ADVERTISEMENTS

Buhay Abroad?…Gaya ng karamihang nangarap ng magandang buhay, Gaya ng iba na magtitiis para lang sa kanilang pinakamamahal, Gaya ng iba na handang isakripisyo ang pamilya para lang magkaruon ng maayos na buhay ang lahat ng minamahal…Andito ako ngayon sa ibang bansa…
Kahit sa panaginip hindi ko inisip na mapunta sa kung saang bansa bukod sa Pinas, dahil alam ko kuntento na ako na kasama ang pamilya kahit maliit ang sweldo…Alam ko makakaraos kami sa konting kinikita ko, lalo’t magtutulungan kami…Alam nyo ba, sarap ng pakiramdam na uuwi ka galing sa isang araw na trabaho tapos sasalubong sayo mga anak mong makukulit, kahit na anong pagod nawawala basta’t nakita mo na sila…Tapos kakain ka pa ng luto ni kumander, kahit mukhang laging galit ( ganun talaga sya…Hyper :-D , pero mahal ko un, mahal na mahal ) …Sarap ng pakiramdam na kasama sila, kahit anong problema mawawala ng kahit ilang minuto basta nakikita sila..

Ewan!!! Hindi ko yata naisip un mga yun nung mag email sa akin barkada ko na nakikisuyong kontakin ko ang isang barkada para mag email sa kanya…Langya!!!Nagtanong pa ako kung may bakante dito!!!…Sa tutuo lang ang iniisip ko nun pamilya pa rin eh, kung makapagtrabaho ako sa ibang bansa maihahanda ko at masusunod ko lahat ng gugustuhin ng pamilya ko.Mas lalake ang sweldo ko at maibibigay ko lahat para sa kanila…
Hehehe :D Ganito pala pag nagsusulat ka, hindi mo mailalabas lahat sa isang minuto, o isang oras, o isang araw…pangalawang gabi na to at yan pa lang ang naisusulat ko, kundi ko pa napanuod ang MAALAALA MO KAYA na tungkol sa OFW eh di ko pa maitutuloy tong kwento ko…

Tuloy natin…Last week pa ung episode ng maalaala mo kaya tungkol sa OFW, ngayon ko lang uli maitutuloy to, paano habang nag iisip ng kung anong pwedeng ilagay eh bigla ka na lang matitigilan, tapos ayan na…tumutulo na, hindi uhog ha, Luha…kapag nagsimula na yan wala ka na maiisip na maisulat…Homesick na naman :-(

Sa loob ng limang taon na pagpapaalila sa mga dayuhang wala naman alam, Oo, meron man silang alam pero ikaw pa rin ang aasahan…Marami na rin ang lumipas na pangyayari, meron masaya meron malungkot…pero syempre ung mga masasaya o magandang nangyari lang ang dapat alalahanin..Nagpapasalamat pa rin ako at napunta ako dito dahil sa ngayon maayos ang pamilya ko sa pinas…sana nga magtuloy tuloy pa…
Kaso, ganun yata talaga, hindi mo maaalis na hindi isipin ung mga nakakalungkot na nararanasan mo.Isa sa pinakamalaking kalaban ng mga tulad ko eh syempre HOMESICK…marami sanang paraan para di ka ma homesick pero di talaga maiiwasan mag isip lalo pag ganitong gabi na yakap mo ang unan mo tapos nanunuod ng tv at kahit gusto matulog di ka makatulog kakaisip kahit wala nang isip…Ang hirap naman kasi talaga, kala ko dati makakaya ko hanap ka lang ng mapaglilibangan ok na…pero wala pa rin. Buti na nga lang at may mga paraan para makausap ng pamilya sa pinas dahil sa tutuo lang sila na lang ang dahilan kung bakit tumatagal ako dito…dahil lahat ng ito para sa kanila…

Di naman sa pinagsisihan ko na andito ako, dahil marami talagang magandang nangyari sa akin at sa pamilya ko simula nung pumunta ako dito…Pero kung may pagkakataon, o pagkakakitaan sa Pinas na mag aangat sa akin at sa pamilya ko financially, uuwi ako…di na ako lalabas ng Pinas kung di ko rin lang makakasama ang pamilya ko..Gusto ko pa rin makitang lumalaki mga anak ko.
Tama na nga…basang basa na laptop ko :-D

ADVERTISEMENTS