Adiktos

Di ko napansin, eto pala ang pang apat napu’t syam kong post dito sa blogospir…nagtataka kayo bakit 49th post? eh paano lage na lang pang 50th o 100th post ang ginagawan ng entry ng mga blogger, at least eto naiiba…dba?

Nagsimula lang akong maging aktibo sa mundong to nuong nakaraang nobyembre ng nakaraang taon…Apat na buwan mahigit simula nung nakigulo ako sa ibang blogero. Apat na buwan, kung iisipin sandaling panahon lang para magkaruon ako ng maraming FANS, nyahahaha, kayo naman?, joke lang…mga bisita na lang…actually mga kaibigan na nga eh, di lang basta basta bisita..
Kaibigan na hindi ko inaasahan makikinig pero nariyan sila sa bawat sinusulat kong dinikta ng napaka gulo kong utak na maski ako di ko alam kung anong klaseng utak meron ako, gaya ng emosyong kahit ako di ko kayang intindihin, mga walang kwentang pag iistorya ng kung ano ano, mga kwentong nagpapasaya sa bawat mambabasa at pati na rin pagpapractice kung paano sirain ang isang pektyur eh nailagay ko dito, at kung ano ano pang poste na kayang ilabas ng aking utak…
Gulo gulo man o may kabuluhan, nariyan ang masasabi kong kabigan na nagbibigay lakas ng loob sa akin para gumawa pa at magsulat ng kung ano ano..
Kelangan ko ba magpasalamat? Syempre naman, pero hindi sapat un para mapalitan ung lakas ng loob na naibigay nyo sa akin para magpatuloy sa pagsusulat eh…ganito na lang siguro, promosyon na lang, dba dba?

Marco – eto ang isa sa masasabi kong suki ng aking pahina, wala yatang araw na hindi dumalaw to, maliban na lang kung may sakit at sana wag na maulit…Brod, alagaan mo na sarili mo, bawal magkasakit…kelangan pa kita sa pahina ko, hahaha, salamat ng marami pre…

dhianz – isa pa to, eto ang ate ko, nyahaha..kuya CM kung tawagin ako nito, pwede naman LordCM, ni-kuya pa ako…joke…matindi to pagdating sa comment, tinalo pa ung mga entry ko, mas mahaba pa di hamak ung comment nya kaysa entry ko…dhianz, salamat sa lahat ng payo, at pag iintindi sa mga post ko at sa lahat ng chikahan…

pajay – mas lalo to!!! Prof!!! Putek!!! Si Marian Rivera naka nino na? wag mo pabayaan na mapunta kay POGI un, hehehe tama na at baka may magalit…etong si Prof ang dahilan kung bakit ako naging Star ng Bloggywood, tingnan nyo na lang ung drowing nya sa sidebar ko…kamukha ko man o hindi yung drowing nya naka display pa rin yan, di na maaalis yan jan…Prof!!!, si Marian ha? 😀

Kosa – Eto pa isang pogi at abnuy…padatkom datkom na lang…isang blogero na kahit saan mo maabutan eh malamang ‘kita kita na lang’ ang mababasa mo…well tutuo nman na iisa lang ang pupuntahan natin lahat, kaya tama rin sya na magkikita kita rin tyo bandang huli…Kosa, hintay mo ako pag may pera na ako papa datkom din ako, o kaya libre mo na lang ako…kitakits na lang 🙂

yanah – BaguioCityOnline pa lang magkasama na kami nito, mula kalokohan hangang….kalokohan pa rin!!!! pero mukhang nawawala sa sirkulasyon sa ngayon eh…Sayo yanah, salamat ng marami hindi biro kung ano pinagdaanan mo dati at ngayon pero anjan ka pa rin para makapag ikot at magbigay payo at lakas ng loob sa ibang blogero…

amor – Parekoy!!!isa sa mga abnuy, at hindi nakuntento eh sinama pa ako…pati drowing ni pajay na pagkaganda ganda eh ginawang lasing na hindi maintindihan…bihira mo makitang seryoso to halos lahat ng comment nito walang kwenta, nyahaha, joke lang parekoy…pero pag nagseryoso to, magtago ka na at kukulayan nya picture mo lolzzz

Pogi – Hehehe 😀 Pogi!!! Musta si Marian Rivera?…dito ako kumukuha ng self confidence lolzz, di nga!!!…tutuo, kaya madalas ako sa pahina nya kahit di nagkukumento…marami akong nakukuhang tips para maging pogi 🙂

RJ – Doc Aga!!Kelan tayo magtitinola?!!! xensya na at di ako madalas magkumento sa mga entry mo ha, pero binabasa ko at dami ko natutunan sa mga entries mo, basta ung fried chicken ha? wag kalimutan lolzzz

Jen – Jentot!!!ano na?!!!kelangan ka mag aasawa? 😀 … eto rin, basta may pagkakataon dadalaw at dadalaw sa aking pahina kahit sa seebacks lang nagpaparamdam…salamat jentot 🙂

Super Gulaman – Brod, kelan uli magkakaruon istoryang imahinasyon sa pahina mo? nakaka-addict ung imahinasyon mo eh…lufet ng mga eksena…brod salamat sa lahat lahat…

Oracle – eto malufet pag dating sa pagsusulat ng tungkol sa pag ibig, sabi ko sa sarili ko ganun din ako eh, pero di ko kayang isulat ng gaya ng nagagawa nya…salamat pre sa lahat ng entry na nagbibigay linaw sa lahat ng tungkol sa pagmamahal…ipagpatuloy mo lang yan…

Donna – Oist…si Soulmate musta na?!!! lolzz…Wala akong masabi dito, kahit sobrang busy nagagawa pa rin mag ikot ikot at mag post ng halo halong entry…salamat Ms. Donna sa lahat lahat 🙂

Josha – ang dyosa ng blogosphere 🙂 .. eto naman kahit parang kabute kung sumulpot eh ang lakas ng dating pag gumawa ng entry…yun ung gusto ko gayahin eh, seryoso pero matatawa ka sa pag deliver ng bawat pangungusap…Idol!!! Josha, sana magtuloy tuloy na ang pagpalage mo dito sa blogosphere

Mike Avenue – Brod, nasan ka na?!!! lolzz ako ata nawawala eh, pero isa to sa mga blogero na sa bawat tipa ng mga daliri ay mayroon kang makukuhang aral kahit para sa simpleng buhay lang..Brod, salamat sa lahat…

Mulong – dito ka pumunta pag kelangan mong matawa at makalanghap ng sariwang tae, nyahaha…paano lahat na ata ng kalokohan nasa entries nya, pero san ka pa…ang galing nyan magsulat mapaseryosong bagay o kahit sa kalokohan…astig ka parekoy…

Bomzz – Pre, kelan tayo magkikita? at nang magsama na ang rakista at hip hop lolzz…pre, sa tutuo lang isa ka sa pinagkukunan ko ng lakas ng loob para magtagal pa at isipin ang kabutihan ng pamilya ko kahit malayo sila…tulad mo pre, kakayanin ko to…salamat..

Saul – Pareng Saul?, saan ka na? sana ok ka pa…isipin mo lang pre na lahat nagkakaproblema hindi lang ikaw, kaya nga andito ang blogosphere at kami para makiramay sa lahat ng nararamdaman mo…malalagpasan din natin lahat ng gulo…hintay lang…

Dylan – pa kape nga!!! lolzz.. Salamat dylan sa lahat lahat ha…sana wag magsawang dumalaw 🙂

Hidden – hanggang kelang ka magtatago pre? 😀 … di bale kahit sino ka pa man o kahit ano ka man, tao ka ba? hehehe joke….brod, dito lang kami para bumisita sa pahina mo basta bibisitahin mo rin kami lolzz

Jhosel, van-van, a-z-e-l, aisa, Bloom, punky, Nebz, jez, jee, Lov-a-Lot, chyng, lionheart, Marlon, genyse, jaja, sandbox, Bhing, MOTS, Dangel at sa lahat ng nakalimutan ko xensya na at masyado kayong marami, hehehe…pero asahan nyo babawi ako sa susunod…nagpapasalamat din ako sa inyo sa lahat ng panahong ginugol nyo para lang makadalaw sa pahina ko…

Sa lahat, di lang pansariling kaligayan ang naibigay nyo sa akin sa pagdalaw dito…sobrang dami at kahit sinong blogero alam ung nararamdaman kong kaligayahan sa bawat kumentong natatanggap ko galing sa inyo…wag lang sana kayong mag sawa…dahil pagsasawaan ko rin kayo lolz
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Mike Avenue says

    Present po!

    Naku, salamat, salamat. Kung hindi man ako nagpaparamdam, asahan mo nasa likod lang ako’t nagmamatyag.

    Ingat! At congrats sa 49th post na ito. Sana abutin ng 454154513545124874154631345116748215 ang mga post mo.

    Ciao….

  2. vanvan says

    wow..ako siguro ang van-van dito noh?? kung ako man ito..ay naku, hindi lang ka 49 ako magpapasalamt kundi ka 49 million times pa..

    aheks..saludo po sa inyo lordcm at sa mas madami pang post sa bloggywood…

    congratz..

  3. Lord CM says

    @mike…
    tagal lang kitang di nakita pre…pero gaya ko, naggagala gala rin ng parang multo makakuha lang ng update sa ibang blogero lolzz

    pero pre, sobrang dami ata nung post na kelangan kong maabot 😀

    Kung tatanggapin mo drowing ko edi sige may premyo, wag mo ko mumurahin ah lolzz

    @vanvan…
    ikaw un no, wala nman na iba eh…million? langya dami nun ah!!!pwede thousand na lang para madaling bilangin? salamat uli..

  4. Amorgatory says

    ang ganda nang tula mo parekoy hahaha!!pa copy naman at sisirain kow lol..joke lang, at tlgang wlang ka wentang wenta ung mga comments kow eh, pkialam mow hahah, eh bkt kaw ba s amorgatory?
    hahaha.lolness sorry pare now lang me nakadalaw ha, tapos nwla ka pala sa blog list kow amfuness , ewan kow ba sa blog kow prang utak talangka hahah, anwyas silip lang akow dito bagow ksi akow alis eh gsto ko malibotski akyowng lahatski wahahah, lolness o sya sya ingatski lage ha, at sisilip lang akow dito pa mnsan mnsan busy lang parekoyness..tc salamat sa pagturing sakin na kaibgan thanks!!!!

  5. Amorgatory says

    ay sandali lordness hahah, ccoment lang akow sa huling 2nd mong paragraph sa tula loll..babawi ka sa susunod?hahah bkt mern pa ba?lol buahhaha!!hahah kukulayan ko ung drwaing ni oracle ang ganda eh lol..

  6. PaJAY says

    Dinaig mo pa si BB gandanghari mag speech a!…lolz..

    ayos pre 49 ang selebrasyon mo…haha..iba ka..si Poging cano malamang sa 69th post yun mag secelebrate….

    blog lang ng blog Panaginip man!…lolz..

  7. SuperGulaman says

    huwaw!….congrats….

    …ang sipag magblog….mmmhhhh…ang bilis mo maka-49….

    at may rollcall, weeeepeeee….. salamat… 🙂

  8. Kosa says

    huwwwwwwaaawwww…
    naabutan mo na ako sa 49th post ahhhh.lols yung susunod na post ko pang 50th..lols pero nice idea.. sa 51st naman ako gagawa ng post na espesyal parekoy…hehehe

    teka teka, oo nga kitakits pa rin parekoy.. pasasaan bat mamamatay din tayung lahat..hahaha
    kaya sabi nga ni Mike Ave, maghanda handa lang tayu kase baka pass the paper na ang susunod..hehehe

    at ang blogiwood eh sobrang nagiging matao na kaya lalong sumasaya.. hehehe
    sige sige out muna si Kosa..
    salamat sa pagiging abnuy din..lols hindi ako nag-iisa

  9. Lord CM says

    @chyng…
    eto lang ang tumatwag sa real name ko, di ko alam kung saan nya nkuha 🙂 pero salamat ng marami, ng maraming marami lolz

    @amor…
    nyahaha, parekoy hindi tula yan!!!kanta yan kanta!!! lolzz, hayaan mo parekoy pare parehas naman tayo parang utak talangka eh, remember? abnuy ka rin diba? hehehe…sige parekoy wag ka lang makalimot, at ingat sa kabisihan mo 😀

    Putek!!my pahabol palang comment un..babawi ako sa kanila pag 4900 post na uli lolz

    @pajay…
    im not gay, lady ako!!!lady!!! lolzz dami dami pagkukumparahan kay GandangHari pa naisip hehehe

    @SuperG…
    gulat nga ako pre eh, 4 na buwan 49 entries?!!! di kaya adik na ako? lolzz

    @Kosa…
    Sana pre saka na ung pass the paper, di pa ako tapos eh lolzz…

    Abnuy!!!pag nababasa ko yang word na yan laging si parekoy amor ang naiisip ko eh, kulet kasi eh hehehe

  10. MarcoPaolo says

    Nahuli man akong magcomment nangunguna naman ako sa isa sa mga pinasasalamatan… Thanks CM!

    Oo nga, bawal magkasakit lalo na pag walang erap.. naku po! ang hirap talaga… Wag ka rin magkasakit parekoy… malayo ka kay ehem… sa asawa mo kako… hehehe

    ingat ingat… sabi nga ni KOSA… kitakits… 🙂

  11. Jez says

    sympre, umulan man o bumagyo, tag-init man o taglamig…hinding hindi kami magsasawa sa pagbibisita, pagdadaan, pagtatambling, pagpapasyal, pangungulit, pagcocoment, pang-aasar..at kung ano ano pa na pwedeng gawin at sabihin.

  12. Dhianz says

    malufet sa earth… special mansyon akoh d2!.. puwede bang nde akoh magkokoment… ayan ha… eventhough i have slight headache and kinda sick eh magkokoment akoh… abah… binasa moh bah post koh?.. wehe… haba eh.. ‘la… tumalak lang akoh don…. keysa naman i-career koh tong sakit koh.. yan kc si Marco Paolo nanghawa… wehe… lolz… abah…. Happy 49th Post!… sendali… akoh kaya pang 50th post koh ‘un… ma-edit nga… funny nag-start ren lang akoh sa blogging world nung oct. 31st so yeah almost november nah noh… so pareho lang tayo kuya CM… so mahigit 4 months… kung iisipin eh maiksing panahon lang pero parang ang tagal tagal nah… tapos one day na nde makapag-online parang isang linggo… lolz… eniweiz i’m glad na nakarating sa mundong itoh… nde naman sinasadya ang pagkapunta koh d2… hayz kwento koh pa bah.. hwag nah… mahaba na nga tong koment koh eh… i’m really glad to meet people like u guyz kahit man lang sa mundong blogsphere… but u never know.. one day there would be a grand EB.. gastos ni kuya EJ! (pajay) lolz… that’ll be fun… naging part na ren kayo nang buhay koh sa ilang buwan na pag-stay koh d2… i know we are all not gonna stay here forever… pero habang nanditoh eh enjoy lang ang experience… bloggin’ is fun… we get to express our emotion here and at the d’ same we are also learnin’ from other blogger’s post… so ‘unz… oh yeah naaliw naman akoh sa koment moh saken… salamat again sa pag-special mansyon moh… ingatz lagi kuya CM… Godbless! -di

  13. poging (ilo)CANO says

    uhaw, huli na ba ako? ayus lang pero pogi parin naman.

    napakanta ako sa ginawa mong entry ngayon parekoy mahaba kasi eh, may dedication portion pa. parang programa sa radyo at napasama pa ako..hehehe

    salamat parekoy…ala na pala kami ni marian, break na..tsk..tsk..sayo na lang siya. si john lloyd may sarah na din, ako kontento na din kay charice..lolz..

    stay pogi olweyz lyk me…toinkz..

    @pajay,
    sensord!…lolz..hehehe

  14. Dhianz says

    …ay mali.. pang-49th post koh palah ‘un.. okz ah.. pareho tayo kuya CM.. ‘un lang.. laterz! =)

    funny ang word verification: susnes

    lolz =)

  15. Lord CM says

    @marco…
    ikaw kasi una kong nakita sa blogroll ko brod 😀 …

    Ok, kitakits…

    @Jez…
    Ayun oh!!!Sinabi mo yan ah?!!!wala nang bawian lolz

    @dhianz…
    yeah!!halos magkasabay lang pala tyo naging aktibo dito..ambilis nga lang ng panahon 4 na buwan kaagad, pero parang ang tagal tagal na nun 😀 …

    pang 49th mo rin?!!!kelan ka gagawa ng special entry? may kainan ba? lolzz

    @Pogi…
    sakto lang brod dating mo kaso wla na si marian dito…may bago ako gusto mo?!!!si Pokwang!!! lolzz

  16. Amorgatory says

    @MARCO lahat nalang mahirap lahat lahat nalang puro ka mahirap hahahha, lolness abuy ka eh kaya ka nahhrapan buahahha!!!

    @LORD cM MGA TROPANG ABNUY KITA KITS REPS REPAPIPS LOL..KUNG ANO UN DI KO LAM HAHAH..BYE

  17. jEn says

    hahahhaha..salamat sa special mentioning of my naming..haha…(ayaw sa -ing)

    anung mag-aasawa?
    matatagalan pa eh..
    wag ka muna magtanong niyan
    hindi pa ko nahahanap nung pinagtataguan ko eh..

    hehe..
    salamat salamat..tenk yu..:)

    more posts to come..:)

  18. ORACLE says

    huwaaaw! maraming salamat parekoy!
    Oo nga naman, lagi na lang 50th or 100th. Kaya nga star talaga ng bloggywood, tamang original! Simple pero malufet!

    Mabuhay ka lordCM! Ipagpatuloy ang mahusay at tunay na artistahing pagsusulat… =)

  19. bomzz says

    Pre Tats ako ah… lolzzz…

    salamat din pre…alam mo din nahuhugutan ko ng lakas ng apog gumawa ng tula dahil na rin sa mga tula mo at pinapalakas mo loob ko…..

    kaya mo yan pre at nating lahat .

    “Keep the Faith Bomzz Jovi”

  20. RJ says

    Pre, maraming salamat din, special mention ako rito ah! [Naku, nahuli na ako sa comment, ah. Busy kasi.] Kailan lang ako nagawi rito pero isinama mo na ako sa listahan ng mga kaibigan, fan, supporter ng Dungeon (lungga?) mo.

    Hahaha! Kahit hindi mo ako isinali dyan sa listahan ng mga pinasalamatan mo, talagang ipipilit ko pa rin ang sarili kong fan ako ng Dungeon- kung ayaw mo, papadalhan kita ng hinihingi mong litson manok. o”,)

    Malapit na rin ang anniversary ng The Chook-minder’s Quill. Sa March 18, 2009 na! Huhmn, dami ko rin yatang pasasalamatan, ah!

  21. jhosel says

    wow! congrats lordCM! tsk tsk. salamat din sa mga posts mo na nakakaaliw pero iba din ang dating.. actually bago ako nagparamdam dito sa page mo nun mejo ilang days din akong nagbasa dito at nagmasid. ahaha. mala-stalker ba?. lol. nung una kasi feeling ko di ako makakasabay sa mga tao sa bloggywood. ahehe. pero yun, ang swerte ko pala at superfriendly ang lahat. ahehe.

    tsk tsk. more posts to come pa CM!

    ps.
    pakain ka na! spag uli! ahehe

  22. Lord CM says

    @amor…
    talaga lang bumalik pa parekoy ah lolzz un nga lang, nanggulo lang 😀

    @Jentot…
    sabihin mo na kasi kung san ka nagtatago at ng mahanap ka na 🙂

    @Oracle…
    Oh Yeah!!Artistahing pagsusulat!!!Autograph? gusto mo? lolzz salamat sa pagdaan

    @bomzz..
    Hehehe tuloy tuloy ang paggawa ng tula, wag lang maging tulala

    @RJ…
    Uy…sigurado maraming manok na handa pagdating ng anniversary mo…hintayin ko yan…fried chicken ha? 🙂

    @jhosel…
    ganun? sabi na eh naramdaman ko may nagmamasid sa akin eh lolzz ok lang yan, ako rin nung ganun din eh..lulufet magsulat ng mga nasa bloggywood sabi ko di ako makakasabay dito, pero ayan simpleng SIGAW eh naging tag pa, walang kahirap hirap, di ginamitan ng utak pero pumatok lolzz

    nga pala, carbonara at chocolate muna bago spag 🙂

  23. A-Z-E-L says

    aba LordCM nakakarami ka na pala…

    salamat sa mga entries mo dahil nagiging busy ako sa pagbabasa. atleast may sense db? may mga aral na napupulot. hindi sayang ang mga oras. salamat din sa mga comments at pagbisita.

    congrats!

  24. ~~m$. DoNNA~~ says

    Donna – Oist…si Soulmate musta na?!!! lolzz…Wala akong masabi dito, kahit sobrang busy nagagawa pa rin mag ikot ikot at mag post ng halo halong entry…salamat Ms. Donna sa lahat lahat 🙂

    >>> GANYAN TALAGA PAG ADIK! HEHEHEHE!!!<<<<<

    MABUTI NAMAN AT HINDI MO AKO NAKALIMUTAN SA ENTRY MO NA TOH… HAHAHAHA….

  25. Yanah says

    hindi naman nawala… andito lang sa tabi-tabi.. hindi alng nagparamdam ng sandali.. alam mo naman.. maintriga ang ginagalawan kng mundo ngaun…hehehe

    just the same CM…salamt din…
    at stay nonsense..thats what we are.. and what we’ll always be..

    nonsense na may sense! hahahaha sa mga hindi makaintindi..gudlak!

    hahahahaha

    more posts to come CM!

  26. Lord CM says

    @azel…
    hehehe may sense ba? joke lang un lolzz salamat uli

    @donna…
    sabi na adik ka rin, minsan magiging abnuy ka rin gaya namin ni amor at kosa lolzz

    @dylan…
    ok..ok..kaibigan tayong lahat 🙂

    @yanah…
    pansin ko nga eh, pero maaayos mo din lahat yan..pray lang…

    nonsense na may sense? lolzz cge gudlak sa mga di makaintindi..

  27. Desert Aquaforce says

    Hala…ipagpatuloy mo ang pagba-blog at patuloy rin akong magsusubaybay at magbabasa…kung di nakakaistorbo…hahaha

  28. JoShMaRie says

    aino ba si josha? hahaha. salamat sayo LORDCM. 🙂 nakakatats naman. 🙂 pasensya na. ipinaglihi talaga ako sa kabute. masyadong busy sa pagpapayaman kaya medyo napapabayaan ko na ang blog ko…

  29. Jay says

    huwaw.
    congats.

    ako man. sa blog ko lang nailalabas yung di ko kayang sabihin in person.
    ang laking tulong ng blogging. plus, mas malaking tulong talaga ang mga taong makakasalamuha natin sa blogosphere.
    nakakatuwa dahil may mga “virtual friends” na nagpapayo, nagpapatawa, etc.

    goodluck LordCM.
    all the best! 😀

  30. abe mulong caracas says

    dahil ito ang ika-49 mong poste este pitak (naks!) dito sa iyong blogword, nais kong ipaabot sa iyo ang aking taos pusong pagbati—-greet na lang (bastos eh) ng happy 49th post! lalim ano?

    salamat din sa iyo…kung magkakaroon ng election sa blog pangulo ka na…kasi ikaw ang bumubuo ng ating komunidad! wag ka lang mangungurakot pare!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *