salamat, medyo marami ang nagpopost, di ko mahagilap lahat sino sino kasi inaadd ko sa sidebar ng award site, pwede pakileave ng URL sakin sa award site? Salamat ulit sa inyong lahat sa suporta!

  8. Mr. Thoughtskoto says

    parang may prusisyon ng PEBA Banner sa gilid ng sidebar mo at sa Thoughtskoto haha! Thanks talaga CM! galing galing mo talaga!

  9. Lord CM says

    SA LAHAT NG SUMUPORTA AT SUSUPORTA PA, MARAMING MARAMING SALAMAT…HINTAYIN NYO NA LANG REGALO NI KENJI SA INYO Lolzzz, nyahaha joke lang po….

    Basta…maraming salamat sa lahat…

  10. Amorgatory says

    at alpahabetical pa talaga no?at akow pa ang nauna hahaha!!uwo maya basahin kow to nang todo ha,duty muna akow papagalitan akow nang headnurse eh absent na late pa hahaha, cge parekoy maaasahan mkow ditow!hep hep hurray!!lol byeyeye

  11. Francesca says

    joining the PEBA and Kablogs is already a priviledge, even hindi man mapili sa daming tiyak ko na sasali.
    Ang saya neto!

    bloggers, think this PEBA awards not as a competition but a dream fulfilled as a writer/blogger.

    Maganda. Masayang idea. Saludo ako dyan. Bow.

  12. Lord CM says

    Hehehe 😀 Sige gawa na, at hihintayin ko yang mga pangako nyo lolzzz…

    Maraming maraming salamat sa lahat ng sumuporta…

  13. Mr. Thoughtskoto says

    sa lahat po ng mg kaibigan ni CM na nagrepost or nag-add ng banner sa sidebar at hindi pa po naadd ang site niyo sa Award site, pakiiwan lang po ng mensahe kay cm or sa award site. Salamat po!CM Shokran (thank you)!!!

  14. ? Gello - kun` says

    slow ako umintindi ..

    ang tag ba to e para lang sa mga expats?

    meaning ang gagawa lang ng article / post tungkol sa nasabing tema e mga expats lang?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *