Ang OFW ay TAO rin

Galing po ito sa pahina ni BlogusVox, naisip ko lang hiramin sa kanya para mas marami pang makabasa…hindi man tutuo ang kwentong ito sa lahat ng OFW pero sigurado ako mas maraming magpapatotoo nito o mas marami ang nakakaranas ng kwentong mababasa nyo…

Foreword: Another email was forwarded to me by my friends. They asked that I post this to remind everybody the experiences and sacrifices OFWs encounters for the sake of their families back home.

Hindi mayaman ang OFW – We have this notion na ?pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K-P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they’re rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW ? Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ?pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya ‘pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay na, tawag lang, “hello! kumusta na kayo?”.

Hindi bato ang OFW – Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW – Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya ? ang anak adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, ?NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!”

Bayani ang OFW ? Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW ? Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko ? Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte ?pag may sundo( madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW ? Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except ?pag kupal at utak-talangka), iba pa rin ?pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng “mahal kita!”, “day, ginahigugma tika.” ?Mingaw na ko nimo ba, kalagot!”, ” Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba”. Iba pa rin talaga.Sige lang, tiis lang, saan ba?t darating din ang pag-asa

Frederick Arceo

Frederick Arceo?s words reflect the true sentiments of most of our OFW ?kababayan?. It is sad to think that some relatives and friends back home equate ?working abroad? to big salary, better lifestyle and material possessions. Some relatives totally relies on OFWs even if they are already of ?working age? or have families of their own. ?Walang problema, nasa abroad ang (itay, inay, kuya, ate, anak)? is a typical phrase. As if the cornucopia will never run dry.

Salamat BlogusVox

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. PaJAY says

    AT DAHIL itoy usapang OFW..

    dapat ang mauna ay isa ring OFW…nyahahaha

    MAGBABASA muna kung totoo ng aba ang sinasabi ng artikulong ‘to sa ating mga OFW…

  2. Amorgatory says

    lolness nakarelate akow kaht di akow OFW perow malapit nyow nakow malalebel up sana this year na,hahaha,,,SALUDOW AKOW SA NYOWNG MGA OFW!!KITA KITS!..ps. pangarap kowng maging dh lol..

  3. Lord CM says

    @vanvan…
    salamat sa pagdaan, malamang mabuhay ang OFW kasi pag bayani diba patay na? lolzzz joke lang…balik ka

    @bam…
    saludo ako sa iba at kinakaya pa nila pra lang sa pamilya…

  4. Lord CM says

    hehehe 😀 taenang pinas yan, bahala sila lolzz joke lang po…

    jan pa rin ako lumake at nagkaisip, babalik ako jan kahit ano mangyari, di man masaya sa pag uwi ko pero babalik ako jan..

  5. bomzz says

    LordCM ayus! pare nahiram mo.. nag paalam na rin ako sa kanya i post ko rin to..pag sumagot na!

    kagaya ng sinabi Totoo kasi to! ako naranasan ko din yan.. lalo nong nasa dubai pa ako…

    Kubos itlog at noodles utang pa kay mamang Indiano sa kanto.

  6. abe mulong caracas says

    matagal ko nang gustong maging OFW, dahil kailangan!

    hindi nga lang swertehin! iyun pa rin kasi ang tingin ko sa kanila…swerte!

  7. =supergulaman= says

    mahirap ang OFW…pero hindi ako OFW… kung anu hirap namin dito sa sariling bansa mas doble ang hirap na dinaranas nyo dyan…

    malungkot ang maiwan sa Pilipinas, ngunit mas malungkot ang pasanin ng taong mangingibang bansa.. 🙂

  8. Mayyang says

    naku! swak na swak ah… OFW ang mama ko. Kung hindi sa paghihirap niya, hindi sana ako nakapagtapos…

    hmmm..hindi man kami close dahil din cguro sa magkalayo na kmi simula nung bata pa ako…pero am proud to my mama! i love her sooo much….

  9. paperdoll says

    nalulungkot aco para sa mga OFW. . mas dapat silang intindihhin higit kanino pa man. . totoo lahat ng nakasulat dito. . akala kasi minsan ng mga pamilya ng OFW eh pinupulot lang ang pera sa ibang bansa kaya kung anoano hinihingi. .

    taas noo para sa mga OFW kagaya mo Lord;)

  10. Lord CM says

    @pogi…
    tutuo ka jan pogi…walang kwenta ang pagod, mwawala din un pagtulog..

    @bomzzz..
    post mo rin brod…gusto ko sariling karanasan pero wag na…panglahatan na lang..

    @marco…
    salamat parekoy

    @supergulaman…
    ok lang nman kahit malungkot basta anjan pa rin sila para sayo na pasayahin ka…

    @mayyang…
    nasa abroad pa rin ba mama mo? pauwiin mo na para sya naman alagaan nyo 🙂

    @MP…
    Ikaw ba yan MP?Seryoso ka ah… 😀
    hayaan mo MP lagi nakataas noo ko, lapad eh lolzzz

  11. Lord CM says

    @mulong…
    kung wala kang iiwan na pamilya, ok lang yan na maghanap ng swerte…pero kung ok nman kita mo jan eh mag isip isip ka…mahirap walang pangtagay lolzz

  12. hidden says

    …naku! lufhet talaga mga OFW, tama si idol G! kung dito nga sa sariling bayan hirap, sa ibang bansa pa kaya?..

    …clap clap! to all OFW’S…
    …bagong bayani ika nga…

  13. Dylan Dimaubusan says

    MAs matindi ang hirap na pinagdadaanan ng mga OFW kasi nga mahirap nang magtrabaho tas malayo pa sa pamilya.

    Hindi ako OFW pero sa tingin ko magiging isa ako sa mga ito. Sabi mo nga, mahirap pero kailangan.

    Mahirap, pero kakayanin.
    Mabuhay ang mga totoong bayani!

  14. Lord CM says

    @hidden…
    ang tutuo, ok lang nman jan sa pinas basta matyaga ka lang…kaso iba pa rin talaga ung nasa abroad, kahit papano hindi na magugutom pamilya mo..

    @dylan…
    oist…sigurado ka?Career o family? lolzz , di mo kelangan mamili kung para sa kanila ang gagawin mo…

    @amor…
    lip shinner lolzzz wrong spelling wrong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *