PUSO

Ala-una y medya ng madaling araw
mulat ang mata
gising na gising ang diwa
ngunit wala
sa matinong pag iisip…

eto ang mga panahong hindi mo alam
kung ano ang nararamdaman
kung ano ang nangyayari
at kung ano pa ang pwedeng mangyari…
eto rin ung panahong
naiisip mo na nag iisa ka lang
walang kausap
walang kasama
at walang patutunguhan…
eto rin ung panahong
ayaw mo mag isip
pero kung ano ano pa rin
ang pumapasok sa iyong isip…

eto rin ung panahong
mas nangingibabaw ang isip
kaysa sa kahit anong bagay
Isip ka na lang ng isip
kahit wala sa matinong pag iisip…
Buti na lang
tumibok ang PUSO ko…
naramdaman kong
nagmamahal pa ako…
Nyahahaha, tamang HOMESICK na naman…tagal ko na nagawa yan, naalala ko lang i-post…
ADVERTISEMENTS

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *