Sino ako?

Sino nga ba si Lord CM? tanung ng karamihan dahil sa kung ano anong personalidad ang ipararating ko sa bawat nakakakilala sa akin, sa tutuong buhay man o dito kung saan mga daliri lang natin ang magkakakilala at nagkakausap usap…umpisahan na natin..

 

May isang forumer na nagsabi sa akin na ako raw si Dr. Phil ng forum kung saan kami nagkakilala, wag sana sya magalit kung isama ko sya dito, Si Jimili na isang blogero rin at forumer ng ibat ibang forum site…nung una tinanong ko sya kung sino nga ba si Dr. Phil,di nya nga lang sinagot kaya napilitan akong tanungin si Uncle Google at nabigyan nman ako ng kasagutan…Isa syang tv show host sa america ata, kung saan tinatalakay ang lahat basta tungkol sa pag ibig o pagmamahalan…Ewan, pero dumating ung panahon na naisip kong ang dami ko palang nasasagot na katanungan o problema basta tungkol sa pagmamahal, di ko akalain na maisusulat ko kung ano man ung mga nasabi ko sa isang forum, mga payo, tips kung paano magwowork ang isang relasyon, solusyon sa mga problemang pag ibig, opinyon na may kinalaman sa pagmamahal at kung ano ano pang basta tungkol sa pagmamahal…na ngayon eh ako mismo ang may kelangan makinig sa mga nasabi ko at nasulat…

 

Sa isang forum naman, Kung saan nabuo ang pangalang Lord CM…Bakit Lord CM? CM syempre initials ko…Lord? Nabuo ang lugar sa isang forum na tinawag nilang Dungeon dahil na rin sa mga kakulitan ng ibang forumer, dito kahit anong topic na pag usapan eh okey lang…at nagkaruon ng kanya kanyang title ang mga forumer at ang sa akin nga eh Dungeon Lord…Nakilalala ako dito bilang isang hari ng nonsense, WALANG KWENTA…basta kalokohan, kagaguhan at katarantaduhan eh asahan mong anjan si Lord CM…kaso sabi ng iba ‘Di ka nman nonsense eh, minsan oo, pero may mas kabuluhan pa nga ung sinasabi mo kaysa sa iba eh.’…ngayon, ang gulo na tuloy…nonsense ba ako o hindi?

 

Sa tutuong buhay?…kung di mo ako kilala sasabihin mong suplado ako, masungit o kaya’y sobrang bait at tahimik na tao…pero pag nakilala mo ako bilang kaibigan baka sabihin mong luko luko pala ako, gago dahil sa madalas na pag inom, komedyante pa nga sabi ng iba..kung sa pagmamahal, di ko alam kung mararamdaman mo, pero pag nagmahal ako alam ko sa sarili ko na talagang mahal kita…di mo man maramdaman, ung tutuong ako ang makikita mo…sa work, 5 years na ako dito sa work ko, ilang increase na nakuha ko at may promotion pa…ikaw na manghula kung anong magagawa ko at kayang kong ipakita pagdating sa work…

 

May mga nagsabing mapagmahal daw ako dahil sa mga tema ng entry ko dito sa blog…pero ang tutuo mismong ako di ko alam kung mapagmahal nga ba ako…Sabi nga nila nonsense daw ako, kung nonsense man ako di ko rin alam kung tutuo dahil mas maraming nakikinig at naghihintay sa mga topic at entries ko dito…

 

Bakit ko ba sinasabi tong mga to? gusto ko eh…wala nman kayo magagawa…seryoso, sa mundo kung saan daliri lang natin ang magkakakilala eh halos karamihan nagtatanong kung sino ba tong kausap ko?…ano kayang ugali nya? anong meron sya? tao ba kausap ko? …Kung ako tinatanong nyo, kung ano man ung mga naiimagine nyo kung ano ako base sa lahat ng naisusulat ko wala akong magagawa dun, pero sa mundong to kaya ng isang tao iparating ang gusto nyang iparating sa mga mambabasa, tutuong personalidad nya man o hindi…kung ano man ang pagkakakilala nyo sa isang tao, minsan iba ito sa pagkakakilala mo sa kanya pagdating sa ibang sitwasyon gaya ng mundo ng blogosphere. hindi lahat ng inaakala mo sa isang tao eh tutuo base lang sa nasusulat nya…minsan kasi ginagamit lang ng isang blogero ang pasusulat para mailigaw ang mambabasa sa kung ano talaga ang tumatakbo sa utak nya, dahil ito lang ang paraan nya para mailabas ang kung ano man ang nararamdaman nya..at ito ay sa paraang sya lang nakakaalam kung paano nya ilalabas…

 

Ngayon sino nga ba ako? di ko pa rin kilala sarili ko eh…tatanong ko muna sa mga nakakakilala sa akin ng lubusan…

 

Kung ano man ako, o kung sino ako? … ung background image ko na lang magsasabi sa inyo…

 

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. poging (ilo)CANO says

    wahahaha…o my Lord…sino k?

    kung ung background image mo ang basehan kung sino k ba tlga? aba eh..may masel ka din pala pero maliit nga lang kompara kay kosa..

    isa kang anghel na takas mula sa pagkagapos sa ewan….

    mahilig ka din pala magpa hotoil ng buhok..amf…

    buko king karin ksi may dala kang panungkit ng buko at lumlabas lang pag gabi para hindi mahuli…lolz..

  2. RJ says

    Kung sino man si Lord CM sa totoong buhay ay saka ko na aalamin, siguro kapag nagkita na kami, naging magsama sa trabaho o ‘di kaya’y kapag naging magkapitbahay.

    Sa ngayon, kuntento na muna ako sa pagbabasa ng mga blog posts niya. Kahit na noong nakaraang linggo lang ako aksidenteng nahulog dito sa Dungeon, so far, totoo naman ‘yong mga sinabi ng iba, na hindi naman non-sense si Lord CM.

  3. ~yAnaH~ says

    sino nga ba si CM?
    hmmm depende…
    para saken, sa forum…isa siya or sya nga yung sinasabi na hari ng Dungeon sa pagka nonesense pero hindi naman lahat ng posts nya sa forum eh walagn wenta..
    nagiging walang wenta lang para sa mga taong hindi matanggap na may mas aangat pa sa kapasided ng utak nila…
    sa blogworld.. si CM isang sentimental na character..mapagmahal na asawa, ama sa kanyang pamilya..
    maaaring hindi nya sinasabi lahat ng nadarama nya, maaari rin na taliwas sa kanyang totoong katauhan ang mga sinusulat nya,
    pero makikita at madadama mo naman ang totoong CM base sa kanyang mga sinusulat. youll just have to read between the lines..
    para saken, personally, isa syang totoong kaibigan,.. maari ngang hindi p[a kami nagkikita ng personal pero masasbi o pa ring isa syang kaibagan na tapat at totoo.. tested and proven ko na rin yan several times…

    SI LordCM isang ama, asawa, clown,(ahihihihi)model employee (may kaunting duda ako hehehe) at higit sa lahat… isa siyang kaibigan….

    salamat sa friendship CM!swerte ko nakilala kita at naging kaibigan kahit dito lang sa cyberworld… ahihihii

  4. paperdoll says

    kahit sino kapa lord. . buong puso kitang tinatanggap na kaibigan co. . pautang nga. . hahaha. . dapat pala ikaw ang nilalapitan co sa mga problemang puso DR. PHIL. . hehe, ,

    laki na pala sweldo mo. . libre naman kahit sa yellow cab lang. . lol

  5. MarcoPaolo says

    haaayzzz… wala akong masabi e… pero sige na nga.. tama ka sa sinabi mong lahat ng sumusulat sa blog ay hindi matukoy kung ano ba talaga ang totoong ugali nito… pero kung sino man si Lord CM… magiging ka-blog ko pa rin to… wala lang… gusto ko lang din… hehehehe

  6. jhosel says

    hmm. sa tingin ko di ka non-sense, or malamang sa surface akala ng iba walang kwenta pero may deeper essence. i beg to disagree. para sa akin, salamin ng kung sino ka ang mga nasusulat mo. dahil the fact palang na nasulat mo ang mga post mo e ibig sabihin yun ang nasa utak at puso mo. kahit sabihin mo pang trip lang at di totoo ang mga sinasabi mo sa post mo, may rason kung bakit mo ito isinulat at para din maiexpress mo ang sarili mo.

    marahil nga, hindi ka namin kakilala personally. at di pa din naman katagalan ng mapadpad ako dito. pero kaya ako patuloy na nagbabasa di lang sa blog mo pati na din sa mga blog ng iba e dahil nakikita ko ang iba’t ibang tao kahit through blogs lang.. at ang mas mahalaga ay may natutunan ako kay LordCM at sa bawat ka-blog ko. whether sino ka man, halimaw ka man o alien, continue inspiring others (kahit di mo man namamalayan).

  7. kosa says

    sa huling banda nakita ko ang kokomento ko dapat..
    sabi nga nila, mas-accurate kung kaibigan mo ang tatanungin mo tungkol sa kung anu ang personalidad meron ka..

    pero ayus naman yung mga pahayag mo pareko… hindi ka naman nagbuhat ng kama.. mesa.. at silya..hehehe

    pero ayus na ayus nga..
    ikaw? tao ka bang kausap? hehehe
    may mga tao kase minsan na akala mo, tao pala syang kausap hndi pala..
    hehehe
    peace..

    sana ginawa mo itong tag..lols
    exciting kung sakali..

  8. Dhianz says

    kaw si kuya CM!… hehe… sori dumaan lang po akoh na parang hangin ngaun…. oh yeah… malufet… top commentor moh akoh?… hehe… okz ahh… ingatz lagi po… GODBLESS! -di

  9. Mayyang says

    Hello Lord CM!

    hmmm..dpa kita masyado nakakakulitan dito sa mundo ng blogerspeyo pero sa totoo lang, i want to know you better..naks! english yan ha…hehehe

    kita kita nalang pag nagkasalubong…hehehe…

  10. Lord CM says

    @pogi…
    pogi hanap ka ni boy ngo ngo, kelangan nya raw ng translator

    @RJ…
    sana nga brod magkita tayo, kunin mo na ako jan lolzz, kahit assistant mo lan

    @yanah…
    ok na sana eh…kaso nagduda pa sa pagiging empleyado ko lolzzz… alam ko sa sarili ko na dito lang ako magaling, dahil maraming nakakapuna 🙂

    @donna…
    PM mo na lang ung slum book, kaso hintayin natin magkaruon ng Private message etong blogspot lolzz

  11. Lord CM says

    @MP…
    Ang pagbabalik, tagal mo nawala ah…kaso xensya na wala ako ngayon eh, payo lang maibibigay ko 🙂

    @marco…
    kung sino man ako brod, malamang andito pa rin ako sa mundo ng blogosphere at nakikipagkulitan sayo lolzz

    @jhosel…
    sabagay sa iba tutuo ung kung paano sya magsulat eh makikita mo ung personalidad nya…sana nga magkaruon ng EB ang mga blogero para magkaalaman na 😀

    at salamat sa pagbabasa at patuloy na pagsubaybay sa mga kakornihan ko lolzz

    @kosa…
    hindi ba halata brod? pati cabinet binuhat ko na eh lolzz

    nga pala, tao ka ba? 😀

    @dhianz…
    ms dee….nakakapanibago ka ah…ikli ng comment mo

    @mayyang…
    yun lang…baka pagsisihan mo at nakilala mo pa ako, nyahahaha joke…sana nga magkita kita lahat ng blogero…

  12. PaJAY says

    BG image ba ang basehan dre?..lunatic ba si LORDCM..lolz…

    takting yan!buwan nga ba yang nasa BG mo o mundo?..lolz…hahaha

    peace parekoy!

    ..eto na lang..

    SIno man si LORDCM
    wala akong pakiaalam.
    bastat ang importante
    isa kang kwelang kaibigan..

    Natuwa ako sa pagtutula mo
    kaya di ko malimot ang linyang binitawan mo.

    Senti ka man o emo minsan
    Alam kong sanay ka sa pag oovercome
    kaya para sayo LORDCM kaibigan!
    Ikaw ay Blogerong kinaiibigan..

    Mabuhay parekoy!..

    napatula tuloy ako..lolz…

  13. Gremliness says

    Lord CM! =)

    Nakita kita sa baguiocityonline, syempre napatanong ako bakit active ka doon, hehe.

    Aba kung kakilala mo yung owner ng site, ay marahil pwede kita makilala.

    Hehe, peace =)

  14. J. Kulisap says

    Sa Forum ka pala nagsimula.
    Ilang taon ka nang nagbablog Sir Lord CM?

    Halata nga na maloko ka.Hehehe. Lalo na sa pag-ibig?

  15. says

    hehehe ngayon ko lang ito nakita ah. Ang haba ng intro tungkol sa sarili hihihi. Sino ka? Ikaw ay ikaw. Simple lang yan eh, eh di ikaw si CM! hahaha! Pagpasensyahan mo na ang mababaw kong pag-iisip sa panahong ito ^_^

    Bago na naman itong theme mo. Parang nawiwili ka yata sa pagpapalit. Itong arras, gamit ko ito sa isang website ko. Medyo kumplikado pero ok lang kasi nakakatuwang i-tweak. Kaya lang medyo nagsawa na ako kaya ngayon ay nag-iisip ng ibang theme heheh.

  16. says

    nakita ko lang at nabasa yung forum mo sa tambayan. And you got my attention when I read about how to have PR. Thanks!

  17. says

    I’m so happy I found this blog.I am really entertained.!!!!!!Gusto kung sumigaw ang kulit ng blogero hahahah.May personality.sana humayo ka at magpatuloy sa iyong paglikha ng sining na makabagong pagsusulat.Kudos Lord CM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *