Otso…Walo…Eight…

Minsan na nga lang lumipad si SuperGulaman eh nakuha pang mang-tag…tama ba naman yun?!!!Di bale SuperG, dahil ginawa mo ung mga pinasa ko sayo eh ganun din ako sayo…pero sana gawin din ng iba, nyahaha…

Umpisahan na natin para di na humaba…Kelangan lang daw ilista ang walong bagay base sa mga kategoryang kulay dilaw ang kulay…

8 Things i’m looking forward to:

  1. Unang una syempre ung makasama ko pamilya ko sa March2010, bakasyon ako nyan
  2. Graduation ng panganay ko pag uwi ko sa March2010…
  3. Sa june, di na ako kasama sa On-Call Duty after office hours, hirap kasi, 5pm to 10pm pag may problem sa location kelangan pa namin puntahan…papahinga na eh!!!
  4. Ayun!!!Birthday ko na sa September, mag ipon na kayo ng pang regalo…
  5. Training sa US of A next year…di kasi natuloy ung unang training namin, di ko n matandaan kung saan bansa yun…
  6. matapos ung loan ko sa bank para makaluwag luwag naman na…next year pa nga lang un…
  7. Pasko!!!Para mag new year na lolzz
  8. Akin na lang ung panghuli, lam ko naman ibibigay ni Lord un kaya maghihintay n lang ako…
8 Things i did yesterday:
  1. paggising ko ng 6:30am…check ng blog at blog hop na rin
  2. Programming, pinapa rush na kasi ung ibang system na pinapagawa ng Boss ko.
  3. syempre di mawawala ung pagresolba ng mga problema ng iba…tungkol sa computer ah, di ko na kaya pag financial problem eh…
  4. Syempre gawa ng isang artikulo para sa aking blog.
  5. nakipag chat sa aking mahal na asawa…
  6. tumawag na rin ako para makausap ko ung dalawang makukulit kong junakis
  7. nga pala, nagpadala na ako ng allowance nila sa pinas…sweldo eh
  8. Nagsaing ako lolzz, at bumili ng manok tapos pinaluto ko sa barkada ko..ulam na nmin un dalawa…gastos ko, labor sa kanya…edi nakakain kaming dalawa…ako na rin naghugas ng pinagkainan…
8 Things i wish could do:
  1. Makauwi sa Pinas at di na humiwalay sa pamilya ko…
  2. makapag patayo ng sarili naming bahay…
  3. makapag negosyo sa Pinas para di na kelangan lumabas ng bansa…
  4. mapagtapos ko ang mga anak ko sa pag aaral syempre…
  5. mag aral uli…pero sana english subject lang, mejo mahina ako jan eh..pero andito ako sa ibang bansa na gamit na lengwahe ay inglis lolzz
  6. makagawa ng isang bagay na makakapag pa unlad ng ekonomiya ng Pinas..para wala nang nag aabroad na pinoy…
  7. makapunta sa Pinas sa isang kisap mata…parang Jumper…
  8. Sana matapos ko tong tag na to…Putek!!!mag aalas dos na ng madaling araw nag iisip pa akong ilalagay dito…HUMANDA UNG MGA SUSUNOD!!!
8 Shows i watch:
  1. Pieta
  2. May bukas pa
  3. Tayong dalawa, wag na tumawa at walang ibang mapanuod dito, tapos ko na lahat ng dvd na nahiram ko eh
  4. Ngayon? Wowowee
  5. Tokyo Drift, paulit ulit ko na lang pinapanuod…tuloy pati message tone ko tokyo drift na rin
  6. Wala na…trabaho lang ako lage eh…
  7. wala na ulet, blog lang ako lage eh…
  8. TV Patrol pala…

8 People i tag:

  1. POGI
  2. Jee
  3. Jentot
  4. Rhodey
  5. Mellisa
  6. Crisiboy
  7. Azel
  8. Soberfruitcake
Hayzz, hirap mag isip…nga pala, baka gusto nyong balikan ang isang entry ko? may kinalaman din sa otso…walo…eight, sana bisitahin nyo, Para sa Aking Mahal…Salamat kung babasahin nyo…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. poging (ilo)CANO says

    putek!..tag na naman…tagtagin na natin..hahahaha….

    gagawin ko yan pero bukas na kasi wala akong ginawa at pinanood kahapon…..lolz…

  2. manilenya says

    Buti na lang hindi mo ako tinag kasi bukod sa ingles e dito ako mahina e, yung isa isahin kung ano ang gusto kong gawin at kung ano ang ginawa ko kahapon lol!

    Hindi ako nagbibiro.

  3. Rhodey says

    hala!!!! nose na naman to, mauubusan na ako nang dugo…. waaaahhhh… aaaarrrrggghhh!!!!! eheheks…

    salabada, sakumpuni, sakakalikutin at saplantsahin muna ako ha?

    Pagkatapos non, dito na ko sa panibagong nose bleed eheheheks….

  4. netaholic21 says

    1. Pieta
    2. May bukas pa
    3. Tayong dalawa, wag na tumawa at walang ibang mapanuod dito, tapos ko na lahat ng dvd na nahiram ko eh
    4. Ngayon? Wowowee
    5. Tokyo Drift, paulit ulit ko na lang pinapanuod…tuloy pati message tone ko tokyo drift na rin
    6. Wala na…trabaho lang ako lage eh…
    7. wala na ulet, blog lang ako lage eh…
    8. TV Patrol pala…

    Nice, kapamilya hehe

  5. Meryl (proud pinay) says

    oo nga lord, mahirap mawalay sa pamilya..nakakalungkot =(
    happy birthday pala in advance ha! ^_^
    san tayo? hehe

  6. E??su?J says

    hahaha…

    kinabahan ako nung nabasa ko na may tag ka saken eh..kala ko kung ano..hehe…gawin ko mmmya pare..

  7. A-Z-E-L says

    pansin ko lang.. “looking forward to…” MARCH 2009… di kaya March 2010 un CM?

    uy! nagbasa talaga ako… hehehehe!

    kunin ko ung tag later… busy lang sa contest.. hehehehe!

  8. Mr. Thoughtskoto says

    ayan nakapasok, hehehe, buti naman. Marami na naman ako natutunan sau. mga walo walo…

    nabasa ko rin sa comments na malapit na birthday mo, hehehe.

    nagkainterest ako sa Tokyo Drift matingnan ko maya sa haws ano kwento nun

  9. =supergulaman= says

    ahehehe…weepeee…salamat sa pagkuha…aheks… hindi ako nakpag-ikot kagabi…ibang klase kasi ang internet ko parang bata eh.. naglalaro sya ng “close open”… aheheheh…

    tayo ng mag-otso otso…otso otso…

    ahehehe…ayan back to regular programming na… ahehehe…every weekend na ako mag-new entry… 😀

  10. Amorgatory says

    hahhaha buti naman noooooo at di moko tinag ksi nga na tag nkow ni super g hahah, lolness, babawi akow sa mga tag this week sobrang busy lang akow parekoy, ahuhuh im ded tiredness..

  11. Lord CM says

    @Pogi…
    Kala ko mauna mukhang otso lolzz

    @manilenya…
    ay sayang,dapat pala sinama kita 😀

    @rhodey…
    ok lang yan pre, may red cross nman jan eh, bili ka lang uli ng dugo 😀

    @netaholic21…
    Hehehe 😀 Walang pagpipilian eh…

    @Meryl…
    Sinabi mo pa…san tayo? dito na lang sa blogosphere lolzz

    @Bhing…
    Di na kita na-tag kasi alam ko ita-tag ka ng mga taga dubey lolzz

    @jen…
    hintayin mo ung susunod, baka di lang kaba yan lolzz

    @azel…
    salamat po sa correction, windang ako nung ginagawa ko yan eh..madaling araw na rin kasi nun 😀

    @Kenji…
    kala ko kung ano ung naipasok mo eh…gulat ako dun ah!!! hehehe

    @SuperG…
    Ngek!!!kala ko parang $^&*(*&, close open nyahaha

    @amor…
    parekoy,sinabi ko naman sayo wag ka na mag work…mapapagod ka lang eh lolzz

    @Mel…
    nasan na? tomorrow na ngayon!!! lolzz

  12. I am Xprosaic says

    “makapunta sa Pinas sa isang kisap mata…parang Jumper…” Hahahahahahaha… UU nga! Masaya yan! jijijijiji

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *