Ang naiwang tsinelas

Salamat kay z.pavilo sa pagpektyur ng tsinelas na ito… nung una ko makita ang tsinelas na ito iba na naramdaman ko, biglang tumayo ang aking…

…balahibo, kaw ba naman makakita ng tsinelas na nag iisa di ka tayuan ng balahibo…Una kong naisip ung istorya ni Snow White…nung minsan naiwan nya ang kanyang sapatos dahil sa kakamadaling maabutan ng hating gabi, baka nga naman kasi ma-rape sya sa daan .. nyahahaha!!! basa kayo ng basa eh di nman si Snow White ang nakaiwan ng sapatos no!!! Si Cinderella!!! …

Saan na ako?, ayun!!!, ang inaasahan kong nakaiwan ng tsinelas sa pahina ko eh katulad ni Cinderella…hanggang sa mabasa ko sa cbox ko na nag ba-blog walking si Marco, langya kala ko pa nman kay Cinderella na…Ayan!!! kaka blogwalking pati tsinelas iniwan sa blog ko…Ngayon ako pa magbabalik sa blog nya, pwede pektyur na lang balik ko sayo Marco? lolzzzz…

Tama na intro, sikat na si Marco lolzzz…bakit nga ba kasi kelangan mag blog walking, blog hopping, pasyal-pasyal, makiraan, basa-basa, etc… ng blog ng may blog….eh may sarili ka nmang blog?!!!Ewan ko kung ano isasagot nyo, pero malamang dapat sagutin nyo kapag nabasa nyo ang huling talata(lalim nun ah,talata?!!!) nang aking entry para sa Naiwang Tsinelas ni Marco…

Para sa akin?, la lang…sarap lang magbasa ng mga kalokohan ng iba, nakaka alis ng pagod, minsan ngingiti ka na lang mag isa na parang baliw, minsan naman daig mo pa ung nakaupo sa inidoro na galit na galit na parang napakalaki ng babagsak mula sa iyong puwet…minsan naluluha ka pa kakabasa ng entry ng iba kahit di mo naman kilala ung author ng blog entry na binabasa mo…sa madaling salita, halos lahat na yata ng klase ng emosyon eh mailalabas mo ng dahil lang sa pagbabasa ng entry ng iba…eto ang mas masaya dahil nagkakaruon ka ng idea base sa mga nabasa mo para sa susunod mong entry…tuloy naging gaya gaya ka pa, wala kang originality, manggagaya ka!!!, pero masaya diba? aminin nyo na kasi paulit ulit nyo pa rin ginagawang mamasyal at magbasa ng blog ng may blog….

Tama na kwento, wala na kwenta…Kelangan ko na ibalik ung tsinelas ni Marco, alangan naman ganun ganun na lang?!!! … HINDI ah!!!, iniwan mo dito tsinelas mo at ibabalik ko pa sayo, kelangan maghanap ka ng isang pektyur ng tsinelas at gawan ng kwento…Kelangan mong ibalik ang tsinelas na naiwan sa blog mo ng kung sino mang gusto mong blogerong gawan ng kwento..Ung blogerong ginawan mo ng kwento dahil sa pag iwan nya ng tsinelas sa iyong pahina ang susunod na gagawa ng kwento tungkol sa naiwang tsinelas….

Ano?!!! Game?!!!!Sundan mo na Marco, gawa na ng kwento tungkol sa tsinelas at ipasa sa kung sino man ang nakaiwan nito sa pahina mo…

Nga pala, may ilang blogero pang nakaiwan ng tsinelas sa blog ko…ibalik ko lang ha para makagawa na rin kayo ng kwento, hehehe walang KJ ha, simple lang naman gumawa ng kwento eh, eto balik ko na sa inyo;

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. kosa says

    anak ka ng chicken.. andali..
    kayang kaya to… gagawa lang pala ng isang walang kentang post eh…lols

    peace!!!

    pasyal pasyal… dalaw-dalaw.. nakidaan, tumambay.. nakibasa atbp..
    simple lang yan.. tama ka infairness..lols naglilibot libot ka kse mangongopya ka. taena.. pero kung mangongopya ka, dpat dn ka sa blog nila badoodles magngopya at ng masagasaan ka.. hehe
    joke.

    ksama ba si marcopareko sa na-tag?
    taena.. bat tatlo lang? magsali ka pa ng iba.. damihan mo..

    sige papatulan ko to isa sa mga arw na to.. tenchu

  2. abe mulong caracas says

    nakow na virgin pa ko sa mga tag-tagan na ganyan…

    pero kung kwento lang batsa walang bayad eh kayang gawan ng paraan

    yan lang naman ang puhunan ko, kwento kasi walang pampatak

    pero sa isang linggo na ha,bubwelo!

  3. Lord CM says

    Hehehe 😀 Sige lang mga brod, take your time…basta ang mahalaga magawa…

    Syempre kasama si Marco, sa kanya kaya galing ung tsinelas na yan lolzzz

  4. MarcoPaolo says

    hahaha…langya!!! ginawan nga ng kwento…patay! napasubo na ako!!! sige…sige.. gagawa din ako…. abangan!!!

  5. ~yAnaH~ says

    buti na lang…. chineck ko lelas ko.. ahihihihi kumpleto naman dw sila and in good working condition kay walang kailangang magbalik at ibalik ng kahit anong naiwan ahihihihi

  6. Lord CM says

    Hehehe 😀 Josha, hintay ka lang, ikaw rin Yanah…bigla na lang ibbalik ang mga tsinelas nyo kakablog walking nyo lolzzz

  7. Dhianz says

    kuyaness CM… laterz koh na papatulan yang tag moh ha… bz daw akoh.. wehehe…. parang masaya yan… isa akong magaling sa la kwentz post… lolz.. hmmnnzzz… pero isipin koh muna pano koh tatapusin HW koh ngaun… wehe… sendali… puro mga parekoy ang kasama koh sa kwentong tsinelas ahh… akoh lang ang princess.. wehe… why not chocnut… next time kc marconess i check moh kung bitbit moh tsinelas moh… lakad kah kc nang lakad kung saan saan eh.. lolz… neweiz… sige… kuyaness… walah pah akong balak humirit sa lagay kong toh ahh… btw nabasa koh na yang post moh… pero ang reply koh mejo walang kinalaman atah sa post… actually meron devah.. ‘un na ‘un… wehe… ingatz kuya! GODBLESS! -di

  8. Lord CM says

    Hehehe 😀 Ms. Dhianz, tindi talaga kahit comment lang…busy pa yan 😀 .. maghihintay ako sa kwento mo…

    Donna, pengeng pambili…anong gusto mo? Dragon? Spartan? lolzzz

  9. -sphinxs- says

    uy! sali ako! hahaha (Epal) kelan ko makikita iyong tsinelas sa page ko? hahaha sali! sali! tama ka, good points raised. Sa blog post mo makikilala ang mga taong nagpapakilala sa blog nila. Kahit nakikibasa ka lang eh para bang ikaw ang kinakausap niya. Bawat blog may kanya-kanyang timpla na masarap paghaluin.

    ano ibig sabihin ng CM? hehehe

    CUTE MARLON? (ako iyon ah)

    o xa, makikiano rin ako.

  10. Dylan Dimaubusan says

    Nice. Nag-enjoy ako sa post na ‘toh kahit paliku-liko ng kwento.

    Sayo pala galing yung tag na pinasa sakin ni Dhianz. Interesting nga.

    Add na kita sa links ko ha.. wala ka namang magagawa eh, nyahaha!

    cheers!

  11. RJ says

    Huhmn… May nakarating ring tsinelas sa akin, pero hindi ako nakagawa ng kwento. Dami ko kasing trabaho that time.

    Ang larawan nalang ng tatlong magkaka-pares na tsinelas ang ipinaskil ko. Natitiyak ko namang larawang ‘yon ay may kasa-kasamang milyun-milyong mga salita.

    [Maganda ang kuha ng tsinelas rito. Ang ganda ng kulay. o”,)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *