Pangalawang babae sa buhay ni LordCM

Hehehe 😀 … Iba na naman nasa isip nyo?!!! …Kung meron mang magiging pangalawang babae sa buhay ko eh syempre ung panganay ko na un…Pix?….eto na

Yan si Charrie Joan, naglalaway pa 😀 , syempre di mawawala name ko, tinanggalan ko lang ng L ung name ko, mahirap na…babae pa naman 😀 …. at ung second name nya eh name ng wife ko…3rd year college kami nung kasalukuyang pinagbubuntis ng wife ko si Charrie….tama po, nag aaral pa lang kami eh buntis na wife, kaya pumapasok sya ng school na bundat 😀 … matindi pa nito, sumali wife ko sa Computer Quiz Bee, 8 months na ata sya buntis…ayun!!! Dalawang utak ang nagsama kaso nasa loob ng tyan nya ung isa kaya nag champion pa wife ko sa Quiz Bee 🙂 …

Lumipas ang ilang linggong paghihintay…lumabas din si Charrie Joan, at ito ang panahong pinakamahirap pero masarap, nyahahaha….wag mag isip ng iba…syempre sarap ng pakiramdam ng may anak kahit maraming problema…well, ano pa aasahan mo sa estudyanteng may anak?… Syempre makikita mo kami sa loob ng University na may karga kargang baby, at pinagpapasa pasahan ng mga magkakaklase 😀 … Buti na lang anjan sila at ang lahat ng tumulong, kung hindi baka hindi na kami naka graduate…

Ngayon?!!! Ano pa in-expect mo? Pinagbuntis ng wife ko si Charrie habang nasa school kami, nag champion sa Computer quiz Bee wife ko nung malapit na sya ipanganak…tapos ganda pa ng wife ko 🙂 … hindi bola yan ha, alam nya nman un eh….buti na nga lang crush nya ako nun, nyahahaha, KAPALLLL … tuloy natin, syempre ano pang magiging resulta after ng mga nakaraan habang pinagbubuntis ang panganay ko…

Awards?!!! Talent?!!! Hehehe 😀 magbilang ka…ang ilan sa mga un eh, 2nd Place Bb. Chikiting, 1st Place Girls Scout of the Phillippines, 2nd Place sa Dance Contest, etc…from grade 1 hanggang ngayon, kasali sa Math Quiz Bee sa lahat ng school ng Olongapo, Science Quiz Bee, Journalism at ngayon kasama na rin sya sa Computer Quiz Bee…Syempre kanino pa ba magmamana yan?…ahem…nyahahaha….angat na naman ng sarili, syempre may konti sa akin, at karamihan eh sa wife ko na…

Tama na nga, haba na eh, baka magselos na ung bunso 😀 …

ADVERTISEMENTS

Comments

  1. ~~m$. DoNNA~~ says

    wow! ang cute cute naman..
    ako rin may baby girl, cute din like mommy… :LOLs

    anyway, thanks for the visit and comment

    isasama kita sa award ko pag na update ko na.. hehehehee

    ingat lagi….

  2. Lord CM says

    Hehehe 😀 Salamat Donna, cute din naman ang tatay ah 😀 … post mo rin pix ng baby mo sa blog mo, para naman makita ng karamihan 🙂

  3. JoShMaRie says

    uy! gandang bata. maganda rin for sure ang nanay niyan. hehe.

    thank you for leaving a comment in my blog! 🙂 i appreciate it. tc!

  4. Chyng says

    Heartfelt.

    Sobrang fulfilling magkaron ng baby?

    Ano feeling nung first time? O mas excited ka nung dumating yung 2nd?

    Wow, sa Palau ka?! Kaingget!

  5. Lord CM says

    @Donna

    Pangatlong anak o, pangatlong babae sa buhay ni LordCM? Hehehe, tama na siguro yan, bka hindi na kayanin pag nadagdagan pa sila 😀

    @Chyng

    Feeling?, Syempre kabado na may halong saya..kasi naman, nag aaral pa kami nung pinagbubuntis ng mahal ko ung panganay namin, ano papakain ko sa kanila? 😀 … buti na lang nakaraos…At nung dumating ung bunso, syempre excited, Babae? Lalake? Babae? Lalake? 😀 … buti na lang lalake ung bunso, kundi kelangan gumawa uli, nyahahaha…

  6. PinkNote says

    One Proud Daddy ang hubby! =)

    Ako nga di ako makapaniwala na nakakausap ko na si baby ko ngayon.parang kelan lang naiyak lang sya.ngayon di pa sya nagsasalita pero naiintindihan na nya ako..ang bilis lumaki ng mga anak noh? ramdam ko tuloy yung pakiramdam ng magulang ko nung kinasal ako..hehe pasaway ako..;)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *