ISYU….

Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman ang mga naglalabasang isyu tungkol sa pang iinsulto ng ibang lahi sa ating mga Pinoy…Hindi pa siguro tayo pinapanganak ay mayroon nang mga ganyang isyu at ngayon nga ay tayo mismo ang nakakasaksi…
Ang isyu kung saan laging paksa ng ibang lahi ang mga Pinoy/Pinay ay madalas isang malakeng epekto para sa ating bansa…Hindi man tayo mainsulto eh bumababa ang tingin ng iba sa atin na nagiging dahilan upang kaawaan natin kahit ang ating sarili…
Ilan sa mga natatandaang kong isyu tungkol dito ay ang seryeng DESPERATE HOUSEWIVES (Season 4) kung saan ginawang katawa tawa ang ilang medical school ng Pinas.
?Okay. Before going further,
can I check these diplomas cause I would just like to make sure
that they?re not from some
med school in the Philippines??.
Sumunod ay ang opensibong pagsasalarawan ng Pinay Maid sa isang Comedy Series. Sa isyung ito ipinakita ang isang Pinay Maid na inuutusan ng kanyang amo na makipagtalik sa isang kaibigan…
At ang pinakabago ay nanggaling sa nagngangalang Chip Tsao na sumulat nang isang nakakainsultong artikulo tungkol sa Pilipinas at ginamit ang Pinay DH para lang may maisulat …
Hindi lang siguro Filipino ang nakakaranas ng ganitong pang iinsulto, nangyayari rin siguro to sa ibang lahi pero kung papansinin nyo, Bakit isa tayo sa nagiging paksa ng mapanlait na lahi? Hindi lang isa o dalawang beses nangyari ang ganitong bagay…ang mahirap pa, ang kaawa awang OFW ang laging ginagamit…
Ang maganda lang, andyan ang Gobyerno at iba’t ibang organisasyon para ipagtanggol ang mga Filipino, pilit nilang nilalabanan ang mga taong walang ginawa kundi insultuhin tayo, pilit nilang nilalabanan ang mapang insultong lahi…
Laban kung saan hinihingi lang ng ating Gobyerno ang paliwanag ng kabila at humingi ng paumanhin dahil sa pang iinsultong ginawa nila…
Hindi ko alam kung may naganap nang paghingi ng paumanhin sa kampo ni Chip Tsao, kung sakali man matapos ang isyung ito, ano nman kaya ang susunod?…

Anong bansa na nman ang gagawa ng katawa tawang kwento tungkol sa atin?…

Bakit tayo ang naisip nilang gawing paksa sa bawat kwentong kanilang nasusulat?…

Lalaban na nman ba ang mga Filipino at hihingan ang ibang lahi ng paumanhin?…

Hindi kaya nasa ating sarili ang problema kaya nagpapaulit ulit ang ganitong bagay?…

Naisip na ba natin sa ating sarili ang mga tanong na yan?…

Isa ako sa mga naiirita o nabibwisit sa mga taong sobra kung manlait, pero eto lang ba ang kaya nating gawin? ang pilitin silang humingi ng paumanhin sa atin?…at pagkatapos ay insultuhin muli?

Kung mabibigyan lang sana tayo ng magandang trabaho ng Gobyerno ng Pilipinas, mangyayari pa kaya ang mga tulad nito?
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. JEE says

    hayzzz…dito din sa Dubai ang baba ng tingin ng ibang lahi sa mga pilipino…lalo na pag babae…dahil akala cguro nila lahat ng pinay e makukuha nila ng ganun kabilis nalang..na akala nila lahat ng pinay e nagbebenta ng aliw!hindi naman natin masisisi kung ganun ang trabaho ng ibang kalahi natin…kumakapit na sa patalim para lang makaraos sa araw-araw na pamumuhay… yun nga lang ang nakasalalay e yung dignidad natin bilang pilipino…

    sino ba yang writer na yan? hindi ko kase alam yang bagong isyu e! hehehe…pero kung isa syang chinese tingnan nya muna kung ano ang ginagawa ng mga kalahi nya. lalo na dito sa dubai!! un lang ang masasabi ko…

    o sya at napahaba na ang comment ko..lolz:)

  2. =supergulaman= says

    sa aking palagay…dahil sa sobrang napaka-interesanteng nilalang ang mga Pilipino kaya madami ang nagnanais na pabagsakin ang lahing kayumanggi… takteng dilaw na singit na yan..nakabakasyon na ako, napagawa tuloy ako ng entrada ukol sa kanya…

    magaling ang kanyang estratehiya ni Chip Tsao para publicity..tignan natin kung hanggang saan sya aabutin…

  3. jhosel says

    lets just prove them wrong. magagaling naman ang mga pinoy ah. kea nga lang ang mga negative parati ang napapansin satin. dapat mas pagbutihin ng ating goverment ang kanilang trabaho. aw di pala, dapat lahat tayong pinoy ay magwork hard to change these kinds of perceptions sa mga pinoy. pero this is a long process bago maachieve. sa ngayon. ipagpasa-Diyos nalang natin ang lahat ng umaapi sa Pinas.

    at kay Chip Tsao, goodluck sa karma! grr!

  4. jEn says

    para kay Chip Tsao…
    eto ka…
    hmmfff..
    sapakin kita ng bonngang bongga eh…

    kung wala ang lahi nating mga noyping astig..hindi magiging makabuluhan ang pananahanan ng mga Intsik sa mundo..
    naiinggit lang sya sa sipag at perseverance na meron ang lahing noypi..tsktsk..

    Kung gusto niyang sumikat, sana hindi niya ginagawang kasangkapan ang lahing kayumanggi
    We may be doing “not so ordinary” jobs, pero it doesnt necessarily mean na pwede nya na tayong tapak-tapakan..
    grrrrrrrrrr…..
    badtriipppppppp…

  5. Jez says

    kasi hindi sila makapaniwala na may lahi sa gitnang silangan na pwedeng dumaig sa kanilang kakayahan..

    hayyyyzzzz,,,sarap tirisin tlgahhh

  6. SuperGulaman says

    The issue raised by Chip Tsao isn?t just about disputes in Spratly? I guess there is deeper reason behind this. He took it too personal. So let?s make it personal. He started the war, so bring it on. The war isn?t about China vs. Philippines but Chip Tsao alone vs. Filipinos. Feel our rage Chip Tsao!

  7. PaJAY says

    Takteng CHEAP Tsao nga yan!…

    ganunpaman….masakit mang tanggapin ito naman ay katotohanan…sa aking pananaw,maling mali ang ginawa ni CHEAP tsao ngunit ito ay maaring pampagising sa ating MAHAL NA PRESIDENTE!…..sino ba ang nagpa uso ng programang SUPERMAID ng gobyerno?…sino ba nagpasimuno ng programa para dumami ang CAREGIVER?…APRUBADO lahat yan ng ating MAHAL na presidente bilang DESPERATE MOVE upang makaahon ang pilipinas….imbes na mag isip ng mga programang lilikha ng JOB oppurtunity sa ating bansa eh kung ano ano ang iniisip….Yan tuloy!..nagmukha tayong mga alipin sa ibang bansa….dapat si MAHAL na pangulo ang ininsulto ni CHEAP tsao!..hindi ako magrereklamo kung ganun….buti nga kay MAHAL na pangulo!…..

    ..kung sanay ginastos nya ang kaban ng bayan para sa programang MAKABAYAN at bgyan ng trabaho ang mga OFW sa sariling bansa eh di sana masaya lahat…kaso imposible!….inuuna pa ata ni MAHAL na pangulo ang gastos para sa mga byahe kasama ang kanyang mga Kongresistang tinaguriang PALAKPAK BOYS!..lolz…tapos gastos para pauwiin ang mga Taong walang halaga tulad ni mancao ..di man lang nila inisip kung ilang OFW ang hirap sa paguwi e ofw naman ang bumubuhay sa kanya!…leche!….inuna pa si mancao ….tae!…lolz…

    carried away ako ah!…lolz..

    salamat sa espasyo dre!…

  8. The Pope says

    Dahil sa ating lahi na may kutis kayumanggi, itim na buhok, ilong na pango at di katangkarang taas, napakadaling husgahan ng mga banyaga ang ating panlabas nating anyo.

    Sadyang marami ang hindi matanggap ang katotohanan o hindi nakikita ang malaking ambag ng lahing Pilipino sa lahat ng mga maunlad na bansa sa buong mundo.

    Manindigan tayo at ipakita natin sa mundo ang husay ng Pinoy.

  9. abe mulong caracas says

    don’t know how to react!

    hindi kaya galit tayo dahil racist din tayo? tama hindi lang sa pinoy nangyayari yun…at hindi lang din si chip tsao (tama ba) ang gumagawa nun.

    in fact pati pinoy eh! saan ba tayo mas sanay sa intsik o sa chinese nationals? sa indians o sa mga bumbay?

    secondly, the one who wrote is base in HOng Kong. My brother is a SERVANT in Hong Kong. Given the chance, he would definitely prefer to stay here in the Philippines. But there is no reason for him to stay here. So he’d rather be called a SERVANT rather than having a family with an empty stomach.

    Hindi nyo ba naisip kung bakit nga ba tayo servant?

  10. enjoy says

    “But there is no reason for him to stay here. So he’d rather be called a SERVANT rather than having a family with an empty stomach.”

    quote lang ko lang si abe. yan din kasi sinabi sa akin ng jowa ko pagkatapos lumabas ang issue abt chip tsao. pilit na lang sinisikmura ng mga kababayan natin ang mga pang-aalipusta ng ibang lahi para lang may maipakain sa pamilya. kung tutuusin ang ilan din naman sa atin ang may dahilan kung bakit ganun na lang bumababa ang tingin sa ating mga Pilipino. hindi lang ito issue ng panglalait ni chip tsao sa bansang ang tingin niya ay land of servants kungdi maging sa trato ng ibang lahi sa mga Pinay bilang prostitutes/call girl. dito sa singapore, laganap yan. sideline ng mga maid na naghahanap ng malaking kita para may maisuporta sa pamilya. pero kung iisipin, does the end justified the means?

    nagalit din ako kay chip tsao, pero bigla rin ang na-check. dahil aminin man natin or hindi, nagiging racist din tayo paminsan-minsan.

    bagong daan po… 🙂

  11. Kosa says

    nairita din ako sa isyung iyan parekoy..pero sabi mo nga, kasalanan din siguro natin… totoo naman yung ilan sa sinabi ni Tsao eh..pero kung titignan natin yung mga bagay bagay, hindi kaya maskagalang galang pa yung ginagawa ng ilang ofw sa HK kase, sila ang nag-aalaga sa mga anak ng intsik dun?
    na sila ang nagluluto ng pagkain nila na kahit na anung oras eh kaya silang lasunin ng mga inaalipusta nilang lahi?

    siguro at malamang sa malamang e totoo nga na may galit na personal si tsao sa mga Pinoy..lols kaya hayaan mo na yun.. isa lang sya sa mga epal na nagpapapansin sa mundo para sumikat at ginagamit nya ang sikat na sikat na Pinoy OFW..hehe

    ps. pasensya na kung nawala ka sa Blogroll ko… isasalpak kita ngayun din… medyo nagbakasyon din talaga ako kaya indi ako nakakadalaw.
    kitakits

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *