Nagbabagang Award…

Lagi na lang akong tumatanggap ng award, sabi ng multong katabi ko “Tukmol!!!Isang award pa lang natanggap mo!!!”, pakealam mo ba?!!, eh blog ko to!!! Pero may katotohanan yung sinabi nya ah, parang si Chip Tsao, ooopsss!!!may violent reaction?!!!!SANDALI!!!!Lumalayo na eh, ayun!!!Lagi na lang sila ang nagbibigay ng award sa mga blogero, siguro panahon na para ako naman ang magbigay…

Gumawa ako ng isang award base sa aking pahina na puno ng apoy at hanggang ngayon eh di pa rin nagbabaga…Ang NAGBABAGANG BLOG AWARD na ipamimigay ko sa mga blogerong kahit anong i-post na entry ay nagiging interesado ako sa kadahilanang ako ay natutuwa, natatawa, humahalakhak, nalulungkot, sumsinghot, umaatungal kapag nababasa ko ang kanilang entry, at sa bawat kwentong kanilang ginagawa ay siguradong puputaktehin ng sangkaterbang kumento dahil sa galing ng pagkakagawa at kainte-interes na istorya at ideyolohiya (ano raw?)…
Sa iyo, Abnuy Pajay, Abnuy Kosa, Dhianz, Supergulaman, RJ, Marco, POGI, Jen, Yanah, Pareng Abnuy Amor, Jhosel, AZEL, Jee, Dylan, Donna, MikeAvenue, Chyng, Mulong, Oracle, Jez, Kenji, The Pope, RonB, Marlon, Desert AquaForce, Nebz, Bomzz,Josha at sa lahat ng blog na meron akong pangalan sa blogroll, cbox, shoutmix at comment box… hehehe ,tinamad na eh…
ETO ANG PARA SA INYO!!!

kunin nyo lang at gawan ng entry o kaya ilagay sa inyong sidebar, at kung gusto nyo ipasa sa iba, Okey lang…isa na rin tong maliit na paraan para mapasalamatan natin ang ating kapwa blogero dahil sa mga gawa gawa nyang kwento na minsan umubos ng oras natin 😀 … kasi pag di nyo kinuha yan…malulungkot ako 🙁 … ay!!!xensya na pala ah…at walang link ung mga name nyo, pero kilala nyo naman kung sino kayo eh…CONGRATS!!!
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Jez says

    wow! nakakatuwa,,,, nakakaaliw,,,
    nakakaubos man ng oras, yet it brings smile sa aking faceiii

    salamat pare..(hehehe, ayan pare na rin tawag ko sa iyo)
    grab,,grab,,,grab aketch na yan

    more post to come sa ating lahat!!!

  2. PaJAY says

    Wow!..

    *tinatanggap ang award*

    wooooo!…ano bang masasabi ko?..

    una sa lahat,syempre pinapasalamatan ko ang DUNGEON sa award na’to..isang karangalan ang makatanggap ng nagbabagang award….sa staff…sa aming gapper,personal assistant ,kay direk!..mabuhay ka direk!…….sa aking pamilya!…tita ko sa cavite!…sa bohol,sa blumentrit,mga pinsan ko sa ko mga kapitbahay at tambay sa hizon st.,at higit sa lahat sa ating ama sa TAAS!..

    maraming salamat sa award!..

    mabuhay ang DUNGEON!…

    *tumbling* tas *split*….

  3. Lord CM says

    Hindi sana ako sasagot sa mga kumento kaso natawa ako sa hirit ni Pajay, nyahahahaha 😀 astig!!! hehehe lollzzz

    Sa lahat, kunin nyo lang…basta nabasa nyo ang post ko…salamat din sa lahat at pagbisita…

  4. Amorgatory says

    PARE BONGGANG BONGGA ANG AWARD MOW, KUKUNIN KOW TALGA YAN, KSI SAYANG NMAN UNG APOY EH, PANG GAMIT PA YAN SA PAGSAING KOW, ALAM MO NAMAN MAHAL NA LAHAT, HAHAHA…SALAMAT SA AWARD HA, SUPER HOTNESS LOLNESS

  5. Amorgatory says

    @pjay hahaha abnuy ka tlaga at may speech kapang nalalaman, lolness, sinama mo pa ang split at tumbling..split ka nga 1 sec lang lol

  6. jhosel says

    wow. ayos ah. mainit init pa ha. ahehe. salamat po CM!

    ayiee. salamat din sa mga posts mo na nakakaaliw, nakakatawa, nakakastir ng imagination. lol. ahaha.

    hayaan mo’t patuloy akong magfifire dance dito.(parang boracay e noh) ahaha.

  7. ---j3NsKeE--- says

    kumpare…salamat ng daming dami sa award..hehe..
    napapanahon
    habol pa sa gradweysyon!
    ayus toh…teka nasusunog na kamay ko.ich chow hat…(haha..corny)..

    xaxa..salamat..sa sabado ko na kunin..isipan ko pa ng pwesto sa page ko..:D

  8. poging (ilo)CANO says

    uhaw…nagbabaga nga…kukunin ko ito dahil katulad ito ng aking KAPOGIHAN na nagbabga rin sa paningin ng karamihan..ang tanong, nagbabaga rin kaya sa kapogihan ang nagbigay ng award? hahaha…lolz…

    maraming tenchu sayo kumkapre este kumpare!..hehehe

  9. Dhianz says

    wahaha.. patawa lang kay kuya EJ… tsk!… sabi koh nde ren akoh magkokoment muna eh… pag si kuya EJ umepal eh noh. tsk!

    salamat sa award kuya CM. =)

    pabati na lang. binabati koh ang nanay koh. ang tatay koh. ang mga kapatid koh. sina tito at tita. yung kapitbahay namen. si mayor. hi mayor! pinapasalamat ang salon at spa. vicky belo. sneaker. bench. kamiseta. fitrum feeling wow looking wow. haha. tama na ang korni nah!

    da best pa ren kay kuya EJ! (Pajay)

    adios! hasta luego. GODBLESS! -di

  10. The Pope says

    Tunay nga talaga, when it rains, it pours, hindi nga tag-ulan pero umuulan ng papuri at awards. Maraming salamat sa “Nagbabagang Award” na hatid mo sa Palipasan, purihin ka kaibigan.

  11. RJ says

    Ang ganda nitong award! NApakamakahulugan at may kaugnayan sa template ng nagbigay nitong award. U

    Nagbabaga at umaapoy, mainit-init pa! Tamang-tama lumalamig na ang umaga rito sa Australia. Maraming Salamat, Lord CM! (,”o

  12. Kosa.Abnuy says

    ehemmm..

    acceptance speech:

    unang una po, nagpapasalamat po ako kay Lord sa lahat ng mga biyaya na patuloy nyang binibigay sa ating lahat…
    pangalawa, kay Lord Abnuy CM para sa nakaka-touch laman loob na award na ito..
    pangatlo, sa lahat ng mga kapwa ko blogero na recipient ng award na to.. minsan lang po ako magpasalamat at ito na po yun!

    tinatanggap ko po ito ng maluwag sa dibdib..lols at sana po at sa uulitin..hehehe

    kitakits

  13. Desert Aquaforce says

    Lord CM, Nakakataba ng puso ang mapabilang sa award na ginawad mo.

    Ang sabi mo sa awarding post mo, binibigay mo ang award sa mga bloggerong loyalista – mga dumadaan at nagta-tumbling-tumbling sa c-box, nagko-comentaryo kahit na wala ng libreng panahon sa mga ibang prioridad sa kanya-kanyang buhay, masugid na sumisilip sa iyong blog kapagka umiiba na ang kulay ng blogroll sa sidebar, atbp.

    Isa lamang ang dahilan kung ba’t dinadayo ang iyong dungeon – dahil sa kanyang nagbabagang mga posts at sa kakaibang ganda ng iyong pahina.

    Maraming salamat Dungeon. Taos puso kung tinatanggap ang unique at kakaibang award na nagmumula sa iyong puso.

    Mabuhay ka Dungeon at pagpalain ka nawa ng ating mahal na Panginoon.

  14. Lord CM says

    Hehehe 😀 Wag nyo sasamahan ng speech kasi natatawa ako eh lolzz, imbes na di na ako magkumento at tanggapin na lang ang inyong pasasalamat , eh eto at nagkukumento pa ako 😀 …

    Salamat ng marami, at sana makita ko sa sidebar nyo yan at sa lahat ng blogerong gusto nyong pasalamatan at bigyan ng award

  15. MarcoPaolo says

    Aba! Aba! Aba! bakit di mo nalang ginawang abnuy blog award… hehehe PEACE!!!

    Parekoy… kukunin ko na ang award… Speech pa ba ako? hahaha!

    Ito na lang: I thank you! Bow!

    Ingat… 😉

  16. ~~m$. DoNNA~~ says

    salamat sa award parekoy!!!

    at meron pa ba naman akong pagpapasahan nito eh inubos mo na silang lahat??? hahahahaha…

    gandang umaga 🙂

  17. Dylan Dimaubusan says

    Wahahaha! Nagbabaga pala ako, este and blog ko!

    Thanks CM..

    Pero wala nang mas magbabaga pa sa site mo..
    Thanks for sharing!

    Ingatz!
    CHeers!

  18. JoShMaRie says

    salamuch sa award lord cm… 🙂

    kukunin ko yan sa aking pagbabalik. trabaho mode muna. mwah! nakakatats naman. teynkyu!

  19. vanvan says

    CONGRATZ SA NAGBABAGANG BLOG AWARD..

    AT NAWAY MAGKAROON KA NG ISANG NAGBABAGANG SUMMER HAPPINESS…

    IT’S SUN TIME!!!WOHOOO…

  20. Bomzz says

    Pre lagi nalang akong huli pero ok pa rin lol’s salamat pre ha… di mo ako nakakalimutan…. nakasali ako sa nagbabagang blog hehehe…

    kunin ko to now na! agad agad! niyahahahah

    Keep the Faith Bomzz JOvi

  21. Rhodey says

    ayan, pwede ko rin daw kunin ang award na to hehehe. buti nalang pumayag ka… kung hindi naku….

    magmamakaawa pa sana ako e…

    haha…

    Mabuhay ang bagong kasal, ehe…. dungeon…

    bow…

  22. Marlon says

    Wow naman! nagbabaga talaga parang iyong page mo. hahaahaha salamat dito parekoy, kukunin ko yan…astig mga blogerong noypi.

  23. Mr. Thoughtskoto says

    maraming salamat CM, the Lord of Fire?! hehehe

    Salamat ng marami sa award na yan. Elated kaming pamilya Thoughtskoto sa isang award, nagbabaga ang aming puso sa kagalakan! hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *