Panalangin para kay Yanah

Isa lang po ito sa mga tulong na pwede natin ialay kay Yanah na sa ngayon ay dumaraan sa sinasabi nating pagsubok ng buhay…na kung tutuusuin ay kayang lagpasan kung magtitiwala lang tayo sa Kanya…

Sa mga gustong tumulong ngunit hindi alam kung papaano, eto na po ang pagkakataon nyo…Isang taimtim na panalangin para sa ating kapwa blogero na alam natin na pag mas marami ang nanalangin ay mas maririnig ng nasa taas…

Ita-tag ko po ito sa lahat ng nasa blog roll ko, at kung sino pa ang gustong mag alay ng panalangin para maging maayos ang lahat para kay yanah…Kunin lang ang imahe sa taas at mag alay ng isang panalangin gamit ang inyong blog, kelangan ding ipasa sa ibang blogero para kahit papaano ay makatulong tayo.

Bilang isang blogero, ginagawa ko to hindi dahil para sumikat…ginagawa ko ito para makatulong sa kapwa blogero na nangangailangan ng ating tulong financially, emotionally at ang pinakaimportante, spiritually…Wag sana nating ipagkait ang kaunting tulong na maitutulong natin…

Salamat sa lahat in advance…Umaasa ako at ang lahat ng blogero na maging maayos ang lahat ayon sa plano ni God para sa atin…Umasa rin kayo na kahit kanino mangyari to, o mangailangan ng tulong, Ibibigay namin ang makakaya namin kahit sa ganitong paraan man lang…

Pahabol;

Para sa nais tumulong financially, bumisita lang po sa PROJECT T.W.I.T.C.H
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. A-Z-E-L says

    Makakaasa kang lalabas ito sa aking blog anumang oras bukas… pauwi na po kase ako… wala ng time… bukas.. pangako.

  2. jhosel says

    aw. sige. kunin ko din ito kahit di pa kami maxadong nagkukrus ng landas ni yanah. one time palang ata ako nakavisit sa kanya. and i believe so too, na kahit sa anumang pagsubok, prayer is the best weapon. god bless her and you too. 🙂

  3. Dylan Dimaubusan says

    A prayer is one act of faith, at walang hindi pinakikinggan ang Diyos na panalangin.

    For Yanah! Hope all is well with her and her family.

  4. kosaPogi says

    nakikiisa ako.. kukunin ko to.

    sayo Yanah**
    lols
    ayus na ayus lang yan… kita mo ohhhh, andaming nagmamahal sayu..

  5. RJ says

    Maganda ang alay na ito- ang panalangin ay ang pinakamakapangyarihang bagay rito sa mundo! Sa pamamagitan ng ating tulong at suporta, at ng ating ‘paniniwalang’ malalampasan ito ni Yanah, ‘the mountains will surely move’! o”,)

  6. =supergulaman= says

    ambaet… nakita ko din ito kay Pogi…

    sa bwat panalangin ko…sinama ko sya…kasama ang kanyang kids….

    Go Yanah!

  7. Lord CM says

    Sa lahat ng kumuha ng tag at nakiisa, salamat ng marami…sigurado may kapalit lahat ng ginagawang kabutihan ng bawat isa…

    God Bless

  8. Mr. Thoughtskoto says

    Thank you for joining the Kablogs and displaying the banner logo as well as for linking Project Twitch. What a wonderful story! What a story worth blogging, Bloggers united to help and pray for someone we come to know virtually, and yet befriended for a lifetime!

    Thanks a lot Lord CM. I will add you under Other Blogs region in KABLOGS.

  9. Lea says

    salamat sa paalala lordz cm, grabeh talaga yan pagsubok ke yanah pero alam ko makakayanan nya muli ito. Our Lord works in mysterious ways. If u wanna see the rainbow, u gotta put up with the rain. Hang in there yanah. We’re rooting for ya!! 🙂 – Lea

  10. Marlon says

    I’ve been busy doing my stuff kaya hindi ko nabibisita si yanah maging ang blog mo, at aktwali kahit kanino pero but you guys have my support. I’m going to check more on it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *