Problema

Lahat naman ng tao may problema,alam ko darating din na may malaking problemang akong dapat solusyunan, alam ko rin na kahit sino nalalagpasan ang bawat problema…syempre depende kung paanong diskarteng gagawin mo para lang masolusyunan ang bawat problemang dumating sa yo…un nga lang, kung meron kang GAGAWIN para masolusyunan ung problema mo…di naman ibig sabihin na kung ang lahat ng problema eh nalalagpasan, malalagpasan mo na ung bawat problemang dumating sayo kahit wala kang gawin….Sana nga ganun na lang, kahit wala kang gawin eh lalagpas lang lahat, lahat lahat… pero hindi eh, kelangan talaga may gawin ka para lang malagpasan mo to…

Ako?!!!ugali ko na ung ipakita sa iba na ok lang ako kahit na may problema, minsan maipakita lang na ok ako eh magrerelax relax pa ako n parang wala akong ginagawa para masolusyunan ung problemang dumating…ewan ko, para kasing mali na magalit ako o ipakita sa ibang may problema ako…un bang pati ung nakapaligid sa akin eh apektado kung meron akong iniisip, parang mali na idamay ko pa sila dahil lang may problema ako…kaya nga minsan iniisip ng iba na parang wala akong ginagawa para lang masolusyunan kung ano man ung dapat solusyunan…
Pero alam mo ba? Sa lahat ng problemang dumadating sa akin, isa lang ang kinakatakot kong hindi malagpasan…cguro karamihan sa atin, lalo ung nagmamahal, kadamay ko sa mga nagpupursigeng masolusyunan kung sakaling dumating man ung Problemang pam-PAMILYA…Sabihin na nilang hindi nila makitang mahal ko sila pero gagawin ko lahat para sa pamilya ko,ung nararamdaman ko hindi man maramdaman ng iba pero alam ko…sa sarili ko…ginagawa ko ang lahat PARA LANG SA KANILA, magkasakit man ako o kahit ano pa pagdaanan ko para lang masolusyunan ung problemang pampamilya eh gagawin ko, sa ngayon, kahit IKAMATAY ko maging maayos lang sila…
Ang drama dba? pero alam ko tutuo…hindi ko naman kayang baguhin ung pagpaparamdam ko kung paano ko sila mahalin pero sana maramdaman nila,dahil sa tutuo lang, un na ung alam kong pinaka da best kong maipapakita sa kanila…sana nga lang makita ng ibang may effort ako para lang sa pamilya…di ko man magawa kung ano gusto nila pero alam ko sa sarili ko gagawin ko lahat para lang sa kanila…lahat lahat…
ADVERTISEMENTS

Comments

  1. yanah says

    may iba-iba tayong ways ng pagpapakita ng pagmamahal natin sa pamilya natin. sana lang narerecognize nila ung mga efforts na ginagawa natin for them.

    its not always necessary to let everyone know how you feel, if youre hurting, if youre in pain or if youre burden is really happy. letting everyone know wont change anything… it wont help para masolusyunan ang problema. all we can do is to be brave in facing whatever challenges that may come our way and strive hard to surpass everything like what youre doin…

    OMG im makin sense! am not used to this! hahaha

  2. Lord CM says

    @yanah…

    Hehehe 😀 para tuloy hindi ikaw ang nagcomment…dapat ung walang sense ang comment mo eh lolz

    @donah…

    Salamat ng marami…pero di mo na kelangan manginig…harmless ako 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *