Isang Linggo

Share ko lang ang buhay ng isang blogerong OFW na andito sa Palau tuwing sasapit ang linggo..
Simulan natin ng alas-dose ng hatinggabi, linggo ng madaling araw, syempre tulog!!! ano pa ba?…kaso bandang alas-dos ata o alas tres nagising ako at kinuha ang laptop…sabay bukas ng BCO Forum at nag post ng dalawang walang kwentang bagay lang naman…pagtapos nun, tulog uli..gising na ako ng alas onse ng tanghali para mag check ng blog, mga alas onse y medya labas na para kumain ng tanghalian kasama ang tropa, ulam namin fried chicken, pagtapos kumain yosi syempre, di mwawala un kapag busog…

Tapos pasok sa kwarto, blog uli…pagtapos magblog mga ala una y medya ng tanghali tulog uli hanggang alas singko ng hapon, paggising ng 5pm bukas ng laptop at nag blog walking, tapos tambay sa labas para mag yosi, mayamaya kain na ng hapunan na ag ulam eh hotdog at sunnyside up na itlog…syempre yosi uli…tpos pasok sa kwarto para magblog at makigulo sa forum, nakipag-chat sa aking panganay na anak at check na rin ng email…tapos bili ng apat na red horse, inom habang nagba-blog kasi walang signal ang TFC dito sa amin kaya walang mapanuod…habang nag iinom ginagawa ko to…alas nuwebe y medya…pangalawang lata ng red horse na iniinom ko..at pagpost ko nito, yosi lang ako saglit sa labas tapos blog uli…

Ayan!!!Post ko na to, ung mga susunod di ko pa alam, di ko pa ginagawa eh…sa ngayon blog lang siguro hanggang maubos ang iniinom tapos tulog uli…

Sobrang busy ng linggo ko no? dami ginagawa, daming kausap, daming kakwentuhan, daming nangungumusta at daming nag aalala ( asa ka pa lolzz) …

Bakit ko ginawa to? …la lang, kinumusta ko lang sarili ko, wala nman ibang gagawa eh, buti na lang ok pa ako…

pahabol;

nakakuha ako ng pulutan sa kabilang kwarto, pipino na may sawsawang pinaghalong ketchup at mayonaise, hundred island ata tawag dun, buti na lang nagyosi ako sa labas…un lang…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ~yAnaH~ says

    at least alam mo sa sarili mo na okay ka pa diba? its a good thing..its a good sign… para kang kabute sa BCO ah… labas-pasok ka… ahihihihhi nabasa mo ba yung pang-aasar ni scoon saken? hehehe

  2. Lord CM says

    Hehehe 😀 Nababasa ko lahat…di lang ako madalas na mag post dun at naaadik ako dito sa blogosphere…

    Ignore lang lahat at enjoy…

  3. SuperGulaman says

    maganda yan kamustahin ang sarili…ahahaha…try mo din ang self talk…kaso wag kang magpapakita sa ba pag gagawin mo yun..aheks… 😀

  4. poging (ilo)CANO says

    saya naman ng linggo mo. maalak at mablog.hahha…ayus yan paekoy, buti okey pa sarili mo, eh yung atay at balon balunan mo kaya?

    paborito ko rin yan pipino na may sawsawang mayoneys at ketchup…swabe sarap…tagay pa!..lolz.

  5. jEn says

    tagay pa..hehe

    bising bisi ang sunday mo ah,,,sana ako din ganyan ako pag wala akong pasok :(. angal pa ko. hehe…

    isipin mo na lang yung purpose kung bakit ka anjan, for sure makakalimutan mo yung lungkot na nararamdaman mo.

  6. Dylan Dimaubusan says

    Ayus yung pulutan mo kaso parang pang-diet..wehe..

    Ang tawag daw jan eh “Me Time” yung kayo lang dalawa ng saarili mo.. Ayus yan parang minomonitor mo na rin sarili mo, self evaluation..

    Ikaw: Musta pare?
    Ikaw: Ayus naman dre, humihinga pa..

    Redundant ata lahat ng sinabi ko.

    LOLZ

  7. RJ says

    Halos magkapareho ang Linggo mo at ang Linggo ko, ah. May signal nga lang ang TFC rito.

    Bakit hindi ka namasyal?

    (Mas) Gusto ko rin ang Hundred (thousand?) Island dressing (kaysa sa Caesar)!

  8. Nebz says

    Maliban n lang kung active member ka ng isang cause-oriented group sa kung saang bansa ka naruon o kaya’y magaling na manlalaro ng kahit anong sports, yan na mismo ang typical na weekend ng isang OFW.

    walang ipinag-iba sa hindi mabilang na weekends ko n rin d2 sa saudi. a, pwera pala dun sa red horse. bawal kc ang alak dito.

  9. hidden says

    ..alak, yosi, kain, blog, ayus ito parekoy! Pero di naman ako nagyoyosi.. Medyo umiinom ng alak..
    ..tama si idol G oh self talk, nakakatulong yun..kaso wag ka lang pakita sa iba..
    Lolz.
    Cheers LordCM!

  10. Lord CM says

    @SuperG…
    Ginawa ko na yata yan pre, pag nasa ibabaw ng inidoro lolz

    @pogi…
    anong masaya dun? takte!!!walang kausap, walang kakwentuhan…sana maulit muli lolzz

    @jen…
    kaya nga tinulog ko na lang maghapon eh para wala nang iniisip 😀

    @dylan…
    maganda raw ang pipino sa hang over, kaso ginawa ko pulutan eh, pero ok na rin…masarap 🙂

    Di kaya magmukha akong baliw lolzz

    @pajay…
    di naman lasing pre, pampatulog lang…maghapon akong tulog eh, baka mahirapan akong matulog sa gabi…

    @rj..
    Nyahaha, parang may papasyalan dito…puro dagat ang andito no lolzz

    @nebz…
    un nga sana eh, laro na lang…kaso la rin akong hilig sa mga sports eh, golf lang…Golf, golf, gulp, gulp 😀

    @hidden..
    isama mo na rin pre ung pagtulog at minsang pagdalaw sa kubeta lolzz

  11. Lord CM says

    @chyng…
    sa umpisa maganda talaga, daming pwedeng puntahan na rock island…pero habang tumatagal, kakasawa din…6 yrs na kaya ako d2 sa november 😀

  12. BlogusVox says

    Dalawa lang ang napansin ko sa “very busy Sunday” mo. Yung “brunch” mo fried chicken at yung hapunan, hotdog at itlog.

    Pag “ordinary day” ba, ano’ng almusal mo?

  13. Lord CM says

    @BlogusVox…
    Hehehe 😀 Baliktad ano…tinamad kasi magluto ng may sabaw kaya itlog at hotdog na lang muna…almusal? depende kung ano meron sa store, kalimitan ham sandwich at coffee lang..pag sobrang busy kahit wala na 😀

    @Chyng..
    kala ko nga 2 yrs lang kakayanin ko eh, kaso habang lumalake ung mga anak ko lalong kelangan kumita para sa kanila…

  14. Amorgatory says

    kausapin mo ung electricfan mow parekoy baka ssagot hahaha..lol..oks lang yan pare ,lungkots pala no? pero para nman sa family eh kaya carry lang lolness..ingatski pare sana isang case na sa susunod..lol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *