Mahal ka nga ba nya?

Hirap umasa
sa di mo alam
kung ano ka ba sa kanya
Di mo alam
kung saan ka dapat lumugar
Hirap magdesisyon
kasi minsan
kala mo
mahal ka nya
pero ang tutuo
pinasasaya ka lang nya
dahil alam nyang
Mahal mo sya…..

Isang thread sa BaguioCityOnline na inabot ng 25 pages na may 25 entry kada pahina, kung babasahin mo kelangan mabasa mo hanggang matapos ang thread kasi di mo maiintindihan ang gustong iparating ng isang forumer kung di mo tatapusin ang pagbasa.

Ang tanong eh…mahal ka nga ba nya?, pero bakit iisipin mo pa kung mahal ka nya kung talagang mahal mo sya?…Hehehe 😀 magulo ba?…basahin nyo na lang uli…Di nman maaalis ang katanungang Mahal ka nga ba nya sa isang relasyon kahit sabihin mong mahal mo syang talaga diba? sa isip o sa puso mo kahit isang beses itatanong mo pa rin kung mahal ka ba ng mahal mo…Di mo man maitanong sa mahal mo pero sa isip mo may katanungang gustong lumabas at magtanong kung mahal ka nga ba nya…

Kala nyo ba masasagot ko yan? Hindi no!!! Di naman ako ekspert pagdating sa pagmamahal…pero syempre kahit konti may masasabi naman ako…

Since lalake ako, ung para lang sa amin ang maibabahagi ko…at kung ano man ung masabi ko hindi ibig sabihin un na ang batayan kung mahal ka nga ba nya…opinyon ko lang to at base sa mga hinaing ng mga kalalakehan..

Pasingit muna, kasi nanunuod ako ng tv habang ginagawa ko to, at ang palabas eh game ka na ba, nag CR ako tapos pagbalik ko kinakanta ni Jericho Rosales ung Beautiful in my Eyes 🙂 … un lang…. para sa aking mahal…

Tuloy natin…para sa akin, ilan sa mga simpleng bagay na kung taos sa puso kung ibigay eh kuntento na kami o ako para isipin andito pa ako

  1. Lahat ng plano nyo o gagawin nyo, hindi man sa bawat minuto pero hanggat may bago kang gagawin eh ipapaalam nyo sa
    amin..
    – Sabihin man ng mga girls na hindi lahat dapat nalalaman namin, pero sa lalake napakalakeng dahilan yun para isipin namin na may importansya pa kami sa inyo o mahal nyo kami…di ko alam kung baket, pero napakasarap ng pakiramdam kung lahat ng bagay na gagawin nyo eh ipapaalam nyo sa amin, di naman sa humihingi kayo ng permiso,pero ung ipaalam nyo sa amin na nagawa nyo ang isang bagay o gagawin nyo ang bagay na gusto nyo eh sapat na para malaman naming andito pa kami o mahal nyo pa kami…Kung mahal kita di ko kelangan magdesisyon kung papayagan kita, dahil bawat desisyon mo eh desisyon ko na rin…at masaya ako dahil ipinaalam mo sa akin.
  2. Good Am, Good PM o gandang araw sayo…- isang text sa loob ng isang araw na hindi napipilitan ok na sa amin.Alam nyo ba na ang lake ng epekto sa amin kung kayo ang mauunang magtext? Hindi naman sagabal ang magtext kahit busy kayo kung talagang mahal nyo ung partner nyo dba?… Oo, nagtatatalon kami pag naunang magtext ang girl sa amin…di man halata pero isa ito sa dahilan kung bakit naniniwala kaming mahal nyo pa kami.
  3. Simpleng hiling namin na walang pang isang oras eh nandyan na at may lambing pa kung maibibigay nyo sa amin – nyahahaha, iba na nman nasa isip nyo…hindi sex no…Alam nyo un? Simpleng hiling, Text mo naman ako bago ka matulog…diba? simpleng simple…pero kahit sa mga girls matindi ang ibig sabihin kung itext ka ng mahal mo bago sya matulog…
  4. Balewala ung tatlong nauna kung ang gagawin ng partner mo eh mahalin kung sino man ung mahal mo, magulo pa rin ba? – 😀 , un bang mahalin o pahalagan nyo lahat ng mahalaga sa amin, kahit hindi nyo na kami isipin basta ang mahalaga minamahal nyo o pinapahalagahan lahat ng naibigay namin sa inyo, gaya na lang ng mga anak, mapalake lang ng maayos ang mga bata dahil sa pagmamahal nyo sa kanila eh ok na sa amin un…kasi gawa namin un at pinahahalagahan nyo…
  5. Five? Hehehe 😀 sa ngayon wala pa ako maisip, dagdagan nyo na lang…at ung violent reaction idagdag nyo na rin…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ~~m$. DoNNA~~ says

    beautiful in my eyes.. may kumanta na rin nyan para sakin eh.. yong ex ng bestfriend ko.. haizzzzz… (may ganon?)

    quote: “napakasarap ng pakiramdam kung lahat ng bagay na gagawin nyo eh ipapaalam nyo sa amin”– haiiizz… boys, sana ganon din kayo sa girls…

    ang masasabi ko lang dyan, dapat hindi laging one sided ang mga K-hilingan ng mga boyz. give and take lage..

    example:
    1. kung gusto mong i-text ka ng gudam sa umaga, gudpm sa tanghali at gudeve sa gabi? aba, dapat loadan mo si girl para may pang text sya sayo

    2. Kung gusto mong malaman ang itineraries ni girl everyday and from time to time, padalhan mo ng bodyguard and secretary to inform you, kasi naman nakakaistorbo sa daily task kung si girl pa ang mag iinform

    ahihihhihi!! wala lang.. walang ibang masabi.. tuyo na utak..

    gandang umaga poh!!!

  2. LordCM says

    @Marco..Salamat sa pagdaan, naka relate ah 😀 .. mga simpleng bagay pero napakahalaga..

    @Donna…Sabi ko na pag girl ang nag comment sigurado disagree 😀

    Alam ko naman na hindi dapat one sided kaya nga kahilingan nmin mga kalalakehan ang nilagay ko, syempre alam ko ring meron kayong sariling batayan tungkol sa pagmamahal…

    Pero tama ka, bigyan mo ng load partner mo para i-text maghapon magdamag, nyahahaha, exlusive lang para pang text sayo ung binigay mong load, kung nagbigay ka ng 30 na load dpat 30 txt ang mareceived mo 😀

    Ung sa pangalawa, magandang idea yan ah, secretary 😀 … pero di un ang ibig ko sabihin, ung bang kahit hindi minu minuto basta may bago lang plano o gagawin o kelangan magdesisyon, isama nyo nman kami

  3. paperdoll says

    aba! pagmamahalan. . .hmm. .

    natawa naman aco sa 4. . kayo lang ba may gawa? eh sino naglabas?! waaaaaaaahhaha!

    ngayon alam co na bakit iniwan nila aco. . kasi wala acong ginawa kahit alin jan. . haha. . kasalanan co bang hindi aco mahilig magtext at sex? hahaha
    saka wala sa bokabolaryo co ang paalam o pag hingi ng permiso. hehe

    pero ayus to. . nagagamit co to sa susunod na maloloko co. . haha. . apir!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *