Kung Bakit ( Part 1 ) ….

Ngayon ko lang sisimulan to, pero alam ko marami pang comment na kagaya nito…Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit ako nagba-blog…kung bakit ako dumadalaw sa inyong mga pahina at patuloy na nagsusulat, di lang para sa akin at sa iba pa…

Kumento ni Mike Avenue
sa naunang entry;

Ang lungkot ko kanina,
ang init ng ulo ko,
ang gulo ng buhay ko, namin, pare.
Pero napatawa mo ako dito.
Hehehe. Salamat parekoy!


Sayo Pareng Mike, alam ko maaayos din lahat kung ano man gumugulo sa utak mo…Tiwala lang pre, kung para sayo nman ibibigay Nya eh…Kung hindi man, may mas maganda Syang plano para sayo…


Pagpatuloy lang natin ang pagsusulat!!!
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mike Avenue says

    Kahapon, pinatawa mo ako. Ngayon naman, na-touch ako. Gusto kong umiyak.

    Naalala mo nung gusto kitang makausap, as in gusto ko lang talagang may makausap noon. At naaalala mo pa ba ang post ko. “Nauuhaw ako…” MAy istorya jan kaya maikli at kaya ganyan iyan.

    Baka bukas ako mag-post, ang dami kong gustong isulat, pero hindi ko PA alam kung saan at paano ko sisimulan.

    SALAMAT SA IYO.

    Ingat lagi.

  2. Mike Avenue says

    Kung minsan, nagbibiro talaga sa akin ang tadhana. At nasa sa akin kung gusto kong tumawa o umiyak o dedmahin ang lahat. Pero sa huli, may kakaibang aral ang birong iyon. May sinasabi pala SIYA, ayaw ko kasing makinig o nakikinig ako pero hindi ko pinakikinggan. Kaya nagpapapansin SIYA, “binibiro ako” at napapansin ko, lagi SIYANG nagpapansin PARA SA KAPAKANAN KO.

    Kung makikinig lang ako at susunod….

    Maaayos ang lahat parekoy, maaayos ko ang lahat….

  3. Mike Avenue says

    Mahirap gumawa ng isang bagay na labag sa kalooban ng isang tao, parang pagsubo mo ng hilaw na ampalayang kaypait.

    Pero, minsan, yung mapait na ampalaya palang iyon ang makapagpapabuti sa iyo. At sa ibang tao. Titiisin mo lang, sakripisyo lang. Parang si Hesus sa krus. Nagsakripisyo hindi para sa kanya kundi para sa iba.

  4. Mike Avenue says

    Hindi pala simple ang buhay. Na isa-dalawa-tatlo ayos na. MInsan kailangan mong tumawid ng dagat at umakyat ng bundok at magpawis na kasing dami ng sang ilog para mabuhay ka…

    At kung kailan, pakiramdam mo ay nag-iisa ka, saka naman darating ang pagkakataon na kailangan at dapat mong gawin ang mga bagay na ito.

    Sabagay, ako ito. Buhay ko ito. Ako dapat ang lumangoy. Ako dapat ang umakyat. Ako dapat ang magpawis. O lumuha.

    At kailangan kong gawin para sa lahat ng mahal ko at para sa lahat ng nagmamahal sa akin.

  5. Lord CM says

    Yup…Naramdaman ko na pre dun pa lang sa comment mong gusto mo akong makausap…

    Di bale, andito lang ako, kami ng iba pang blogero para sayo, kung sakaling kelangan mo…wag lang financial…Moral Support lang 😀 …Kung kaya namin pre, sige lang…

  6. Lord CM says

    Wag mo isipin pre na nag iisa ka, oo buhay mo yan, pero anjan pa rin SYA para gabayan ka…di mo lang maiwasan na minsan gusto mo nang sumuko dahil sa hirap…pero alam ko kaya mo yan…

    Tiwala lang pre, sasabayan ka nya sa lahat ng byahe mo sa buhay…

  7. Mike Avenue says

    Alam ko, kahit anong buga ng bagyo, matatapos din. Maglulubay din. At kabaliktaran din ng kahit anong ganda ng panahon, paminsan-minsan, dadalawin ka ng unos. HIndi dahil hindi ka mahal ng Diyos, kundi dahil gusto niyang kumuha ka ng lakas sa bagyo.

    Hindi pala dapat magdasal na patigilin ang bagyo. Ang dapat, idasal natin na palakasin tayo para sa bagyong dumating. At pakinggan kung anong aral ang hatid ng bagyong dumating.

    At makikita natin, sa susunod, mas malakas na tayo. May aral na eh.

    Iyon naman ay kung nakinig tayo.At nagdasal.

  8. Mike Avenue says

    Nagpapalakas ako ng loob. Naranasan mo na bang lokohin ang sarili mo?
    Yung alam mong HINDI naman pero sinasabi mong OO sa sarili mo?

  9. Mike Avenue says

    OO pare, hindi ako ang taong basta na lang susuko. At iyan ang isa sa nagpapalakas talaga ng loob ko. ang Diyos.

    Salamat parekoy.

  10. Mike Avenue says

    Yung tiwala ko sa Diyos ang talagang nararamdaman ko na hindi ko kailangang lokohin ang sarili ko.

    Sibat muna ako pare.

    Maraming salamat sa iyo.

  11. Lord CM says

    Nasubukan ko na pre, hindi ako OK pero pinipilit kong makita ng iba na OK ako…di naman para sa akin un, kundi para na rin sa nakakarami…

    Mahirap, Mali, Oo, pero kung yun naman ang makakabuti sa mga nakapaligid sayo, bakit hindi…wag mo lang kalimutan na anjan lang Sya…

  12. Mr. Thoughtskoto says

    ang ganda ng salitan niyo ng comment CM at mike…you guys are wonderful people! And mike, try to grab some 7 habits of highly effective people, I can lend you an ebook if you want.

  13. tonio says

    makasabat na nga ka-blog lord at kaibigang mike…

    sakay ko nararamdaman ni mike, madalas ganyan din ako, minsan parang ayaw mo na, minsan parang suko ka na, minsan parang wala ka nang silbi…

    pero alalahanin mong tao tao tayo, hindi tayo tao kapag wala tayong nararanasang pag-subok…

    wala kang mapapatunayan kapag wala kang pinagdaanan…

    smile na lang tayo lagi, lahat ng paghihirap ay may katapusan… kung kelan yun… yun ang di natin alam, basta antay nlang tayo… di bingi ang nasa-taas, di bulag ang nasa-taas…

  14. Lord CM says

    @amor…
    Di ka abnuy ngayon parekoy ah 🙂

    @Kenji…
    Salamat pre, kelangan ni pareng mike ngayon nyan…at sana kami rin bigyan mo 😀

    @Tonio…
    lahat naman nakakaranas ng ganyan, tama ka hindi ka tao kung di mo maranasan un…minsan nga pati hayup ganun din eh, di lang natin alam…pero sabi nga nila, pagsubok lang yan na kelangan mong lagpasan para sa mas ikakabuti ng lahat…

  15. ~~m$. DoNNA~~ says

    ano toh?
    Mike avenue and LordCM love team??
    hahahahaha…

    wala lang…
    walang masabi
    nasan na si Mike?
    akala ko ba magkikita tayo sa caloocan? hehehehe

  16. saul krisna says

    musta na bro? teka wag kang matakot! ‘di ako multo at lalong di ako nananakot… dumalaw lang ako mula sa pag kakahimlay ko…. balik blogshere na ulit ako… hahaha na miss kita bro, nung isang araw pag ka gising ko ewan ko ba bakit bigla ikaw ang naisip ko… hahaha anyway medyo madami akong pinag daanan this past few weeks kaya medyo stronger na ako kaysa dati… thanks nga pala…. di na ako nakapag pasalamat sa iyo dati… hope im still welcome here….

    2 ang post ko today,,, “dear lord” at “age gap”

    ang iyong tagasunod,
    saul hahahahaha the adik… joke

  17. Lord CM says

    @Donna…
    Hehehe 😀 Problema na nga nakuha pang magbiro, malay mo makatulong at matawa si pareng mike lolzz

    @Saul…
    Brod, baka si Lord ang una mong naisip at hindi ako, LordCM ako pre lolzz , mukhang ok naman kayo ng GF mo at ikaw, sana magtuloy tuloy na yan pre 🙂

    Maligayang pagbabalik!!!

  18. Bomzz says

    para akong nanuod ng Maalaala mo kaya at Magpakailanman yung sa dulo na nagsasalita na sila Charo & Mel hehehe… dami kong napulutan don sa mga sinabi niyo ah.. galing…

    Mabuhay ka LordCM…you're such a nice person…

    Mike aydol… Just keep the Faith… and keep on blogging… lahat tayo dumadaan jan..malalampasan din yan….. ingats.. Bro mike…

  19. =supergulaman= says

    parang pag-ibig ang nadarama ko dito ah… ahahaha…biro lang parekoy…inde ko na naabutan ang kung bakit na yan…

    pero kung dahilan ito sa pagbloblog…masasabi kong marami talagang dahilan… maaaring sa iba ito ay isang libangan, sa iba naman sa itong pagkakakitaan, sa iba nmn isa itong outlet ng sama ng mga pangyayari sa buhay…hindi ko alam…ngunit kahit anu man ang dahilan, mababaw man o sadyang may kalaliman, ang pagblo-blog ay dapat larawan ng iyong pagkatao at bukal sa kalooban… 🙂

  20. The Pope says

    I loved your conversation with Mike, your like a “Big Brother” to Mike, a shoulder to lean on – it is YOU and your writings continues to inspires us kaya’t you deserve this Neno’s Award, more power to you and your blog.

  21. PaJAY says

    sino ba ang big brother?..si maestro mike o ikaw pareng lord?…hehehehe…

    at kelan pa naging big brader ang abnuy?…lolz….

    teka dapat seryoso ang mgha banat dito…

    nakarelate ako sa mga pinagsasabi ni maestro Mike dito at ang daming mga paalala na magagamit ko…salamat pareng mike at sayo pareng lord…tuloy mo lang yan!..

  22. Chyng says

    Flooding si Mike A! joke! hehe

    Kakatuwa malaman na may nakakrelate sa post no? Mabuhay ka

    Teka, sa tanong mo sa Caleruega, yes dapat may sasakyan. Parang imposible lakarin yung pataas. Dun pa kasi yung simbahan.

    Pero all worth is!

  23. Lord CM says

    @Bomzz…
    Anjan k na nga pre, bumalik ka na!!! 😀 .. Kala ko Y Speak ung napapanood mo eh lolzz, salamat pre…

    @SuperG…
    Tama ka dun brod, dapat bukal sa kalooban mo ang pagba-blog…kundi man para mo na rin niloko sarili mo…di rin kasi natin alam na sa bawat pagsusulat natin eh may natutulungan na pala tayo…

    @The Pope…
    Hahaha, ako nga ang maraming natutunan sa mga comment ni Mike, andito lang ako para makinig at kung may maitutulong, tutulong…Salamat nga pala pre sa award…

    @Pajay…
    Hehehe 😀 Ayaw mo nun Parekoy? kahit abnuy eh big brader pa rin 😀

    @Pogi…
    Nasobrahan ka lang sa kakahanap ng itlog mo pre, hayaan mo mahahanap mo rin yan…keep the faith lolzz

    @Jez…
    Tutuo ka jan Jez, kahit di masolusyunan ung dinadala mo, pero nakakagaan ng loob na may nakikinig sayo…

    @Chyng…
    Un naman ang isa sa purpose ko kaya ako nagblog, una syempre ung mailabas ko lang ung gusto ko at ung nararamdaman ko, kalaunan masarap pala pakiramdam ng may nakaka relate sa bawat istorya ng buhay mo…

    Pag may pera ako, punta kami ng pamilya ko jan, kelan kaya un? lolzz

  24. Lord CM says

    @Marco…
    Comment box yan no…kita mo ang hahaba ng message lolzz

    Gawin mo na at nakagawa na si Amor…

  25. tonio says

    dagadag ko na to pareng lord…

    pampahaba ng kumento…

    araw-araw akong magkukumento dito…

    hehehe… smile tayong lahat!!!

  26. DETH says

    habaaaaa ng comments!!!
    ano na nga ulet yung pinag-uusapan? hehehe:)

    LordCM ipagpatuloy ang pagbibigay ng ligaya…

    everything is gonna be alright Mike:D

  27. _---_J3nskEe-_--_ says

    bakit ang daming tao dito?
    hehehe…
    tsktsk..
    ai nung sang araw pa pala toh ndi ko napansin..amff..
    kelangan ko na nga magpahinga.nyahahha…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *