Paano na ako?

Dati magsasaing lang ako sa umaga bago pumasok, pag uwi ko ng lunch galing opisina may luto nang ulam. Pagdating ng gabi, saing uli sabay tambay, nuod ng tv, blog tapos mmya lang may ulam na at kakain na kami…tapos hugas lang ako ng pinagkainan…

Ngayon? Waaaahhhh, umuwi na bayaw ko na mahilig magluto…kahapon lang sya umalis papuntang Pinas dahil nga sa @#@$!% Global Crisis na yan!!! Paano na ako ngayon?, malamang sa mga susunod na araw puro prito ulam ko, pritong itlog, pritong porkchop, pritong manok, pritong isda, tocino, longganisa, hehehe lolzz yan lang alam ko lutuin eh…Kapag gusto ko ng may sabaw malamang bibili na lang ako sa Deli…

Hirap pa nito, wala akong gana kumain kapag mag isa lang akong kumakain…mas napaparami kasi ang kain ko pag may kasama akong iba, mas lalo kung malalakas pa lumamon mga kasama ko…sarap kumain pag kasabay mo eh ganado sa pagkain….

Paano na ung Sinigang na baboy?, Nilagang baboy?, Tinolang Manok?, CPA(Chicken Pork Adobo)?, at kung ano ano pang kelangan timplahan para lang mailuto 🙁 …

Sana sipagin akong mag aral na magluto, lolzz…alam ko naman kung paano eh dahil madalas pinapanuod ko bayaw ko kapag nagluluto, kaso nakakatakot na baka iba maging lasa…Baka yung tinola eh maging pritong manok, o kaya naman maglasang nilaga…bahala na!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Rhodey says

    nakakarelate ako dyan, nakakainis kapag meron kang nakasanayan tapos biglang mawawala, mahirap mag adjust….

    pero mahirap lang naman yan sa una kapag muli mo itong nakasanayan e malamang sanay ka na ulet… aheheks…

    kaya mo yan…

  2. Lord CM says

    Oo nga, hirap pag nakasanayan mo na..ngayon parang umpisa na nman ako..

    Sana nga hindi masunod pag sinubukan kong magluto lolzz

  3. Meryl (proud pinay) says

    hahaha nakakatawa ka naman lord! alam mo ba di rin ako marunong magluto nung single pa ako L.O.L. mas hilig ko pa ang magkumpuni ng electronics kesa magluto ^_^ simula nung nag-asawa ako eh…natuto din akong magluto kahit papaano…kundi puro prito at bili na lang sa labas ang kakainin naming mag-asawa kc di kami pareho marunong magluto L.O.L.! ang ginawa ko eh…kapag nakikipagusap ako sa mom ko sa pinas with webcam eh tinatanong ko pano magluto ng ganto ganyan…ayon at proud nman sila at natutunan ko rin…ang ibang pinoy foods…

    btw, thanks for the prayer sa aking granny…

  4. Dylan Dimaubusan says

    Nyahahaha!

    Natatawa ako sa mga taong mahilig kumain pero di marunong magluto! Paano kayo mabubuhay nyan!?

    Malakas akong manlait pero lately ko lang natutunan magluto nung wala akong stable na trabaho. Pag tambay ako sa bahay ako ang taga-luto sa bahay… Kaya nasasabihan na ako ng nanay na pwede na akong mag-asawa…wahahahaha! nakakaubo!

    Tignan mo lang kung anu yung ingredients ng pagkain, ikaw na bahalang magtimpla, tantyahan lang yan.. MAtututo ka rin..

    Sabi nga ng pelikulang may daga na mahilig magluto, “Anyone can cook!”

  5. E??su?J says

    pare maginstant mami ka na lang..o kya Prito poreber…

    tsktsk..
    mabuti na lang ako marunong magluto…
    kahit na palyado sa lasa…hahahah

    keri mu yan!

  6. Lord CM says

    @Meryl…
    Un na nga, parang madali lang naman base sa mga nakikita ko…kaso nga baka mag iba ang lasa 😀 …

    @Dylan…
    Sige magtawa!!! lolzz, mabubuhay naman ako kahit di ako marunong magluto, madaling gawan ng paraan un kaso masarap pa rin ung lutong bahay…pag ako natuto, lagot ka!!!ikaw una ko patitikimin lolzz

    @Jen…
    Ayaw ko instant mami Mare, instant pancit canton n lang 😀 …

  7. ~~m$. DoNNA~~ says

    mag jollibee ka na lang… hehehehe

    matuto kang magluto mag isa
    tapos everyday, lahat ng niluluto mo
    every meal, i-blog mo.. i share mo samin, para makita mo kung pano ka namin pagtawanan… nyaaaaaaaaaahhh!!!

    ayaw mo non?
    may ulam ka na, may blog entry ka pa :lol

  8. Lord CM says

    @Donna…
    Walang Jolibee dito no, kung meron lang sana malamang madalas ako dun ngayong wala nang taga luto lolzz

    Kala ko pa naman tuturuan mo ako 😀 magtatawa ka lang pala lolzz

  9. Jez says

    tip..1. huwag mong pagalitan ang manok o baboy habang niluluto mo baka lalong maging walang lasa
    2. with love dapat ang pagluluto..
    galing sa puso, huwag kang nakasimangot

    nyhahaha..magsearch kana lang sa internet ng mga procedures kung paano magluto….

  10. Lord CM says

    @Jez…
    Ngek!!!Paanong wag pagalitan? eh mas masakit pa nga ung ginagawa sa kanya diba? hinahati sya tapos ilalagay sa mainit na tubig lolzz…

    Saka napanuod ko rin yan eh, ung kay Aga Mulach at Claudine, ung pagluto ng laing dapat galing sa puso lolzzz kala nyo kayo lang mahilig kay claudine baretto ah nyahaha

    Salamat sa tip..

  11. A-Z-E-L says

    matuto kang magulam ng PANGA LordCM…

    PANGAlawang init na adobo..
    PANGAtlong init na paksiw…
    PANGA-pat na init na sinigang…

    hahahaha!
    magpancit canton ka na lang siguro…

  12. soberfruitcake says

    wawa kaa nman. bumili ka ng easy-to-cook cookbooks. mrami nyan. tsaka kung may balak kang lutuin,magtanong tanong ka dto sa blog mo kung pano lutuin.sure ako mraming sasagot.hehe=)matututo ka rin nyan, d pwedeng prito forever pwera nlng kung gsto mong 40 ka plang eh lhat n ng ugat sa puso mo, blocked na ng cholesterol.hehe
    Good luck sa’yong cooking adventure.hehe.

  13. Lord CM says

    @SoberFruitCake…
    Di nman kawawa, may mabibilhan pa nman eh 🙂 pero kasi masarap talaga ung lutong bahay eh..kapag sinipag ako magluto, bubulabugin ko buong blogosperyo lolzz

  14. Dylan Dimaubusan says

    Nyahahahahaha! Di ka mabubuhay sa mga puro instant at fast food… Sakit ang abot mo pa nagkataon, wag naman.

    Sana makapag post ka ng sarili mong luto minsan…hehehe..

    Nakakatawa tong mga comments mo dito…wahahahaha! Mukha ka tuloy kawawa..nyahahaha!

    peace!

  15. Lord CM says

    @Dylan…
    Hehehe 😀 Mapanglait ka nga, kung ikaw nga natuto eh…saka nasa diskarte lang yan…di ako aabot sa posisyon ko kung wala akong diskarte…

    @Tonio…
    Pancit canton mas masarap…samahan ng pritong manok 😀

  16. The Pope says

    Naging isang malaking hamon din sa ain ang pagluluto kaibigang Lord, 17 years ago, dumating ako dito sa Doha na walang kaalaman sa cooking. Subalit sa tulong ng mga kaibigan, mga cookbooks, napag-aralan kong magluto ng iba’t ibang putahe.

    Kaya mo yan kaibigan, praktis lang ang kailangan.

  17. Lord CM says

    @The Pope…
    Salamat pre, alam ko kaya ko..nai-blog ko lang para makabasa ako ng kagaya ng mga comment mo…

  18. poging (ilo)CANO says

    tumpak!

    hirap talagang kumain pag walang kasabay…kaya ako…di masyado kumakain….walang kasama lagi eh!

    blog na lang…lolz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *