Bakit ka nagba-BLOG?

Nang dahil sa tanong ni Jentot na “bakit parang dito ka na nakatira sa blogosperyo?”, eto ako ngayon nagsusulat ng bagong ka-ek-ekan…Gusto ko sanang sagutin ng “Kaysa naman mag-drugs ako!!!” … pero wag na, kasi lumang joke na yan…baka di pa kayo matawa…

Bakit nga ba ako madalas sa mundo ng blogosperyo? Di ko alam ang tunay na dahilan…pero aminin natin na malake ang naitutulong nitong pagsusulat sa lahat ng ating nararamdaman…Lahat ng galit, inis, ka-emo-han, pagmamahal, paglalambing at kung ano ano pang klaseng emosyon yan dito lang natin nailalabas…sa pagsusulat…

Patalastas: at habang nagsusulat ako, press ko F5 sa keyboard, taraaannn, meron akong bagong mensahe sa cbox at itoy galing kay Parekoy Abnuy Amor, basahin nyo na lang… “pre uwo nga prang bahay mo na tow,lol, penge nga kape hahaha”

Ayun!!!Tuloy natin, istorbo si amor eh…Aminin man natin sa hindi, sa bawat letrang tinitipa natin sa pagsusulat ay may kadikit na kahulugan, at kung saan man nanggagaling ay di ko alam…Sa bawat salitang binibigkas ng ating isip ay may malalim na pinaghuhugutan…at sa dulo ng iyong pagsusulat ay mayroong gaan kang nararamdaman sa iyong kalooban…

Hindi man diretso natin naipaparating sa ating mambabasa kung ano talaga ang nararamdaman natin, pero alam natin sa sarili natin na isa ito sa paraan para mailabas kung ano man ung nararamdaman natin…

Sa pagsusulat pa lang, andami nang tulong ang naibibigay sayo nito…Subukan mo pang maggala at magbasa ng entries ng iba, baka di mo na maipaliwanag kung anong maidudulot sayo nito…

At dahil sa pagiging tsismosa ng dalawang blogero, gagawin ko itong TAG…Kelangan nyong sagutin ang tanong na BAKIT KA NAGBA-BLOG?, gawan ng entry sa inyong pahina at ipasa sa limang(5) blogero na nais nyong tanungin nito…

At syempre, sino pa ba mauuna?!!! Ipinapasa ko ang tag na ito kina Jentot, Amor, POGI, AZEL,JEE at Marcomali ata bilang ko, basta limang blogero!!!

Cge na!!Umpisahan na yan!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. JEE says

    hoy CM! DYISA ka ng DYISA jan! buti nalang at hindi DYISA ang nilagay mo jan sa entry mong yan! lolz

    gawan ko yan maya maya ng entry…may nitatapos lang akong urgent na work…kelangan to e! baka pagalitan ako ng boss ko sa kaba-blog ko! wehehehehehe!!

  2. ---j3NsKeE--- says

    hahah..
    oh may gad kumpare…
    minsan talga matalim ang dila este mga daliri ko, kung anu-ano ang natatanong..naging tag pa tuloy…nyahyahaha…

    ayus toh..
    sige gawin ko mamaya pag nakaahon ako sa trabaho ko…hehehe…
    kahit naman ako sa blogosperyo din nakatira..kaya nga nalaman kong dito ka na nakatira eh..hehe

  3. Amorgatory says

    nanahimik akow nanahimik kasi lenten nga eh, tapos eto pa napala kow, psst psst pssst.lol…aba at may patalastas kapang nllman lordness hhaha, uwo na uwo na!!gagawa akow nang tagness!magrorosaryow muna akow amf!hehhee.peace bro!!hintayin mo lang ang nalalapets kong tag syow para may ma ipost kang makabuluhan hahaha..abangan!weeeeeeeee!!!

  4. Lord CM says

    @Jee…
    hahaha, balak ko nga sana lagay eh…pero wak na lang, bahala na si IZIL dun lolzz

    @jen…
    ayan ang napapala ng maraming tanong lolz

    @Amor…
    Sige na parekoy gawin mo na, at hihintayin ko ung tag na sinasabi…baka sakaling pag nigawa ko un eh ma-nominate akong Best Blog of the Year hehehe

    @Amor ULI…
    ay!!!oo nga pala, ikaw eh, di ka man lang nangangalabit pag anjan ka na lolzz

  5. Amorgatory says

    parekoy tama na pangapitbahay mow, lol,,dami na tao o, san ka pa ba nagppntang kalye tagal mag commentback..lol

  6. Lord CM says

    @amor..
    Parekoy galing pa akong Dubai, tapos sa Baguio, tapos sa Manila,punta rin akong Jakarta, putek kulang isang oras magbyahe 😀

    Malamang parekoy, picture na nman yang tag mo na yan…pag picture pa rin, itatapon ko na digicam ko para di na ako gawa ng tag hehehe

  7. Amorgatory says

    cge sabi mo ha, mas malufet to di na tow picture hahaha, yan ha, gsto mo ksi hndi pcture eh eh di ibahin ko nnman lol..

  8. Lord CM says

    @amor…
    hehehe 😀 kinakabahan na tuloy ako, baka naman ako lang i-tag mo, mandamay ka pa ng iba lolzz

  9. Mr. Thoughtskoto says

    some people nagbloblog for money, some do for glory, gustong sumikat, hehe, others also do it for passion, and others do it para magshare, at ang iba para mawala o maibsan ang lungkot, pero all in all we blog to share. We blog to make friends and share what are our thoughts.

    my 2 cents… hehehe

    Have a blessed and meaningful lenten season CM!

  10. A-Z-E-L says

    nabasa ko na ito kanina.. bakit hindi ako nagcomment??? eh akala ko kase nagcomment na ako!!!!

    patulan ko yang tag mo CM pero after holy week na. Seryus mode muna ngayon… Tuli mode muna! hahahahaha!

    matulog ka namannnnnnnn!

  11. Rhodey says

    Matagal ko na ring tanong yan, halos sa blogosphere na rin ako nakatambay at dito na rin nauubos at nasasayang ang oras ko (nasasayang nga ba?)

    Minsan may mga pagkakataong kailangan nating ihayag ang ating mga naiisip, may katuturan man,walang kwenta o pampalipas oras lang,isa yan sa ating mga needs ang need to communicate (naks lumalalim hehe)

    malalim man o mababaw ang blog mo basta ang mahalaga naipahayag mo ang iyong mga nais sabihin, kaya’t tara na, magblog na tayo kaibigan hehehe…

  12. poging (ilo)CANO says

    uhaw….nanahimik ako dahil semana ngayon pero pinaiingay mo ako…lolz..

    papatulan ko yan pero wg muna ngayon kasi kumakanta ako ng pasyon..rap version nga lang..toinkz…saka ipon muna ako ng maraming itlog…..lolz..

  13. The Pope says

    Ang pagsusulat ng blog ay isang uri ng malayang pagpapahayag ng kaisipan at damdamin. Sa blog, automatic isang “click” ng mouse, anglikhang ay automatically posted and printed over the internet immediately di tulad ng peryodiko, you have to pay, or kailangan ng pahintulot ng Editor. Last, ay di kailangan ng mataas na pinag-aralan o kalaaman sa Web Page design, kasi mas pinadali na ang pagde-desenyo ng blogs.

    Blessed Holy Week sa iyo kaibigan Lord CM.

  14. Desert Aquaforce says

    When you live in a desert coast, one of the best things that you can do is to blog.

    There may be a hundred a one reasons why people blog but I’m glad I blog because I get to meet friends like you.

    Have a blessed Lent!

  15. Kosa says

    hindi ko pa nababasa yung article pare sa Tanung na BAKIT AKO NAGBABLOG?

    hehehe…
    taena, kailangan pa bang imemorize yan? lols
    nagbablog ako kase gusto ko.. paki nyo? hehehe joke…

    sige basahin ko nga muna..lols

  16. sterndal says

    nagba-blog ako kasi ganito na ako kabagot sa buhay ko hahahaha!

    joke

    mmmm

    masaya kasi ito

    nakakawala ng stress lalo na pag maraming comments kasi feeling ko interesting ang buhay ko

    hindi lng yun

    marami akong nakikilala

    nagiging kaibigan

    kahit sa panulat lng

    tsaka yung isang beses binyaran ako ng 3 dollars para magsulat ng isang post 🙂

    sarap ng feeling!

    PS. hoy! panalo ka sa comments bata! hehehe

  17. netaholic21 says

    haha, kuya, sige, tutal nibasa ko na to, gagawa na rin ako ng entry tungkol sa pahina ko kung bakit ako nag ba blog :] kasama ka na rin sa tag ko kung bakit ako nag ba blog, wala pa kasi ako masyadong friend sa blogosphere eh, hehe :]

    x-link po kita, tc.

Leave a Reply to Lord CM Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *