Nung isang araw…

Nung isang araw…araw ng miyerkules, tawag ako sa Philippine Embassy…para inquire kung ok na passport ko, nagpa-renew kasi ako nung Feb. 24 2009 at isang buwan na mahigit eh wala pang tawag sa akin para kunin ko ung passport, kaya tinawagan ko na…

Staff : Philippine Embassy, Hello
Ako : Tanong ko lang po sana kung ok na ung passport ko? kasi pina renew ko nung Feb 24…
Staff : Ano pong pangalan?
Ako : (ang buo kong pangalan)
Staff : sandali po, at i-check ko…….Ok na po, last week pa…pwede nyo nang kunin..

Ako : Ok po, salamat…

Langya naman eh, sabi tatawagan ako pag ok na, buti pala tumawag ako…Punta ako ngayon Phil Embassy, park ng sasakyan sabay baba at diretso sa opis nila…May mga pinoy na nakatambay…sila pala ung mga nireklamo ung mga amo dahil sa problema sa sweldo o pag aalila sa kanila kaya dun muna sila sa Embassy hanggat hindi naaayos ung pag uwi nila sa Pinas…So, ayun…

Ako : Gandang hapon po, ako ung tumawag…kunin ko sana passport ko…
Staff : Mukha mo ba nakalagay sa passport?

Ako : Ha?!! Opo, picture ko po

Buset!!!Kung mukha ko nakalagay sa passport, sino kaharap nya ngayon?! taong walang mukha?!.

Staff : Eto na po…paki-receive na lang po, pirma dito at date dito
Ako : (pirma, sulat ng date)
Staff : dito pa po
Ako : (pirma, sulat ng date)
Staff : Ok na po..

Ako : Salamat ng marami

Tambay : Sir, pwede mag solicit?
Ako : (isip muna) …..Ngayon na?
Tambay : kung ok lang po
Ako : xensya na, di pa kami sumuweldo eh…wala rin akong dala ngayon, punta na lang kayo sa barracks para mas marami makatulong sa inyo..

Tambay : ok po…

Ang tutuo nyan, One(1) Dollar lang laman ng pitaka ko at $0.35 sa bulsa ko…eh di nman kasi ako mahilig magdala ng malaking pera, kung ibibigay ko pa nakakahiya at $1 lang un…tapos di pa ako makakameryenda dahil un lang pera ko sa pitaka…pero kung pupunta sila sa barracks namin, magbibigay na ako 😀 ….

Ayun!!!Sabay alis, paglabas ko nakasulubong ko isang staff ng Phil. Embassy…Kararating lang ata galing mag-lunch…

Staff : Brod, sayo ba ung sasakyan na un?
Ako : Opo.
Staff : Kasya ka nman siguro no? (katabi kasi ng sasakyan nya ung dala kong car)
Ako : (eh ang layo, di ko masyado makita) kasya naman po siguro

Staff : Ok (sabay alis)

Putek!!!Ulo ko pa lang di ko na maipasok, katawan pa kaya?!!!, pano ung side mirror ng car nya at side mirror nung dala kong car eh halos magkadikit na…Tingin ko sya, langyang un…wala na…Ang nangyari, punta ako sa passenger side at dun ako pumasok sabay lipat sa driver side, hirap nun ah….

Bigla ko tuloy naisip…Nasa Pinas ata ako ah?!!!
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. poging (ilo)CANO says

    natawa ako sa adventure mo parekoy…nailalagay pala mukha sa passport..lolz…hahaha.tawa ulit ako..hahaha

    kahit dito sa amin, dami rin nating mga kabayan na sa embassy nakatira sa paghihintay sa kasagutan ng kanilang mga reklamo…araw…buwan..taon…hanggang sa mapunta lang sa kawalan dahil s mabagal na action ng mga tauhan sa embassy..

  2. Desert Aquaforce says

    Hahaha…Oi bawal nga palang maghalakhak ngaun dahil semana santa…ehe!

    What an anecdote to tell… lahat sa script nakakatawa. Pinoy nga naman kahit sang dako ng mundo.

    Have a good Friday!

  3. Jez says

    hindi ko alam kung maaawa ako dun sa naghingi ng solicit o sa iyo?heheehehee (oopss…mahina lang tawa ko bawal daw halakhak eh)

  4. Rhodey says

    nakakatuwang adbentyur ito.. pero anut ano pa man kapag may kalokohang naganap at wala ka sa pinas, iniisip mong parang nasa pinas ka na rin…. hhhhmmmmm… bakit kaya? (tanong lang)

  5. Lord CM says

    @Pogi…
    Di nman na mawawala sa mga OFW ung ganung sitwasyon…kahit saang bansa ata merong naaaping kababayan natin…

    @Desert Aquaforce…
    Oo nga, dapat tahimik ngayon 🙂

    @Jez…
    Alam mo bang naawa ako sa tambay na un, kasi nga andun lang sila sa Embassy naghihintay na maging maayos lahat, kaso wala talaga akong pera nung oras na un 😀

  6. Lord CM says

    @Rhodey…
    Kasi brod sa Pinas tayo nasanay, un lang ang mapagkukumparahan natin ng araw araw na buhay, at syempre andun na rin ung mga tanong na sa Pinoy mo lang maririnig, tama ba naman kasing tanungin ka kung mukha mo ung nakalagay sa passport 😀

  7. ---j3NsKeE--- says

    dito merong mga pinoy na pupuntahan dapat namin kanina after nung mass..kaya lang tinamad ang mga bagets kaya may-i-go home kame..
    ..

    mahirap nga yung ginawa mo…
    eh panu na lang pala kung mataba ka kumpare? edi hindi ka na nakapasok dun sa loob ng kotse?..joke…

  8. abe mulong caracas says

    langya namang buhay yan oo, mahal na araw na mahal na araw eh napapainit nyo ang ulo ni LORD eh

  9. The Pope says

    Minsan may mga pagkakataon o sitwasyon na hindi inaasahan na sinusukat ang ating pagkatao kung hanggang saan tayo makakapag pasensya sa kapwa.

    Purihin ka kaibigang Lord CM sa iyong pagtitimpi at mahinahon na pagharap sa mga alanganing sitwasyon, kalulugdan yan ni Bro.

    A blessed Good Friday kaibigan.

  10. Lord CM says

    @Jen..
    Buti na nga lang at di ako mataba, nagkasya pa braso ko lolzzz

    @Kosa…
    Nyahaha, nag elementary ka pala? lolzzz jokeness 😀

    @Mulong…
    Di naman uminit pre, konti lang 😀

    @The Pope…
    Nakonsensya lang ako dun sa tambay eh, wala talaga akong ibibigay eh 😀 , pero sana bawi ako dun sa pagpapasensya sa mga buset na un lolzz

  11. A-Z-E-L says

    bawal tumawa ng malakas… holy week.. kaya ismayl lng ako ng konting-konte.

    nice experience. buti nagkasya ka sa kabilang side. kundi.. may i come back ka sa embassy at ipapapage ang owner ng ganitong plate number na car.. blah! blah! blah! tapos pag nagkita kayo sa carpark sasabihin nya, “kala ko ba kasya ka?” o db kasalanan mo pa tuloy!

    para ka ngang nasa pinas.. lolz!

  12. sterndal says

    hay naku bro! ako din nahihiya magbigay ng abuloy kasi konti lng dala kong pera lagi eh. feeling ko mas marami pa silang pera sa kin hehehehe 🙂

  13. yAnaH says

    pareng CM…
    pwedeng magsolicit???
    hahahahahha
    nakikidaan lng at nakikigulo gn onti..
    bisi-bisihan pa eh…
    ahihihihihi
    wak ka na pala maghanap ng petyurs nung BCON dinner sa goodtaste
    dahil nasa mabuting kamay na ugn camera
    hahahahaha

  14. Lord CM says

    @Azel…
    Un na nga, kung sakali nasisi pa ako ng staff na un 😀

    @Sterndal…
    Hahaha, mas marami silang pera kasi marami na silang nasolicit lolzz

    @Yanah…
    Sige punta ka na lang sa barracks at mag solicit lolzz

    @Punky…
    Saan na nga ba barracks namin? lolzz

  15. Dylan Dimaubusan says

    Kala mo onli in da pipinis lang nog?! lolz

    Ayus lang yan, at least di ka masyadong nawalay sa bansang sinilangan, ehehe..

    Natawa ko dun sa 2nd dialogue ah.. Mas gwapo siguro nasa picture..eheehe Piz!

    Teka, I’m no Cathloic pero matanong lang, bawal tumawa pag holy week? 🙁

  16. BlogusVox says

    hehe, ganyan ata talaga ang mga staff sa embassy hindi ginagamit ang sentido kumon. Ako kanina lang pumunta doon at hinarang ako ng bantay sa gate.
    bantay: Saan ka pupunta?
    Ako: Sa loob po, kukuha ng OEC?
    bantay: Walang opisina ngayon. Easter Sunday. Hindi mo ba nabasa ang memo?
    Ako: Hindi po. Saan po ba yung memo?
    bantay: Nandoon sa loob.

  17. Lord CM says

    @Richard…
    Marami nyan brod lalo OFW kasi di maiwasan ung mga nalolokong kababayan natin…

    @Dylan…
    Hehehe 😀 parehas lang pangit ung pix saka mukha ko lolzzz imbes na resibo ang kunin sa akin eh, mukha na lang daw 😀

    @Blogusvox…
    Nyahaha, natawa naman ako dun…

  18. Mike Avenue says

    Ang lungkot ko kanina, ang init ng ulo ko, ang gulo ng buhay ko, namin, pare. Pero napatawa mo ako dito. Hehehe. Salamat parekoy!

Trackbacks

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *