Halo halong AKO!!!

Kelangan ko pa ba ng intro…basta galing kay vanvan ang tag na to, at kelangan ko raw i-list ung mga bagay na tungkol sa akin…at may limit pa, 25 lang daw, eh paano kung gusto ko 26? o kaya 25,000? pwede kaya?

Ge na, umpisahan n natin…

  1. Computer Science Graduate ako syempre, pagmalake ko muna
  2. Pangarap kong maging Systems Analyst nung College ako, ngayon naabot ko na at Sr. Systems Analyst pa eh parang may kulang pa rin..
  3. ‘lam nyo bang nag ECE ako sa SLU Baguio ng 2 taon bago ako ng CompSci, langya kasing NSAT yan…di raw pwedeng mag Computer Science ung nakuha kong result sa NSAT o NCEE nung dati.
  4. Kaya ayun…3 university sa Baguio ang napasukan ko..
  5. eto matindi, 68% ung grade ko sa English nung 1st year college,langya!!!nasa TOR ko p yan, pero andito ako sa bansang dating US Territories at english ang pangunahing lenggwahe…
  6. Long hair din ako dati, kaso kulot…tamang rakista ako nun eh, kaso boplaks sa gitara, kaya kinig na lang ako ng music
  7. kaya syempre mahilig din ako sa black shirt…
  8. at faded na maong
  9. madalas ako sa forum na ang mga member ay taga Baguio kahit di ako taga Baguio, dun lang ako nag tapos ng college eh…
  10. wag na wag nyo ako papaharapin sa mraming tao at nanginginig ako, kaso first job ko hulaan mo……IT Instructor sa STI, dalawang beses ako nag teaching demo dahil gusto talaga akong kunin kaso wala pa rin, kaya pina seat in ako sa isang klase ng isang linggo bago ako bigyan ng load, ayun Instructor na ako…ayun after isang taon resign ako…
  11. Programmer ako sa makati dati sa isang software company, di ko makakalimutan to kasi ako programmer at minsang support ng lahat ng SM Cinema
  12. Malapad noo ko, lahi namin yan, at kumikita ako ng dahil jan…
  13. Suplado(?) ako alam ko un , kung di mo ako papansinin, bahala ka sa buhay mo
  14. Plastik ako sa tingin ko, di nman madalas, pag kelangan lang..kala mo ok ako pero hindi pra lang maging ok tayo…gulo no?
  15. May asawa’t anak na ako, 2 chikiting na makukulit pero mabait, miss ko na tuloy sila…
  16. nagyoyosi pala ako kapag busog at pag walang magawa..saka pag na ebak…pero di ako nagyoyosi sa loob ng bahay
  17. Madalas din ako mag inom khit mag isa sa room ko, pampatulog lang nman…
  18. sa work lang ako magaling at kung minsan hindi pa, di ko na alam sa ibang bagay…
  19. pagkanta, pagsayaw at kung ano ano pa….inom na lang tayo pre? lolzz
  20. Ayokong maging IT Manager, gusto ko may mas mataas sa akin sa IT Department, wag na kayo magtanong kung bakit…basta ayoko, pero kung pipilitin…sige!!! pero wag kayo mag expect ng mas mataas sa nagagawa ko…
  21. Kung makita mong ginagawa ko ang isang bagay na di ko dating ginagawa ibig sabihin tutuo ako sayo…dahil para sayo susubukan kong gawin…
  22. Di ko alam kung anong mga meron ako, kaya ilang araw ko na ginagawa tong tag na to…
  23. Di ako mahilig magbigay ng bulaklak pero….asahan mo isang araw gagawin ko…
  24. di ako mahilig magsulat dati ng tula o kung ano anong nakalagay dito sa blog ko, pero ngayon isa na to sa umuubos ng oras ko, nabawasan na nga yosi at inom ko dahil dito, makapag sulat lang…
  25. habang ginagawa ko to, masakit ulo ko, katawan ko at medyo mainit singaw ng mata ko na para akong lalagnatin…at sana magtuloy tuloy para di na ako papasok bukas lolzz

Ayan!!!Tapos na!!! Hirap nun ah, at para nman hindi lang ako ang nahihirapan lahat ng nasa blogroll ko, gawin nyo rin to…TAG NA LANG NG TAG!!!

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. vanvan says

    Kung makita mong ginagawa ko ang isang bagay na di ko dating ginagawa ibig sabihin tutuo ako sayo…dahil para sayo susubukan kong gawin…

    ay lab et..

    hahaaha..
    ayan, much thanks ha..kung nahirapan ka, kasalanan ko yon???hindi, kasalanan mo iyon dahil napakamasunurin mong tao..

    alam mo bang me ngtag din sakin diyan sa pinauso mong sigaw…

    waaaaaaaaaa…

    lovelots

  2. kosa says

    kanino mo nman ito ita-tag? lols

    ang saya ahhh.. sige sandali itutuloy ko lang ang pagbasa.. di ko ba nabasa eh.. akala ko kase twentyfive thou ito kahaba… kaya inuna ko na ang commento..

    pagaling ang mata mo LordPareko..

  3. kosa says

    ayun… nabasa ko din lahat…

    taena Lumaki at nagdalaga ka pala sa Baguio? eh di marinong ka ng Ilolokano?

    sige sige..kitakits

  4. Lord CM says

    @vanvan…
    nyahaha…at least ung SIGAW na tag eh madali lang at mailalabas mo lahat ng gusto mong ilabas kahit di ka na mgkwento..

    @kosa…
    kung sino gusto kumuha ng tag, un na un…hirap mag link eh lolzzz

    un nga masama kosa, nakakaintindi lang ako ng konting ilokano pero di ako marunong magsalita

  5. =supergulaman= says

    …cge inuman tayo…meron kayo gatas..un na lng akin….ahahaha…

    laki na pala mga babies mu oh… mga ma-cute din… sa lahat ng mga sinabi mo..siguro sila ang pinaka da best na facts tungkol sa iyo… galing… 🙂

  6. Lord CM says

    @superG…
    yang pix ng family ko sa taas eh, 3 o 2 taon na ata nakalipas nyan, mas malalake na sila ngayon..para ko nang mga kapatid lolzz

  7. jhosel says

    aw. nailabas na din ang mga natatagong facts ni LordCM. ahehe. teka, di ka taga-Baguio? bat dun ka nag-aral? ahaha. paxenxia, nosey.

    ang hirap siguro na mawalay sa pamilya noh? hayaan mo miss ka na din nun. ahehe.

    magblog ka nalang ng magblog. para mabawasan pag-yoyosi. ahehe.

    tama na nga. god bless LordCM!?

  8. Dhianz says

    abahhh.. instructor kah palah noon kuya CM… malufet… naremember koh noon pangarap koh maging teacher… noon pa ‘un.. as in pangarap koh pa ‘un nung kinder akoh… why bah?.. wala lang.. para may masabi.. lolz… ahhh.. i think gusto koh lang atah mag-chek nang mga papers non.. lolz… hmmnnzz.. plastic.. i guess lahat naman eh… well nde naman tlgah plastic… nde moh lang tlgah minsan pinapakitah ‘ung totoong kaw specially w/ strangers or kayah mga taong parang acquaintance lang.. i guess da real u ang nakakaalam lang tlgah nyan eh ang mahal moh tlgah sa buhay like family moh… syempre for sure si God i-deny moh man na nde kah ganon… eh alam nyah nah.. hinirit koh lang.. lolz… nd hmnnnzz… smokin’ is bad for ur health kuyah… nde naman akoh nakikialam non… alam koh itz ur life.. but advice lang… but i know nde madaling huminto.. pero sana kung kakayanin moh eh as soon eh mahinto moh… nde maganda nagagawa nitoh sa katawan naten… nde moh pa nakikita ang result nitoh ngaun but you’ll see d’ effect later… advice lang po… =) so yeah.. ‘un lang po hiritz koh for now.. ingatz lagi kuya CM… happy valentines sa inyoh nang mahal moh… devaleh kuya nde naman kayo laging magkalayo… next time you’ll spend valentines day together den… Godbless! -di

  9. hidden says

    ..Astig LordCM pangarap ko rin maging System Analyst..at maging mahusay na programmer….
    …isa pang astig! Naging Instructor ka pa! Galing ah..
    ..nice, mukhang makukulet nga ang mga chikitings mo..hahaha..

  10. Amorgatory says

    getting to know each other stage ba to?hahahahha!!lolnessssssss weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!

    “Malapad noo ko, lahi namin yan, at kumikita ako ng dahil jan…”

    -ASSET TO ASSET PAREKOY HAHAHAH

  11. ~yAnaH~ says

    wawwwwwwwww namennnn at nawala ung comment ko. batet danun?

    sabi mo.. nagyoyosi ka kapag jumejebs ka.. tas sa labas ka ng bahay nagyoyosi..ibig sabihin ba un eh sa labas ka ng bahay jumejebs? naitanong lang naman..hehehe

    sa SLU ka alng ba pumasok sa baguio?

    malapad din noo ko.. hindi kaya magkamag-anak tayo? 😀

    mahilig din ako sa black shirts/blouse/pants anything na black.. naku baka magpinsan tayo cm! ahihihihi

    suplado pala… tsk tsk tsk.. hindi kaya pinapalastik mo alng ako? ahihihihihi hindi pa naman ako tupperware…

  12. Lord CM says

    @marco…
    kala kasi nila kaya ko eh, ayun ni-promote ako lolzz

    @jhosel…
    ang tutuo sa manila nga ako naghanap ng mapapasukan para sa college, tas naligaw kami ng Baguio eh tanggap agad at pwede na raw mag enrol, takte!!!SLU un, edi sunggab na 😀

    @dhianz…
    ayun ang tutuong dhianz oh…mahabang mag comments lolzz
    bakit kaya ganun no? di mo man ikaw pinangarap mo maging teacher pero di k nging teacher, ako tong ni sa hinagap eh di ko naisip un tas dun ako napasok 😀 … ang tutuo kasi kakagraduate ko lang nun tas ilang months ako bakante eh may pamilya na ako, kaya ayun kahit ano papasukin ko na…

    Wag ka mag alala dhianz, sinusubukan kong itigil ang yosi, pero tulad ng sabi mo hindi madali…pero sana matigil ko…salamat sa lahat ng payo 🙂

    @hidden…
    Salamat sa pamilya ko, kundi dahil sa kanila hindi ako magpupursigeng kumita para sa kinabukasan nila…kaya mo rin yan pre, hintay ka lang…

    @amor…
    tingnan mo mareng amor ung pix ng bunso ko sa taas, kuhang kuha noo ko lolzz

    @pogi…
    Ilokano ka pre dba? baguio ka ba? sarap pulutan nung aso dun pampainit ng ktawan 😀

    @yanah…
    di ko pala nasabi nasa barracks kami at hindi sya actually bahay na may sala, kusina at banyo sa loob…sa amin pagpasok mo ng main door, isang mahabang hall way un at puro rooms tapos meron isang pinto at ung ang banyo ng lahat kaya pag na ebak ako parang nasa labas ako ng bahay 😀 … pag sa pinas naman yosi lang ako pag busog eh…
    Galing din akong UB at BCF/UC 😀

    @chyng…
    aksidente lang naging ECE ang course ko sa SLU, 2 years nga lang lipat na ako ng CompSci eh, kasi ba naman di ko nman linya ang engineering…puro pasang awa grade ko dun lolzz

  13. Amorgatory says

    parekoy ang bunsow mow mgkkaroon din nang blog someday sila na ang papalit sa ating henerasyones hahahah, uwo nga eh as in zoom in ko pa ha para makita kow ang nou ni bunsoy mow, hahahha..happy vday parekoy to you and ur pamili

  14. Lord CM says

    @pogi…
    yeah!!!kilawin, sarap…kahit caldereta 😀

    @amor…
    ni-zoom mo pa ah..kita nman kahit hindi zoom in eh lolzzz

    happy vday din sayo at sa iyong pamilya at sa lahat ng blogero 😀

  15. RJ says

    Nakita ko itong grade mo sa English. Alam mo ako INC ako sa Poultry Production and Health Management, Swine Medicine, Poultry Medicine (iisang instructor ang may hawak ng mga subjects na ‘yon, pinag-initan ako, di ako favorite) pero tingnan mo kung nasaan ako ngayon. Nasa manukan; at ang dati kong work sa Monterey, sa swine din. Whew!

    Hindi naninigarilyo sa loob ng bahay?! Teka, medyo malabo, Lord CM… Nasa labas ba ng bahay ang mga toilets ng Palau? Or ibig mong sabihin ang ‘loob ng CR’ ay hindi ‘loob ng bahay’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *