ISYU…Ang pagpapatuloy

Hindi na ako nagkumento sa nakaraang isyu, hindi dahil wala ako masabi kundi, parehas ng nararamdaman nyo eh ganun din ako…Galit sa lahat ng taong iniinsulto ang mga kabayan nating nagpapakahirap para lang di magutom ang kanilang mga mahal sa buhay, galit sa gobyerno ng Pilipinas na sinang ayunan ang pagpapadala ng mga kabayan natin sa ibang bansa upang maging alipin ng mga banyaga, na kung iisipin kaya lang nila ginawa ay dahil kikita sila ng mas malake kapag dumarami ang Filipinong nagpapadala ng dolyar sa Pinas.
Kung tutuusin, hindi na isyu dito kung sino pa ang mang insulto sa mga kabayan natin…Ang isyu dito, BAKIT TAYO ANG LAGING INIINSULTO? , Ako mismo alipin ng di ko sariling bansa, marami akong kamag anak na nagpapakahirap sa kamay ng mga banyaga…Ang tanong, BAKIT TAYO NAGPAPAALIPIN SA IBANG BANSA? Ang dahilan ng karamihan, para di magutom ang pamilya nila…
Para di magutom ang pamilya ng bawat Pinoy…Bakit sa ibang bansa pa? Wala bang maibibigay ang Gobyerno natin? Wala ba sila magagawa para sa mismong sarili natin bansa na lang tayo magpaalipin at buhayin ang mga mahal natin sa buhay?…meron nga silang ginawa diba, yun ung ituro sa skul ang pagiging CAREGIVER, idagdag sa pinag aaralan ang pagiging CALL CENTER AGENT, payagang lumabas ng Pinas ang mga kababayan natin kahit walang kasiguruhang trabaho, etc…
Ako mismo, gusto ko ng umuwi…pero ano gagawin ko sa Pinas? Pagkakasyahin ang kakarampot na kikitain ko sa mga mahal ko sa buhay? Mahirap ang lumayo sa pamilya, marami kang dapat isakripisyo, pero ano gagawin mo kung nagugutom ang pamilya mo? Kung mabibigyan lang sana ng pagkakataon na kumita ako ng sapat para mabuhay ko pamilya ko, sa PINAS na lang ako…
Balik tayo sa ISYU…Hindi si Chip Tsao ha!!! kundi Bakit tayo ang laging iniinsulto? o kaya kayo na lang ang sumagot…

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. MarcoPaolo says

    haaayyy… naman! talaga naman! sino ba dapat ang sisihin natin kung bakit halos lahat ng kababayan natin ay patuloy pa rin sa pangingibang bansa? ito ba ay dahilan na talagang walang maibigay na trabaho ang bansa natin para sa mamamayan… sa halip sila pa ang nagtulak sa ating mga kababayan na mangibang-bansa tulad ng advertisement na maraming offer ang ganitong bansa… haaayyy…

    saan na ang mga perang pinapadala ng mga OFW?

    saan napunta?

  2. ORACLE says

    Marco na sakin… hati tayo. lolz!

    Siguro ganun talaga. May nang iinsulto at may nag papa-insulto.

    Nasanay na kasi ang pinoy sa pag-papaalipin. Parte na ng kasaysayan at kultura natin ito.
    Kaya naman pag dating sa personal survival ng pinoy, nag kakanya kanya ng diskarte. Di bale na si Juan, parang ganun.

    Ang importante siguro, ang bawat isa ay tunay na isipin ang bayan. Bayan muna. Ang China kasi imposed ang nationalism. Naniniwala ako na malalim ang pagmamahal ng bawat pinoy sa kanyang bayan, siguro kung isasagawa lang natin ito, magiging mas madali ang progresso sa ating bansa. Lalo na yung mga buwayang naka upo… haaaay…

  3. yAnaH says

    nakakalungkot na isipin an ang ibang tao o ang mga iabng lahi ay kasimbaba ng ekonomiya ng pilipinas ang tingin sa mga pilipino sa abroad….
    pero minsan din kase, may mga kasalanan din ung mga ibang pinoy na gumagawa ng kung ano-ano..
    sila ang nagpapababa ng mga lebel natin sa ibang bansa..
    hmmmm wala na yata ako sa tumbukan..
    sorry…

  4. Melissa Is LOVE says

    Nag-ugat ang lahat ng ito sa kahirapan, isang sakit na hanggang ngaun ay wala pa ring lunas. Sabihin na nating naging bunga ang kahirapan ng mga pangyayari na naganap bago ipinanganak ang kasalukuyang henerasyon….

  5. Dylan Dimaubusan says

    Di rin natin lahat masisisi sa gobyerno natin. May part din tayo dun. Kung mainsulto man tayo, nasa sa atin na kung paano itatayo ang bandila natin.. O kung patuloy tayong magpapaalipusta..

    Inggit lang siguro nila dahil maabilidad ang Pilipino..

    Kung nag apologize man si Mr Tsao, di na nya maibabalik ang nakaraan o mababawi yun, nasabi na, nabitawan na.. Mga tao ngayon di umaastang tao.. Tsk!

    Woy, Oracle and MArcopaolo, meron din ba ko jan?

  6. Kosa says

    cool ka lang parekoy!
    taena.. parang naiimagine kita na nagwawala sa harap ng malakanyang ahhhh…lols

    teana.. HIndi ka naman pinilit nino eh… desisyun mo din yan na umalis sa pinas at magpaalipin sa banyagang lupa..tulad ko at tulad ng marami pang iba…

    pero kung susumain, may punto ka pero indi na natin kailangan pang magsisihan..lols alam mo ba, baka lalo lang malasin ang mga pinoy at mga OFW..hehe

    peace

  7. Jez says

    hayyzzz..nag apologize na si CHEAP tsao …(pangit ng pangalan, kasing pangit nya at ng ugali nya)
    sana si tita glowh eh panindigan ang ban forever nya sa pinas…
    the damage has been done..

    para sa ating mga pinoy, lets stand and prove that we are worthy
    ang pagiging makabayan ay hindi lamang sa salita maging sa gawa..

  8. Marlon says

    Sapol mo, hindi naman si Chip Tsao ang isyu at hindi rin iyong sinulat niya. Tayo talaga ang isyu.

    Matagal akong umabsent. Nag periodical test na ba? nyahahaha

  9. Chyng says

    naglabas na ng apology yung website for that.

    let’s move on. kung ganun tingin nila saten, then let’s start to change that.

Leave a Reply to Dylan Dimaubusan Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *