Late na ako!!!

Nung isang araw, nagising na lang ako sa katok ng tropa.Pagbukas kong pinto biglang sabi ng tropa labas na raw ako at magluto ng spaghetti, di mwawala yan, peborit ko spaghetti..naalala ko outing nga pala namin.Ayun, hilamos, tootbrush tapos diretso sa kusina, andun na lahat ng tropa, may nagluluto, may nag aayos ng mga dadalhin at ung iba pampagulo lang…
Sinimulan ko nang magluto ng spaghetti kahit ang gugulo ng tropa, may nag aasaran, nag sasayawan, ung iba nagkakantahan eh meron na ngang cd player na tumutugtog. Eto lang maganda eh kahit anong pagod mo sa ginagawa basta may mga makukulit mawawala lahat ng pagod mo.
Nang matapos na magluto lahat, nag ayos na rin ako ng gamit ko na dadalhin para sa outing ganun din ung iba…hanggang sa dumating ung oras na napagkasunduan para umalis…kanya kanyang bitbit ng gamit at lagay sa sasakyan.
Bigla lang akong napatingin sa ilalim ng sasakyan dahil may parang kumikislap, di ko alam kung ano kaya sinabi ko sa isang tropa…sobrang pagtataka sinilip nya kung ano ung kumislap sa ilalim ng sasakyan at di nya namalayan na aatras pala ung sasakyan para iayos ang pagkakaparada…Narinig ko na lang isang malakas na sigaw at biglang sabi “Tulungan nyo ako” … takte!!! ung tropa ko nasagaan, sa mismong ulo pa sya nadaanan ng gulong, kita-kitang ko ung ulo nya na parang tumabinge at duguan…tapos narinig ko na lang ung kanta ng Evanescene;
When you cried
I’d wipe away all of your tears
When you’d scream
I’d fight away all of your fears
And I held your hand through
all of these years
But you still haveAll of me

Napabalikwas ako!!!sabay kuha ng CP, Putek!!! Alas syete y medya na, pasok pa ako…pagtapos ko maligo, naalala ko lahat lahat ng napanaginipan ko…

Sino maniniwala na nangyari ung kwento sa taas, eh ni hindi ako marunong magluto, tapos spaghetti pa?!!!pero peborit ko talaga yan…
Ung My Immortal ng Evanescene, yan yung song sa CP ko pag nag alarm na…
Sadya kong hindi na pangalanan ung mga karakter sa panaginip ko at baka mag alala ung mga un at mag isip ng kung ano ano…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. Nebz says

    Nagtaka nga ako, bakit parang mala-SOCO (Scene of the Crime Operative) yung scene (dugo, nasagasaang ulo, etc) pero biglang tumugtog ang My Immortal!

    Haaay, salamat. Panaginip lang pala…

  2. Kosa says

    lols..
    bangungot?
    taena.. mapalad ka parekoy at hndi ikaw yung nasagasaan sa panagnip mo..
    kilala mo si RICO YAN? nasagasaan din yun sa panaginip.. di na nakabalig…
    malay ba nya na pagtulog nya eh masasagasaan na pala sya..heheh
    peace

  3. Lord CM says

    @marco..
    akala ko nga rin pre tutuo na eh, pero nung nakapagsalita pa sya kahit nasagasaan na, dun ako nagduda…

    @amor…
    nyahahaha, sama mo parekoy…joke din lolzz

    @nebz…
    SOCO?!!Hehehe kala ko SYOKE…

    @superg…
    may tawag sa white sauce na spag pre, di ko lang matandaan…sarap no lalo’t kasama fried chicken, nagutom tuloy ako lolz

    @kosa…
    buti na lang pre nag alarm CP ko 😀 … pero di naman ata bangungot yun, panaginip pa lang, pag tumayo ung nasagasaan malamang bangungot na hehehe

  4. jhosel says

    haha. ako din favorite ko din ang spag. yung carbonarra saka kahit yung spag ni mama na memorize ko na ang ingredients. lol.

    tsk tsk. minsan talaga ang weird nang mga panaginip. minsan din kasi nanaginip din ako ng mga pang-MYSTERY CASE FILE. ahehe.
    ahehe. may mga iba-ibang interpretations naman ng panaginip sabi daw kabaliktaran nito ang nangyayari sa totoong buhay. ewan ko.

    buti na lang nag-alarm cp mo. hehe.

  5. Lord CM says

    @jhosel…
    ayun!!carbonarra, galing talga ni jhosel 😀 ..

    Kabaligtaran? naku kawawa ung sasakyan, nasagasaan ng tropa ko lolzz

  6. RJ says

    Ano ba ang mga inisip mo bago ka natulog, Pre? Bad dream ‘yon ah. Pero ang sabi nila, kabaliktaran naman daw ang panaginip.

    Hindi ka marunong magluto ng favorite food mo?! Naku, dapat nga matupad na ang wish mong makasama mo diyan ang pamilya mo, para maipagluluto ka palagi ng misis mo ng spaghetti.

  7. Lord CM says

    @RJ…
    tutuo pre ung kung ano madalas mo isipin eh mapapanaginipan mo..pero alam din natin na kahit di natin isipin mapapanaginipan mo khit di mo gustuhin…

    Uy correction sa wish ko, gusto ko sa Pinas kami magkasama sama, mas masarap mabuhay kung san ka lumake…

    Naalala ko tuloy nung huling bakasyon ko, paluto pa ako ng spag para lang matikman uli luto ng wife ko 🙂

  8. vanvan says

    sus, sarap na sana nung spaghetti..
    tas bigla ko pa namiss ang evanescence(tama ba ang spelling??)..

    aheks..kakaloka ka managinip master..

  9. jEn says

    yumyum..spag..:D

    grabe yang panaginip mu ah..nakakita na ko ng ganyan sa totoong buhay (kunyari lang kasi sa panaginip). hehehe

    buti na lang hindi totoo. Wag mo n lng sabihin sa tropa mo para hindi mag-worry..ayus ang alarm tone ah..meron ka ba jan ng”Bring me to life”?..pa-send naman thru blue tooth..hehe

  10. poging (ilo)CANO says

    takte! panaginip lang pala..kala ko trulalo. bigay pa naman sana ako abuloy pag natigok siya..hahahha

    gusto k rin spaghetti….lolz..

  11. abe mulong caracas says

    lakas ng tama taena

    sabi ko pa naman kawawa kasi dito sa pinas may nangyaring ganyan grade 4 student sa ateneo…sa ulo nadaanan!

    pag nag post ka about sa pagluluto, wala na maniniwala sa iyo nyahaha!

    tagay na!

  12. Lord CM says

    @vanvan…
    buti nga naalala ko pa yan eh, kalimitan kasi pag nanaginip ako nakakalimutan ko agad 🙂

    @jen…
    Di ko tlga sasabihin baka mabaliw sya eh lolzz

    open mo na bluetooth mo at eto na ang request mo…

    tooottthhhh ttoooootthhh toooth

    anjan na!!! lolzz

    @pogi…
    padala mo pa rin pre ung abuloy…pag nanaginip ako bigay ko na lang sa kanya 😀

    @mulong…
    kaya nga pre hindi na ako magpopost ng pagluluto kasi baka mainggit pa kayo at magutom lolzz

    @chyng…
    un na nga eh, pero marunong naman ako ng prito prito pero ung tinitimplahan na gaya ng nilaga o sinigang…di ko alam, matuto din ako nyan lolz

  13. Jez says

    waaahhhhh…naloko na!
    paniwalang paniwala na ako eh, nag-aalalang binabasa ang kwento

    tapos biglang may pumasok na evanescene na tugtog…parang something is different sa kwento..

    un pala, panaginip…aaaahhhhhh

    ako, milagro kapag maaga akong pumapasok sa office….hahaha

  14. Lord CM says

    @jez…
    habang sinusulat ko nga yan, iniisip ko may maniniwala kaya sa akin? ung mga nakakakilala sa akin malamang hindi kasi di nman ako nagluluto ng spag eh lolzz

    Xensya na wala ako maisulat sa ngayon eh 🙂

  15. poging (ilo)CANO says

    wag na pre baka mapanaginipan mo lng na naibigay mo na kahit hindi pa..baka pambili mo lang yan ng red horse..lolz..

    tagay na!

  16. PaJAY says

    panaganip man yan o hindi astig pa rin ang alarm tone mo dre!…

    matulog ka na at nagaantay na ang iyong tropa…natigil ang yong panaginip nasa gulong pa rin sya…walang tumulong…matulog ka na..kawawa naman yun….lolz..

  17. Elektra says

    @LordCm- galing lng ako ng Pinas at anchalap ng pinoy food tlga.. kakamiss din lalo na un spaghetti sa Jollibee, halu halo sa chowking puto at dinuguan sa goldilocks! yum, yum.

    managinip na lang tayo ng mga pinoy food araw2 hehehe nice blog

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *